Share

Kabanata 2

Engagement

Nag-isip ako ng idadahilan ko sa kaniya ngunit bigla siyang nagsalita.

"Never mind." malamig niyang sabi at sinaraduhan ako ng pinto.

Aba! Bastos!

Tumalikod na ako at nanggagalaiti na umalis sa harap ng kaniyang pinto. Nakakainis talaga!

Pero nagpapasalamat din ako dahil 'di niya ako pinilit na sabihin ang rason ko kung bakit umiiyak ako kanina.

Nang pababa ako sa hagdan ay nakasalubong ko na paakyat naman si Chris.

"Oy Clarisse! Nakita mo ba si kuya? kanina ko pa siya hinahanap eh," tanong niya sa akin.

"Kanina hinahanap ka niya, ngayon naman ikaw yung naghahanap sakaniya. Kung magsama kaya kayong dalawa at hindi kayo naghahanapan sa isa't-isa." sarcastic kong sabi.

"Pfft. It's a bro thing, future sis. I need to know where he is so we can go to the sea. Gusto mo sumama sa amin? Lead us the way to go there." sabi niya sa akin.

"So gagawin niyo akong tour guide?" sabi ko sakaniya.

"No, I didn't mean that." he sighed and continue;

"What I mean is we will bond there and... maybe we can play there, 'di ba? Marami namang tao duon at makikihalubilo lang tayo." sabi niya sa akin.

Nung sinabi niyang makikihalubilo ay umatras ako, hindi ako pwede dahil alam ng iba doon ay ako si Claire at hindi si Clarisse.

"Ahh pasensya na pero hindi ako makakasama sa inyo, maybe next time."

Kung may next time pa.

"Bakit naman? Sayang. Do you know where can I found him?" sabi niya sa akin.

Tumango naman ako at ngumiti.

"Nasa kwarto niya, kumaliwa ka lang tapos pangalawang kwarto sa dulo." sabi ko sakaniya.

"Yown. Thank you!" sabi niya sa akin at naglakad na papunta sa kaniyang kuya.

Doon lang din ako nakahinga ng maluwag, marahil gusto ko nga sumama sakanila ngunit delikado dahil maraming nakakakilala sa akin duon.

Napag-desisyunan ko nalang na bumalik sa aking silid para magpahinga nalang. Ang daan ko papunta sa aking silid ay madadaanan ko muna ang kay Evander. Habang naglalakad ako ay narinig ko ang usapan nila, dahil bukas ang pinto ng kaunti. Tumigil ako at pumunta sa gilid upang makinig sa kanilang usapan.

"Kuya you're getting married and you still have the guts to find a girl for tonight?!"

"Why do you care? As I said I don't want to marry! I will choose who I want to marry and I will set my own wedding not them! I can fuck any girl that I want because I am not getting married Chris."

I don't know why I am feeling this, ang bigat-bigat sa loob ko. Yes, he has a perfect eyes,lips,jaw and a perfect body that look like a greek God. Pero wala parin siyang karapatan para maaglaro ng babae.

Ito naman ang misyon ko diba? Ang paghindi niya sa kasal nila Clarisse para matapos na ito at makasama ko na ang mama ko.

Bigla ko naalala ang mama ko, naiiyak ako dahil namimiss ko na agad siya.

Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin nila at dumiretso na ako sa kwarto ni Clarisse. How I wish my Mom is here, maybe she knows what I need to do in situations like this. Humiga ako at pumikit baka sakaling pag gising ko bubungad na sa akin si mama para sabihing handa na ang almusal namin.

I felt my burning cheeks and tears are streaming down on my cheeks, I found myself crying because of bereavement.

I wake up with a loud knock, I immediately walk towards the door and open it. I saw Aling Selli.

"It's almost 5 in the afternoon Claire. Nagagalit si Senyora dahil hindi ka nakadalo sa pagkain nila ng tanghalian. Mag-ayos ka na at bumaba sa kusina naghihintay sayo si Senyora at aalis na ang ating mga bisita." sabi niya at akmang lalayo na ngunit hinawakan ko siya sa braso.

"T-teka lang po, anong aalis? Sila po aalis na? 'Bat parang ang bilis naman po?" sabi ko.

"Marami pa dawng kailangan ayusin sa Manila pero babalik din sila sa sabado para dumalo sa engagement party." sabi niya.

