Share

PAHINA 4

Pahina 4

'Ganoon nga '

Sleepless night was hitting on me, I never sleep early in that moment. Naghintay ako ng reply n'ya kahit alam ko namang wala naman akong ere-reply rin sa kanya. Para akong nabaliw kasi nag-iimagine na ako ng kung anu-ano. Kung bakit n'ya ako ina-add right away after he helped me yesterday. Bakit n'ya nalaman ang facebook ko. Bakit s'ya nagka-interes bigla sa akin. Anong interes Ellen? Nagha-hallucinate ka na naman. Bulyaw ko sa sarili.

Sa gabi ring iyon 'di ko na nahintay si mama na makauwi, dahil dinalaw na ako ng antok. 'Di ko alam kung anong oras s'ya nakauwi kagabi o baka kaninang madaling-araw na siguro.

Kasalukuyan ako ngayong na sa aking kwarto at kagigising ko lang. Hindi ko namalayan ang oras. Pero tingin ko ay maaga pa naman. Dahil 'di pa nagpapakita si haring-araw.

Kinuha ko muna ang cellphone ko sa ibabaw ng aking lamesita. Tinignan ko kung may text ba. Pero wala naman. Sino ba namang magtetext sa akin? E, wala nga halos estudyante o kaklaseng lumalapit sa akin para makipagkaibigan sa paaralan. Mga nang-aaway siguro marami.

Sa araw-araw kong pagpunta sa eskwelahan, 'di ko pa rin mahihinuha kung bakit ang hirap makahanap ng isang kaibigan. 'Di matapos-tapos ang mga isyung pinupukol ng karamihan patungkol sa aking mama. Datapwat ay lalo pa itong lumala.

Sa pagtatapos ko bilang isang Grade 7 student ay 'di ko pa rin nakauusap si Greg upang personal s'yang pasalamatan, pero parang ang ilap ng tadhana na paglapitin kaming dalawa. Dahil rin siguro athlete siya kaya palaging busy sa training o laro.

Bilang isang honor student ay may award ako, kaya andito ako ngayon sa recognition upang lumahok sa pagbibigay-pugay ng mga kagaya kong may awards din.

Nandito ang mama ko sa awarding ceremony. 'Di maiiwasan ang mga bulong-bulongan ng mga tao sa paligid. Sa kaloob-looban ko ay nahihiya ako dahil nandito si mama at alam kong walang katotohanan lahat ng mga pasaring nila sa kanya.

Sa patuloy na bulungan ay tinitignan ko kung ano ang maaring ipakitang reaksyon ni mama sa mga naririnig. Pero para sa kanya ay balewala lang ito. Parang sanay na siya rito at 'di na niya inaalintana pa. Kung sabagay, kung ako nga rin eh, 'di ko na lang din pinapansin.

When our recognition is already done. Napagpasyahan namin ni mama na kumain sa isang magarang kainan. I don't think if it is necessary. Okay lang naman na sa bahay na lang. Pero pinipilit ako ni mama dahil minsanan lang naman daw itong mangyari.

Namangha ako sa laki ng retaurant na pinagdalhan ni mama sa akin. Akala ko simpleng fastfood lang ang kainan na sinasabi ni mama kaninang mamahalin. Dahil noon sa bubuyog o sa clown na fastfood niya ako dinadala.

Kaya masasabi kong sa buong buhay ko ngayon lang ako nakapasok sa ganitong kagarang lugar. Ang aking mga mata ay 'di magkaugaga sa pagkilatis at katitingin sa mga bagay na nakapagpapakinang ng aking mga mata.

Ang gaganda ng mga gamit. Sa isang tinginan lang, masasabi mo na talagang may taste sa arts ang gumawa at pumili ng bawat disenyo, bawat ukit ng mga nakakurbang bahagi ng poste at mga pader ay nakamamangha, 'di nakasasawang pagmasdan.

"Anak, congratulations." maligayang sambit ni mama.

"Ma, 'di ko pa po graduation." natatawa kong pasaring.

"Kahit na anak, masaya ako dahil honor student ka. At may award pa, Grade 8 ka na sa susunod na pasukan."

"Oo nga mama eh, lalo ko pa pong pagbubutihin ang aking pag aaral"

May lumapit sa aming waiter at binigyan kami ng menu. Pagtingin ko sa mga pagpipilian ay nanlaki ang mata ko sa mamahaling mga pagkain. Naisip ko kung paano kaya namin mababayaran ito. Pero I think baka pinag-ipunan na rin ito ni mama for a surprise treat n'ya para sa akin...sa amin.

