Share

TUG: Chap 3

Goodluck

"Nabangga?" gulat na tanong ni papa ng kumakain kami sa hapag kinagabihan.

I pouted. "I'm sorry, pa."

"Ipapa-ayos ko na lang sa talyer, pa," singit ni ate. Tiningnan ni papa si mama.

"Wala tayong pambayad sa damage ng sasakyan kaya pumayag ako, Yain," sagot naman ni mama. Napabuga si papa ng hangin sabay hilot sa sintido niya.

"Bakit naman kasi tinuruan mo agad ang kapatid mo, Yiesha? Hindi ba't sabi ko ay dapat kasama ako?" anang papa. Napayuko si ate.

"Sorry po," bumaling naman siya sa akin.

"Okay lang ba talaga sa iyo 'yon, Yenji?" tanong niya sa'kin. Tumango ako at bahagyang ngumiti.

"Okay lang po, pa," magalang kong sagot. Tumango siya.

"Oh siya, magpatuloy na sa pagkain."

Tumikhim si mama. "Pero ang gwapo ng Ash na 'yon, Yain! Mukha talagang mayaman," si mama.

"Gwapo?" kuryosong tanong ni papa. Tumango-tumango si mama sabay ngiti.

"Legit, pa! Ang pogi!" sabay tili ko. He smirked.

"Kaya naman pala pumayag 'tong si Yenji eh! Nakuu kung wala lang talaga tayong babayaran eh hindi kita papayagan diyan sa pa-fake girlfriend, fake girlfriend na iyan!" 

Sumimangot ako. Tumawa naman si ate. "Dapat nga pa ako na lang bumangga eh!" umismid ako sa kanya.

"Yiesha, dadating din ang nararapat sa'yo. Malay mo pogi rin," sabay ngisi ni papa at halakhak. 

"Papa naman eh! Nag-i-imagine na tuloy ako!" 

"Sige na! Sige na! Naiinggit din ako sa inyo," saway ni mama. Sinamaan siya ng tingin ni papa.

"Ahh.. edi hindi pala ako gwapo?" tanong niya.

She tsked. "Naman. Ano pang inaakala mo? Gwapo ka?" we cheered for mama. Burn.

Papa held his chest dramatically. "Aigoo! Ang sakit mo naman magsalita darling," ngumiwi si mama.

"K-drama pa!" hiyaw ni mama at nagpatuloy na sa pag-kain. Tumawa kami at kumain na lang din ulit.

"Tawagan mo na kasi, Yenji!" pilit ulit ni ate.

Kanina pa ako pinipilit ni Ate Yiesha na tumawag kay Ash. Hawak ko na ang calling card niya. 

"Wait nga lang kasi, ate! Ano nga munang sasabihin ko?" 

"Mag-hello ka malamang!"

Umirap ako. "Tapos? 'Yun lang? Mukha naman akong ewan doon!" angal ko. 

"Ganito na lang.." lumapit pa ako sa kanya. 

"Ano 'yon, ate?"

"Kunwari, tatanungin mo siya kung kailan kayo magsi-simula. I-discuss niyo 'yung mga kailangan mo at niyang gawin. Gano'n!" matagumpay akong ngumiti at titili-tiling tinipa ang numero niya para matawagan na.

Inilagay ko ang phone sa tenga pagkatapos kong pindutin ang loud speamer para marinig na rin ni ate.

Pinigilan kong tumili ng sagutin niya iyon.

"Hello," kinikilig na tinulak ko si ate at tumalon-talon pero siniguradong walang tunog iyon. Kinagat ko ang labi ko para mapigilang tumili dahil sa kilig.

Napakalalim ng boses niya at malamig! Seryoso ito pero ang sarap pakinggan!

"Hello?" ulot niya kaya inayos ko ang utak ko.

"U-Uh, hello! S-Si baby 'to-- I mean si Yenji!" tumawa ako at tinulungang makatayo si ate mula sa pagkakatulak ko. Dumaing ako ng batukan niya ako.

"Ang sakit no'n ah?" she mouthed.

"Hmm.. what's for the call?" he boredly ask.

Huminga akong malalim bago sumagot.

"Ahh.. kailan ba tayo magsisimula?" I asked him.

Natahimik ang linya niya. Rinig ko ang ugong ng aircon niya kaya paniguradong malapit lang siguro iyon sa kinalulugaran niya ngayon.

"Tommorow," he replied shortly.

"Ano bang gagawin ko?" tumingin ako kay ate na nakikinig lang din.

"Let's just talk tommorow."

"Saan?" 

"Sa university," kumunot ang noo ko.

"Ano bang school mo?" 

"Mercedes," nanlaki ang mga mata namin ni ate. Titili na sana ako ng walang awang takpan ni ate ng biglaan ang bibig ko muntikan pa akong bumagsak sa sahig.

"Mercedes ka din?!" pinigilan kong mag-tunog masaya. 

"Yes. You either?"

"Oo! Pero bakit hindi kita nakikita roon?"

"Because the campus was big enough, I think?"

"Ahh.. oo nga naman. Sa cafeteria na lang bukas sa lunch, ha?" oh diba? FC na ako kay Mercedesian? Lol.

"Sure."

"Bye!"

"Hm," sabay baba niya ng tawag. Umismid ako. 'Hm' lang?! Naman oh! Napakatipid sumagot!

"Grabe! Sa Mercedes din pala siya? Ang swerte mo naman kapatid!" 

"Uy ate!" saway ko sa kanya at tumingin sa lapag.

"Bakit?" tumingin din siya doon.