Nagpasalamat ako at hinayaan na siya mawala sa paningin ko. Dali-dali akong nagpunta sa CR para maligo at magbihis.

Pagkababa ko ay nakita ko nga si Senyora na naglalakad patungo sa kusina.

"Senyora," tawag ko sakaniya.

"Shh! Huwag mo nga akong tawagin na Senyora! Baka may makarinig sa'yo at mabuking tayong dalawa." bulong niya sa akin kaya agad akong napatikhim.

"P-pasensya na po," sabi ko.

Sabay kaming pumunta sa hapag kainan habang sinesermunan ako na huwag ng uulit pa, nagtanong den siya kung ano na ang progress sa plano namin. Kinwento ko sakaniya lahat mula sa sinabi niyang hindi niya ako gusto pakasalan- este si Clarisse pala at ang pag-uusap nila ng kaniyang kapatid.

"So mapapabilis nalang pala natin ang pangyayari at baka nga wala pang sabado ay magdesisyon na sila na huwag nalang ituloy ang pagpapakasal." she seems so serious about our situation.

"At tuloy ang paglubog namin sa utang." malungkot niyang dugtong.

Hindi ko alam kung icocomfort ko ba siya o tatayo nalang dahil hindi naman kami ganon ka-close. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Tumulong ka nalang sa mga katulong na mag-ayos para sa hapunan. Aalis na ang mag-asawang Achilles ngayong gabi," sabi niya sa akin.

"Ang mag-asawa lang po ba? Paano sila Evander at Chris?" tanong ko.

"They will stay here until saturday." sabi niya sa akin.

Tumango nalang ako at pumunta sa kusina para tumulong sa mga katulong. Ilang saglit pa ay dumating ang mag-asawang Achilles na nagtatawanan kasunod ang kanilang mga anak, ngumiti sa akin si Chris at gano'n den ang aking ginawa, lumingon naman ako sa katabi niyang si Evander ngunit hindi siya nakatingin sa akin bagkus ay madilim nanaman ang aura niya.

"Oh, Hija hindi mo naman kailangan tumulong diyan at yung mga katulong na ang bahala sa trabaho nila," sabi sa akin ni Mrs. Achilles.

"Okay lang po, gusto ko na po tumulong para matapos agad at makapagsimula po tayo agad kumain," palusot ko.

Tumango-tango nalang siya at umupo sa kaniyang pwesto. Nagsimula kaming kumain at nag-uusap pa para sa engagement party.

"Nakapag-usap na ba kayo Evan?" tanong ng kaniyang ina.

"Opo, and we have same decision 'Ma," sabi niya na bigla akong kinabahan.

Is he about to say that we don't want to continue our engagement?

"We decided to call off the engagement. There's no engagement party that you want." mariin niyang sabi na nagpatahimik sa amin.

Nagulat nalang kami na kinwelyuhan si Evander ng kaniyang ama.

"We talked about this, right? Bakit di ka nalang sumunod sa usapan natin ha?" sabi niya habang pinipigilan siya ng asawa niya.

"Enrico not here! nakakahiya kayla Clarisse," binitawan naman agad nito si Evander.

"Tama ba ang narinig namin? Ayaw mo makasal sa anak ko?" sabi ng ina ni Evander.

Tumayo ako at matapang na hinarap sila, mapapadali nalang pala ang trabaho ko rito.

"Opo, pasensya na. Hindi ko po siya nagustuhan simula ng nagkita kami at ganon din po siya. We think that we don't deserve each other and we are not ready to get married, lalo na po ako I'm just 18 marami pa po akong dapat matutunan at ma-experience sa pagiging dalaga." I sighed.

"We will not stop you to experience what you want; we can still give you a freedom that you want but you have limits. Napag-usapan na natin toh Balae, 'di ba?"

"I'm sorry for Clarisse, we can still fix it. Since it's your first to see and talk to each other, it's normal to don't like each other. You have time to get to know and fall to each other 'nak." sabi sa akin ni Senyora na nalulungkot sa nangyayari.

"Balae is right, you still have time for each other and you will see why we are doing this is for you. We just want you to be better and continue our traditions Evan, so please do what we say." Her mother spoke to him calmly.

Tumalikod si Evander at nag-walk out, maybe he can't just take it anymore.

