Share

CHAPTER 6

NASA hapagkainan si Annabelle kasama ang mga magulang.

“Annabelle, nabalitaan kong madalas kang hinahatid ni Miguel dito sa bahay galing eskuwela.” Nagulat siya sa biglaang pagtatanong ng ama.

Kahit ine-expect niya ng malalaman ng mga ito ang bagay na iyon ay hindi pa rin niya maiwasang kabahan. Paano niya iyon sasagutin at ipaliliwanag sa ama? Baka mag-isip ito ng masama.

“O-opo,” nakatungo niyang sagot.

Namayani ang katahimikan sa buong kusina. Tanging kalansing lamang ng mga kubyertos ang naririnig. Si Mrs. Cora ay nakamasid lang din.

“Aba’y maganda iyan,” hindi inaasahang sabi nito. Biglang naitaas ng dalaga ang tingin. Nasorpresa siya, pati ang ina niya ay hindi rin makapaniwala.

“O, bakit ba? Mas mabuti iyon. May bodyguard na ang anak ko, opisyal pa ng s

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status