Natapos kaming mag-order at kinuha rin ng waiter ang orders namin. Habang naghihintay na maserve iyon ay may lumapit kay mama na isang babaeng kaedaran rin niya.

"Rebecca? Is that you?" gulat na tanong kay mama.

"Daisy? Omaygash. Long time no see." mahigpit na yakapan ang salubong nila sa isa’t-isa at nagbebesohan pa.

"Kumusta ka na Reb?" si ma'am Daisy ay nagbigay-daan naman ang kanyang paningin sa akin.

"Iyan na ba ang anak mo? Ang laki na ah. Nagkita na ba sila ng papa n'ya?" biglang na estatuwa ako sa narinig.

"Ay. Sorry Rebecca, I didn't know akala ko alam n'ya" nagsusumamong mukha ng kaibigan ni mama.

"O-okay lang naman po madam." pagkaklaro ko na kahit papaano, okay lang sa akin na banggitin iyon. 'Di na rin naman bago iyon dahil kahit noon pa man ay may mga nadudulas rin na nagtatanong about sa 'min at kay papa.

Ngumiti ako kay Tita Daisy. Habang patuloy sila sa pag-uusap ay napagtanto ko sa isip ko kung bakit kami iniwan ni papa. Iresponsable ba s'yang kasintahan at 'di ako tanggap? Ano ang maaring pinakadahilan ng pag-iwan n'ya sa amin. Baka may ibang pamilya si papa kaya ganoon.

Simula pa lang, kahit litrato man lang ay 'di ko kilala ang papa ko, 'di ko alam kung ano ang mukha n'ya. ‘Pag nagtatanong ako kay mama tungkol kay papa ay 'di n'ya ako sinasagot. 'Di ko na lang pinipilit si mama dahil baka masakit pa rin para sa kanya hanggang ngayon ang pag iwan ni papa sa kanya o sa amin.

Umalis na rin si Tita Daisy at 'yon din ang paglapag ng waiter sa order namin. May sinabi ang waiter na nakapagbigay kuryosidad sa akin.

"Madam, sabi ni Sir sagot na n'ya lahat ng orders mo. Na sa kabilang table po siya." tumingin si mama sa sinabing mesa ayon nang waiter. Nag-angat rin ako ng tingin sa kabilang mesa at may napagtanto akong baka kakilala lang din si mama nang panauhin kaya ito na ang paunlak ng bayad. Pero ng nagkatitigan silang dalawa ng lalaki ay nag-iwas ng tingin si mama at kinuha ni mama ang kanyang cellphone sa kanyang pulang pouch at nagtipa roon. Hindi alam ni mama na sa bawat kilos niya ay nasusundan ko. Hindi naman ako ganito noon.

Nang nag-angat ng tingin si mama at tapos ng magtipa ay tumingin siya sa lalaki at agad ring tumingin sa kanyang cellphone at nag-angat na rin ng tingin kay mama at ngumiti pa ito at kumindat. What is that??

Parang may kung anong tanong na namuo sa aking isipan sa mga galaw ni mama at ng misteryosong lalaki. Nang magawi ako sa mesa ng lalaki ay may naaninaw akong isang pamilyar na mukha na sa ilang araw kong nais na makita ay ngayon ko lang napagmasdan ulit.

Tahimik lamang ito na nag-focus sa pagkain. Nakaharap ito sa akin kaya ng nag-angat siya ng tingin ay nahuli rin n'ya ang mga mata kong nakatingin rin sa kanya.

Ngingitian ko na sana siya pero bigla siyang yumuko ulit at kumain. Bahagya akong napahiya sa pagngiti ko dahil para akong baliw na nangingiti mag-isa at 'di naman n'ya nakita.

Baka 'di n'ya lang siguro ako namukhaan kaya ganoon. Tama. Tama. Ganoon nga 'yon. Pagpapagaan ko sa aking sarili.

Tahimik na rin akong kukamain at napansin yata ni mama ang bigla kong pagtahimik.

"May problema ba anak?"

"Wala po ma." ngumiti ako para 'di maapektohan si mama.

Napagtanto ko, baka 'di lang talaga siguro n'ya ako namukhaan. Ganoon nga siguro. Haays.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status