Nagsorry ang dalawang pamilya sa isa't isa at tinuloy ang pagkain. Nang pagtapos ay nag-usap muna saglit at nagpaalam na ang mag-asawa at nangakong babalik sa sabado para sa engagement party.

Nang makaalis ang mag-asawa ay nagsalita naman sa akin si Senyora.

"Think Claire, makehim stop the engagement 

Hindi ako makatulog kaya minabuti ko nalang na lumabas at pumunta sa tabing-dagat. Umupo ako sa may malaking bato at tumitig sa dagat na patuloy ang pag-hampas ng tubig palapit sa akin. Hindi masakit sa tenga ang pagsayaw ng tubig at ang mga kuliglig sa bawat gilid. Nagpapasalamat talaga ako na mayroon pa rin maganda at tahimik dito sa lugar ng De Marquez.

Nakarinig ako ng hikbi sa 'di kalayuan, lumingon lingon ako at nakita ko si Evander sa puno ng palma may katawagan sa telepono.

"I miss you more love," sabi niya.

Nagulat ako sa sinambit niya, pumunta ako sa gilid para magtago at makinig pa sa kanilang usapan upang makumpirma nga na may nobya siya.

"If only you were here, I will kiss and hug you while looking at the wild waves here."

nakita ko naman na nakikinig siya sa kaniyang kausap.

"I love you, I can't get married if it's not you."

"....."

"No, I'm just staying here because of Mom, but in Saturday I'll leave them. Magsasama na tayo."

So he is about to run away in our engagement?

"You will runaway with me and we will start a new life where my family won't see us."

Hindi ko na pinagpatuloy pa ang pakikinig at nagsimula na lumayo sakaniya. I didn't know what move I'll do after knowing it. He has a girlfriend for pete sake!

Nung makarating ako sa aking kuwarto ay nagbihis ako pangtulog at mariin na pinikit ang aking mata. Ayoko na muna mag-isip at gusto ko na muna magpahinga.

"I'll just wait you here," Evander said.

Kanina pa siya sa labas ng kwarto ko para lang sabihin na kumain na at hihintayin niya ako matapos mag-ayos. Imagine how my freaking face looks like, bagong gising na gulo-gulo buhok! I thought it's just Nanay Selli ngunit nagkamali ako.

"Mauna ka na nga! Nakakahiya na mukha ko." sabi ko na pilit sinasarado pinto.

Hindi niya ako pinansin, nakarinig kami ng ringtone na galing sa kaniyang telepono. Kinuha kaagad niya ito, nang makita ang pangalan ay agad niyang pinatay. Hindi kaya ay nobya niya 'yon? pero bakit niya pinatayan?

"Ano pang tinutunganga mo? Mag-ayos ka na!" sabi niya sa akin.

"Oo na! Wala kang utusan!" sabi ko at tumalikod na.

Naku ayoko talaga ng sinisigawan 'pag bagong gising. Kumuha na ako ng damit na susuotin tsaka pumunta na sa banyo para maligo.

Nang matapos ako maligo at magbihis ay nakita ko parin siya sa pintuan na nagtitipa ng kung ano sa kaniyang telepono. Talagang naghintay siya ah?

Hindi ko alam kung anong nakain niya at ginagawa niya ito sa akin, pero kung ano man yung pinaplano niya wala akong balak sundin 'yon.

"Tapos ka na? Ang tagal mo kumilos," sabi niya na tila inip na inip na.

"Sinabi ko bang maghintay ka? Tumabi ka nga!" sabi ko at lumabas na sa kwarto.

Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin pababa.

Naging matiwasay naman ang pagkain namin dahil pare-pareho kaming tahimik. Napag-isipan ko naman na lumabas at pumunta sa farm kung saan nakita ko si Mang Robert na kasama ang mga kabayo. Naengganyo naman ako na mangabayo kahit di ako marunong, matagal na ako rito sa De Marquez pero hanggang tingin lang talaga ako sa mga nangangabayo.

"Magandang araw po Mang Robert!" bati ko sakaniya ng makalapit ako.

"Oy Claire magandang araw din! Napadaan ka ata rito?" sabi niya sa akin.

"Mang Robert, pwede po bang turuan niyo ako mangabayo?" sabi ko.

