Share

PAHINA 6

Pahina 6

'Halik'

Unexpected encounter with him yesterday is the best among all the happenings in my life. As in wow. Did I really met him? 'Di ako nakatulog ng maayos kagabi sa kaiisip ko sa nangyaring interaksyon kay Greg kahapon.

Never ko talagang ini-expect na ganoon ang ganap 'pag nagkita kami in person. 'Di naman kasi ako ganoon ka desperate para makita lang siya. Okay na nga lang sa akin na if ever 'di kami magkita agad. Pero...ahh basta.

Grade 8 na ako sa pasukan, 'di pa ako nakapagpa-enroll ng maaga, baka third week na lang siguro ako magpapa-enroll.

"Anak, may lakad ka ba ngayon?" tanong sa akin ni mama, may nahimigan naman ako sa paraan ng kanyang tono ng pananalita.

"Wala naman po ma, bakit po?" dahil sa pagtataka sa pagtatatanong niya ay agad kong pinasadahan ng tingin ang kabuoang suot ni mama.

Naka-purple dress si mama na ang design ay pang-old fashion pero may class. Ang dress n'ya ay naging sobrang pormado ang kurba ng kanyang katawan. At ang buhok naman niya'y nakapusod, nahuhulma ang hugis ng kanyang mukha.

Sa tenga naman ay napansin ko rin na may suot siyang dalawang pares ng makikinang na hikaw. At isang kwentas rin na agaw pansin ang diamond sa gitna nito.

Sa kabuoang postura ni mama ay masasabi kong sobrang simple pero may class. Lalo na sa suot n'yang black heels na sa tantya ko ay na sa 5" ang taas nito. Matapos kong pasadahan ng tingin si mama ay ako naman ang nagbigay pasaring sa kanya at nagsalita patungkol sa kanyang suot.

"Ma, sa tingin ko po kayo po ang may lakad siguro." I smirked after I told her tungkol sa napapansin ko sa kanyang kasuotan ngayon.

"Yes. ako nga ang may lakad, kaya nga nagtatanong ako sa 'yo if ever may lakad ka o wala, kasi baka 'pag umalis ako at may lakad ka naman pala. Baka walang magbabantay sa bahay." mahabang litanya ni mama

"Saan pala ang lakad n'yo ma? Ba't ganyan ang suot mo?"

"May e me-meet lang, baka 'di na ako makauwi ngayong gabi." dahil sa gulat ko ay napatayo agad ako.

"Ha? Bakit naman po ma? Malayo ba ‘yan kaya ka hindi makauuwi?" natantong napasigaw na pala ako kay mama.

"Kalma anak. Joke lang. Baka hapon o gabi na ako makauwi. Magugulatin kana yata ah." pambawi ni mama.

"Oh s'ya sige, papanhik na ako, baka hinihintay na ako ng eme-meet ko." paalam ni mama.

Ayon nga'y lumakad na si mama matapos akong halikan sa pisngi. After an hour ay nakaramdam na ako ng pagkaboring sa bahay kaya inaliw ko na lang ang sarili sa pamamagitan ng panonood ng TV, minsanan din pumupunta akong kusina para magluto ng mga panghimagas para kainin ko habang nanonood ng palabas, matapos gumawa ng lemon juice at cupcake ay pumanhik na ako sa sala at mag-isang nanonood.

My phone is ringing, I am about to pick up the phone when someone knock on the door. I felt something strange when I heard a familiar voice on the other line nang mas inuna ko na lang sagutin ang telepono kay sa pagbuksan ang na sa pinto. Tinignan ko ang pangalan but unfortunately, biglang nalowbat ang phone at nag-shutdown ang screen.

Nagitla ako nang nakalimutang may kumakatok pala. Kaya dalidali akong lumapit sa pintuan at maagap na pinihit ang doorknob.

Pagbukas ko ay iniluwa nito ang isang pamilyar na imahe na nakapagpakaba sa akin. 'Di ko maisatinig ang nais na sabihin. Parang umuorong ang aking dila.

"Hi?" Sabay kaway n'ya sa akin gamit ang kanyang kanang kamay, kaya nakabalik ako sa aking sarili. Nahiya tuloy ako sa panandaliang pagka-estatwa nang makita ng dalawang mata ko na nakatayo siya sa pinto at palihim kong kinurot ang aking palad para e siguradong hindi ako nananaginip at nakikita ko talaga siya ngayon.

"Hello? Ah, n-naliligaw k-ka ba?" Osyet, nauutal ako bakit naman ganito? Kalma Ellen, h'wag kang marupok.

