Devyn
"Demon? eh bakit nandito ka kung demon ka pala" tanong ko dito.
Tinitigan ako nito ng masama
"Naku sir pasensya napo. Siya nga po pala ang bagong maid si, Devyn po" sabi ni aling Tessa.
"Follow me" sabi nito at umalis na.
'Follow me daw sino ba ang sinasabihan niya?'
"Kumilos kana Devyn, sumunod kana kay sir Voughn." nagulat ako ng hinila ako ni aling Tessa.
"Huh bakit po ako?" takang tanong ko kay aling Tessa.
"Huwag ng maraming tanong, sumunod kana" sabi nito.
Sumunod na nga ako nakatingin lang ako sa likuran nito 'bakit pati ang likuran nito maganda parin tignan unfair naman'
Napaka bilis nitong maglakad kaya halos tumakbo na ako masundan lang ito.
Pumasok ito sa isang kwarto papasok nadin sana ako ngunit bigla na lang ako nito sinarhan ng pinto.
'Ehh? bakit ako sinarhan'
TokTokTok!!!
Kumatok na lamang ako ngunit hindi parin ako pinagbubuksan kaya ako na lang ang nagkusa.
Nang makapasok ako namamangha kong nilibot ang kwarto nito. napakalinis at ang gaganda ng mga gamit nito.
"What is your name?"
'Bakit naman kailangan pang english, mahina pa naman ako doon, eh buti na lang kahit papano ay may alam ako konti nga lang'
Ngumiti ako ng pagkalakilaki
"Devyn Eunice Dawson po,"
Ngunit nawala ang aking ngiti ng titigan ako nito ng matalim.
"Si-sir, bakit po kayo saakin nakatitig ng ganyan?" tanong ko. Ngunit hindi ito sumagot patuloy lang ang pagtitig nito sa akin.
"How old are you?"
"18 po."
"Ok, get out." malamig na sabi nito
Ngunit hindi parin ako umalis
'eh hindi ko pa alam ang pangalan niya'"Why are still there? get out now," inis na sabi nito.
"Ahm.. Sir kasi hindi ko pa alam ang pangalan mo, Diba gano'n dapat, pag sinabi ko ang pangalan ko, sasabihim niyo din 'yung saiyo" sabi ko rit
Gulat ako nitong tinitigan. mayamaya ay lumapit ito
"You are too brave to ask me." malamig na sabi nito.
'ano daw??'
"Sir hindi ko po maintindihan, pwede po bang pakitagalog" sabi ko.
Lalong sumama ang tingin nito sa akin
"Get out" nagulat ako ng sumigaw ito.
"Sir huwag naman po kay---"
"GET OUT NOW!!" sigaw nito kaya nagmamadali akong lumabas sa kwarto niya.
"Nako!.. bakit anong nangyari Devyn, bakit sumigaw ng ganun si sir?" natatarantang tanong ni aling Tesaa
marami naring maid ang nandito gusto din malaman kung bakit sumigaw ng ganun ang amo nila
"Tinanong niya po ang pangalan ko sinagot ko naman po, tapos no'ng ako na po ang nagtanong sa pangalan niya, biglang siyang nag English kaya sabi ko hindi ko maintindihan kaya kung pwede magtagalog na lang siya, ayun bigla na lang nagalit at sumigaw. Wala naman akong ginagawang masama" nakanguso kwento ko.
Napasinghap ang ibang katulog sa sinabi ko, at si aling Tessa naman ay napatakip sa bibig mukang gulat na gulat.
"Bakit po nakatakip ang mga kamay niyo sa bibig, aling Tessa? Nasusuka po ba kayo?" alalang tanong ko.
Biglang nagtawanan ang mga katulong.
"Jusko kang bata ka, halika nga dito at kayo magsibalik na kayo sa mga gawain at maabutan pa kayo ni sir Voughn pare-parehas tayong mayayari" sabi ni aling Tessa sa mga katulong.
"Opo manang tessa" sagot nila at nagsibalikan na sila sa mga ginagawa.
"Ikaw kang bata ka, magusap tayo sa kwarto" tumango na lamang ako.
Nang makarating kami ng kwarto ay kinausap ako ni aling Tessa.
"hija, hindi mo pwedeng kausapin ng ganon lang si sir Voughn. Tandaan mo siya ang amo natin kapag may inutos siya kailangan nating sundin iyon, dahil mga katulong tayo dito at hindi pwedeng basta-basta mo na lang siyang kausapin na parang magkakilala kayo. naiintindihan mo ba ako Devyn?" aniya.
"Opo naiintindihan ko po." sagot ko.
"Mabuti kung gano'n. oh siya iaa-sign kita ngayon sa paglilinis ng swimming pool, 'pag tapos mo pumunta ka ng kusina at maghugas ng mga pinggan, sige kumilos kana" Tumango naman ako.
