Share

Chapter 4

Chapter 4

Sabi nila kahit gustong gusto mo ang isang bagay at kahit ipilit mo, kung may nakaharang naman na malaking bakod, mahihirapan ka. It's either you break the barrier, tatawidin mo ang bakod o magtitiis ka habang buhay.

At this moment, gusto ko nalang magtiis. Ngunit masyadong malupit ang tadhana, tila pinaglalaruan niya ako. At tuwang tuwa pa siya sa nagiging results nito. 

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang labanan ang nais ng tadhana but one thing's for sure, I'll never let my self trapped on my own snare. 

Kasalukuyan kaming nakaupo sa cafeteria at bumibili ng snacks dahil manonood kami ng try out ng basketball. Actually, I'm not into sports naman talaga, pero sobrang kulit ni Cha at May sisilayan daw siyang basketball player ng university kaya pumayag na ako. 

So what are friends for? Edi supporter sa kalandian. 

Bahagyang nakahalukipkip si Cha habang kumakain ng damo—salad habang si Xavier naman ay nakatingin sa ibang direksiyon at malalim ang iniisip. 

"Hoy! Anong nangyare sa inyong dalawa?" Tanong ko sa kanila habang dinuduro ang pangmumukha nila. 

"W-what?" Mataray ngunit nauutal na tanong ni Cha. I raised my eyebrow at pinagmamasdan ko siyang nakayuko ulit. 

"Seriously? For the past few days, you guys are acting so strange. What's with you people? Tell me." Tanong ko, naguguluhan na kasi ako. Tuwing magkakasama kasi kami, hindi pwedeng tatlo kaming masaya. 

It's either kami ni Cha masaya or kami ni Xavier, but never silang dalawa. Para bang nag iiwasan sila at nagpapakiramdaman.

"Nothing" Sabay na sabi ni Cha at Xavier. Nagtinginan naman sila at biglang nag iwasan ng tingin.

Bakit parang ang awkward? 

"O..kay? Finish your food Cha, pupunta na tayo ng gym." Nginitian ko siya at inayos na ang gamit ko. Napapalakpak naman si Cha sa sinabi ko at kumain ng nakangiti.

kung ano man ang issue nila, ayoko nang makisali pa. 

I know malaki na sila at kaya na nila ang sarili nila. 



Medyo malapit lang naman ang Cafeteria sa gym kaya mabilis kaming nakarating at sobrang dami ng tao, mabuti nalang at may reserved seat kami sa tabi ng mismong court kaya malaya kaming makakanood ng walang sagabal.

Nagsimula ng mag pasok ng mga players sa court, mayroong mga tatlong hindi katandaang lalaki sa tabi ng court na mukhang coach at binabantayan ang bawat galaw ng players. At sa tabi naman ng table ay ang isang folding sport chair na walang nakaupo, baka ang captain ang nagmamay ari. 

Masaya kaming nanonood ng basketball at katulad ng normal na kababaihan ay kinikilig sa bawat shoot ng player. 

'Go 06!!'

"Go babyyyyy!!" Malakas na sigaw ni Cha, nagulat naman ako sa sinigaw niya kaya napatingin ako sa kaniya. 

"Girl! Cheer ka din kayaaa!! Ay no way! You have to cheer the captain, just wait." She said and winked at me, sino kaya ang captain? Sana papabol din katulad ni Xavier.

Kasalukuyan kaming nanonood ng biglang nagtilian ang mga hipokritang babae sa likod namin. 

'Ahhhh!! Hi baby!'

'Shit panty ko nahulog!'

'Go honey bunch!'

'He's mine, bitch!' 

'No! He's mine!' 

'Walang sa'yo Nicole! Akin lang ang asawa ko!' 

Ang sakit sa tainga ng mga tilian nila, naintriga na ako sa nangyayari kaya naman bahagya ko ng tiningnan ang paparating na lalaki. 