"A-Ah t-tuloy ka," at pumasok naman siya sa loob at iginiya ko siya sa may salas. Mabuti na lang at marami-rami ang na bake ko na cupcakes kanina, 'di masyadong palpak ang pag-entertain sa bisita, I mean unexpected visitor.

"Bakit ka pala naparaan Greg? at bakit alam mo ang bahay namin? I mean, bakit ka napunta rito?" pagtataka kong tanong.

"May dinaanan lang kaya napadpad na rin dito." Nagkamot siya ng kanyang ulo niya at umaastang nahihiya.

"Nalaman ko lang kahapon yata 'yon, 'yong nagkita tayo sa mall. Sinadya kong sundan kayo ng mama mo while nakasakay kayo sa tricycle, I am about to offer you a ride sana kahapon."

"Hala, naku, nakakahiya naman 'yon, mas mabuti na lang talaga siguro na nag-tricycle na lang kami. Kaya pala nalaman mo ang bahay namin."

"Yes," palingalinga siya sa loob ng bahay. Parang may hinahanap.

"Saan ang mama mo?" tanong n'ya.

Napagtanto ko na baka si mama ang sadya n'ya at hindi ako. Nag-oover think lang ako. Iniling-iling ko naman ang ulo ko for some random thoughts.

"Ah, si mama ba sadya mo rito? Naku, umalis na kasi si mama, mga an hour ago na 'yong nakaalis kanina, don't worry sasabihan ko na lang na napadaan ka rito at hinahanap mo siya." 'di maitago sa boses ko ang  bitterness.

"No, you misunderstood it. I mean mag-isa ka lang ngayon dito?" pinipigilan niya ang ngiti sa labi.

"I'm not bothered anyway. Yes, ako lang mag-isa ngayon." may mahihimigan ng  pagka-inis sa boses ko.

"Did I bother you now? I mean, nakaabala ba ako ngayon sa 'yo sa pagpunta ko ngayon dito?" may kung anong lungkot sa kanyang boses nang sabihin niya iyon.

"No, no, no! I'm sorry I thought you were just here looking for my mother." pagbibigay paumanhin ko sa kanya.

He let go a small chuckled that gave some electrifying feelings inside my stomach.

"It's okay, Ellen."

While watching television, nilalantakan niya rin ang mga inihanda kong merienda para sa kanya.

"Ikaw ba ang nag-bake nitong mga cupcakes?" he asked.

"Yes," I answered softly.

He took a bite again sa cupcake na hinahawakan niya.

"Hmm, so delicious, not that so sweet, I tasted some sweet and salty in it. Moist pa at smooth ang icing. The cupcake itself tastes good." nahiya ako sa mga sinasabi n'ya, but a part of me felt so happy and proud because of what he told me.

"Thank you." my words are full of sincerity and sweetness.

'Di ko namalayan ang oras when our conversation goes smoothly, random thoughts lang naman, may napag-usapan rin about school.

Mag grade 12 na siya sa pasukan, sa pinapasukan pa rin pala namin siya magtatapos ng senior high, akala ko lilipat siya ng another school. May ligayang naramdaman matapos kong marinig iyon sa kanya, may mga pagkakataon pa pala kaming magkausap sa school if 'di nga lang busy.

Tinignan ko ang wall clock namin, 5'oclock na pala ng hapon, pero wala pa rin si mama. Kung wala siguro si Greg ngayon baka buong araw akong nag-iisa.

"Greg, passed 5pm na, 'di ka pa ba uuwi? baka hinahanap ka na ro'n sa inyo."

"Gusto mo na ba akong umuwi?" he answered pero patanong.

Ayaw ko Greg dito ka na lang matulog o di kaya'y rito ka na tumira. Syempre sa utak ko lang 'yon.

"'Di naman sa ganoon, nag-aalala lang ako na baka may naghahanap na sa ‘yo o hinahanap ka na sa inyo"

"Walang maghahanap sa akin, at 'di ako hahanapin sa amin." sabi n'ya.

After he said those words ay unti-unti siyang lumalapit sa akin at sa ilang sandali, he tilted his head towards me, nakaduduling ang lapit ng kanyang mukha sa akin, kaya imbes na titigan siya ay napapikit ako.

At 'di nagtagal ay may dumapo na malambot na bagay sa aking labi, matagal ang paglapat ng labi n'ya sa labi ko. Nang binitawan niya ang halik ay may kung anong naramdaman na panghihinayang.

Napantanto ko kaagad na hinalikan ako ni Greg , at hindi ako umalma, Ellen ang landi mo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status