"Opo salamat po" sagot ko....
__________
VoughnInis akong umupo pagka-tapos kong palayasin ang bagong maid ko.
'kakaiba siya, siya lang ang may lakas loob akong kausapin tsk'. Nang tumunog ang aking telepono.
"Yes" malamig kong sagot.
"Pare naman nakakatakot naman ang boses mo, aayain ka lang namin dito sa Starcase" tumatawang sabi ni Jairo.
"I don't have time to go there."
"Palagi naman pare. Kaya kita pinapapunta dito para masaksihan mo kung paano umiiyak ang isang Womanizer hahahaha" Tawa nito. Napailang na lang ako at pinatayan na ito.
Nang matapos akong mag shower ay pumunta ako sa veranda, habang umiinom ng wine. isa ito sa nagpapagaan ng aking loob.
Habang umiinom may narinig akong kumakanta kaya tinanaw ko kung sino iyon.
Kumunot ang aking noo ng makita. 'Ito pala ang bago kong maid'. Sumasayaw at kumakanta pa ito habang naglilinis ng swimming pool.
'Tsk crazy woman'
__________
DevynNganga akong nakatingin sa malawak na swimming pool. Ngayon lang naman ako kasi nito nakakita sa personal. Dagat at ilog lang naman ang meron saamin.
"Oh eto na ang mga panglinis marunong ka naman siguro gumamit nito" tinignan ko ito 'parang panghuli ito ng isda ah'
"Manghuhuli po ba ako ng isda aling Tessa?" tanong ko.
"Hindi naku naman hija, panglinis ito ng swimming pool. Kukunin mo ang mga dumi gamit ito,"
Lumapit si aling Tessa at pinakita saakin paano ang dapat gawin.
"Iyan, ganito gagawin mo pagkatapos naman punasan mo ang mga upuan ganun lang ha" turo nito.
"Pero wala naman po kayong nakuha na dumi paano po iyon?"
"Meron iyan, malilit nga lang kailangan talaga itong linisin dahil pumupunta dito ang mga kaibigan ni sir, dito lagi sila umiinom. Sige maglinis kana diyan at may gagawin pa ako."
Tumango na lamang ako at nag umpisa ng maglinis.
'May isda rin kaya dito? ngayon lang kasi ako nakakita ng swimming pool, nakita ko lang ito isang beses sa palabas sabi pa noon ni Tonio kapag yumaman kami ay gusto nito magkaroon swimming pool sa bahay.
Habang naglilinis ako ay kumanta kanta pa ako
'balang araw ay...
Malalaman mo rin'maganda naman ang boses ko.
nakangiti pa ako habang kumakanta'At kung ikaw ay nakatawa
ako paba ay nakikita.. Nalilimutan ko ang itsura ko kapag kausap na ikaw'sinabayan ko pa ito ng pag kendeng
'Sana naman ako'y pakinggan
at nang ikaw ay malinawan.. dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin oh! chinito chinito!'"Wow, ang ganda naman ng boses mo Dev" nagulat ako ng magsalita si isay at pumalakpak pa.
"Oo naman maganda talaga ang boses ko sumasali pa ako sa mga contest iyon ngalang palaging akong talo. ang nanalo non iyong anak ng kapitan namin kaya sabi nila luto daw" kwento ko.
"Hahaha ang daldal mo pala, sige na balik na tayo sa trabaho at baka makita pa tayo ni sir" sabi ni isay.
Tumango ako at pinunasan na ang mga upuan.
Nang matapos ako dumiretso ako sa kusina.
"haello po" masayang bati ko sa mga ibang katulong na nandoon.
Ngumiti lang ang iba saakin. may ibang hindi ako pinansin.
Magsisimula na sana ako sa paghuhugas ng may nagsalita sa likuran ko.
"ikaw pala ang sumagot sagot kay sir Voughn" mataray na sabi nito habang nakatingin sa kuko nitong may quitics.
"Ah.. ako ba ang kausap mo?" tanong ko
"Boba! syempre ikaw sino paba" inis na sabi nito.
"Nakatingin ka kasi sa kuko mo, kaya ang akala ko iyan ang kausap mo."
"Tanga nakakausap bato," at nilapit pa saakin ang kamay nito.
"Huwag mo nga akong tinatawag na tanga, hindi ako tanga noh" inis na sabi ko.
"Bakit hindi ba bago ka pa lang dito mayabang kana ah, ano ba gusto mo" galit na sabi nito.
"Anong nangyayari sa inyo" biglang dating ni aling Tessa.
"Siya po kasi aling tessa sinabi niya na tanga ako tapos nagagalit saakin" sumbong ko.
