Share

Chapter 1 - Ikalawang Yugto

Sinisinghot ni Virgou ang sarili at umasim ang mukha. Tapos na siyang maligo at nakapagbihis na rin pero pakiramdam niya ay nangangamoy pa rin siya. She looked around hopelessly unable to do anything.

Kahit naglilinis sila isang beses sa isang linggo, balot pa rin ng alikabok ang selda. Idagdag pa ang halo-halong pawis nila ng mga kasama niyang priso roon dahil sa sobrang init. Mabuti na lang at nakakapag-adjust na siya. Noong una siyang dumating dito ay halos mabalot ng pantal at allergies ang buong katawan niya.

"Virgou Ayala, pinatatawag ka ng warden." Binuksan ni Jail Officer Marie Estores ang pintuan ng selda na lumikha ng ingay na hanggang ngayon ay masakit pa rin sa tainga.

Naalarma ang mga prisong kasama niya at nag-aalalang tumingin sa kanya. May tatlo siyang kakusa roon. Si Chona, apatnapu't tatlong taong gulang. Biyuda at may dalawang anak. Ang kaso nito ay may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot. Perly, thirty-eight years old. Convicted for robbery and qualified theft. Si Jane, halos kaedad lang niya at kasabayang napasok roon. Miyembro ito ng budol-budol gang.

Ang alam ng mga ito may kasalanan siyang nagawa tuwing ipatatawag siya ng warden at ang parusa ay ipapasok siya ng ilang araw sa bartolina. Minsan gusto na niyang sabihin ang totoo pero alam niyang hindi naman iyon nakatutulong at maglilikha lang ng kakaibang impresyon sa ibang mga naroon.

She's not having a special treatment though. Kung anong buhay mayroon ang mga priso, iyon mismo ang buhay na binubuno niya sa bawat mabagal na pag-usad ng araw.

"Okay lang ako, huwag kayong mag-alala." Ngumiti siya bago lumabas.

She was escorted by another two jail officers on the way to the Warden's office. Binabati siya ng ibang mga priso mula sa nadadaanan niyang mga selda. Some of them knew her when she's still working under the spotlights, mostly the newcomers. Pinagkalat sa mga kasama sa selda kaya pati ang nagtatagal na roon ay nalaman na rin kung sino siya.

Naging matunog ang pangalan niya at pinagmulan sa loob ng limang taon niya roon. Halo-halo ang opinyon ng mga priso noong una pero tingin niya ay mas nanaig ang takot sa mga ito nang malaman na nakapatay siya kaya siya nakulong.

Hindi aksidenteng nakapatay lang kundi sinadya niya talagang patayin ang biktimang si Jerom Sanchez. Dahilan para walang sinuman ang nangahas na bumangga sa kanya sa kabila ng masalimuot na sistemang mayroon sa loob ng correctional. Naipadama niya sa bawat isang naroon na kung nagawa niyang pumatay ng isang kilalang personalidad ng lipunan, hindi siya mag-aatubiling pumuksa ng mga ordinaryong tao na walang itinatak na pangalan lalo na kung katulad niyang sakit ng ulo ang dulot sa komunidad.

"Maupo ka, Ms. Ayala." Nakangiting iminuwestra ni Chief Marliza Getigan ang couch.

"Salamat," naupo siya at nabaling ang tingin sa bumukas na pintuan ng banyo. "Zek?" muli siyang tumayo nang makita ang lalaking lumabas galing doon.

"Love," dinaluhong siya nito agad at buong pananabik na niyakap ng mahigpit. "I was here last night. Tulog ka na."

"Gising ako. Di lang kita pinatulan kasi gabing-gabi na at uuwi ka pa sa bahay mo." Hinagod niya ang likod ng binata.

Natawa ito. "Next time I'll make it sure you'll buy the bait even if you don't want to." Kumalas ito sa kanya at hinagkan siya sa noo bago nito binalingan ang babaeng warden na nakangiting nanonood sa kanila. "Thank you so much again for this, ma'am. I owe you a lot." Lumapit ito at nakipagkamay sa opisyal.

"Don't mention it, Gray. This is just a small favor compared to your dedication every time we needed your skills in times of crisis." Pahayag ni Chief Getigan.

Nakadama siya ng pagmamalaki habang pinakikinggan iyon. Hindi sinayang ni Zek ang mga sakripisyo niya at mabilis na nakagawa ang binata ng sariling pangalan sa National Bureau of Investigation. He graduated Bachelor of Science in Criminology and a year or two he'll be having his degree for Law. At the age of twenty six, he is the youngest regional director of NBI. Walang nagawa ang pera at impluwensya ng kanyang ama para tapalan ang husay at galing ni Zerriko sa lahat ng larangang hinamon nito ng buong tapang.

