Share

Chapter 3- Unang Yugto

If Helen of Troy can launch a thousand ships, Virgou Ayala is a woman who can make the gods sink those ships. Her oozing beauty commands spell even in her sleep.

Dinampian ni Zek ng halik ang pulang rosas at ibinaba sa tabi ng nahihimbing na dalaga. Sinulyapan niya ang oras sa table clock. Pasado alas-otso na. Paano kaya ang agahan nito? Baka malipasan ito ng gutom. But he can't wake her up. Mabubuwesit lang ito sa kanya. Muling pumasada ang mga mata niya pababa sa tiyan nito bago maingat na isinara ang pinto ng kwarto.

At first, he listened to stories about her just to kill time. Hanggang sa nagising na lamang siya na hinahanap-hanap na ang bawat detalye ng mga balita tungkol dito araw-araw sa social media.

Worse of all, he started desiring her. Fantasizing her. He even had her magazines underneath his bed. Though it was basically pure lust at the beginning. Part of growing up like any average ordinary boys his age.

Kailan ba siya nagsimulang mahumaling sa dalaga? When he was in grade 11? Right, at seventeen years old. He stopped noticing other girls and only had his eyes glued to Virgou Ayala. His private account was full of her photos and stories. Pati cellphone niya ay halos bumigay na dahil ito lang ang laman bukod sa music.

Then his heart took the toll. The desire changed into a different form. Raw. Deep. Terrifying. A shape he cannot handle.

Everyone called it love. He knew it was one-sided and he is prepared to keep denying it. Para sa kanya, umiibig siya sa isang bituin. Malapit man sa langit pero napakalayo sa kanyang kinaroroonan. Hindi niya mahahawakan. Hindi niya maaabot.

Ang hindi niya naisip na minsan may mga bituin na nahuhulog nang hindi sadya. The second day of foundation week, a shooting star fell directly into his lap causing a total mess in his head and his chest. It was definitely the last normal day of his life.

Ngunit hindi niya pinagsisihan ang kanyang ginawa. Handa siyang suungin ang giyera para kay Virgou. Para ano pa at criminal justice ang kinuha niyang kurso kung hindi siya makikipagbakbakan alang-alang sa babaeng mahal niya?

"Good morning, Zek." Nakangiting bati ni Dimples sa kanya habang tahimik siyang kumakain sa kusina.

"Good morning," tugon niyang sinulyapan ang dalagang tinungo ang refrigerator. Bagong paligo ito at nanunuot sa ilong niya ang matamis na amoy ng pabango.

Kumuha ito ng fresh milk at lumapit sa kanya. "May pasok ka ngayon sa school?"

"Mamayang alas-diyes. May aikido class ako." Humagod ang paningin niya sa suot nitong manipis na tank top at cotton shorts. She's stunning. Kahapon hindi niya ito gaanong napapansin.

"Anong course mo?" Binuksan nito ang carton ng gatas.

"BS Criminology. Regular second year." Kinompleto niya na para wala na itong kailangang itanong pa.

Kumalat sa buong kusina ang malamyos nitong tawa. "How did you know I was going to ask you that?"

"Hunch?" Ngumisi siya. Inabot niya ang piniritong dilis na may suka at maraming kamates at sibuyas. Kumuha siya ng ilang piraso at itinuloy sa bibig.

"You're around twenty, right?" Sumimsim ito ng gatas. "Tatlong taon pala ang tanda ko sa iyo."

"Dapat siguro tawagin kitang ate niyan." Biro niya.

Kunyari sumimangot ito. "Kaate-ate ba itong mukha ko?" Umirap ito at itinapon papunta sa likod ang takas na buhok. "May girlfriend ka?"

"Wala, pero may anak ako."

"Seryoso, Zek. Hindi ako nagbibiro." Ngayon ay totohanan nang humaba ang nguso nitong kumikinang sa pink lipstick.

Napapangiting umiling lamang siya. Buti na lang pumasok ng kusina sina Lala at Tarra kaya natigil ang kakulitan ni Dimples sa kanya. Binati niya ng tango ang dalawang babae na kapwa ngumiti.

"Dimples, gisingin mo na si ma'am. Late na para sa agahan," utos ng doktora habang nagsasalin ng tubig sa malinis na baso.

"Sige po," tumalilis palabas ng kusina si Dimples matapos ibalik sa loob ng fridge ang gatas.

