Share

Chapter 5

Chapter 5

Sabi nila, when you're deciding kailangan isaalang alang mo ang mga posibleng mangyari. In that way, madadalian kang magdesisyon. but in my situation, hindi uso ang "madaling desisyon"

I'm stuck between, papairalin ko ba ang galit ko sa demonyong ito? O pakikisamahan ko siya habang nauubos ang pasensya ko? 

Scholarship ko ang nakasalalay dito at kung itutuloy ko naman, dignidad at pananampalataya ang mauubos sa'kin. 

I sighed, hindi ko na alam ang gagawin ko. Basta ang alam ko lang, pumayag na ako sa gusto ng matatanda and there's no turning back! 

"Tsk." He said, Sino pa ba? Edi ang magaling kong kasabay pumasok. 

Napabuntong hininga nalang ako at sumandal sa upuan habang inaabala ko ang sarili kong nakatingin sa bintana. Tanaw na tanaw ko ang pinaka nakakamangha na bagay sa Pilipinas, traffic. 9:00 am ang schedule namin at 9:10 am na nasa byahe parin kami. 

Sa kamalas malasang pangyayari, inabot pa kmi ng traffic. Paano kasi, nalate daw siyang nagising at nakalimutan na mayroon na siyang susunduin. Ayaw naman ako paalisin ng bantay ni Tita dahil sa usapan. kaya, ayan! Sabay kaming malelate! 

"This is all your fault." Sabi niya na ikinabaling ko ng atensyon sa kaniya. I raised my eyebrow and immediately glared at him. 

"Excuse me! This is all your fault. If you're not pasaway, edi sana nananahimik akong nag aaral ngayon!" Singhal ko sa kaniya, kung hindi lang sana siya gago. Edi sana hindi kami magkasama ngayon. At bakit hindi ko alam na business partner ang magulang niya ay si Tita, this is their fault. 

—Ayaw na ayaw ko sa taong gagawin ang lahat para sa negosyo.—

That's bullshit.

Binabasura mo ang sarili kong dignidad para lang sa pera. Fuck money!

"If you're not poor, edi sana you can say no to them!" He shouted back. 

"Alam mo ikaw, demonyo ka! Pati kahirapan ng tao idadamay mo pa? Sorry ha?! Kasi hindi ako kasing yaman mo! And sorry kung wala akong pang tuition fee! Demonyong hampas lupa!" I shout at him hanggang sa maputol ang litid ko, wala na akong pake. Alam ko naman na hindi niya naiintindihan ang tagalog kaya malakas ang loob ko. 

"Shut up!" Singhal niya sabay binilisan ang pagpapatakbo. kahit medyo traffic, nagagawa niyang patabihin ang mga sasakyan at humarurot. Well, what do you expect from a Smith? Mabuti nalang at naka seatbelt ako. Kung hindi baka kanina pa ako lumipad sa 
labas. 

"DEMON!" Sigaw ko habang mahigpit parin ang hawak sa pintuan ng sasakyan niya, natatakot na ako. Hindi ko na kaya. 

Halos hindi na ako umabot ng buhay sa school dahil sa ginawa niya. Nag park siya at mabilis na lumabas, sumunod naman ako para sigawan siya. 

"Hoy! Papatayin mo ba ako ha?!" Hindi niya ako pinansin at pa-cool na naglakad habang nakalagay ang isang kamay niya sa bulsa at ang isa naman ay hawak ang bag niya. 

"Argh!" Napapadyak nalang ako at sinipa ang sasakyan niya. I don't fucking care if it's matte black Chevrolet Corvette, I just hate the owner! 

Nag alarm ang sasakyan dahilan para bumalik si Clyde sa parking lot. Kitang kita sa mukha niya ang pag aalala at inis, pero hindi ako nagsisisi na sinipa ko 'yon. 