"Here," ibinigay ng binata sa kanya ang tatlong shopping bags. "Get yourself a change. We'll pick up the kids in their school first."

"Dito ka na magbihis, Ms. Ayala." Binuksan ng warden ang connecting door.

Tumango siya at dagling nagtungo sa loob ng silid para magbihis. Kahit papaano'y kumakampi pa rin sa kanila ang karamihan sa mga pagkakataon. Lahat ng mga naka-assign na warden doon sa nakalipas na tatlong taon ay mga kakilala at kaibigan ni Zek. Nakahihingi ng pabor ang binata gaya ngayon. Palihim siya nitong ilalabas ng kulungan para makasama ng isa o dalawang araw ang mga anak nila.

This is certainly not allowed given the entire system, rules and regulations of the Bureau of Jail Management and Penology. Pero sinuway ni Zerriko ang sistema at batas sa bahaging ito ng gobyerno alang-alang sa kanya at sa mga bata, kahit na pwede itong malagay sa alanganin kapag may nakaalam sa panig ng oposisyon lalo na sa kanyang angkan.

Nilapag niya sa kama ang paper bags at sinilip ang laman. Natuwa siya at may kasamang make-up kit at perfume ang mga damit at footwear na pagpipilian niyang isuot. She choose to go with the white dress, a flower printed beauty robe style, and matched it with a pair of canvass red stiletto. Nilugay niya lang ang buhok at kinuha ang make-up. Nagsimulang mag-ayos ng mukha sa harap ng concave mirror.

May pinag-uusapang mga malalaking kaso sina Zek at Chief Getigan nang lumabas siya ng silid. Bumaling sa kanya ang binata at hinagod siya ng malagkit na titig. The admiration in his eyes is telling her otherwise that she met his approval.

Tumayo ito at sinalubong siya. "Ready?" kinuha nito sa kanya ang mga shopping bags at inakbayan siya. Pinatakan ng halik sa tainga.

"Thank you, chief." Taus-pusong pasasalamat niya sa warden na nakangiti sa kanya.

"Walang anuman, Ms. Ayala."

"We're going ahead, ma'am. I'll keep in touch." Nagpaalam si Zek matapos muling makipagkamay sa babae at inakay na siya palabas. Sa private parking sa likod naghihintay ang sasakyan nila.

"Ayos lang ba itong suot ko?" kabado siya habang lulan ng sasakyan at iniisip ang mga anak.

Hindi alam ng mga bata na nakakulong siya. Ayaw niyang sabihin ni Zek sa mga ito ang totoo. Bukod sa kulang pa ang kakayahan ng mga anak niyang umuwa, iniiwasan din niya ang mas malalang posibilidad tulad ng bullying. Hanggang ngayon ang ugnayan niya sa kanyang mag-aama ay nanatiling pribado sa mata ng lipunan.

Sa ngayon ay ligtas siya mula sa mapanuring atensiyon ng media dahil sa dalawang babaeng pilit na ini-uugnay ng madla kay Zek. Sina Arielle Quisumbing at Dimples Fajardo.

"You look terrific just the way you are, my love." Kinindatan siya ng lalaking nagmamaneho.

Inirapan niya ito at sinilip ang sarili sa salamin. "Kailan mo ako ibabalik doon sa kulungan?"

"Sunday evening."

"Really?" natutuwang bulalas niya.

"Exactly, you will have five days to be with the kids. Happy?" Pinatutulis nito ang nguso. Humihingi ng halik.

She pressed her lips into him for a smack kiss. "Thank you so much, Zek." Hinawakan niya ang kamay nitong nasa manibela.

But he caught her hand instead, pressed a gentle kiss, and laced their fingers. "I love you."

"Lesbi nga ako." Rumolyo ang mga mata niya.

"So, you don't like me telling you those words? Kanino ko pala dapat sabihin iyon, kay Arielle o kay Dimples?" nanunukso nitong tanong.

Kinagat niya ang labi at pinabibilog ang ilog. "I'm just kidding." She stuck her tongue out, teasing him.

Nagbabanta ang tingin na ibinigay nito sa kanya bago sinipat ang digital clock sa computer monitor ng sasakyan.

"I guess we still have two more hours to spare for a romantic date."

"I thought we will go directly to the school to pick up the kids?" angal niya. May kabalbalan na naman yatang binabalak ang lalaking ito.

"Sa hotel muna tayo, love."

"Zek," ngumuso siya. "Masisira ang make-up ko. Nag-ayos pa man din ako para sa mga bata tapos sisirain mo lang pala?"

"I need you to hold your nerve for me. The kids can wait but this poor director here needs you to fuel his tank." He casts a wicked smile. "Para sa mas malaking giyera mamayang gabi."

"Fuck you, Gray!" sinuntok niya ito sa braso.

