ALAS-singko ng umaga, nagising si Fred sa ring ng cellphone niya. Pupungas-pungas niyang sinagot ang tawag.
“Hello, Anna? Good morning.”
“Fred . . .” Garalgal ang boses ng nasa kabilang linya kaya tuluyan na siyang nagising.
“What happened? Umiiyak ka ba?”
“Please, sunduin mo ’ko.”
“Hey, Anna, what happened?”
“Saka ko na ipapaliwanag sa iyo. Just please, come here.” Binigay nito ang eksaktong address ng resort. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at pinuntahan ang babae.
“I SWEAR I’m gonna kill that bastard!” Galit na naisuntok ni Fred ang kamao sa manibela.
“Fred, it’s fine. I’m fine.”
“No, Annabelle! It’s definitely not okay! Pagkatapos ng
NAPUTOL ang pakikipag-usap ni Miguel sa telepononang maulinigan ang tila pagtatalo sa labas ng opisina niya. Tatayo na sana siya para silipin iyon nang biglang bumukas ang pinto.“Sir! Hindi po talaga puwedeng makausap si Mr. Saavedra sa ngayon,” saad ng guwardiya habang pinipigilang pumasok ang lalaking bisita.“This is very important. I need to talk to him right now!” paggigiit ng lalaki. He could see in his face na hindi ito titigil hangga’t hindi siya nakakaharap.“Its okay, Jay,” he interrupted. “Papasukin mo siya.”Binitiwan ng guwardiya ang braso ng lalaki at hinayaang pumasok sa loob. The man stretched his back and fixed his clothes in a smug way.“And you are?” tanong niya rito.“Huh! So hindi mo na ako nakilala?” panimula nito.
KUMUHA sila ng airline tickets for two to Chicago the next day pagkatapos ng madamdamin nilang tagpo. At dahil flight na nila kinabukasan, nandoon si Annabelle ngayon sa SSA, sa private room ng binata. Kasama ni Miguel si Anton sa opisina at abala ang mga ito sa endorsements ng mga gawain sa kompanya. Si Anton na muna ang mamamahala ng SSA habang wala si Miguel.Naaliw siyang pagmasdan ang mga interior ng kuwarto. It was a total opposite of the SSA office. Kung sophisticated and very manly ang dating niyon, ang kuwarto naman ay cozy. Tila hindi iyon parte ng opisina.She got a glimpse of a familiar thing sa isang glass shelf. Napasinghap ang dalaga nang masiguro kung ano ang bagay na iyon.“Mon-Mon . . .” Maingat itong nakalagay sa isang plastic transparent box. Hindi niya inakalang matatagpuan ang laruang iyon sa kuwarto. Katabi niyon ay isang red velvet box.
“LADIES and gentlemen, as we start our descent, please make sure your seat backs and tray tables are in their full upright position. Make sure your seat belt is securely fastened and all carry-on luggage is stowed underneath the seat in front of you or in the overhead bins. Thank you,”paalala ng piloto ng eroplano.‘Finally, I’m back.’ Magkahalong galak at lungkot ang nararamdaman ni Annabelle.Dumungaw siya sa bintana at pinagmasdan ang mga gusaling nagmumukhang laruan sa liit. Sa kanang bahagi ay nakikita niya ang maliit na kabahayan. Nakabalik na nga siya sa Pilipinas.Pitong taon siyang nanirahan sa tita niya sa Amerika. At sa pitong taong iyon ay isang beses lang siyang nakauwi—noong pumanaw ang kaniyang ama. Naglagi lang siya ng isang linggo at bumalik din agad sa Amerika. Gustuhin man niyang magtagal pa ng ilang araw ngunit hindi pum
KASALUKUYANG tinatalakay nina Jenny at Annabelle ang paksang ipipresenta sa klase. Nakaupo sila sa pang-apatang bilog na mesa ng students’ park.“Good afternoon, girls!” bati sa kanila ni Fred, ang masugid na manliligaw ni Annabelle. Nagsa-sunbathing siguro ito noong nagsabog ng mahabang pasensiya ang Panginoon dahil kahit ilang beses na niyang inayawan ay sige pa rin sa pagsuyo.Estudyante rin ito ng eskuwelahang iyon pero hindi sila magkaklase. Kagayanila, nasa ikatlong taon na rin ito ng kolehiyo. Anak ito ng konsehal ng bayan na nagkataong kumpadre din ng ama ni Annabelle. Maituturing na rin niya itong kababata. May itsura naman si Fred, mabait. Iyon nga lang ay payat at hindi kataasan. Nasa one inch lang ang agwat ng taas nila. Hindi niya masyadong type ang ganoon. Mas tipo niya ang matatangkad at may katamtamang muscles. Iyong nagtataglay ng mahahaba at malalakas na brasong kaya siya
