Share

CHAPTER FOUR

DYLAN

"Saan ka nanaman galing?" Bungad ng ama niya na nasa sala na tila hinihintay siya. Napailing siya.

Here we go again.

"Dylan, kailan mo ba aayusin ang buhay mo?!" Galit na ito.

"From your grades, records on the school, bisyo and all. Ano? Sisirahin mo ba buhay mo? "Dagdag pa ng ama. Lagi na lang ganito simula umuwi siya ng pilipinas.

"Dad, let me enjoy my life. I'm too young." Sabi niya dito na naiinis. Pinipilit siya ng ama na maging matured e 21 pa lang siya. He should let him enjoy.

"Too young your face! Dumaan sa ganyang edad si lucas pero hindi siya ganyan. He was responsible and look, kaya na niya--"

" Stop it. Stop comparing me to my brother. Iba ako iba siya at sana maisip niyo iyon. " Sagot niya sa pinipigilang galit.

"At sumasagot kapa. Ang sinasabi ko, sinasabi ng ina mo ay para sa kinabukasan mo sana maisip mo rin sana iyan. " His dad is now shouting.

"Really? Hindi ganun ang nakikita ko. You were forcing me to be the child you want, you don't let me to be the person i am. "Sumbat niya sa ama na natigilan.

"I am like a bird, i want to be free from under your wings. Let me handle my mess, and always remember that i am different from lucas. " He told him with pain written in his handsome face. His dad just stare at him then shook his head.

"No. As long as nasa poder kita you will be under my wings. I am your father and you need to respect me! " Nag gagalaiting sigaw nito sakanya at iniwanan siyang naka kuyom ng mhigpit ang mga kamao.

Bakit hirap intindihin ng mga magulang niya na may sarili siyang buhay, na hindi siya dapat utusan sa dapat niyang gawin.

Kaya may mga taong nagrerebelde dahil sa mga ganitong sitwasyon, and he was one of them. 

Umakyat siya sakanyang kwarto at pinagsusuntok ang pader doon. Masamang masama ang loob niya, buti pa noong nasa america siya sa mga tita niya okay siya.

Kinuha niya ang telepono at umupo sa may terrace ng kwarto niya. Tinawagan niya si alexa.

"Hey." Matamlay niyang sabi

"What is it?" Nag aalalang sabi ng nasa kabilang linya. Kilalang-kilala siya nito,

"Nothing. Some arguments with dad but okay na." Sabi nalang niya.

" You sure?" She said calmly.

"Yeah its just that, nasagot ko siya." Sabi niya na pinipigilan ang emosyon.

"Huwag mo ng uulitin iyon, he's your dad okay? By the way matutulog na ako. Nawala na ang lagnat ko, nakauwi na din sina rowy."

"Alexa...."

"What?" She asked.

But he hold his tongue back.

"Nothing. Goodnight..."

Tsaka na niya pinatay ang tawag, gusto niyang umamin ng diretso sa kanyang bestfrien pero umuurong dila niya. Baka kase masira pagkakaibigan nila, at hindi alam ang gagawin kapag nangyari yon.

Hindi niya din mabasa ang nasa isip ni alexa kung may nararamdaman din ba ito sakanya. Out of the blue bigla siyang napatingin sa bintana ng mga De Jesus kung saan naroroon ang silid ni rowy, and there he saw her watching upon him.

Tila nabigla ito at biglang umatras sabay tago sa mga kurtina. Matalim na tingin ang ibinaling niya dito, tsaka padabog na pumasok sakanyang kwarto.

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

***********

ROWY

Nang makita niyang pumasok na muli ang binata sakanyang kwarto doon pa lang siya nakahinga ng maluwag. Nahuli siya nito shit!

Ugali na niya kaseng tumingin sa terrace ng kwarto ng binata dahil madalas ito doon. At kanina nga nakita niya ito na tila ang laki ng problema at may mga kaunting dugo ang kamay gusto man niyang tanungin ito pasigaw pero nagpigil siya at makitang may kausap na sa telepono which is alam niyang si alexa.

Kita niya kase paano ito kumalma mula sa pagkaka tense kanina.

Bakit ba kase kagusto niyang sinasaktan ang sarili niya? Bakit kase umaasa pa siya na magugustuhan siya ni dylan?bakit kase ang hirap tumigil magmahal?

It's been years but still si dylan lang gusto niyq, kahit andaming iba na nagpaparamdam sakanya. Nasa ganoon siyang pag-iisip ng biglang tumunog ang kanyang cellphone at si alexa iyon.

"Hello, napatawag ka?" Sabi niya sa kaibigan.

"I have something to tell you." Tila malungkot ang tinig nito.

Nag-alala siya bigla dahil sa dating ng tinig nito.

"Ano iyon? Pinapakaba mo naman ako." Sabi niya na napaupo sa kama.

"Sa atin muna ito ha?" Pabitin pa nito.

"Yes, i promised."

"I am going back to europe next month." The sadness in her voice was written. Napatigil siya at hindi nakasagot agad, dapat diba maging masaya siya kase aalis na ang karibal niya sa atensyon ni dylan?

But she's not. Nalungkot talaga siya kase umalis na nga si lucas tapos ngayon ito naman?

"Rowy?" Pukaw ng nasa kabilang linya.

"Wag. Huwag kang aalis, umalis na si lucas pati ba naman ikaw?" Sabi niya sa kaibigan. Bumuntong hininga si alexa.

"I don't want too, Pero tinawagan ako kanina ni papa at sabi kailangan ko ng umuwi." Sabi nito pero alam niya may iba pa itong dahilan..

" Alexa, tell me hindi lang iyon ang rason hindi ba?" Usisa niya. Parang natigilan ang nasa kabilang linya.

"Y-yes, actually nakakuha ako ng isang proposal sa isang sikat na modeling agency sa europe. Alam ko ito na 'yung pinaka hihintay kong opportunity, and i want to grab it rowy." Paliwanag nito na naiintindigan naman niya.

" Then what is the reason, because it feels there is something holding you back?" Usisa pa niya.

" Not something, but it's someone. You know who he is naman, si dylan. Alam kong hindi siya papayag na magkakalayo kami and ako din parang nagdadalawang isip ako. Kaya hinihingi ko sana ang opinyon mo." Mahabang pahayag nito sakanya.

Kung sanang makasarili lang siya, sasabihin niya na umalis ito at i grab ang opportunity. But, mauuna niyang iisipin ang mararamdaman ni dylan. Malulungkot ito ng sobra.

"You can stay." Sabi niya

"Sino ba ang mas matimbang? Ang pangarap mo o si dylan. I know kahit hindi mo sinasabi you love him..." Sa wakas nasabi niya ang bagay na iyon.

Natigilan si alexa, pagkaraay..

"Let me think about it. And yes i'm inlove with him but we are not just living for love"

Hindi niya maunawaan ang sinabi nito pero hindi na siya nag usisa.

Na kay alexa na ang lahat ng desisyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status