"Got shit you've never seen yet, my love." He is laughing out roughly and loud.

Ano namang magagawa niya kundi makitawa na lang sa kapilyuhan nito. They don't have the comfort of time together like any liberated lovers had. Limitado ang oras na nasosolo nila ng ganito ang isa'isa at nagagawa kung anong gusto nila.

Instead of going into the school, they really ended up at the first-class suite of Bai World Hotel in Mandaue. Inubos nila ng kaharutan sa kama ang natitirang dalawang oras. Sinusulit ang bawat segundo at pinapawi ang uhaw.

Kasabay ng malakas na halinghing ang marahas na pag-arko ng katawan niyang nanginginig nang maakyat nila ng sabay ang sukdulan. Kasunod ay nadama niya ang pagbuhos ng mainit na mga binhi ni Zek kailaliman niya.

"Baka lumabas na ang mga bata." Pukaw niya sa lalaking nakasubsob pa rin sa kanyang dibdib habang nagpapahupa ng mabilis na paghinga.

"Yeah, time to go." Hinalikan nito ang kanyang nipple at bumangon.

Gaya niya ay tagaktak din ang pawis nito sa kabila ng malakas na temperature ng aircondition sa loob ng kwarto. Pinagdadampot nito ang mga kasuotan nilang nagkalat sa sahig.

Bumangon siya. Tiniis ang pakiramdam ng kiliting iniwan ng pagkalalaki nito sa gitnang parte ng kanyang katawan. Mabilis itong nakapagbihis. Sinipat nito ang cellphone habang sinusuklay ng mga daliri ang mamasa-masang buhok.

Nagpunas naman siya saglit ng wet tissue. Nanlalagkit siya dahil sa pawis. Zek is throwing erotic glances at her while typing something on his phone.

"Where's my fucking underwear?" nabubugnot niyang tanong nang hindi mahagilap ang kanyang panloob. Tinago na naman siguro ng lalaking ito. "Zek, where is it?"

Kapag may ginagawa silang kalandian laging nawawalang parang bula ang mga panty niya pagkatapos.

"Love, get a new one from the bag." Ikinumpas nito ang kinaroroonan ng mga shopping bags habang nakangisi.

Nagngingitngit na nilapitan niya ang mga bags at kumuha ng pamalit. Mauubos ang oras nila roon kung susubukan niyang makipagmatigasan dito para lang sa panty niya. May mga anak siyang naghihintay ng sundo sa eskwelahan.

Saglit siyang nag-ayos ng sarili sa salamin. Habang naglalagay siya ng lipstick ay lumapit ito at niyakap siya mula sa likod. Hinagkan sa leeg.

"Thank you, I love you." Pabulong nitong sabi.

May pagsuyong pinagmasdan niya ang reflection nito. Nagtagpo ang mga titig nila at banaag niya roon ang damdaming matagal na nitong iniingatan para lamang sa kanya.

"I love you, Gray." Malumanay niyang sagot.

She's not sure if what she felt is the right emotion to answer his love. What just certain for her was the realization that this is bigger and more commanding than what she used to feel for Dimples before.

Saktong pagdating nila ng Sacred Heart ay binuksan na ang gate para sa mga sundo ng mga bata. Bumaba si Zek para abangan ang mga anak nila sa waiting area. Hindi naman siya mapakali habang naghihintay sa loob ng sasakyan. Nasasabik siya at nanlalamig sa saya na nararamdaman. Sinipat niyang muli ang sarili sa salamin. Inayos ang kanyang buhok.

Nag-ulap ang mga mata niya nang matanaw ang kanyang mag-aama na parating kasama ng mga yaya. Masayang tumatalon-talon ang tatlong bata na nag-uunahan sa pagsasabi ng kung ano kay Zek habang may ipinapakita sa likod ng palad.

Ang mga anak niya. Ang bilis-bilis lumaki at ang gugwapo pa. Manang-mana sa ama. Pinunasan niya ang sulok ng mga mata at hinanda ang pinakamalaki niyang ngiti.

"Hellow, my superheroes!" masayang bungad niya sa tatlong bata.

Saglit na nakanganga muna ang mga ito habang namimilog ang mga mata.

"Mama/Mama/Mama!" hiyawan ng mga bata at nag-uunahang sumampa ng sasakyan. Dinaluhong siya at nagsisiksikan sa kanyang mga bisig. Si Zek na nanonood ay humahalakhak gayundin ang mga yaya.

Pinupog niya ng nasasabik na halik ang tatlong anak habang nangingilid ang mga luha. Sapat na sa kanya ang ganito. Hindi na muna niya hihilingin ang kalayaan kung ang magiging hatid lamang ay pagkasira ng tahimik na buhay ng kanyang mag-aama.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status