Share

CHAPTER EIGHT

"Oh bakit tila tuwang-tuwa ka diyan?" Usisa ni tasia sakanya, naroon sila sa kwarto niya.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga at hinarap ang kaibigan na naglalaro sa laptop.

"Excited ako para bukas." Sabi niya na hindi maitago ang saya.

"Sa birthday ni tita elga?" Napatingin sakanya si tasia na nakataas ang isang kilay.

Sunod-sunod siyang napatango habang nakangiti. Napaismid sakanya si tasia at humarap na ulit sa ginagawa, habang siya ay lumapit sa bintana upang silipin nanaman ang kwarto ni dylan.

Birthday bukas ni Mrs. Salvatiera at syempre imbitado sila, kaya ganoon nalang ang saya niya dahil magkikita sila o makikita niya si Dylan na sadyang napakailap lalo sakanya pagkatapos ng halik.

"Alam mo tasia, feeling ko talaga kami ni Dylan ang itinadhana sa isa't-isa." Tila nanaginip na sabi niya.

"Feeling mo lang iyon." Sabi ng kanyang kaibigan na abala pa rin sa paglalaro.

"Ang KJ mo." Ismid niya sa kaibigan at lumayo na sa bintana.

"Hindi ako KJ, sadyang ginigising lang kita sa pangangarap mo ng dilat. Anyway anong oras na?" Tila nanay na sabi pa nito.

"Ala-una" tipid niyang sagot at nahiga sa kama. Napapangiti siya habang hinahaplos ang kanyang labi, labi na nadampian na ni Dylan.

"Pisti ka at ano nanamang iniimagine mo diyan?" Si tasia na ngayon ay nakatayo at nakapameywang na. Mabilis siyang bumangon at tila napahiya sakanyang naiisip kanina.

"Wala. Ano namang iniimagine ko? Ano tapos ka ng maglaro?" Sabi pa niya para putulin ang kahihiyan.

"Bumaba na tayo rowy, at aalis na rin ako maya-maya. Bibili pa ako ng gown na isusuot bukas sa party." Sabi ni tasia at nagpatiuna nang lumabas sa kanyang kwarto. Tahimik na lang siyang sumunod.

Ano kayang klaseng gown ang babagay sakanya bukas?

Hindi niya sinabi kay tasia pero may plano siya bukas. Ko-cornerin niya si Dylan at aamin siya sa totoong nararamdaman niya. Kapag kasi sinabi niya kay tasia alam niyang pipigilan siya nito.

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

Kinabukasan pagka-galing sa eskwela ay hindi maitago sa kanyang mukha ang excitement dahil sa party mamaya.

"Mamaya darating na sina Larry para make up-an ka. Magpahinga ka muna and then maligo na baby girl." Salubong ng kanyang ina sakanya nang pinuntahan niya ito sa kusina. Abala ito sa pakikipagkwentuhan sakanyang yaya simula pagkabata, si manang Mira.

"Yes mommy." Sabi niya at hinalikan ito sa pisngi at nagmano naman siya sa kanyang yaya tsaka na nagpaalam sa mga ito na aakyat na siya sakanyang kwarto.

Excited niyang tinignan ang gown na binili para sakanya ng kanyang ina. Siya ang pumili sa disenyo nito, ayaw ng kanyang ina sa masyadong seksing tabas ng gown pero sa bandang huli napilit niya rin ito. Huwag lang niyang ipapakita muna sa ama at baka papalitan pa.

Gusto niyang maging kaakit-akit kahit ngayong gabi man lang. Nagpahinga lang siya ng kaunti atsaka na siya naligo at pagkatapos ay blinower na ang buhok para kapag dumating ang bakla na sina larry ay okay na.

Gaya ng lagi niyang ginagawa sumilip siya sa bintana at nakita niya sa solar ng mga Salvatiera na abala ang mga ito sa pag aayos. Mukhang masyadong bongga ang kaarawan ni tita elga, sabagay kilala ang mga salvatiera at hindi biro ang yaman ng mga ito. Mas mayaman pa ang mga ito kaysa sakanila.

Mga ilang minuto lang ang lumipas dumating na nga ang mag aayos sakanya at sakanyang ina. Kaya naging abala na siya. Titiyakin niyang maganda at kaakit akit talaga siya sa gabing ito, baka sakaling mapansin siya ni Dylan.

-

-

-

-

-

-

-

"You were too gorgeous Rowy." Puri sakanya ni larry habang pinagmamasdan siya nito kahit siya hindi makapaniwala sa kanyang hitsura ngayon. Iba talaga ang nagagawa ng make-up hihi

Nakalugay ang tuwid na tuwid at itim niyang buhok, nakaipit ang kanang bahagi ng kanyang buhok. Manipis na make up lang dahil iyon ang gusto niya pero yung tipo ng make up na may mapang akit na dating.

Hikaw at kwintas lang ang alahas na suot niya. Ang itim na silk gown na humahakab sa magandang kurba ng kanyang katawan ang mas nakadagdag sakanyang appeal, Medyo malalim ang hukab nito sa bandang cleavage at may slit ito sa kanang bahagi na bumagay sa mahaba at bilugin niyang mga hita. Lalong tumingkad ang maputi at makinis niyang balat sa itim na gown na kanyang piniling suotin.

Sadyang kailangan niyang magpasalamat sa genes ng kanyang mga magulang.

"Thank you fafa larry. Maganda na ba talaga ako?" Natatawa niyang turan sa bakla.

"Maganda is not the right term my dear, GORGEOUS is much better. Shit! Siguradong madaming mayayamang mga business man ang magkakandarapa saiyo mamaya." Sabi pa nito na na ikinatawa niya.