"Jilian naman nang-aaway ka na naman ng bagong katulong, palagi mo na yan ginagawa ah, kapag hindi kapa titigil sasabihin ko na ito kay sir"
"Sorry po manang tessa" sabi nito at inirapan ako.
"Sige na ipagpatuloy mo na iyang ginagawa mo" sabi ni aling Tessa at umalis na
Pinag patuloy ko naman ang paghuhugas biglang tumabi saakin si Jilian at may ibinulong.
"Humanda ka sakin" bulong nito at umalis na.
'At bakit naman, wala naman akong ginagawa sakanya hmmp!!!...'
_______________
+Sorry for Grammatical Errors and Typos:) Enjoy Reading;>>DevynLumipas ang oras. Hapon na kaya, inaya kami ni aling essa para sa miryenda."Ay Devyn, iakyat mo itong kape sa kwarto ni sir Voughn" inabot nito sa akin ang isang tasa ng kape."Manang baka magalit na naman po si sir niyan, kapag kay Devyn niyo po inutos," Biglang sabat ni Jilian habang kumakain."Kaya ko ito inutos hija, dahil kailangan mo din manghingi ng tawad kay sir" sabi ni aling Tessa saakin hindi nito pinansin si jilian."Naku aling Tessa baka maging tigre na naman iyon kapag nakita ako" nakangusong sabi ko."Tignan mo manang, sinabihan niya si sir Voughn ng tigre" sumabat na naman si Jilian"Tumahimik ka riyan Jilian, at ikaw para hindi magalit si sir saiyo, manghingi ka agad ng sorry at sundin kung ano man ang iuutos niy, at huwag ka nang sasagot pa maliwanag ba?""Opo ali
Devyn'Ehh? Anong nangyari doon, bigla na lang umalis.'Ininom ko na lang ang kape 'hmm sarap kahit malamig na' naalala ko no'n, inuulam ko ito dati. Biglang naisip ko sina Inay at Itay."Jusko ka hija! Sinabi kong tignan mo ang niluluto ko, ano't tulala ka riyan." Biglang dating ni aling Tessa, nagmamadali itong tignan ang niluluto."Nako, mabuti hindi natuyo ang sabaw." Nakahinga naman ako ng maayos."Ah.. aling Tessa. Pwede po ba akong lumabas, kailangan ko lang pong magpaload dahil tatawagan ko po sila Inay at Itay" Ani ko."Eh baka naman maligaw ka, sa labas pa ang tindahan. Makitawag ka na lang saakin." Kinuha ni aling Tessa ang telepono niya sa kaniyang bulsa."Ay, wala na pala akong load hija tumatanda na talaga ako. Oh siya magpautos ka na lang sa gwardiya diyaan na i-load ka, sabihin mo ako ang nag utos.""Opo" Sagot ko at umakyat sa kwarto para isulat ang aking numero, mabuti na lang may dalaw
DevynNakasakay na ako sa kotse ni sir Voughn. 'grabe napaka ganda pala dito ngayon lang kasi ako nakasakay sa ganitong sasakyan.'Pinag pipindot ko rin 'yung may ilaw, tapos may mga numero na nakalagay. ng biglang tumunog ito ng napakalakas."Waaahhh!" Napasigaw ako sa gulat."Tumahimik ka nga babae!" Sigaw rin ni sir at pinatay ang tugtog.'Ang galing radio pala 'yun,'Ng makarating kami sa bahay ay bumaba na si sir sa kotse ako naman ay naiwan dito. Nataranta ako ng mamatay ang ilaw kaya kinatok ko ng malakas ang bintana."Sir 'wag niyo po akong iwan dito sir Voughn!" Natataranta kong sigaw, naiiyak na naman ako naalala ko 'yung parang gubat na sobrang dilim.Biglang bumukas ang pinto, nagmadalinh agad akong lumabas. Matalim na nakatingin sa akin si sir Voughn."Hindi ka ba marunong magbukas?" Inis niyang sinabi saakin."Pasensya po ngayon, lang naman po
DevynAlas kwatro ay nagising na ako nakaramdam din ako ng gutom. naligo muna ako medyo natagalan rin ako dahil sa masakit ang aking paa.Ng matapos kinuha ko na ang bagong uniporme. Mabuti na lang dalawa ang binigay ni aling Tessa saakin, dahil napakadumi na ng uniporme ko kagabi at hindi ko na iyon na labhan pa.Kapag tapos ko mag ayos ay bumaba na ako. dahan-dahan lang aking paglalakad. Ng makarating ako ng kusina ay nakita ko ang dalawang katulong."Magandang umaga po" Bati ko"Magandang umaga rin ikaw diba ang bagong katulong" Sabi ng maikling buhok na babae"Opo, ako po si Devyn pwede niyo po akong tawaging Dev" ngiting sabi ko"Hello Dev ako pala si Mabel at siya naman si ate Donna." Ngumiti sila saakin at ganoon din ako, nakita ko si ate Donna mukang magluluto ito."Ahm.. ate Donna pwede po ba ako ang mag luto?""Oo naman, pero magluluto muna ako ng breakfast ni sir, bakit nagugutom ka ba may pandesal