"Naku, ano naman ang naisip mo at gusto mo na magpaturo ngayon mangabayo?" I just smiled at him and he replied laughed.

"Halika rito," sinabi niya sa akin at tinuruan niya ako kung paano ako makakasakay at ang paghawak sa kabayo ng maayos. Nung na-gets ko naman ang kaniyang paalala at mga dapat gawin ay naglakas na ako ng loob na sumakay at hawakan ang kabayo. Inalalayan naman ako ni Mang Robert habang sakay-sakay ako ng kabayo.

"Tawagin mo lang siyang Adan, Claire."

Natuwa naman ako kasi unti-unti ko nang nababalance sarili ko at tahimik lang ang kabayo.

"Ngayon naman Claire ay palakarin mo na ang kabayo, tandaan mo wag masyado malakas ang kumpas." sabi niya sa akin na nagpakaba sa akin.

"Huwag ka mag-alala Claire hindi ka pababayaan ng kabayong ito, aba! ito ang highly recommend ng De Marquez sa mga baguhan na mangangabayo." proud na sabi ni Mang Robert.

Ngumiti lamang ako sakanya at nilakasan ang loob ko at sinubukan ang turo sa akin ni Mang Robert, nagalak naman ako ng mangyari ang gusto ko mangyari. Naglakad ito at si Mang Robert naman ay sumakay sa kaniyang kabayo at inaalalayan parin ako. Sa sobrang pag-eenjoy ko ay hindi ko na namalayan ang paglapit ni Chris sakay ng kabayo sa amin kasama ang kaniyang kapatid na si Evander. Napa-iling nalang ako ng magtama ang aming mata ni Evander.

"Clarisse! Sama ka na sa amin!" anyaya sa akin ni Chris. Hindi na niya ako tinawag na ate dahil sa kagustuhan ko narin, pareho naman kaming 16 eh nagpapanggap lang naman akong 18 dito.

"Magandang araw po mga Ginoo," magalang na bati ni Mang Robert sakanila.

"Magandang araw din po Mang Robert, saan po kayo magpupunta ni Clarisse?" tanong ni Chris. Kumunot ang noo ni Mang Robert sa narinig.

"Clarisse? Eh si Claire ito eh," aniya.

Pinanlakihan ko kaagad ng mata si Mang Robert at agad rumesponde sa sinabi ni Mang Robert.

"Claire kasi tawag nila sa akin dito! K-kasi nickname ko Claire, d-diba ang haba kasi nung Clarisse? Kaya 'yon," nauutal ko pang sabi. I know it was a bad move but I don't know how to escape from it, besides they look convinced.

Napatango-tango naman sila, nakaramdam naman ako na may nakatitig sa akin kaya lumingon ako. Hindi ako nagkakamali na meron nga, si Evander. Nang makita niya na nakatingin din ako sakaniya ngumisi lang siya at tumingin sa kapatid niya,

"So dapat ba tawagin ka nadin namin Claire? Ang haba nga ng pangalan na Clarisse eh," sabi ni Chris sa akin na nagpakaba sa akin. If Senyora find out, magagalit sakin 'yon for sure.

"Huwag na, mas okay nang Clarisse. Nagpapaturo lang ako mangabayo kay Mang Robert."

"Hmmm? So, we can't call you by your nickname? Iba ba kami para sayo? I'm hurt," He touch his chest, looking dramatic by his swift move.

"Stop that Chris, you're acting like a gay again," pananaway sakaniya ng kuya niya.

"O-okay, you can call me Claire," dahil 'yun naman talaga ang totoong pangalan ko, I'll just deal with Senyora later when she finds out.

"Ano na? Tara Claire sama ka na sa amin!" sabi ni Chris sa akin.

"Ahh sige kayo nalang," wika ko. Sa sitwasyon ko 'di ako makakasama sakanila. Baguhan palang ako sa pangangabayo baka maging perwisyo lang ako sakanila.

"Hmm, are you sure? Pupunta kami sa kahuyan tapos didiretso sa tabing-dagat." sabi niya sa akin na ginatungan agad ng kuya niya.

"You don't need to force her Chris, let her do what she wants," mariin niyang sabi.

"Tama kuya mo Chris, hayaan mo na. Dito nalang ako." I assure him with a smile plastered on my face.

"Are you sure you're Clarisse De Marquez?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status