Agaw atensyon siya sa pagtakbo niya. Puta! Kahit pagtakbo, ang gwapo parin. He's running while wearing a black jersey na dahilan para lumitaw ang pagiging mistiso niya. May isang 'Smith' at number 01 sa likod nito. bahagyang tumatagtak ang pawis niya na dulot ng pagtakbo niya, damn! It made him look hot and seductiv— what?! No! Napailing ako sa iniisip ko, my gosh! Bawal sa innocent mind ko 'yan!!

"Hey, you okay?" Napalingon ako ng nagsalita si Xavier, tinanguan ko lang siya at bumalik ng tingin sa court. 

So, He's the captain...

He's currently sitting on his throne na para bang haring nagmamatyag sa mga alipin niya. Alipin na aalilain niya dahil mayroon siyang kapangyarihan. 

Tuloy parin ang try out ng mga players at masasabi kong maraming magaling na players. Nahirapan daw mag desisyon ang mga coach kung sino kina number 22 at 16 ang kukuhanin niya. Tumayo si Clyde at inagaw ang atensyon ng coach at may ibinulong siya.

"Okay! Players! Attention. kung sino man ang mamakaagaw ng bola sa team captain, siya ang kukuhanin. At ang hindi makukuha, still May next game pa. okay?!" Anunsyo ng coach nila, that's unfair! Alam naman ng lahat kung gaano kademonyo si Clyde at malamang pahihirapan niya ang players. 

Walang kumibo at nagsimula na ang munting palabas... 

Si Clyde nasa gitna ng court habang kaharap si 22 at nasa likod naman si 16. Parehas nilang ibinibigay ang kanilang diskarte para makuha ang bola, but Clyde is really a pro! Nagagawa niyang iiwas ang bola kahit na hindi siya lumilingon. 

Tuloy ang laban, umabot ng 5 minutes ang laro at sa kasamaang palad, wala paring nakakakuha ng bola. Clyde stop at nilagay lang ang bola sa kaniyang tagiliran at bahagyang nakapamewang, palinga linga siya na para bang may hinahanap. agad naman nagtama ang tingin namin ni Clyde at ngumisi siya saakin. 

Sinamantala ni number 16 ang ginagawa ni Clyde para kunin ang bola, pero bago pa niya makuha ang bola agad niya itong ibinato. Shit! Papunta sa—

Papunta saakin!

Napapikit nalang ako ay hinayaang tumama sa katawan ko ang bola, ilang segundo na ang lumipas at wala parin akong nararamdaman. I open my eyes at nagulat ako ng makita ko.. 

Si Xavier, he's holding the ball with his one hand! na para bang hinarangan niya ang mukha ko gamit ang kamay niya. 

Natahimik ang crowd at palipat lipat lang ang tingin ko kay Clyde at Xavier na nagsusuntukan na ng tingin. 

I close my fist ng biglang magsink in sa utak ko ang pinaggagagawa ni Clyde, I looked at him at kinuha ko ang bola kay Xavier. I winked at him at humarap sa impyerno. 

"You demon!" I shouted at ibinato ang bola papunta sa mukha niya, masyadong mabilis ang pangyayari. 

Nakita ko nalang siyang nakahiga na sa court at hawak hawak ang ilong na dumudugo. At pinagkakaguluhan ng tao. 

Oppss napalakas yata. 

——-

Pagkatapos ng nakakakulo ng dugo na eksenang 'yon, hinila ko na si Xavier paalis ng gym at iniwan si Clyde na pinagkakaguluhan ng tao. 

Bahala siya, nananahimik akong nanonood doon tapos mangbabato siya ng bola? Pasalamat siya at hindi ako natamaan, kasi baka hindi lang nose bleed maabot niya saakin. 

Tita called me at pinapauwi na niya ako, agad naman akong nagpaalam kay Xavier. Nakita ko na ang sundo ko sa labas ng gate kaya sumakay na ako ay umuwi.

