Share

Chapter 3

Chapter 3

It's been 3 weeks simula nang sinabi niya ang mga bagay na 'yon, hanggang ngayon hindi parin siya mawala sya isip ko. 

They said he's a fvcking bully and now malinaw na sa'kin ang lahat. Simula ng hinalikan niya ang noo ko sa cafeteria at simula ng bulungan niya ako sa classroom, sunod sunod na matatalim na mata ang nakasunod sa bawat kilos ko. Parang isang maling kilos ko lang, may tatarak na agad na matalim na kuko na may pink cuticle sa leeg ko. 

Lunch time ngayon at mag-isa lang ako dahil aabsent si Cha at May tapping si Xavier kaya wala silang dalawa. 

Bibili lang ako ng tubig at didiretso sa library para mag aral dahil may quiz bukas. 

Habang naglalakad ako papunta ng cafeteria, mayroong biglang humila ng buhok ko. Dinala nila ako sa tabi ng gymnasium na mayroong puno. 

"You bitch!" Sigaw niya habang hila hila ang buhok ko, "Who do you think you are?! Bakit nakakasama mo si Xavier and now pati si Clyde balak mo na din landiin? Like duh?! You're not even pretty!" She glared at me. 

Kulang nalang umusok ang ilong nitong si Annabelle—este Annalise, kasama niya ang mga alipores niyang mukhang abstract sa dami ng kulay sa mukha

"Putangina ano ba!" Sigaw ko habang nagpupumiglas sa kanila. Tiningnan ko sila ng masama at doon ko na realized na, grabe ang papangit pala talaga nila. 

'Ay girl, lumalaban like strong'

'Kalbuhin na ba natin? Like bald?' 

'They're right, palaban nga 'tong girl na 'to like strong' 

Natigil nalang sila ng pag-uusap ng tumili ng kalakas lakas itong si Annabellise—

"Shut up!!" Sigaw niya habang dinuduro ang mga abstract niya. Pagkatapos ay dinuro niya nadin ako. 

"You!" Pagkasigaw niya ay agad niya akong binitawan dahilan pala matumba ako. 

"Puta- kanina ka pa ah?!" Hindi na ako nagdalawang isip at tumayo ako, hinila ko ng parang busina sa jeep ang buhok niyang nakatirintas. Sabay kong pinagkrus sa leeg niya dahilan para masakal siya. 

'Omg girl like is she dying?'

'Tulungan mo girl like hello?'

"He..help.." pagmamakaawa ni Annabellise habang sinasakal ko parin. 

I still have little heart pa naman kaya binitawan ko na siya, paubo ubo siyang lumuhod ay hinawakan ang leeg niya sabay habol nv hininga. 

She glared at me, "O m g Natatakot ako.. like scary! The Annabelle's alive!" I mocked her using their tone. 

She's about to slapped me pero inunahan ko na siya, hindi siya natumba kaya inambahan ko na ulit siya ng sampal sa kabilang pisngi. 

"'yan! Pantay na!" I smirked and I look at my wrist para tingnan ang oras.

"I'm wasting my precious time here, I got to go. Bye Annabellise" I waved at her at akmang aalis pero hindi papatalo si gaga. 

"Annabe—what?! You bitch!" Nilingon ko siya

"Annabelle" Sabi ko habang tinuturo ang buhok niyang Annabelle style. 

"Panget like ugly!" She rolled her eyes and flipped her hair sa mukha ko. 

putangina anong shampoo nito?! Durian?!

"Putang— Ang baho ng buhok mo!" I shout and left her hanging at nakita kong inaamoy niya ang buhok niya, nakiamoy naman ang iba na mas kinalakas ng tawa ko. 

'Girl? Wash na ang smelly like eww!'

'true! You know durian? Like this!' 

'Shut up!!' 

puro kasi pananakot sa haunted house ang alam gawin eh! Kaya nakakalimutan maligo. 

Someone needs to take a bath... 

——

Pabalik na ako ng classroom nang may maabutan akong nagkakagulo at dahil dakila akong chismosa nakisingit ako sa pinagkukumpulan. Hindi na ako nagulat na nakita ko ang 'KING' daw ng university na 'to. 