"What the fuck Did you just do?!" He's mad! I can see it in his eyes. Napahilamos siya ng mukha dahil sa frustration, His luxurious car got scratched! Para na akong pinapatay ng tingin niya, napalunok nalang ako. 

"I-I kicked it!" Lakas loob kong sinabi pero sa loob loob ay natatakot na ako sa kung anong pwede niyang gawin sa'kin. 

Tinabig niya ako para tingnan ang bahagi na sinipa ko, mayroong scratch don dahil naka-heels ako at kitang kita ang scratch sa malayuan kahit maliit lamang ito. 

Hinimas niya ito na para bang tao at sinamaan ako ng tingin, maya maya pa ay kinuha niya ang cellphone niya— Latest Iphone... iba talaga pag rich, ang hirap mareach.

"yeah..okay..Inside the university.. yes, right now..I'll double—no I'll triple the price, just get it now!" Singhal niya sa kausap niya sa phone, inilagay na niya ulit ang cellphone niya daw bulsa at naglakad. 

"Let's go." Mariin niyang sabi at lumapit sa'kin, He suddenly touch my hand and intertwined it with his. 

I looked at him at para bang wala lang sa kaniya ang ginagawa niya. 

"What do you think you're doing?" I asked him, hindi ko kayang makipaggaguhan sa kaniya. Lalong lalo na sa loob ng campus, pag iinitan lang ako ng mga fan girls niya. And besides, hindi ko gusto na mapalapit sa kaniya. Not in any aspect. 

"Holding your hand?" He said habang nakakunot parin ang noo.

"Tsk. I need to do this." Pahabol niya, agad ko namang binawi ang kamay ko at binuksan ang bag ko para mag alcohol. 

"Eww! Eww!" Singhal ko habang nagiispray sa kamay ko. 

"How dare you touch my hand?!" I glared at him at inirapan niya lang ako. Gay? 

"Do you want them to think that you're my maid? Just give me your hand and let them think that we're together." What maid? Kahit mukha pa akong ipis sa tabi niya, okay lang! 'Wag lang mapagkamalang girlfriend! Over my dead sexy body! 

"Let's just act natural, they don't have to think that we're together." Mariin kong sabi sa kaniya, mukhang na gets naman niya ang punto ko at ayoko ng pahabain ang usapan. Wala ako sa mood. 

sabay na kaming naglakad papasok. 

As I expected, sa hallway palang madami na akong naririnig na nagbubulong bulungan at ang iba pa ay kumukuha ng picture. Baka gusto niyo din ng autograph?! 

Napabuntong hininga nalang ako habang itong kasama ko, walang pakialam at sobrang cool pang naglalakad. 

Naglakad kami papunta sa room at dahil nga late kami, andon na ang prof naming kamukha ni Mr. Lopart. 

"G-good morning Mr. Lopa—Gonzales. Mr. Gonzales" Agad akong nakarinig ng hagikhikan dahil sa bati ko sa kaniya, 

bakit ba kasi kamukha nya 'yon?! 

Sinenyasan naman niya akong pumasok nalang at sumunod naman ako, agad naglaho ang ngiti nila ng sumunod si Clyde. Napatingin naman ako sa kaniya ng kalabitin niya ako. 

"Your book." He handed me my book na binigay ni Tita. 

"You left it earlier on my car." Hinalikan niya muna ang tuktok ng ulo ko at Lumakad siya palikod sa'kin sabay pinasadahan ng hawak ang baywang ko. Pakiramdam ko nag-iinit ang mukha ko dahil sa ginawa niya.

Napalitan ang hagikhikan ng bulungan at matatalim na titig.

I glared at him and He just winked at me. Damn you Clyde! Sinadya nanaman niya 'yon para pagkaguluhan ako. 

Agad kong nakita ang galit na galit na si Annabelle, Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya dahil baka humalakhak ako sa tawa. She's Annabelle na talaga. 