“UUWI ang Kuya Winston at Rene mo sa Sabado, Anna. Sigurado akong na-mi-miss mo na sila,” ani Mrs. Cora. “Kaya magluluto ako ng masarap na ulam. Ano’ng request mo ngayon, mahal ko?” Pinisil ng ina ang pisngi ni Annabelle.“Ginisang hipon, Mama!” magiliw na sagot ng dalaga. Nasa sala sila at nanonood ng TV.“Favorite mo talaga iyan, anak, ano? Kahit pa siguro araw-arawin,” natatawang sabi ni Mrs. Cora. “O siya, sige, magluluto ako.”“Yehey!”Galing sa kusina ay lumabas ang ama niyang may bitbit na tasa ng tsaa. “Mang, iimbitahin ko rin iyong nakilala kong opisyal ng sundalo, si Miguel. Nagkausap kami kanina sa opisina. Gusto ko ang batang iyon. Mabait, magalang, at karespe-respetado. Magaling sa trabaho. Sigurado akong magkakasundo kami niyon.” anito.“Oo naman, Pang. Imbitahan mo nang makilala naman n
NAKAPILA sila ni Jenny sa cafeteria. Lunch break nila iyon kaya mahaba-haba ang linya. Naabutan sila ni Fred doon.“Anna, Jen, makikisabay na ako sa inyo. Nakakawalang ganang kumain kapag nag-iisa. Ayos lang ba?”“Oo naman. Libre naman maki-join, e,” sagot ni Jenny.“Siya nga pala, pupunta ba kayo sa disco ngayong linggo? Bago daw ang gagamiting sound system ni Kapitan kaya siguradong maganda ang tunog. Magdadagsaan na naman ang mga taga-kabilang bayan. Siguradong enjoy ’yon,” anito.Biglang nabuhayan ng loob si Jenny. Yamot na ito sa mahabang pila. “Ay, oo! Punta tayo, sis. Ang boring na ng life natin lately, bahay-eskuwelahan na lang lagi.”“A, titingnan ko. Si Papa kasi, e . . .” Siguradong hindi siya papayagan niyon. May pagka-conservative kasi ang pamilya niya.“Ay
KINABUKASAN ng hapon ay nakaabang na si Miguel sa labas ng gate ng eskuwelahan. Nakasuot ito ng puting T-shirt na pinatungan ng black leather jacket at hapit na kupasing maong, prente itong nakaupo sa itim na motorsiklo. Nakapatong ang kanan nitong paa sa footrest ng motorsiklo at ang kaliwa naman ay nakatukod sa lupa. Ngumiti ito nang makita sila.Parang gustong pulutin ni Annabelle ang puso niyang nahulog sa lupa nang mapagmasdan ang guwapo nitong mukha.“Whoa, Annabelle! Tama ba ang nakikita ko? Si ano ’yan, ’di ba?” usisa ni Jenny.“Si Miguel,” pagkumpirma niya at gumanti ng ngiti sa binata.Mataman siyang tinitigan ni Jenny. “Ba’t parang may naalala akong sangkatutak na paalala at babala tungkol sa mga taga-Maynila? Sino nga ba’ng nagsabi niyon?”“Tigilan mo nga ako. Nagmamagandang loob lang ’yon
NASA hapagkainan si Annabelle kasama ang mga magulang.“Annabelle, nabalitaan kong madalas kang hinahatid ni Miguel dito sa bahay galing eskuwela.” Nagulat siya sa biglaang pagtatanong ng ama.Kahit ine-expect niya ng malalaman ng mga ito ang bagay na iyon ay hindi pa rin niya maiwasang kabahan.Paano niya iyon sasagutin at ipaliliwanag sa ama?Baka mag-isip ito ng masama.“O-opo,” nakatungo niyang sagot.Namayani ang katahimikan sa buong kusina. Tanging kalansing lamang ng mga kubyertos ang naririnig. Si Mrs. Cora ay nakamasid lang din.“Aba’y maganda iyan,” hindi inaasahang sabi nito. Biglang naitaas ng dalaga ang tingin. Nasorpresa siya, pati ang ina niya ay hindi rin makapaniwala.“O, bakit ba? Mas mabuti iyon. May bodyguard na ang anak ko, opisyal pa ng s