Share

CHAPTER SEVEN

Takip-silim na ngunit hindi pa gustong umuwi ni rowy, masyado siyang nasaktan sa mga sinabi ni dylan kanina sakanya.

Parang sirang plaka na paulit-ulit iyon sakanyang pandinig na dumudurog sakanya.

Binaybay niya ang daan patungo sa may burol na madalas nilang tambayan nina tasia at lucas pati ni alexa at dylan, sa pagkakaalam niya kase isa sa paboritong lugar iyon ng dalawa.

Malapit lang iyon sa campus nila at maglalakad ka ng mga 15mins bago marating iyon, gusto niyang pumunta doon para mag-isip isip. Baka sakaling mawala 'yong nararamdaman niyang sakit.

Kahit pa makulimlim na ang paligid at nagbabadya ng pag-ulan hindi pa rin iyon pumigil sakanya para hindi tumuloy. Meron namang mga silong doon, mga kubo na maliliit. Napatingala siya nang pumatak ng marahan ang ulan, parang ambon lang naman na habang palapit siya sa taas ng burol ay lumalakas kaya inilabas niya ang payong at ginamit na.

Nang marating niya ang paborito nilang pwesto wala ng katao-tao doon. Wala ng mga estudyante na nagtatambay sa hapon, siguro dahil takip silim na. Nakahinga siya ng maluwag ng matanaw ang view sa baba ng kanyang kinaroroonan, napakapayapa at tahimik. Mas maganda pa sana ang view kung hindi umuulan, tinungo niya ang isang kubo  at sumilong doon.

Umupo siya sa naroong upuan habang minamasdan ang paligid at dinarama ang banayad na hanging humahampas sa kanyang balat. Napadako ang kanyang tingin sa madalas nilang upuan nina tasia, sa may gilid ng burol, at natigilan siya nang makitang may tao doon na nakaupo sa damuhan. Tila hindi nito alintana ang ulan na bumabasa na dito, Ang likod nito, ang bulto na kahit nakatalikod ay alam na alam niya kung kanino.

"Dylan..." Bulong niya at tumayo, kinuha ang payong at nagtatakbo patungo sa binata na wala atang balak sumilong.

Nang makalapit ay nakita niyang may mga lata ng beer sa tabi nito, nakatingin lang ito sa malayo at tila napakalalim ng iniisip. Pinayungan niya ang binata na hindi pa din napapansin ang kanyang presensya.

Pero nang mapansin nito na hindi na ito nababasa ay napatingala sakanya. Nagtama ang kanilang mga mata, Hindi niya alam anong pakiramdam ang biglang lumukob sakanya nang mapagmasdan ang hinagpis sa mga mata nito. Mga matang tila nangungulila sa isang tao, at alam niyang si alexa ang pinangungulilaan nito.

Marahan itong tumayo habang hindi pinuputol ang kanilang magka-ugpong na titig. Ngayon, siya naman ang nakatingala sa matangkad na binata.

"Dylan anong ginagawa mo dito? Umu-"

Naputol ang mga balak niyang sabihin nang bigla siya nitong hila'in sa batok at halikan ng mariin na nagpagulat sakanya.

Siya at si dylan, sa isang burol, maulan na paligid at sa ilalim ng isang payong ay inangkin ang kanyang mga labi. Hindi siya makauma sa pagkatigalgal na parang panaginip lang, totoo bang angkin ngayon ng binata ang kanyang labi? Habang nakapikit ito. Kahit lasang alak ang mga labi nito ay hindi niya maitangging napakatamis pa din.

Ang kanyang unang pag-ibig ang kanyang unang halik.

Gumalaw ang mga labi ng binata na tila nais pailalimin ang halik na iyon na kanya namang tinugon. Napapikit na siya sa sensasyong nararamdaman, mahigpit ang hawak ni dylan sakanyang batok at ang isa ng kamay nito ay sakanyang bewang.

Samantalang siya ay mahigpit ang hawak sa hawakan ng payong, Ganito pala ang pakiramdam nang mahalikan ng taong gusto at mahal mo. Parang titigil ang paghinog ng mundo mo sa sari-saring emosyong mararamdaman.

"I love you alexa.." Sa gitna ng marubrob na halik ay ibinulong iyon ni dylan na nagpatigil sakanya sa pagtugon. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig, nabitiwan niya ang payong at kapwa na ngayon sila nababasa ng ulan.

Napakatanga talaga niya, itinulak niya si dylan. Bakit ba hindi niya agad naisip na lasing lang ito at mapagkamalan na siya si alexa, napakalaking insulto para sakanya at gusto niyang maiyak pero hindi niya magawa.

"Rowy? Oh shit! Sorry." Sabay nag-iwas ng tingin sakanya si dylan. Mas lalong masakit iyon na kumpirmasyong naimagine nga nitong siya si alexa.

Hindi pa rin siya makatugon sa binata at nakatingin lang dito. Bakit ba ang hilig niyang saktan ang sarili niya..

"O-okay lang." Sabi niyang nuutal, basang sisiw na talaga siya.

"Umuwi kana." Matigas na sabi ni dylan sakanya habang sa malayo nakatingin. Hindi ito makatingin sakanya.

"Kalimutan mo ang naganap na ito rowy. It was just a mistake." Dagdag ni dylan sakanya at umalis na. Ni hindi siya tinapunan ng tingin nito at nilampasan lang siya.

It was just a mistake.