"What's that? Amber, are you blushing?" Masayang tanong sa'kin ni Cha pagkaupo ko, inirapan ko lang siya at nakinig na sa lesson. 

What the fuck Clyde?!

Natapos ang dalawang subject namin nang patuloy akong kinukulit ni Cha, wala tuloy akong maintindihan. Lunch time na at ang usapan, We'll eat together. Whether we like it or not. 

Nakatingin lang ako sa harapan at hindi gumagalaw, Iniisip ko kasi. The moment na kumain kami ng sabay, mas lalo kaming pag uusapan. 

Maybe hindi nalang ako kakain... 

"Hey! Let's eat! I'm starving na.." Nakangusong sabi ni Cha habang hinihimas ang tyan niya. Napangiwi ako sa inasta niya, para siyang batang inagawan ng cerelac.

"Wala akong gana, Cha. Pass muna" Sabi ko at naghalukipkip nalang ako sa lamesa ko. 

Narinig ko ang yabag ng sapatos ni Cha palabas ng room, napabuntong hininga ako dahil hindi na siya nagtanong. It'll be hard for me to lie to her, but I can't tell it to her. Kasama 'yon sa usapan, ayaw ni Clyde mapahiya kaya isinali niya.

"Let's eat." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Clyde na buryong nakatayo sa likuran ko. 

"Wala akong gana." 

"Tsk." Narinig ko naman ang yabag ng sapatos palabas ng room, ngayon ako nalang mag isa. Mabuti narin para walang gulo, sawang sawa na akong makipaglaban sa mga utak talangka niyang fansclub. 

Maya-maya, nagulat nalang ako ng may biglang nagsalita sa likod ko. 

"Eat." I looked at him, ang bilis naman nitong demonyong 'to?! he's holding a sandwich and a pineapple juice. Shit, no. 

"A-ayoko." Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at inabala ang sarili sa pagbabasa. Habang nagbabasa ako naramdaman ko nalang ang init ng tinapay sa labi ko. 

Kung kanina nasa likod ko siya, ngayon naman ay nasa harap ko na siya. Inikot niya ang nakatalikod na upuan sa harap ko at doon siya naupo. 

"A—-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nung binuksan ko ang bibig ko ay bigla niyang sinubo sa'kin ang sandwich. Sinamaan ko siya ng tingin and he just shrugged. 

Egg sandwich, This is bad. Kailangan malaman ni Clyde 'to. 

"Cly—" hindi nanaman natapos ang sasabihin ko ng palsakan niya ako ng kalahating sandwich, nabulunan ako sa ginawa niya at hinawakan ko ang leeg ko dahil sa hirap na paglunok. 

Inabutan niya ako ng pineapple juice ngunit tinanggihan ko ito. no, not this time!

But I don't have choice kaya Ininom ko ito, tuloy tuloy ang inom ko hanggang sa maubos ko 'to. 

Egg sandwich plus pineapple juice! This is bad! I'm allergic to both, why now?! Why with him?! 

Agad akong nakahinga ng maluwag dahil okay na ulit ang lalamunan ko. 

"Bakit mo ba kasi sinalaksak 'yon?!" Singhal ko sa kaniya ngunit tahimik lang siya at pinagmamasdan ang balat ko. 

"A-amber..." 

Agad akong nakaramdam ng kati at unti unti ng namamaga ang braso ko, kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang sarili and shit! Namumula na 'rin ang leeg ko. This is bad timing!

"Shit!" He cursed, hindi na siya mapakali. "what should I do?" Itinaas ko ang kamay ko para humingi ng tulong sa kaniyang tumayo. Nakaramdam ako ng panlalambot ng buto dahilan para muntik na akong matumba.

Agad akong nakaramdam ng hirap sa paghinga, "C-clyde....hindi...maka..hinga.." naka hawak lang ako sa dibdib ko habang naghahabol ng hininga. 

"Shit. Hang in there!" 

That's the last thing I've heard, until everything went black.

—————————-

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status