"Natatapakan mo 'yung hair ko," sabay sapak sa kanya sa braso. Tumawa siya at sinabunutan ako ng bahagya.

"Matulog na nga lang tayo! Dami mong kalokohan."

Ito na ata ang pinakamasaya at pinakamagandang gising ko sa buong buhay ko. Tumayo ako at tumingin sa salamin. Kinindatan ko ang sarili ko.

Walang pinagbago. Maganda pa rin!

Tiningnan ko si ate na humihilik pa rin sa kama. Mamaya pa ang oras ng trabaho niyan eh. Sana gumraduate na rin ako katulad ni ate at makapag-trabaho na.

"Ma, baon," nanonood na si mama ng palabas sa t.v. Si papa naman ay nakain pa lang ng umagahan, papunta na rin sa munisipyo para mag-trabaho.

Tiningnan ako ni mama pero tinuro niya si papa. "Hingi ka sa papa mo," sumimangot ako pero sumunod din naman.

Lumapit ako kay papa at nagpa-cute. "Pa.. penge baon," sabay ngiti. 

Tumigil siya sa pag-nguya ng pandesal na sinawsaw sa kape. He sticked out his tongue at umiling. Sumimangot ulit ako.

"Pa.. kahit dalawang daan lang."

He tsked per bumunot naman din sa bulsa niya ng wallet at naglabas doon ng dalawang daan. My smile widened at that. Yinakap ko si papa at nagpasalamat sa kanya.

"Ayusin mo pag-aaral mo, Yenji ha? Tingnan mo, mababawasan ng isang daan 'yang dalawang daan mo," banta sa akin ni papa. Tumawa lang ako. Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa, kuha ng bag at ID ko bago lumabas ng bahay at mag-abang ng jeep na masasakyan.

"Yenji!" liningon ko si Teasia na kabababa lang sa kotse nila. Siyempre, mayaman 'to eh. 

Nakangiting lumapit ito sa akin at sabay kapit sa braso ko.

"'Yan ka na naman sa hawak ng braso ko, Teasia!" saway ko sa kanya. She snorted.

"Sige na! 'Di ko mapigilan!" pagpupumilit niya. Bumuntong-hininga na lang ako at ngumiti.

"Malapit na ang finals 'no?" sabi niya.

Tumango ako. "No gadgets na naman. Nakakainis."

Tumawa siya. "Buti na lang sa'kin pwede akong gumamit ng phone before mag-review basta't five hours straight ako after."

Sasagot na sana ako pero napukaw ng atensiyon ko ang kabababa lang na si Ash sa bago niya ngang sasakyan pero BMW ulit ito katulad ng kahapon. Naka-shades at jacket ito. Isang strap lang ng bag niya ang nakasabit sa kabilang balikat niya. May hawak naman siya ngayong Starbucks sa kamay. Lumipat ang tingin ko sa piercing na nasa isang tenga niya. Ang gwapo niya talaga lalo na't nag-shades pa siya.

Pero bakit ngayon ko lang siya napansin? Lagi naman akong napapadaan dito sa parking ah? Tss. Ewan.

"Yenji, are you listening to me?" napakurap-kurap ako ng iwagayway ni Teasia ang kamay niya sa harap ko.

"Ah.. oo. Tara na nga!" at hinatak ko na siya paalis doon at baka magka-salubong pa kami ni Ash kung sakali. 'Di pa ako ready.

'Di pa ako ready na maging girlfriend niya. Charot.

Matapos ang klase sa umaga ay nag-lunch break na pero naka-upo pa rin ako rito sa upuan ko. Nagre-review para sa next subject namin mamaya dahil may quiz. Buti nga at wala pa namang professors na nagpapa- surprise quiz kasi 'di ako ready. Hindi ako nakapag-review kagabi.

"Yenji, it's lunch time na," yaya sa akin ni Teasia. I shook my hand in front of her, trying to focus on reviewing my notes.

"You go first. I'll just finish this."

"Are you sure?"

"Yes."

"Sige, bye!" tumango ako at nagpatuloy na lang muli sa pagre-review.

Napasinghap ako ng makita ng oras sa relo. Tapos na pala ang lunch! Ano ba 'yan nagugutom na ako!

"Yenji! You didn't eat lunch naman eh!" angil ni Teasia ng makapasok ng room. Sumimangot ako. Kasabay ng pagpasok niya ay ang pagpasok naman ng professor namin kaya hindi na ako nakalabas pa ng room para bumili ng kahit snack man lang.

Naalala ko ang usapan namin ni Ash. Hays, 'di ko tuloy siya nakausap! Pero mas okay na 'yon kaysa naman bumagsak ako rito sa terror professor namin! 

Habang nagqui-quiz ay ramdam ko ang pagkulo ng tiyan ko. Liningon ko ng pa-simple si Teasia.

"Psst!" liningon niya ako.

"May tinapay ka ba diyan?" tumingin muna siya sa unahan bago umiling sa'kin.

"Wala eh," I frowned and just nodded before I continue answering on my paper. Nasa board na naman ang tanong kaya hindi kami nape-pressure.

Na-distract ako ng mag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Tiningnan ko muna ang professor bago pasimpleng inilabas ang phone ko at tiningnan ang nag-text doon. 

Nanlaki ang mata ko sa nakitang text.

From: Ash

I already finished my lunch but you stil weren't here. Where are you?

I bit my lip at nag-tipa ng reply.

To: Ash

I reviewed for quiz. Later na lang. I'm battling for a quiz. Lol.

Hindi ko inaasahang magre-reply siya agad.

From: Ash

Goodluck, then.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status