Naabutan ko si Tita Janine sa sala na may kausap na mag asawa, siguro parehas silang around 40's. Lumingon naman si Tita at ngumiti ng makita ako, tumayo siya at hinalikan ang pisngi ko at bahagyang niyakap. 

"Hija, This is Mr. and Mrs. Smith. My business partners." Tita Janine said while casually introducing them, hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinalapit sa kanila. 

"Mr. and Mrs. Smith, This is my scholar. Amber" I smiled and I offered my hands to them but Mrs. Smith hug me at bumeso siya, while Mr. Smith offered his hand at Tinanggap ko naman 'yon.

"Your scholar look familiar and oh, quite... expensive" Nakangising sabi ni Mr. Smith, naguguluhan ako sa sinabi niya. Quite expensive?!

"Shut up, Mark" Tita just rolled her eyes to him, look familiar? Ako? Did they know my Mama or even my Papa? Baka nga, kasi ang sabi ni Mama, bestfriend niya si Tita Janine kaya baka nga kilala nila. 

Mrs. Smith smiled awkwardly at me at sinenyasan niya akong maupo. 

Umupo ako sa harap nila habang si Tita naman ay nasa gitna na nakaharap saamin. 

"Well, hija. You're here because I have something to tell you." Seryoso niyang sabi, I looked at her at hinayaan siyang magsalita. 

"I'm giving you a task and I'm expecting that you'll do everything to finish it." Seryoso parin siyang nakatingin saakin at ako naman ay gulong gulo. 

Ipapakasal na niya ba ako sa iba?! Sa anak ng mga nasa harap ko?! Jusko ayoko pa po! 

"But before we discuss it to her, let's wait for my son." Sabi ni Mrs. Smith na ikinalaki ng mata ko. 

"Naku po! Wala pa po akong balak magpakasal, Tita hindi pa po ako handa!" Napagtaasan ko na sila ng boses at halos maiyak na ako sa sinasabi ko. 

hindi pa ako handa! Gusto ko pang bayaran ang ibinigay na scholar saakin ni tita janine! Gusto ko pang mabigyan ng maayos na buhay si Mama. I'm just fvcking 18 years old! Wala pa sa isip ko ang mag asawa!

Natigil ang pag-iisip ko nv biglang tumawa ang mag-asawa. Tumingin ako kay Tita para magtanong ngunit natatawa rin siya. 

"Ofcourse this is not arrange marriage. We just want you to do something for us." Agad na napakunot ang ulo ko sa sinabi ni Mrs. Smith. Ngunit nabaling ang atensyon ko sa lalaking pumasok sa sala. 

Napatingin ako sa lalaking naka white tshirt at jersey shorts na may dalang duffel bag sa balikat at naka kunot ang noo. Napasadahan ko ng tingin ang ilong niyang may bulak sa kaliwang butas. 

I chuckled at agad ding natigil ng humalik siya sa pisngi ni Mrs. Smith— putang...

Nanlaki ang mata ko ng magsink in sa utak ko na ang mag-asawang nasa harapan ko ay mga magulang ng isang demonyong naghahariharian sa university na si Clyden Lucas Fucking Smith!! 

"Son, what happened to your nose?" His dad asked him, napatingin naman ako kay Clyde na masama ang tingin saakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay at inirapan siya. 

"Just a crazy woman, she hit me intentionally using my ball." He said na may diin sa salitang intentionally. Ang kapal! Siya kaya ang nauna! Gumanti lang ako. Kung wala lang si Tita at mga magulang niya dito malamang nalunod na siya sa malulutong kong mura. 

"Clyde, hijo." Tita janine said at lumapit sa kaniya si Clyde at humalik sa pisngi nito. 

"Sit down". Agad namang umupo si Clyde sa bakanteng upuan na sa Kamalas malasang nasa tabi ko. Hindi ko alam, ang laki laki ng mansyon na 'to pero parang ang liit liit ngayon at naubusan pa ng upuan. Bwakananginanganamanoh!