"Alam mo fafa larry mas inaalala ko ang galit ni daddy mamaya." Sabi niya habang tumatawa dahil for sure hindi magugustuhan ng ama ang gayak niya.

"Ay! Baka ako ang mapagalitan niyan mamaya ha?" Anito na biglang nag alala. Tinapik niya ito sa balikat at nginitian.

"No worries, si mama ang bahala sa atin fafa. Anyway, pacheck naman if nandiyan pa sina mommy. Ayokong sumabay sakanila makikita ako agad ni daddy." Sabi niya kay larry na agad namang tumalima at lumabas ng kwarto na agad ding nagbalik.

"Nakaalis na sila my dear kaya pwede ka nang bumaba." Anito sakanya, huminga muna siya ng malalim at naglakad patungo sa bintana, mag aalas-siete na ng gabi and the party is about to start kaya napagpasyahan na niyang bumaba at magtungo sa mansion ng mga salvatiera, baka naroon na din kasi si tasia.

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

DYLAN

"Is she's the daughter of Mr. Dela Cruz? Damn, she's really gorgeous." Napatingin siya sa itinuro ng kanyang kaibigan sa may entrada ng kanilang solar. And there, he saw rowy coming, looking so nice in her black silk gown, he knew she was beautiful but she seemed more beautiful tonight.

He shook his head because of his thoughts,

So he averted his eyes from rowy.

"Yeah she is." Dagdag pa ng isa niyang kaibigan. Ininom niya ang alak sa kopita na hawak niya at hindi na muling tumitig pa kay rowy, iba lang ang naiisip niya.

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

ROWY

Parang hindi niya mai-hakbang kanina ang kanyang mga paa dahil nakita niyang nakatingin si Dylan sakanya. Iba yung pakiramdam kapag nakatitig saiyo ang taong gusto mo, kaya nakahinga siya ng maluwag nang mag iwas ito ng tingin dahil talagang namamawis ang mga palad niya sa kaba.

"Rowy? Damn! Are you for real?" Saad ni tasia nang makalapit sa kinaroroonan niya, hindi makapaniwala ang kaharap sa hitsura niya.

"Buti pinayagan ka ni tito na magsuot ng ganyan?" Natatawang dagdag pa nito, hinila niya ito at sinenyasan na huwag maingay.

"Hindi niya alam, kaya hangat maari nga ayokong magpakita sakanya." Sabi niya sa kaibigan na hindi niya maitatangging napaka ganda rin nito sa ayos nito. Magkaibigan nga sila.

"Imposibleng hindi ka nun makita, baka mamaya ipakilala ka sa mga kaibigang businessman. Anyway, so si Dylan ba ang nagtulak saiyo para magsuot niyan? Inspired by Dylan ganun?" Madaldal na sabi nito sakanya. Inismiran niya ito.

"Tara na nga at gusto ko munang maupo, hello tignan mo naman takong ko." Sabi niya sa kaibigan di talaga siya sanay eh, habang naglalakad sila ni tasia papuntang table nila mailap ang mga mata niya dahil hinahanap muli si Dylan sa kumpulan ng mga bisita.

Hindi naman siya nabigo dahil nakita niya ito ulit, God! Napakagwapo nito lalo na't kapag kagalang-galang ang suot nito. Bagay na bagay dito ang magsuot ng white tuxedo.

"Rowy?" Pukaw ni tasia sakanya at doon pa lang siya tumingin sa kaibigan.

"Bakit?" Sabi niya sa kaibigan na may ingininguso. Sinundan niya ang inginunguso nito at agad siyang napaupo sa may upuan para itago ng kaunti ang sarili. Ang daddy kasi niya ang itinuro ni tasia na ngayon ay matatalim ang titig sakanya.

Lagot!

"Mukhang may anak na makakalbo mamaya ha?" Asar ni tasia sakanya na nakaupo na din sa tabi niya. Napabuga siya ng hangin dahil ang hirap pala magkaroon ng masyadong konserbatibong ama.

Bahala na mamaya! Nakita kaya ni Dylan ang suot ko? Napansin kaya niya ako?

Muling hinanap ng kanyang mga mata ang pamilyar na pigura ni Dylan. Nakita niya pa rin ito sa grupo nito kanina, kasalukuyan itong umiinom ng alak sa hawak na kopita. Iniisip niya paano niya malalapitan ang binata gayong may mga kasama ito?

"Oy rowyna! Binati mo na ba si tita elga?" Napatingin siya bigla sa kaibigan at napagtantong hindi pa nga. Kaya agad siyang tumayo para hanapin ang ina ni Dylan. Iniwan niya muna sa upuan si tasia.

Nang makita at mabati niya na si Mrs. Salvatiera babalik na sana siya sakanilang table pero natigilan siya dahil nakita niya si dylan  na pumasok sa loob ng mansion pero bago iyon tinapunan siya ng tingin at pagkaraay agad din itong nag-iwas ng tingin at mabilis na naglakad. Wala sa sariling sinundan niya ito,

Nakita niyang umakyat ito sa second floor partikular sa kwarto nito at hindi niya alam bakit sinusundan pa rin niya ito, mailap ang mga mata niya at baka may makapansin sakanya.

Kinakabahan siya kung tutuloy pa rin siya,  pero nasa tapat na siya ng kwarto ni Dylan. Bukas iyon ng bahagya at kita niyang walang anumang liwanag ang makikita doon.

Ganito na ba ako kadesperada? Papasukin ko ba talaga?

Napapikit na lang siya at pumasok sa silid ni Dylan.

Bahala na.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status