Share

Chapter 4 - Unang Yugto

Ibinaba ni Virgou ang salamin ng bintana ng sasakyan. Lilit is gesturing her that Nana Matilda wasn't home. Halata namang walang tao ang bahay dahil kung mayroon tiyak kanina pa sila sinalubong ng matanda. Baka may pinuntahan lamang ito. Nainip siya roon sa malaking bahay kaya naisip niyang pumasyal rito. Lumabas siya ng sasakyan at gumala ang paningin sa paligid.

Katamtaman lamang ang laki ng bahay ni Nana Matilda. May dalawang palapag at ang disenyo ay katulad ng isang modernong townhouse. Malawak ang bakuran at agad natuon ang pansin niya sa mga pulang rosas na nakahilera sa labas ng balkonahe. Naalala niya ang bulaklak kanina na iniwan ni Zek sa kama niya. Malamang dito galing iyon. May mga ground orchids din at Lavenders na nasa paso.

Sa isang kanto di-kalayuan ay may basketball ring na gawa sa fiber glass at posteng bakal. Katapat niyon sa kabila ang dalawang Ash trees na may nakalambitin na duyan at isang malaking heavy bag.

Lumapit siya sa mahabang bench na gawa sa kawayan at may pinturang puti. Naupo siya roon matapos lagyan ni Lilit ng throw pillow at pinulot ang iilang tuyong dahon na tinangay ng hangin roon. Nakapunta na siya sa lugar na iyon dati noong maliit siya. Piyesta noon. Isinama pa siya ni Nana Matilda sa parke para manood ng local variety show.

Her mother was very fond of this place. Malaki na ang ipinagbago ng lugar. Dumami ang mga bahay at mga poste ng ilaw. Ang hindi nagbago ay ang mga taniman ng palay at mais.

"Look at that. They're cute." Nakangiting itinuro niya ang inahing pato na kumikending- kending sa bakuran. Nakabuntot rito ang limang maliliit na sisiw nito. Kinunan ni Lilit ng litrato ang mga ito habang palabas ng bukana at ipinakita sa kanya.

Umalis siya sa bench at sinundan ang inahing pato at ang mga sisiw. Balak niyang pabalikin sa loob ng bakuran ang mga iyon at baka kung mapaano pa sa labas. Pero inagaw ng pagdating ng isang sasakyan ang kanyang pansin. It's a white Sedan, the latest model. Umibis mula roon si Zek, kasunod ang isang mestisa na tingin niya ay kasing-edad lamang ng binata. Saglit na natigilan ang dalawa nang makita siya.

Bagamat agad ding nakabawi si Zek. "Wala si tiyang, Ms. Ayala. Bukas pa iyon uuwi." Inakay nito papalapit ang kasamang babae na bahagyang nakangiti at halatang naiilang habang nakatingin sa kanya.

"It's okay. I was just taking a stroll around the neighborhood," sagot niyang nahulog ang mga mata sa hand carry na bitbit ng binata. It has prints of Disney's characters. She's certain it belongs to the girl. Naghintay siyang ipakilala ng lalaki ang kasama. Ngunit nilagpasan lamang siya ng mga ito.

"Let's get inside." He led the way to the main door with the girl clutching in his right arm.

Nakadama siya ng inis habang nakasunod ang tingin sa dalawa. Nabubugnot siya.

"That's Arielle Quisumbing, ma'am," bulong sa kanya ni Lilit pagkapanhik ng mga ito sa loob ng bahay.

Inuwi talaga nito sa bahay ang girlfriend? Kungsabagay, ano bang pakialam niya? Stupid of her.

"Ang mga susi kunin mo sa kanya. Also, tell him no need to stay with us anymore at our place. We can do things there without his help," pahayag niyang iritadong nagtungo sa sasakyan nila.

"Galit ka, ma'am?" tanong ni Lilit na nagtataka sa biglaang pag-iiba ng kanyang mood.

"Hindi. Pero nabubuwesit ako sa pagmumukha ng lalaking iyon."

"Naku, baka magmana po sa kanya ang baby mo. Parang pinaglilihian mo yata siya."

