The promise of forever (Filipino/Tagalog)
The promise of forever (Filipino/Tagalog)
Author: Aloisia
PROLOGUE

Nasa harapan ng kanilang gate noon ang dalagitang si ROWYNA DE JESUS habang nakaupo. Ganitong oras kase dumarating na ang kanyang ama at ina galing opisina at sasalubungin niya ang mga ito.

Ngunit napatingin siya sa mamahaling kotse na tumigil sa matayog na gate ng kanilang kapit-bahay, ang mga SALVATIERA.

Hindi niya alam bakit hindi niya maalis ang tingin sa kotseng iyon at lalo ng makita ang isang binatilyong bumaba doo. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at marahang mapatayo ng mapagmasdan ang pisikal na anyo nito.

Matangkad, kayumangi, medyo brown ang kulay ng buhok, matangos ang ilong at maganda ang pangangatawan. Hindi kalayuan kaya kitang-kita niya ang napaka gwapo nitong mukha.

Lalong tumibok ng mabilis ang puso niya nang makita niya itong ngumiti ng tumingin ito sa loob ng kotse na kung saan di naglaon bumaba ang isang dalagita na sa tantya niya ay matanda ng kaunti sakanya.

Napakaganda nito, parang dyosa at sobrang puti. Hinwakan ng binatilyo ang kamay ng kaharap na dalagita at nagtatakbo ang mga ito papasok sa mansion ng mga salvatiera.

Napahawak siya sa kanyang dibdib ng tila may emosyon doon na gustong kumawala, bakit tila iba ang epekto ng estrangherong binata sa pagtibok ng kanyang puso? Ngayon lang niya ito naramdaman at naninjbago ang mura niyang puso.

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

***********

Rowy

"Hoy!" Tinapik siya sa balikat ng kanyang kanyang kaibigan na si TASIA MILANDRO na kagaya niya at kinse-anyos pa lamang. Umupo ito sakanyang tabi.

"Ano ka ba tasia! Kita mo ng nag-iisip ang tao eh."

" Eh? Inutil. Anong iniisip mo? " Sabi nito, sanay na siya sa mga pinagsasabi nito.

"Kase tasia, doon sa kapit bahay--"

"Kapit-mansion." Anito na inirapan siya.

Napangiwi siya dahil di siya sanay ipangalandakan na mansion  nila, o amg kahit anong yaman nila. Hindi lang siya komportable, kahit totoong mayaman sila at isa siyang tagapagmana. Nag-iisang anak lamang siya.

"Basta. May dumating na binatilyo doon, tingin ko nasa eighteen yung edad." Sabi niya na nae-excite magkwento sa kaibigan.

" Oh? Anong meron doon?" Sabi nito habang binubuklat ang kwaderno. Nasa loob sila ng kanilang room at wala pa ang guro.

"Kasi, kasi...."

"Kasi?"

"N'ong makita ko siya biglang pumintig ng mabilis ang puso ko." Sabi niya na kinagat kagat ang hinlalaki.

" Yan, ang landi. " Sabi ni tasia at sinapok siya.

" Grabe ka naman. Malandi agad? " Mahinhin niyang sabi sa taklesang kaibigan.

"O sige ode hindi. Ano crush mo iyon?" Ani tasia.

"Parang oo, parang love at first sight." Sabi niya na nangalumbaba pa.

Sinapok nanaman siya nito.

" Ako ay tigil tigilan mo sa kaharutan mo Rowyna ah? Di bagay." Anito at tumayo.

" Punta lang akong canteen nagutom ako sayo." Anito at nilisan siya.

Napanguso siya, ah basta pag-ibig sa unang tingin ang naramdaman niya doon sa binatilyong nakita niya. At na eexcite na siyang umuwi at baka makita niya muli ito, baka malaman niya ang pangalan nito.

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

**************

"Dumating na pala ang isang anak ni mr. Salvatiera honey." Biglang sabi ng kanyang ama sakanyang ina habang sila ay kumakain.

"Oh? 'yung anak niyang nasa states?" Sabi ng ina habang nilalagyan siya ng kanin sakanyang plato. Tahimik lang siyang nakikinig. Kaibigan kase ng ama niya ang mga salvatiera,

"Yes. And i heard mag-aaral na din siya dito sa pilipinas. Sa school nila rowy. " Bigla siyang napaubo at sa narinig.

" You okay baby? " Her mother asked.