DevynLumipas ang dalawang linggo ay naging masaya naman ako sa pagiging katulong ko rito. nakakausap ko narin sila Inay at Itay at natanggap ko na ang unang sahod ko kaya nakapagpadala na ako saamin.Naging malapit rin kaming magkaibigan ni Mabel siya ang laging nakakasama ko.Kay sir Voughn naman ay minsan mabait at minsan naman ay napakasungit._______Habang nagdidilig ako sa hardin ay narinig ko ang pagtawag saakin ni aling Tessa."Devyn, pinapapunta ka nga pala ni sir Voughn sa kompanya at dalhin mo ang nga papeles na naiwan niya.""Eh pano po iyan, hindi ko po alam papunta roon aling Tessa. ""Ihahatid ka ni Jorge pa punta sa kompanya ni sir kaya mag palit ka na ng damit hindi ka pwedeng nakaganyan. ""Opo akyat napo ako."Sinuot ko ang mahaba kong palda na umaabot sa bukong bukong at tshirt na maluwag nilugay ko ang aking buhok at nag headband.Ng makababa ako inabot ni
DevynHinila ako ni sir Voughn papunta sa may pintong bakal."Sir, dahan-dahan naman po sa pag hila masakit po ang braso ko" nakangusong saad ko.Tumigil naman ito at tumingin sa aking braso, lalong dumilim ang mukha ni sir ng makita ang aking pasa."Fuck! saan galing 'yan?" sigaw nito."Iyong dalawang guwardya po sir hinawakan po nila ng mahigpit ang mga braso ko kaya kinagat ko po sila.""Hahaha!" napatingin ako sa babaeng nakasunod saamin na tumatawa."Tsk! let's go, gagamutin ko 'yan and Odette kunin mo ang first aid kit." utos nito sa babae."Ok sir Voughn pero paano po ang meeti--""Sundin mo ang utos ko." malamig na sabi nito. At pumasok na kami sa may pintong bakal halos lumabas ang puso ko sa kaba ng biglang gumalaw ito paangat, kaya napahawak tuloy ako sa braso ni sir."Sir, a-no po ang nangyayari?" kinakabahang tanong ko!."Nahihilo po ako sir at parang n
DevynDumating na ang mga pagkain ng mailapag ang pagkain ko aynamangha ako."Wow! mandaming laman buti pa ito, hindi katulad sa lucky me noodles lang naman pero nakalagay sa larawan eh may may karne kahit wala naman pala" ngusong sabi ko.natawa naman ang babae"Ma'am ramen po ang tawag diyan" ngiting sabi nito."Ahh ra-ramen" bigkas ko."Kumain ka na 'wag ng puro daldal" biglang sabi ni sir.Hinahanap ko ang kutsara at tinidor pero wala naman akong makita.May nakita naman akong maliit na stick pero makapal ito'Ano ito??'Nang tiganan ko si sir ang stick na hawak ko ay parehas kay sir at ginagamit niya itong pangkain."Ahm sir ano po ito? ""Chopstick. ""Eh sir paano po ako kakain, wala naman pong kusara at tinidor.""'yan ang gagamitin mo.""Ha? eh sir hindi po ako marunong nito" sabi ko.Kinalampag nito ng malaka ang lamesa
DevynPumunta na ako sa kwarto ko para makapag palit ng aking damit.Ng matapos ay bumaba na ako para puntahan si aling Tessa.Habang nag lalakad ay narinig kong pag tawag sa akin ni Mabel."Dev, bakit ngayon ka lang nakauwi?""Hindi kasi ako agad pinauwi ni sir Voughn, ang sabi niya kanina doon lang ako sa opisina niya." Ani ko."Ah.. gano'n ba akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo."Naglakad na ako papunta sa kusina dahil alam kong naroon si aling Tessa."Aling Tessa, ano pong gagawin ko ngayon?" tanong ko."Ayusin mo pala ang dining area punasan mo ang lamesa at maghanda ng mga plato, kutsara't tinidor dahil pupunta daw ang mga kaibigan ni sir."Tumango ako at pumunta sa hapag kainan at sinimulan na ang gawain.Habang nag aayos ako, nag lapag na si aling Tessa ng mga pagkain.Ilang saglit ay may narinig akong nagtatawanan kaya napalingon ako."Pare, a