"What?" sikmat niya sa babae.

"Napapansin ko kasi kapag nasa malapit si Zek sinusumpong ka bigla pero kung wala naman siya hinahanap-hanap mo. Naglilihi ka sa kanya."

"That's purely hypothetical." Umismid siya.

"Totoo po iyon, ma'am. Proven na iyon."

"Itikom mo iyang bunganga mo. Kung magsalita ka puro walang kwenta ang lumalabas. Kunin mo na ang susi, bilisan mo!" apura niya sa bodyguard.

Nagmamadaling pumasok ng bahay si Lilit. Marahan niyang hinaplos ang tiyan at nagtungo sa direksiyon kungsaan niya nakitang nagpunta ang inahing pato kanina kasama ng mga sisiw.

Habang naglalakad ay namimitas siya ng mga maliliit na bulaklak mula sa mga damo sa kanyang daraanan. May puti at dilaw. Pati bulaklak ng Makahiya ay pinagdiskitaan niya. Iniipon niya ang mga iyon sa kanyang palad.

Hanggang sa sinapit niya ang talampas kungsaan tanaw ang ilog na nasa ibaba. Namamanghang pinagmamasdan niya ang tahimik na agos ng tubig at ang mumunting talon na nilikha niyon dahil sa dambuhalang mga bato. Mas maganda siguro iyon sa malapitan. Naghanap siya ng madadaanan pababa.

"Kung gusto mong bumaba may alam akong daan na mas malapit at ligtas." Tinig ni Zek sa likuran niya.

Nahinto siya sa paghakbang at nilingon ang binata. Bakit nandito ang hambog na ito? Nasaan si Lilit?

"Anong akala mo sa akin lampa? Kaya kong bumaba mula rito." Masungit niyang sagot.

"Huwag matigas ang ulo. Madulas diyan, baka madisgrasya ka pa," ungot nitong nagtatagis ng ngipin.

"Ano bang pakialam mo? Bumalik ka roon sa girlfriend mo."

Nagsanib ang makakapal nitong mga kilay. "Hindi ko siya girlfriend. Kaibigan siya at schoolmate ko sa eskwelahan mo." Natawa ito ng pagak. "Nagseselos ka ba?"

"What? Seriously! You're out of your mind. Ano ba?" Pumiksi siya nang hawakan nito sa pulso. "Don't you dare even touch me again with that filthy hand of yours, bastard? You're disgusting!" Gigil niyang singhal.

"Don't worry, Ms. Neat and Clean, binuhusan ko na ng alcohol itong mga kamay ko. Gusto mo lumaklak pa ako ng zonrox? Makapandiri ka para akong malaking mikrobyong naglalakad ah!"

Hindi siya nakahuma at nawalan ng sasabihin. She's confused of this hatred she has for him. Hindi niya matukoy kung saan nanggaling ang poot niya kay Zek. Malamang dahil sa nangyari sa kanila. Malinaw na sinamantala nito ang pagkakataon. But still, it's a bit unreasonable. Siya ang lumapit dito. Nananahimik ang lalaki pero binulabog niya.

Bumuga ng hangin si Zek at napailing. He bent down and started picking something out from her loose pants. Doon lang niya napansin na maraming bungang-sungay ng amorseko ang kumapit sa pantalon niya. Nakuha niya sa paglalakad papunta rito.

"Instructor ko sa Aikido class ang ama ni Arielle. Nakiusap sa akin na ihatid ko siya sa over-night outing nila ng barkada niya sa kabilang lungsod. Dumaan kami roon sa bahay kasi may kailangan akong ligpitin at papakainin ko pa ang mga manok at pato ni tiya." Nagpaliwanag ito kahit hindi niya hiningi. He thought maybe it could pacify her. But perhaps then, it is what she needs at that instant.

Unti-unting humupa ang nararamdaman niyang inis. Kahit kunwari ay hindi niya na nagawang tabigin ang kamay ng lalaki sa kanyang braso nang akayin siya nito palayo sa talampas.

"Maraming lamok dito lalo na sa hapon," ungol nito.

