Share

Chapter 4

Imbis na tanungin nila ako kung ayos lang ba ako, o anong problema ko mas pinili pa nilang siraan ako sa marami. Ang sakit ng dibdib ko, pakiramdam ko ay hindi pa sapat ang ilang taon namin na pagkakaibigan.

Ayos lang naman sana kung harapan nilang sabihin ang problema nila sa’kin, kung anong problema sa ugali o ginagawa ko pero bat humantong pa sa ganito?

Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi. Ang dami ko ng iniisip na problema, dinagdagan pa nila. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko, imbis na sila ang malalapitan ko sila pa ang mas nagpatumba sa’kin lalo.

“Kaya mo ‘to, Monica. Pekeng kaibigan sila hindi sila kawalan, tandaan mo!” bulong ko at patuloy na pinupunasan ang mga luha ko na patuloy lang sa pagbagsak.

Hindi mo sila kailangang iyakan Monica. Hindi sila karapat dapat sa luha mong ‘yan.

Pinilit kong p

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Louiselline Siota
............npkgandang story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status