Share

Chapter 2

Chapter 2

Kanina pa ako pagulong gulong dito sa kama ko at patuloy na ginugulo sa isip ng isang demonyong nagngangalang Clyde. 

Pagkatapos niya halikan 'yong noo ko, OO 'YONG NOO KO!! 

First kiss ng noo ko 'yon no! 

Pagkatapos niya halikan 'yong noo ko, iniwan niya nalang ako sa cafeteria. Ramdam na ramdam ko lahat ng titig nilang pinapatay ako, maski si Cha at Xavier walang nasabi. Nagpaalam na ako pagkatapos nun kay Cha at Xavier, nauna na ako sa classroom at naghalukipkip sa sobrang hiya. Mayroon pa akong naririnig na bulong-bulungan sa gilid ng mga impaktang haliparot..

'Ano bang meron 'yang babaeng 'yan at hinalikan siya ng Clyde ko?!'

'Hindi naman maganda, makinis lang'

'Kung ako 'yon baka namatay na ako sa kilig'

'She'll pay for this! I'll make her life miserable!'

Alam kong sinadya 'to ng Clyde na 'yon para makaganti sa pag biyak ko ng kabuhayan showcase niya. Alam niya kasing hindi niya ako kayang gantihan ng sarili niyang kamay kaya ang mga haliparot niya ang gagawa para sa'kin.

Natigil nalang ang pag-iisip ko ng may kumatok sa kwarto ko. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa'kin si Tita Janine. 

"Yes tita?" I asked her, minsan lang kasi kami mag usap ni Tita. It depends if it's about school, talagang mahaba-habang usapan. 

"I just want to check if you're okay.." She said at bakas sa tanong niya na nag aalala siya. 

"I'm fine tita." I smiled to give her assurance na okay lang ako. 

"Good to know," She looked at the maids behind her and sinenyasan silang ipasok lahat ng dala nilang paper bags. 

"I bought this stuffs for you, I hope you'll like it." She smiled at me. 

Sunod sunod naman pumasok ang mga maids day kwarto ko bitbit bitbit ang mga paper bags na mukhang mga mamahaling damit at bag. My jaw dropped because of what I saw, I mean, this is too much!

"Naku tita, you don't have to do this po. I have clothes pa naman and I can still use it at school." 

"Don't you like it?" Malungkot niyang tanong

"No, I mean— of course, I like it. But this is too much, you already gave me a scholarship and a place to stay. And giving me material things was too much. I'm grateful but I can't accept this." I said, ayoko naman na isipin niyang sinasamantala ko ang pagiging mabait niya. 

"I'm happy to see you happy, just accept this. Consider it as a gift. Okay?" She said, ayoko nang humaba pa ang usapan kaya tumango nalang ako at nginitian siya.

The fact na sobrang dami na ng binibigay ni Tita, ang magagawa ko lang para pasalamatan siya ay 'yong mag aral ng mabuti. Para hindi masayang ang lahat ng binigay niya para sa'kin. 

Nagpasalamat na ako kay tita at pumasok na ulit ako sa kwarto ko. Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa lahat ng bagay na nakalatag sa kama ko. May relo na sumisigaw ng diamond da gilid nito, May iba't ibang klase ng damit mga gown, pang bar, pang daily life, at syempre pang school. May mga sapatos mga wedge, heels, sneakers, sandals at boots. At syempre hindi mawawala ang mga bag may shoulder bag, bag pack, at Hobo bag. 

Hindi ko na kayang titigan lahat 'to masyadong marami at mahal. Ang sakit sakit sya bulsa. Niligpit ko nalang ito sa closet ko at inayos. Nang matapos ako, nagshower na ako para malinisan ang sarili ko ay natulog. 



"Bye, Love" 

What a dream?! What panaginip lang 'yon? 

Hindi.. 

bangungot...

Napasapo nalang ako sa noo ko, binuksan ko ang cellphone ko at 3am palang pala. Devil time, kaya pala siya nakita ko. Hirap na nga akong makatulog dahil kada naaalala ko 'yong karumaldumal na pangyayari, nararamdaman ko parin 'yong labi niya sa noo ko. Pati ba naman sa panaginip ginugulo niya ako? 

Siguro tuwang tuwa ang hayop na sinira niya ang beauty rest ko. 