"We're here because we have something to tell to you.." paninimula ni Mrs. Smith 

"Just tell it mom, I don't like wasting my time." Mariin na sabi ni Clyde habang nakakunot ang noong nakatingin sa nanay niya. 

Ano kayang mayroon itong lalaking 'to. na presensa niya palang, kumukulo na ang dugo ko. Mamaya ka sa'kin makaalis lang sila, babasagin ko ang mukha mo! 

"Okay.." Mrs. Smith chuckled, wala na bang ibang alam gawin ang pamilyang 'to kung 'di, tumawa ng mahina?

"Do the honor Janine" Tumingin naman kaming lahat kay Tita at sumeryoso siyang tumingin saaking dalawa ni Clyde. 

"Since I have a scholar with me, Me and This couple already talked about it. My scholar which is Amber, will take responsibility for Clyde until your 3rd year in college." Seryosong sabi ni Tita, naguguluhan ako. I will take responsibility for him? At kahit naguguluhan ay sumabat ako sa usapan. 

"And what if, I don't want to tita?" I asked her, as if naman kaya kong tagalan ang nagbabaga at hindi katanggap tanggap na pag uugali nitong si Clyde, eh hibla pa nga lang ng buhok niya kumukulo na ang dugo ko eh. Paano pa kaya kung siya mismo?

"You'll lost your scholarship." Matipid at mariin niyang sabi. Napa awang naman ang bibig ko at Umiling ako ng mabilis kay tita. 

No! dahil hindi ako pwedeng mawalan ng scholarship! Hindi ko afford ang university na 'yon, dahil half a million ang tuition doon! 

"And If I don't want any guardian?" Clyde asked, as if naman gusto ko siyang bantayan 'no!!

"You'll not get your inherits at the age of 21 and I'll also cut your cards and even your cars." His dad replied, agad naman siyang tiningnan ng masama ni Clyde. 

"No way" 

"Then do what we say, you both need this. Clyde needs to prepare for his future and the future of our company. And you Amber hija, you need to manage Clyde. Tutor him, guide him, stay by his side and make sure that you'll do anything para hindi siya gumawa ng kalokohan." Tita Janine said, sa tono ng pananalita niya halatang wala na siyang planong bawiin 'yon. 

I sighed, wala na akong magagawa. Kaysa mabuhay akong mang mang, hahayaan ko nalang ang sarili kong matali sa demonyong 'to.

"Fine." Sabay na sabi namin ni Clyde, tiningnan ko siya ng masama and I rolled my eyes. Hindi pa ako tapos sa'yo Clyde Lucas!! 

Agad naman napangiti ang tatlong matatanda sa harapan ko. Masaya silang matatali ako sa demonyong 'to. great! Just great. 

"Great! Here's what you need to do. Sabay kayong papasok, use Clyde's car. Sabay kayong maglalunch, and even pag uwi." Tita Janine said at tumango tango naman ang mag asawa. 

"No way!!" Sabay naming sabi ni Clyde, ayokong matali sa demonyong 'to! Not even inside or outside the campus! Pag iinitan nanaman ako ng fans club niya! 

"Calm down, Do what we say and we'll let you live peacefully. Oh, by the way. Kapag lalabas kayo, kailangan kasama niyo ang isa't isa. Mall, coffee shop or even date." Mrs. Smith said, grabe talagang pursigido sila?! Ano bang kasalanan ko sa mga taong 'to at patuloy akong pinahihirapan?! 

"Mom!" Clyde said but his mom just glared at him. 

"Don't you ever disobey me. I have my eyes inside the campus." Tita Janine said at tumayo na siya para umalis. 

Wala na. 

My peaceful life was ruined by that demon Clyde. 

Everything went smooth tapos sisirain lang nitong hayop na 'to! 

Oh god, how can I escape here? 

-Paano ko magagawa ang gusto nila? Baka mauna pa akong mamatay sa konsumisyon, bago tumino 'yan—

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status