Si Tarra ay nagtungo sa refrigerator at may tinitingnan.

Hindi basta alalay lang itong mga taong isinama ni Virgou rito. They are in fact a team of multi-discipline. Dr. Lalaine Go is a certified OB. Si Tarra ay isang nutritionist. While Dimples is a registered nurse. Si Jeren ay TLE teacher habang sina Lilit at Mikoy ay mga pasadong police. May hahabol pa raw bukas. Isang fashion designer na namamahala sa mga isusuot ni Virgou.

"Sinilip ko po siya kanina, doc. Pero tulog pa." Nagsalita si Tarra.

Napasulyap siya sa gawi ng silid ni Virgou. Malamang napuyat iyon kagabi. Kahit siya puyat din dahil sa kababantay. Matagal kasi natulog at nakababad sa macbook hanggang madaling araw.

"I understand that she has to settle some damages from her modeling contract but the first trimester of her pregnancy is delicate. Kailangan niyang magpahinga muna," angal ng doktora.

Tahimik lamang siyang nakikinig sa usapan habang ipinagpatuloy ang pagkain. Ang alam niya may mga pending endorsements ang dalaga dahil sa biglaan nitong pagbubuntis.

Her latest shoot was in the Ford Magazine after she passed down the crown for this year's Ms. International winner. Noong nakaraang taon nasungkit nito ang korona sa pamusong kompetisyon na iyon na ginanap sa London.

Hindi madalas ang pananatili ng dalaga rito sa bansa dahil karamihan sa mga responsibilidad nito sa pagmomodelo at pagiging crowned beauty queen ay naka-base sa ibang bansa. Nakauuwi lamang ito tuwing may malalaking okasyon sa pamilya nito at sa mga negosyo kungsaan kailangan ang presensya nito.

Naghugas siya ng pinagkainan at nagligpit ng mga kunting kalat sa kusina pagkatapos niyang kumain. Habang si Tarra ay naghahanda ng lulutuin para sa meryinda.

Bumalik siya sa kanyang kwarto at nagbihis. May text message sa cellphone niya galing sa coach nila. Pinaalala ang practice game nila pagkatapos ng klase. Potek. Muntik niyang makalimutan.

He took his duffel bag. Nilagay doon ang kanyang jersey, nagsaksak ng iba pang bihisan at maraming face towel. He checked his wallet and secured it inside the back pocket of his pants. Malamang hapon na siya makauuwi mamaya. Dinampot niya ang headphones na nasa kama at binitbit ang bag.

Natutukso siyang muling dumaan sa silid ni Virgou pero naalala niyang may basura pa siyang kailangang itapon. Sa kusina na siya dumaan palabas ng bahay bitbit ang dalawang malalaking garbage bag na puno ng basura. Natanaw niya sa kubo sina Mikoy at Lilit na nag-uusap. Ibinaba niya ang dala at nilapitan muna ang mga ito.

"May klase ako, sakali kailangan ninyo ng mga gamit, naroon lahat sa bodega. Nasa likod," abiso niya sa mga ito.

"Salamat, Zek." Tinapik ni Mikoy ang kanyang balikat.

"Maglalakad ka lang ba? Malayo iyong eskwelahan. Pwede kitang ihatid kung gusto mo." Alok ni Lilit.

"Hindi na, salamat. Sanay na akong naglalakad. Exercise din ito." Nagpaalam siya sa dalawa at binalikan ang mga basurang iniwan.

-----

Muling inamoy ni Virgou ang bitbit na pulang rosas matapos humigop ng gatas mula sa baso. Namasyal ang paningin niya sa buong sala at humantong sa gawi ng kwarto ni Zek.

"Kanina pa po siya nakaalis, ma'am. May klase raw siya ng alas-diyes." Nagsalita si Lilit na nakaantabay sa kanya at naghihintay na may iuutos siya.

"Sino?" Maang-maangan niya.

"Si Zek po. Kanina pa naglilikot iyang mga mata mo. Naisip kong baka hinahanap mo siya."

Binato niya ng masamang tingin ang bodyguard. "Ang tsismosa mo, Lilit. Bakit ko naman hahanapin ang sira-ulong iyon?" Sikmat niya rito. Inubos niya ang gatas na laman ng baso at tumayo.