She was startled when he carried her tenderly and carefully in his arms, enduring the heat boiling in her cheeks and charged it to her first time experience. This guy is obviously an underrated expert.

"Hindi maganda para sa bata kung lagi kang galit. Paglabas niyan siguradong nakabusangot iyan." Biro nitong kinindatan siya.

Inirapan niya ito at pinagmasdan ang maliliit na mga bulaklak sa kanyang palad. Binilang niya ang mga iyon. Thirteen. May isa na walang kapares.

"You picked them?" he asked, looking at the pretty little things in her palm.

Tumango siya. "On my way back there."

"You can make a crown out of them. Nasubukan mo na?"

"Hindi pa."

"You've got to try making one next time. Pick the seven up."

"Seven up? Which one?" Naintriga siya.

"Those yellow and white. Kapag pinitas mo kailangan mahaba ang tangkay. Iyan ang magiging base ng korona."

"Okay," tango niya. Sinundot sa daliri ang maliit na bulaklak.

The next morning she woke up with the flower crown next to her in the bed along with the single red rose. Nababaliw na nga yata siya pero napapangiti siya.

Sige na. Malamang tama ang sinabi ni Lilit na pinaglilihian niya si Zek. Utos ng bata lahat ng nararamdaman niya ngayon. Ang inis at galak. Ang paghahanap niya sa presensya ng binata kapag wala ito sa paligid.

Bumangon siya. Binitbit ang koronang bulaklak at nagtungo sa harap ng salamin. Nilagay niya iyon sa ulo. They're like little butterflies resting on her head, complementing the ebony black color of her hair. Mas gusto niyang pagmasdan ang sarili ngayon kaysa noong nakoronahan siya bilang Ms. International. She smiled bitterly. A lesbian with the flower crown is hilarious.

"Good morning," bati ni Zek mula sa may pintuan.

Nilingon niya ang binatang nakangiti. "Good morning, Zek." Bumalik siya sa kama at dinampot ang rosas. "Thank you for these presents."

"Anything for you." He casts a blinding smile. "Wala ka bang plano ngayon? Gusto mong pumasyal doon sa ilog? Mamimingwit tayo."

"Really? Sige, sige!" Sabik niyang tango. "I haven't done that before."

"Hintayin kita sa labas. May ihahanda lang ako," anitong natatawang lumabas at isinara ang pinto.

Tumulak sila pagkatapos ng agahan kasama sina Lilit, Dimples at Mikoy.

"Nagtext si Bonz, ma'am. Papasundo raw siya sa terminal," sabi ni Lilit habang nagmamaneho. Ilang milya pa lamang ang layo nila mula sa bahay.

"Okay, just drop us off."

"Pwede ko bang isama sina Dimples at Mikoy? May pinabibili sina doc at Tarra, kailangan ko ng magbubuhat."

Sumimangot si Dimples at sumiksik kay Zek na nasa gitna nila. Napukaw tuloy ang inis niya sa binata. Naubo ito nang sundutin niya ng siko sa tagiliran.

"Ayaw kong sumama sa iyo. Gusto ko ring mamingwit."

"Ng ano? Huwag ka ng umepal. Sasama ka sa amin ni Mikoy," angil ni Lilit. Habang si Mikoy sa tabi nito ay natatawa.

"Pwede pa naman next time, Dimples. Samahan mo muna ngayon si Lilit." Sumingit na siya bago pa mauwi sa pagtatalo ang magpinsan.

"Yes, ma'am." Hindi na maipinta ang mukha ng nurse.

Bag pack, basket na puno ng mga pagkain at prutas, kasama pa ang mga pamingwit. Tangay lahat iyon ni Zek habang binabagtas nila ang makipot na daan pababa ng ilog. Hawak nito ang kamay niya na maya't maya ay hinahatak niya ngunit ayaw nitong pakawalan.

"Ano na namang kinakagalit mo?" Nagtatakang tanong nito.

"Wala. Hindi naman ako galit. Ayaw ko lang na tinatrato akong parang batang lampa." Katwiran niya.

"Nag-iingat lang tayo. Hindi ka sanay maglakad dito."