"Arghhh!!" Napapadyak padyak na ako sa hangin habang nakahiga, hirap na hirap na ako sa hayop na 'yon!!



I started this morning with a smile on my pretty face, ayoko ng sumimangot baka nagka wringkles ako. Pumasok ako ng school nag iniinda ko ang sakit sa tainga dahil sa dami ng naririnig ko. 

Gusto ko lang naman mabuhay at mag aral ng payapa and yet ginulo ng demonyong 'yon ang buhay ko. 

I just want a normal life pero bakit ako nakakilala ng sisira ng reputasyon ko.

'Andyan na ang Malandi'

'Who's that ugly ba?!'

"Who's that ugly ba?!" Bulong ko na ginagaya ang sinasabi nung abstract na si Annalise.

Cha said, na 'yong Annalise na 'yon ay ang babaeng nagrereyna reynahan sa school na 'to. Mayaman na pamilya din at nanggaling da pamilya ng mga writer, siguro sila 'yong pamilya na sumulat ng isang sikat na palabas. Title ata 'Conjuring' tapos base sa anak nila 'yong mukha ni Annabelle, kung gaano ka-pula ang blush on ni Annabelle. Ganon din ka-pula ang blush on niya. Lagi rin siyang nakatirintas ng dalawa, katulad talaga ni Annabelle. 

Tawang tawa talaga ako tuwing naiisip ko 'yon. 

Living Annabelle.

"Huy!" 

"Ay Conjuring!—" Sinamaan ko siya ng tingin "bakit kaba nanggugulat?!" Singhal ko sa kaniya, alam mo gwapo to eh, pero mukhang tanga din. 

"Why are you laughing? Mukha kang baliw" panglalait niya. 

"Gusto mong malaman?" I asked him, pag etong lalaking 'to tumawa babatukan ko 'to. 

He nodded, Kinuwento ko sa kaniya 'yong nasa isip ko at nakita ko nalang ang sarili naming tumatawa hanggang sa makarating kami da classroom ko. 

"Imbes.. na.. takot.." Tumigil siya sa pagsasalita dahil tawa siya ng tawa. "Pag..nanood..ka imbes na.. matakot.. ma.. matatawa ka.." hindi na niya natuloy ang sinasabi niya at humalakhak na kami ng tawa. 

Natahimik kami saglit nang dumaan si Annalise, inirapan niya lang ako at hinawi niya ang buhok niyang nakabraid. Nagtinginan kami ni Xavier at humalakhak ulit ng tawa. 

"Conjuring.. now existing.." Pag anunsiyo ni Xavier na ginagaya ang boses sa sinehan.

"Ouch! Ang sakit na ng tyan ko!" Mangiyak ngiyak kong sabi. Ang sakit na ng tyan ko kakatawa baka mamaya mautot ako sa classroom, naka aircon pa naman. 

The bell rang, huminto na kami ng tawa ni Xavier at kailangan na niyang pumasok dahil sa ibabang floor pa siya. 

"Lunch?" He asked while smiling ear to ear, goddddd!! His eyes, nawawala nanaman! 

"Sure!" Nakangiting sagot ko sa kaniya.

He waved his hand and he's about to go out when a devil came... 

"Next time, no one's allowed to go inside this classroom without my permission. Understand?" Anunsiyo niya sa buong klase and He glared at Xavier na para bang anytime sasapakin niya ito, nginitian lang siya ni Xavier at lumingon sa'kin para magbigay ng flying kiss. I giggled, so gwapooo! 

"And you!" Pasigaw na sabi ni Clyde, "You're not allowed to come near that guy" Seryoso siyang nakatingin sa'kin

"And why would I do that?" I asked him while raising my eyebrow

"Because" 

"Hoy hudas! May atraso ka pa sa'kin!" 

"I don't"

Wala akong balak na magsayang ng oras dito sa hudas na 'to kaya padabog akong naupo da upuan ko. Nagbasa nalang ako sa libro at hindi pinansin ang tao sa paligid ko. I can see in my peripheral view na may lumapit sa'kin, hindi ko siya pinansin dahil akala ko si Cha pero naramdaman kong nagtayuan ang balahibo ko sa ibinulong niya sa'kin. 

"No one is allowed to get close to you or even laugh with you, except me. Do what I said or I'll make your life miserable." 

'yong puso ko...

Nagwawala...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status