Share

PAHINA 7

Pahina 7

'Pasukan'

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan at ito na naman, nagsisimula na naman ang pasukan. Parang may iba e, kasi noon naman kapag pasukan na naiinis ako dahil para kasing ang bilis lang ng pahinga namin bilang mag-aaral.

Ngayon naman, napagtanto kong hindi na pala ako isang freshmen dahil ngayon isa na akong ganap na sophomore. Yeheey. Ewan ko bakit ang hype ko ngayon, basta ang na sa isip ko lang ngayon ay...Eeh. Natatawa ako na ewan sa naiisip.

"Psst." Napalingon kaagad ako nang may sumitsit. Pero laking gulat ko nang si Greg ang nahagip ng mga mata ko.

"G-Greg?" Tangi kong nasambit at nautal pa. Grabe ka talaga Greg. Pangalan mo pa nga lang nang-aano na.

"Ang aga natin ngayon ah." He smirked at me.

"Yeah, nakasanayan lang, e ikaw nga rin e. Ang aga mo," Malumanay akong nakangiti.

Sa may bandang kanan namin may kumpol ng mga babaeng nagdadaldalan. Feeling ko parang nagstretch ang tenga ko sa mga naririnig na tsismisan. Second year na ako, pati ba naman ngayon? Haaay.

"'Di ba si Greg 'yan?" Turo gamit ng kanyang nguso ng anang babae.

"Oo nga ano, Hala. 'Di ba si-" Kahit na malayo-layo kami ay malinaw kong naririnig ang kanilang daldalan pero 'di ko lang sila pinansin.

"I know right. Ano nga ba ang ini-expect natin sa mga malalandi? Like mother like daughter nga 'di ba?" At tumawa ang babae na parang isang  matandang mangkukulam.

"Grabe naman. Kinareer na talaga nila 'yan ha. 'Di pa nakontento sa mayor, ngayon pati ang anak pinapatos rin." Nagyuko ako dahil sa mga naririnig na patutsada.

Bakit ba ganyan sila, 'di ko sila maintindihan.  Bawal na ba talaga akong makipag-usap sa mga tao? At kada may kausap ako. Issue agad? Lalo na 'pag lalaki.

"Oh? Bakit ka biglang nalungkot? Are you okay?" Sabay hawak niya sa baba ko at iniangat nito bahagya ang mukha ko.

"Ah- Ha? Ha. W-wala. Okay lang ako. Don't mind me. O s'ya sige. Mauna na ako. Bye." Nagmamadali akong dumeretso at naglakad papalayo sa kanya. Ayokong malapit siya sa akin. Dahil ang dudumi ng mga utak ng mga tao sa akin.

"Hi Ssssss-Sassa." Patunog ahas naman ang paraan ng pagtawag nila sa pangalan ko nang makarating na ako rito sa pasilyo papunta sa room ko.

"'Di ko alam, nag-anyong hayop ka na pala. Pinanindigan mo na ba pagiging ahas mo?" Walang gana kong panunukso. Nakayuko parin akong nakikipag-usap sa kanila.

"Aba't bastos ka ah. Hoy, h'wag kang duwag. I-angat mo ang ulo mo!" She screamed na halos mahiwalay ang tenga ko sa ulo ko.

"Excuse me, May klase pa kasi ako. Wala pa akong balak sayangin ang oras ko sa mga walang kwentang taong...katulad mo, I mean niyo." Walang ganang sambit ko sa kanila.

Oo sa kanila. Dahil sila ang nagdadaldalan kanina. 'Di ako bobo para 'di maintindihan ang mga pinagsasabi nila.

"Girls. Ang bastos ng mouth niya. Ano fighting na ba us?" Napa-ismid ako nang marinig ko ang nakakabwiset na boses ng maliparot. Malanding haliparot. Kung makaconyo akala nila magandang pakinggan. Hagisan ko pa sila ng English dictionary e.

"Tsk. Mga sayang sa oras." At lumakad na ako ng walang balik-lingon. Kapag talaga ako ginago nila. Lalaban na talaga ako ngayon.

"Ikaw ang malandi. Haliparot kagaya ng nanay niya. Tse! Nakadidiri! 'Di nakontento sa ama. At pati anak pinapatos." Sobrang lakas ng kanyang boses na halos lahat ng mga estudyanteng dumadaan ay napapatigil at nakikiusyoso na. Tsk. Ito na nga ang iniiwasan kong mangyari e.

May lalaking lumapit at pamilyar ang boses kaya napalingon ako nang bahagya.

"Anong kaguluhan ang nangyayari rito girls?" Si Greg. Iniisip ko na talagang savior ko si Greg e.