"Ikakasal na ako, Zek. Kapag may nakakita sa atin_"

"Political marriage. Alam ko namang hindi ka pakakasal sa lalaking iyon. Palabas lang ang balita para tigilan ka ng media sa katatanong kung sinong ama ng batang iyan."

Hindi na niya tinangkang kontrahin ito. Ironically, she should commend herself for choosing him to be the father of her baby. Kahit si Jerom na batikang abogado ay hindi pa siya napapanganga gaya ng nagagawa ni Zerriko.

Naglatag ng malaking tuwalya si Zek sa tabi ng ilog habang siya ay namimilog ang mga mata sa kamamasid sa malinaw na tubig. Mukhang ang linis at naririnig niya ang masayang awit ng mga ibon mula sa mga puno sa paligid. Bigla siyang nasabik na maligo. She took her comfy sundress off leaving the pair of Tanga two-piece bikini underneath.

"Ingat, madulas ang mga bato." Mabilis na nahawakan ng binata ang kanyang braso nang tangkain niyang lumusong sa tubig. Inalalayan siya nito at hinatid sa ibaba.

Masarap sa balat ang unang dampi ng napakalamig na tubig. "Saan tayo mamimingwit? Wala naman akong nakitang isda rito?" tanong niyang sinisilip ang malinaw na tubig.

"Down there." Itinuro nito ang lawa sa ibabang kunti.

"May mga lahi ng hito doon." Humaplos ang magaspang nitong kamay sa kanyang braso.

"Have you prepared the bait?"

Ngumuso ito at umiling. "I'm sorry but I can't fucking think when you're this close and having only these pairs on." Hinagod siya nito ng malagkit na titig.

"Stop it, Zerriko! Ako pa yata ang gusto mong mabingwit." Itinulak niya ito pero hinapit siya ng lalaki. "Ano ba? Baka may taong dumating." Sinampal niya ito nang bumaba ang mukha nito para hagkan siya sa labi.

Hindi man lang nito ininda iyon. Lalo pang nagdilim ang mga mata nito sa pagnanasa. "Kaya nga ngayon tayo pumunta dahil alam kong walang tao rito. Trust me, this place is my secret playground." He re-assured. "And the baby needs this."

"Binalak mo na talaga ito, ano?" akusasyon niya. Bakit ba hindi niya iyon naisip? Naging pabaya siya.

"Believe me, I gave it my triple best shots to stop myself from wanting you but it's no use. You're so beautiful that it's driving me insane every time I laid eyes on you."

"You're sharp, Gray. I couldn't find my way out." Hindi na niya sinubukang manlaban.

"No more talking, we don't have much time," anas nitong inatake na ng halik ang kanyang leeg.

"Gray, I need to tell you something."

"Later," ungol nito.

"Lesbian ako."

Nahinto ito sa pagkagat sa kanyang balat at nag-angat ng paningin. Tumitig sa mga mata niya.

"So what? Kaya nga lesbian kasi babae ka. Wala namang lesbian na lalaki di ba? Bottom line is you're still a woman with dominant masculine feeling, that's all. Not a critical issue for me."

Natulala siya sa punto nito. "I really can't get you? Until now I don't know how to define Zerriko Gray underneath his layers."

"He is a sick guy and he's in love with you."

"I hate you, Gray."

"Sapat na sa akin iyan. At least may nararamdaman ka kaysa sa wala. Now, can we proceed?"

"Are you sure the baby really needs this? Lala didn't tell me anything." Patuloy niyang apila bakasakali mapigilan pa niya ito.

"It's not the baby literally; it's the father of the baby." He chuckled.

"But why here, damn it! Hindi ba uso diyan sa puson mo ang salitang kama? Noong una sa sasakyan ko tapos ngayon dito sa ilog?"

"Shhh...makakalimutan mo rin mamaya kung nasaan tayo."

At sa isang iglap lang ay wala ng natirang saplot sa katawan niya. Hindi lang katawan kundi pati kahihiyang mayroon siya ay naisangla niya sa lalaking ito nang hindi man lang niya alam.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jeanie R Sorilla
.........fapa gray...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status