Nakita ko siyang malapit sa isang nerd na lalaki at dinuduro niya ito sa noo. 

"I'm sorry Clyde..hindi.. hindi kita nakita" He said pero hindi siya pinakinggan ni Clyde at ng mga kaibigan niya. 

"Tsk." He smirked at kinuha niya ang eyeglass nung lalaki, "What's the sense of this?" Sabay kaway ng kamay habang hawak ang eyeglass. 

"This is nonsense, throw!" He thrown it to his friends at binitawan naman nila ito dahilan para mabasag ang salamin. 

'Opps'

'Hahahaha' 

Hindi ko na maatim 'yong ginagawa nila kaya unti-unti akong lumapit at pumagitna sa kanila. Agad ko siyang sinapak sa mukha. Sabay sabay na 'ohh' naman ang narinig ko at tiningnan ko siya. 

"What the—" He looked at me and He chuckled, goosebumps! 

"Love..." malambing na sabi niya. Kadiri. 

"Palitan mo 'yong salamin niya" matigas kong sabi sa kaniya, halata naman kasing scholar lang 'tong lalaking 'to kaya mahihirapan siyang mag-aral kung wala siyang salamin. 

Hinawakan naman ako ng lalaki para pigilan ako.

"Na-naku.. hindi na bibili nalang a-ako" nauutal niyang sabi, halatang takot na takot siya sa ungas na 'to. 

Tumingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay, "Palitan. Mo. Ang. Salamin. Niya!" 

"Tss. And who are you to say that?" He asked, ipinagkrus niya ang kamay niya sa kaniyang dibdib para ipakita saaking hindi siya natatakot. 

"Ha-hayaan mo na.. okay lang talaga.." 

"No" Matigas kong sabi sa kaniya, "Change it or I'll kick you back to your country" 

"I won't." 

"Why?"

"Because"

"Because what?!"

"You're nothing but a piece of shit" He smirked and he walked away habang nakalagay sa bulsa niya ang parehas niyang kamay. They left me na nanggagalaiti at umuusok parin ang ilong sa galit. 

What the hell? Pagkatapos niya akong halikan at bulungan ng kahikdik balahibo, sasabihin niya na 'you're nothing but a piece of shit?' Talaga? Ang kapal ng mukha!

Bumalik na ako sa ulirat ng makarinig ako ng bulong bulungan. 

'The king is back!' 

'buti nga sa kaniya' 

'Hmp! Ugly'

Agad nang nag-alisan ang mga chismosa dahil tapos na ang palabas. Hinarap ko ang nerd at pinagpagan ang damit niya, mukhang nadumihan siya ng mababahong kamay ng demonyo. 

"Are you okay?" I asked him

"O-okay lang, sa-salamat pala" naka ngiti niyang sabi, agad namang sumilay ang cute niyang mukha. If it's not because of glasses, malamang hindi siya mukhang nerd. He's definitely cute and hot at the same time. 

"That's fine" I smiled at him, I offer my hands para makipagkilala sa kaniya.

"Frankie Amber Celestial, you are?" 

"Carl Evans Smith." Smith? What? 

"Smith? How are you related to Clyde?" 

"Cousin" They're relatives! Paano niya nagawang saktan ang pinsan niya?!

"Bakit hindi ka lumaban? For Pete sake! Magkamag anak kayo!" I shouted, hindi ko na mainda ang inaasal ni Clyde. 

Nagkibit balikat lang si Carl at nagpaalam ng umalis. Sigurado akong may rason is Carl kung bakit siya nagpapabully at ang rason ni Clyde? Malamang dahil sa kayabangan niya. 

This fucking demon walang pinipili, kahit kamag anak pinapatos. 

Wala ba talaga siyang puso? Maybe I should do something para lumabas ang puso nito. 

I'll make your heart function again, Mr. Clyde. 

—At sa pagkakataong ito naisip ko, na sana hindi ko nalang pina gana ang puso mo.—

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status