"Not that serious matter Greggy. Sige, bye for now." At dali-dali naman silang lumakad palayo sa amin. At ang kaninang nakiusyoso ay nagsialisan na rin.

"Ganoon lang iyon? Kadarating ko nga lang e." At napangiti siya.

"Are you okay? Bakit ba ganoon na lang ang trato nila sa 'yo?" Tanong ni Greg sa akin.

"I don't know, nahiya siguro sa...pagmumukha nilang mukhang unggoy na abnoy." Dugtong kong pabulong.

"What did you say?" May pagkalito naman sa mukha niyang nagtatanong.

"Ang sabi ko baka nahiya." Maikli ko namang sagot.

"No, not that. Iyong binubulong mong karugtong sa sinasabi mo," Nagkamot naman ako ng batok.

"Ahh. Iyon ba? Ano ka ba. Wala iyon." Sabay tampal ko sa kanyang braso. \

"Ang sabi ko, nahiya siguro sila sa iyo kaya nagmamadaling lumakad palayo." At kasabay noon ang pagbitiw ko ng napakasweet na ngiti.

May mga nagbubulungan na naman sa paligid.

"Ang landi talaga ng babaeng iyan."

"May pa hampas-hampas pa. How dare her."

"At mukhang masaya si Fafa Greggy na kasama si malandi."

"Baka ginayuma. I am sure. Inakit."

Mukhang narinig rin yata ni Greg ang mga bulungan kaya inalok niya akong samahan sa room ko.

"Talaga bang 'di ka na magpapapilit?" Malumanay na tanong niya.

"Kaya ko naman e, baka kasi may issues na naman." Pagpapakita ko ng pagtutol sa kanya.

"Gusto ko lang kasi sanang makasabay ka kahit sa room mo lang. Doon lang din naman ang punta ko. Alam mo na. Doon naman talaga ang daanan para sa kabilang building." Anito sa akin.

"Gustohin ko man, pero may mga mata oh. Ang dadami." Turo ko sa kapaligiran.

"Baka may tsismis na naman. Sana nga totoo, pero 'di naman talaga." Pagpapaliwanag ko.

"Hay naku Ellen. 'Wag mo na silang intindihin. Mga inggit lang sila sa iyo, 'yan kasi dahil maganda ka. Tapos nilalapitan ka ng pinakagwapong nilalang dito sa Hermuez National High School." Pareho naman kaming nagsitawanang dalawa.

Kaya umo'o na lang din ako sa kanya. Alam ko namang wala akong magagawa, ang akin lang naman sana ay ayaw ko siyang madamay sa mga sabi-sabi tungkol sa akin at sa nanay ko.

Walang kibuan kaming naglalakad kanina sa field. Iniiwasan naming dalawa ang bawat madadaanan. Iniiwasan rin naming maging center of attention.

Finally ay na sa room na ako. Nagpaalamanan lang kami. At umalis na siya.

Nang akala kong tapos na ang awayan. Pwes. May round two pala sa classroom.

"Oh well, ang malas naman yata natin ngayong taon. May classmate tayong malandi." Pagmumura ng babaeng nakasagotan ko kanina sa labas.

Bigla siyang kinalabit ng alipores niya.

"Anong malas girl? E swerte nga e. Nandito si Greggy kanina. Hinatid si Ateng. At parang closed sila." Bumaling sa akin ang babae.

Pinukol ng leader siguro nila ang kanyang alipores.

"Bobita ka talaga. Anong swerte ka riyan? E kahit wala ang babaeng iyan makikita naman natin si Greggy a." Pagmamayabang niya sa sarili.

"E 'di naman kayo closed 'di ba? Paano mo siya mapapalapit sa iyo? Assumera te." Maarte ring sagot ng alioores niya.

Nag-away silang dalawa at ang isa'y kalmado lang.

"Hoy. Can you both stop? Andyan na si Mrs. Desada." Sigaw ng isang alipores niya.

"How to be malandi Sassa?" Pahabol niyang tanong.

Sinagot ko naman ng pabalang.

"Excuse me, maybe I am the one who will ask you regarding to be a malandi 'di ba? Kasi you always applied that personality to others." I smirked.

"What did you say? Me? Malandi? Why did you say so?" Maarte niyang banat.

"Ako ba tinatanong mo? Well, kung ikaw maraming rumors patungkol sa akin. Ako rin mayro’n patungkol sa 'yo. Sa pagiging malandi mo. Ang pinagkaiba nga lang e, ang sa 'kin rumors lang...e sa 'yo. Totohanan, at oops! H'wag ka ng humirit pa. Nandiyan na si ma'am." Malambing kong sabi na may bahid ng panunukso.

Don’t me. Kasi marunong din akong lumaban. Tsk.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status