Tama ito, isa lamang pagkakamali ang nangyari kanina. Nang mawala na sa paningin niya ang binata ay pinulot na niya ang kanyang payong na nabitiwan niya at napaupo sa damuhan. Masyado nang masakit ang nilalaro ng tadhana sakanya.

Akala niya 'yun na eh, na siya si ang iniisip nito habang hinahalikan siya at hindi si alexa. Masakit, gusto na niyang tumigil umasa sa para kay dylan pero hindi niya alam paano ba? Paano ba pigilan ang nararamdaman? Paano ba kalimutan ang nararamdaman? Kase kung alam niya yun ang unang-una niyang gagawin.

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

**********************

Dylan

"Damn!" Napapamura siya habang pauwi sakanyang condo. Naisip niya ang mga naganap sa burol kanina, ano bang pumasok sa utak niya at hinalikan si rowy? Aware naman siyang si rowy iyon pero si alexa ang kanyang naiisip.

Naiinis siya sakanyang sarili pero mas  naiinis siya kay rowy at nagpaubaya ito, Si rowy ang unang babaeng nahalikan niya sa buong buhay niya at hindi si alexa. Si alexa dapat iyon at hindi si rowy, the fuck?!

Pakiramdam niya nagkasala siya kay alexa kahit pa na iniwan na siya nito, napakalaking pagkakamali ang naganap kanina. Pagkakamali na hinding hindi na niya uulitin pa.

Nang makarating sakanyang condo ay agad siyang naligo at habang nasa ilalim ng shower ay nagflashback sakanyang isipan ang nangyari sa burol..

Ang mainit na labi ni rowy..

Ang kanyang unang halik..

Napasuntok siya sa pader ng kanyang banyo at pilit na iwinaksi sakanyang isipan ang nangyari kanina. Dapat na iyong ibaon sa limot. Nagmamadali siyang naligo at nagbihis pagkaraay nahiga na, hindi na siya umuuwi pansamantala sakanila dahil sa naganap sakanila ng kanyang ama.

Kinuha niya ang cellphone at nag online, Ise-search niya sana ang profile ni alexa pero naalala pala niyang blinocked niya lahat ito sa lahat ng social medias na connected sila dahil sa sama ng loob.

Pumunta siya sa call history at nakita ang pamilyar na numerong ginagamit ni rowy noong tinawagan siya. Nagsend siya ng message para sa dalaga..

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

*******************

"You must forget what happened earlier. Like what I said it was just a mistake, Nothing more. "

Napaka sadista talaga ng lalaking iyon, at talagang tinext pa siya ng ganito na mas lalong nagpapahirap sa kanyang nararadaman. Kailangan pa ba talagang ulit-ulitin?

Tinawagan niya si tasia para sabihin ang nangyari kanina, kailangan niya ng isang taong makikinig sakanya at si tasia iyon.

"Oh ano?" Bungad nito nang sagutin ang kanyang tawag.

"He kissed me." Bulong niya.

"Wow may first kiss na ang bestf- teka, Whaaaaaaaaat?!!! " Biglang sigaw nito ng matanto kung ano ang kanyang sinabi.

"Sino?!" Sunod pang tanong nito.

"Dylan." Tipid niyang sabi habang kinakagat-kagat ang kanyang mga kuko.

"What?! Shit?! How?! Are you out of your mind?!" Bulalas pa ng kanyang kaibigan na hindi mo mawari kung galit ba o gulat lang.

Kinwento niya ang nangyari kung paano nagsimula.

"Right now rowy, i am freaking mad. Imagine?! That was your first kiss and he just take it away just like that? The nerve of him! And my gosh rowy, Ang saklap naman na ang label ng first kiss mo ay 'It was just a mistake'. Ang unang halik mo ay isang pagkakamali! " Nang gagalaiting sabi ng kanyang kaibigan sakanya na naiimagine niyang nanlalaki ang mga mata at butas  ng ilong.

"Hayaan mo na tasia. Atleast, sakanya kase siya naman ang gusto ko. Although hindi man romantic or pagkakamali man walang pagsisisi sa akin." Malumanay niyang sabi kay tasia na ngayon ay tila nakakalma na.

"You're so naive rowy." Buntong-hininga na sabi nito sakanya.

"Nangyari na." Sabi niya na bumuntong-hininga na lang din.

"Aware 'yon na ikaw nasa harap niya. Pero si alexa ang naiisip niya, demonyo! " Inis pa rin na sabi nito pero medyo kalma na.

"Lasing lang siya pero hindi siya naka drugs para mag imagine na ikaw si alexa. " Dagdag pa ng kanyang kaibigan. Napangiti siya ng mapakla dahil tumpak ang mga sinasabi nito sakanya.

"Hindi ko alam anong nagustuhan mo doon? Walang direksyon ang buhay, pariwara at mabisyo kaya hindi ko maintindihan kung malabo ba ang mga mata mo, kung si lucas pa ang nagustuhan mo mas maiintindihan ko eh. " Tuloy-tuloy pang talak ng kanyang kaibigan na tinawanan na lang niya at nagpaalam na dito bago pa ulit mag beast mode ito.

Nahiga na siya at napaisip, marahil siya din ay nagtataka kung ano ang nagustuhan niya kay dylan. Pero narardaman niya na hindi lang kung ano si dylan sa pinapakita nito. Deep down of him there is more na nagiging dahilan bakit mas nahuhulog siya dito. May nararamdaman ang puso niya na hindi makita ng mga mata niya at mata ng ibang tao.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status