Hello po, maraming salamat po sa pag-add sa library niyo. Sana po ay basahin niyo po ito hanggang huli. Daily update po ito. Thank you po :)
DEDAY'S POV Hindi ako makapaniwala na bumigay ako. Pagpasok ko sa kwarto ay sinabunutan ko ang sarili ko sa kalandian ko. Kakasabi ko lang kanina na ayaw kong matulad sa mga babae niya pero ako naman itong bigay na bigay sa kanya.Paano na bukas anong gagawin ko? Nakakainis pa dahil napaihi pa ata ako. Dahil basang-basa ang panty ko ngayon. Mabilis akong pumunta sa banyo para magbihis ng panty ko. Kasalukuyan akong nakatingin sa salamin.Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. Ganoon pala ang pakiramdam kapag nakikipaghalikan. Bakit ang sarap niyang humalik?Ang lambot ng labi niya. Hanggang ngayon pakiramdam ko magkadikit pa rin nag labi namin."Deday tumigil kana kalimutan mo 'yon. Huwag kang magtitiwala sa mga pahalik-halik niya. Galawang babaero 'yon. Hindi ka niya type dahil isa kang manang," kumbinse ko sa sarili ko."Hoy, puso tumigil kana kanina pa mabilis ang tibok mo baka magkasakit na ako niyan," saway ko sa puso ko na hanggang ngayon ay malakas parin ang kabog.Sumampa a
Kallix POVPumunta ako sa condo ni Max pero wala naman nanyari sa amin."So, pumunta ka dito para matulog? Really Kallix?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin."Please Max, I want to sleep can you please shut up," inis na sabi ko sa kanya."You're unbelievable!" Sigaw niya sa akin.Hindi ko siya inintindi. Hanggang ngayon kasi ay pakiramdam ko magkadikit pa rin ang labi namin ni manang. Na kahit nakapikit na ako ay mukha niya pa rin ang nakikita ko. Ang maganda niyang mukha, matangos na ilong at mapupula niyang labi.Na kahit badoy ang porma niya ay naakit niya ako. Buong gabi ko pinag-isipan ang dapat kong gawin."Sh*t! Nahihibang na ako."Simula bukas ay iiwasan ko na siya. Para din 'yon sa kanya. In two weeks magsisimula na ang pasukan kaya hindi maganda na maging malapit ako sa kanya. Magiging isa ako sa magiging guro niya. Mahigpit na ipinagbabawal ang relasyon ng guro at estudyante.Nakaidlip ako pero nagising ako ng maramdaman kung may humahalik sa akin. Nang idilat ko an
DEDAY'S POVNagising ako na nakahiga na sa sofa. Si manong agad ang una kong nakita pagdilat ng mga mata ko. Hindi ito nagsasalita at umalis siya sa tabi ko. Pumasok siya sa kusina ako naman ay nakatingin lang sa kanya."Galit pa rin kaya siya?" tanong ko sa sarili ko.Ilang sandali pa ay bumalik na siya at nagulat ako dahil binuhat niya ako. Habang papasok kami sa dining-room ay ngayon ko siya napagmasdan ng matagal. Sobrang gwapo niya kaya nga noong nakita ko siya sa portrait ay nagwapuhan talaga ako sa kanya. Naging instant crush ko pa siya."Are you done?" tanong niya sa'kin."P-Po?" nagtatakang sabi ko."Checking my face," sabi niya.Yumuko ako bigla dahil nahuli niya ako. Ibinaba niya ako sa upuan. May ihinanda pala siyang pagkain. Bigla akong nahiya. Kinuha niya ang kutsara at balak niya akong subuan pero pinigilan ko siya.Hindi niya pwedeng gawin ito dahil sa aming dalawa siya ang boss ko. Siguro nakuha niya ang ibig kong sabihin kaya lumabas siya sa kusina. Natakam ako sa pag
Kallix POVSaktong labas ko sa silid ko ng palabas din siya sa kusina. Inabot ko sa kanya ang phone na ibibigay ko. Ayaw pa sana niyang tanggapin.No'ng binuksan niya ay sobrang natuwa siya kaya lumapit siya sa akin at hindi ko inaasahan ang gagawin niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Ako naman ay natigilan at nanigas sa kinatatayuan ko. Ramdam na ramdam ko ang dibdib niya na nagbibigay na naman ng kakaibang init sa katawan ko.Nang bumitaw siya ay wala na akong sinayang na panahon dahil hinalikan ko siya. Kagaya ng laging nanyayari ay hinihintay ko siyang tumugon sa halik ko. Nang tumugon siya ay achievement na para sa akin. Pinag-igihan ko ang paghalik sa kanya.Binuhat ko siya at umupo kami sa sofa habang nasa kandungan ko siya. Sentrong-sentro ang upo niya sa pagkalalaki ko kaya lalo akong nakakaramdam ng init.Napangiti ako dahil fast learner pala itong si manang. Sinisips*p ko ang labi niya dahil ang tamis at ang sarap niya. Sobrang pagtitimpi ang ginagawa ko para hindi kami hum