Napatango-tango siya at pilit sinusupil ang ngiti sakanyang labi dahil sa nabalitaan.

Nang matapos kumain nagpaalam siyang  aakyat na sakanyang kwarto.

Pagpasok sa kwarto nagtatalon siya sa tuwa dahil ang crush niya ay mag-aaral sakanilang school. Malaki ang posibilidad na makita niya ito araw-araw.

Tinungo niya ang bintana kung saan tanaw ang ang mansion ng mga salvatiera. Hindi talaga ganoon kalayo ang agwat ng knilang mga mansion. Bigla siyang napatago sa kurtina ng mapagsino ang lumabas sa terrace.

Yung binatilyong nakita niya.

Luh. Napaka-gwapo talaga nito my gosh. Siguro kwarto niya ang tanaw mula sa kwarto ko?! Oh my!

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

"Rowy? Rowy come back to earth." Pukaw ni tasia sakanya kinabukasan sa eskwela. Nagde-day dream nanaman siya.

"Ano kayang pangalan niya?" Bulong niya sa kawalan.

"Ano? Iniisip mo nanaman ba iyong lalaki? Oy! Talagang pinanindigan mo na ha?!"anito na natatawa.

" Gusto kong malaman talaga ang pangalan niya tasia." Sabi niya sa kaibigan,

"Bahala ka nga. Tara na mag-recess na tayo oras na. " Aya ni tasia tumayo na din siya at kumapit sa braso nito.

Naghaharutan silang dalawa habang naglalakad sa hallway at may makabangga siya. Magkapanabay pa silang nag-sorry.

"Sorry ulit ha?" Sabi ng malambing na tinig na iyon at ng makilala ito natigilan siya. Ito 'yung babaeng kasama nung crush niya.

" H-ha? Ha.. okay lang." Sabi niya na di maalis ang tingin sa mala dyosang ganda nito.

"By the way i am Alexa Morgan " Pakilala nito at inilahad ang kamay sakanya na tinangap naman niya.

"Ako si rowyna..." Sabi niya at binawi na ang kamay.

"Ako si tasia. " Sabat ni tasia sakanila.

" Oh hello tasia and rowy. Actually it's great na may kakilala na ako sa school bukod kay dylan. Dito na kase kami mag aaral eh. " Madaldal na sabi nito, napakabait ng anyo nito.

" D-dylan? " Ulit niya.

" Yep. My friend, by the way mauuna na ako sainyo. I need to find my friend. Nice to meet you girls." Sabi nito ng may pagmamadali.

Dylan... Maybe ang dylan na tinutukoy nito ay ang binatilyong gusto niya. Arrrh! What a day! :)

"Feeling ko 4th year high school na iyon." Sabi ni tasia na nagpatuloy ng maglakad, sinundan niya ito. Baka nga, kse sila ay 3rd year pa lang.

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

************

"Rowy? Is that you?" Biglang napalingon si rowy ng mrinig iyon. Nakita niya si alexa na palapit sakanya. Nasa harap kase siya ng bahay nila at nagdidilig ng halaman.

" Yep. Small world. " Pagpapangap na lang niyanv kunwari pangalawang beses pa lang niya itong nakita.

"Oo nga, diyan ka pala nakatira. Oh by the way papakilala kita-'

" Alexa. " Isang tinig ng lalaki.

"Speaking of the devil." Sabi ni alexa at nilingon ang tumawag dito. Nanlamig siya sa kinatatayuan ng mkitant ang crush niya.

"Hey buddy, come here may papakilala ako sayo." Tawag ni alexa. Lumapit naman ito sakanila. Seryoso mukha nito at nakakatakot ang mga tingin sakanya.

"Siya si rowy, new friends natin. Rowy si dylan pala." Pagpapakilala nito. Tumingin siya kay dylan na pinakatitigan siya.

" I don't need new friends. You are enough alexa." Dire-diretsong sabi nito na ikinatanga niya. He was mean.

" Dylan! Watch your words! " Sita ni alexa na tila nahihiyang tumingin sakanya. Umalis si dylan at iniwan sila.

" Umm. Maybe he's in the bad mood rowy. Kakausapin ko siya. Bye." Paalam nito at iniwan siyang hindi makapaniwala.

Bakit tila nasaktan siya? Bakit tila disgusto ang nasa mukha ni dylan ng makita siya.

And at that very moment, she knew dylan hates her.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status