Pero ang malaman na wala rito ang lalaking iyon ay nakagagaan sa pakiramdam. Tuwing malapit sa kanya si Zek, ang hirap huminga ng maayos. That guy is too forward that she always gets the tendency to lose her breath. Mistula siyang bombang hindi pwedeng masagi kasi sumasabog.

"Sinong nag-iwan nitong rose sa kama ko?" tanong niya sa kay Lilit na nakabuntot sa kanya palabas ng bahay.

"Si Zek po yata."

"What? Paano siya nakapasok sa kwarto ko?"

"Di po ba may mga susi siya sa lahat ng silid nitong bahay?"

"Ang mayabang na iyon! Kunin mo sa kanya lahat ng susi mamaya." Bilin niya kay Lilit at banas na naglakad patungo sa kubo.

Umaliwalas ang kanyang pakiramdam nang matanaw na naroon si Dimples. Ngiting-ngiti ito habang buhos ang atensiyon sa hawak na cellphone.

"Is that your boyfriend?" pukaw niya rito.

Umiling ito at ipinakita sa kanya ang tinitingnan na mga litrato sa cellphone. It was Zerriko's photos holding a garden hose, watering the plants.

"Kinuha ko po ito kanina habang nagdidilig siya ng mga halaman. Nakakatuwa siya. Ang pogi-pogi." Kinikilig nitong pahayag.

"Parang ngayon ka lang nakakita ng pogi. Lahat naman ng manliligaw mo may hitsura." Ikinubli niya sa simpleng ngiti ang biglang pagbigat ng dibdib.

"Ayaw ko po sa mga lalaking may malalambot na mga kamay. Gusto ko ng mga kagaya ni Zek. Masipag. Brusko at may pagkabastos." Humagikgik ito. Halatang tuwang-tuwa sa lalaking iyon. "Ang aga niyang gumising kanina. Four o'clock, tapos nag-jogging siya. Pagbalik niya rito ay naglinis ng bakuran. Marunong pa magluto."

"Isang araw pa lang tayo rito, naging stalker ka na ni Zek?" kastigo ni Lilit sa pinsan. "Ibang level na talaga iyang kalandian mo."

"Anong masama roon? Iniisip ko lang ang future ko." Umirap ito at muling binalingan ang mga litrato sa cellphone. "I love his eyes. Kapag tumingin siya sa iyo para bang laging may binabalak na nakakikilig."

"Hindi papatol sa iyo si Zek. Mas matanda ka roon," kantiyaw ni Lilit. "Isa pa, may girlfriend na iyon. Si Arielle Quisumbing."

"Paano mo nalaman?" Tumikwas ang kilay ni Dimples. Ayaw maniwala.

Kahit siya ay biglang naintriga. May girlfriend si Zek? Arielle Quisumbing. Sino iyon at anong klaseng babae?

"I investigated him. Zerriko Alfonzo Gray. His father is a half- Colombian. Bunsong kapatid ni Nana Matilda ang kanyang ina na namatay noong sampung taong gulang siya. Nag-asawa ulit ang kanyang ama ng taga-Colombia at doon na nanirahan." Pagmamalaki ni Lilit sa mga nakuhang impormasyon. "Ano pa ang gusto mong malaman? Edad niya? Twenty. Height, six-three. Blood type, AB positive. Timbang, 87 kg. Kulay ng mga mata, greenish brown. Heto ang interesting, ultimate crush niya si Themum."

Sumimangot si Dimples at tumingin sa kanya. "Si Ma'am Themum na naman? Lahat na lang." Angal nito.

"Ano ka ba? Binibiro ka lang ni Lilit." Natatawang inalo niya ang nurse at sinamaan ng tingin si Lilit.

"Ah, basta. I'll try my best on him." Ngumiti ito makaraan ang ilang saglit.

Rumolyo ang mga mata ni Lilit habang siya ay dinidma na lamang ang lambong sa kanyang puso. Kahit tumutol pa siya at maghimagsik wala naman siyang mapapala. Dimples is a good girl. Ayaw niyang sirain ang dalisay nitong tiwala sa kanya dahil lang sa maling paghanga. Kontento na siyang nasa tabi niya ito bilang kaibigan.

Hindi na bago sa kanya ang mga ganitong pagdadamot ng kapalaran bago pa niya nahasa ang sarili sa kanyang mga kakulangan. In her life, happiness is not a priority. It is sacrifice and denial in order for that glass queen inside her to survive without breaking.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status