Kallix POVHindi ako makapaniwala sa sarili ko na nakayanan kong magtimpi. Sobrang dami ng nagbago simula ng nakasama ko siya. Nagpaalam siya na uuwi siya sa kanila pumayag naman ako dahil ano ba ang dahilan para hindi ako pumayag. Baka isipin niya na masyado na akong mahigpit sa kanya."Senyorito magpapaalam po sana ako para mag grocery," sabi niya sa akin."Marami pa naman ang mga stocks sa pantry?" Nagtatakang tanong ko sa kanya."Hindi po dito, para po sana sa bahay. Gusto ko po sana ibili sila nanay ng stocks. Malayo po kasi kami sa bayan," sagot niya sa akin."Okay, I'll go with you," sabi ko sa kanya. Kahit ako ay nagulat rin sa sarili ko dahil kailan pa ako sinipag na pumunta sa grocery store."Po? Naku 'wag na po," kaagad na sagot niya sa akin.Kumunot ang noo ko para takutin siya. Madalas ko kasing ginagawa kapag hindi ako sang-ayon. "Sige na nga po, pero paalala po 'wag kayong tumabi sa akin ha," sabi niya kaya nagtaka ako."Baka ano pa sabihin sa inyo kapag katabi niyo ak
Warning!! Matured content! Slight lang po. First Base sabi ni Manong!DEDAY'S POV Sinamahan ako ni senyorito sa grocery pagkatapos ay niyaya niya ako na kumain sa labas. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko ng may lumapit na babae at yumakap sa kanya ay lumabas ako doon ko na lang siya hinintay.Pakiramdam ko kasi makakaisturbo lang ako sa kanila. Hindi rin nagtagal ay lumabas si senyorito dala ang pagkain na binili niya.Hinila niya ako papunta sa parking lot. Parang balewala lang sa kanya ang tingin ng mga tao roon. Pagdating namin sa condo niya ay inayos ko na ang mga pinamili ko. Pasalamat din ako dahil wala siyang binili kanina.Excited na talaga akong umuwi sa amin. Pumasok siya sa kwarto ko inalok niya ako na ihatid bukas pero hindi ako pumayag. Ayaw ko siyang abalahin. Nainis pa ito sa akin at lumabas na dahil kakain na daw kami.Kung dati naiinis ako kapag masungit siya pero ngayon ang gwapo niya kapag nagsusungit siya. May mali na yata sa paningin ko. Mag-iipon na ako b
DEDAY'S POVNagising ako nang alas siyete ng umaga. Wala na akong katabi. Saan na kaya 'yon. Pumasok ako sa banyo para maligo dahil mamayang alas nuebe ang biyahe ko. Paglabas ko ay wala pa rin siya.Nasa kwarto kaya niya siya? Paglabas ko ay may nakahain na sa mesa.Maaga pala siyang nagising.Pero nasaan naman kaya siya.Umupo ako at nagsimulang kumain. Natapos na lang ako ay wala pa rin siya. Malapit na akong umalis pero wala pa rin siya.Ano 'yon pagkatapos niya akong kainin ay i-goghost niya ako? Bahala nga siya, kausap ko sa sarili ko.Inilabas ko na ang mga gamit na dadalhin ko. Kaya ko naman buhatin kaya lumabas na ako. Inayos ko muna ang lahat bago ako bumiyahe papunta sa bus station. Pagdating ko sa istasyon ay naghintay pa ako ng kaunti.Panay tingin ako sa selpon ko. Nag-babakasakali ako na i-text niya ako pero wala. Umasa ka naman. Bakit sino ka ba? bulong ng isang parte ng utak ko. Tama nga naman ito.Sumakay na ako sa bus dahil aalis na. Naupo ako sa malapit sa bintana. Ma
DEDAY'S POV Paglabas ko sa banyo namin ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Nakaupo na ngayon si manong habang nakikipag-usap kay nanay. Tahimik akong umupo sa tabi niya. Nang lumingon ito ay nakangiti sa akin."Ano kaya ang nakain nito at panay ang ngiti?" tanong ko sa sarili ko.Iyong inis ko sa kanya ay nadadagdagan sa ginagawa niya dahil sa pangiti-ngiti niya. Umusod ito sa tabi ko ay bumulong."Ang ganda mo babe," pabulong niya sabi na halatang nang-aasar.Namula naman ako at kinurot siya kaya napatingin sa amin si nanay. Ako naman ay nagkunwaring walang alam."Okay lang ho ba kayo senyorito?" tanong ni nanay."Opo nay, mayroon lang nangurot este nakagat ata ako ng langgam nay," sagot niya kay inay."Naku! pasensiya po ganito talaga sa amin minsan may naliligaw na langgam," saad pa ni inay."Okay lang po cute naman po 'yong langgam," sagot niya kay inay habang sa akin ang tingin.Sa inis ko ay inirapan ko siya pero ngumiti lang sa akin. Tumayo ako at pumasok sa silid ko. Nagulat a