Share

CHAPTER TEN

"Rowy?" Nabigla pa siya sa tinig ni lucas na kasalukuyan niyang kausap sa video call.

"Yes?" Tila wala sa sariling sabi niya sa kaibigan.

"Tinatanong kita kamusta na ang pag aaral niyo at kailan graduation niyo."

"Teka nga, may masakit ba sa'yo? Kanina kapa wala sa sarili." Usisa pa ng kanyang kaibigan.

"Saglit lang ha?" Tumayo siya mula sa pagkakaupo sakanyang kama at tinungo ang mini refrigetator na nasa kanyang kwarto at kumuha doon ng tubig.

Nawawala siya sa sarili kakaisip sa nangyari kagabi. Di nga siya nakapasok ngayon.

"Okay naman and 1 month from now graduation na namin. And i am so excited. " Imporma niya kay lucas nang makabalik sa kama.

Nasa opisina ang binata sa nakikita niya dahil panay pirma sa mga paper works na ginagawa nito.

"How's the party?" Nakangiting tanong nito sa naganap na party kagabi ng ina nito.

Natigilan siya dahil naalala nanaman niya si Dylan.

"I-it's great, masaya." Sabi niya na napapangiwi.

"Good then. Kamusta naman ang puso mo?" Mababanaag ang pang-aasar sa tinig ng binata.

"Iyon pa din. Mahal pa rin si Dylan." Diretsang pahayag niya dito, napailing-iling si Lucas.

"Listen Rowy, Putulin mo na kung ano mang nararamdaman mo sa kapatid ko, dahil in the end ikaw lang ang masasaktan." Pangangaral ni lucas sakanya, pero paano niya sasabihin dito na may kagaguhan siyang nagawa at madaragdagan pa iyon sa susunod na araw.

Tumango na lang siya dahil mahirap para sakanya ang magsinungaling sa mga kaibigan niya.

Tumunog ang kanyang cellphone hudyat na may nag-text.

Nagulat siya, mula iyon kay Dylan. Tinignan niya sa screen ng laptop si Lucas na abala sa ginagawa.

"Umm, Lucas magpapaalam na muna ako, inaantok pa ako eh. Ingat ka diyan ha? Ba-bye! " Pagmamadali niyang sabi kay Lucas at dinisconnect na ang tawag.

Dali-dali niyang binasa ang text ni Dylan, Kinakabahan pa nga siya.

Nasaan ka? Let's talk.

Saad ng text ni Dylan, Agad niyang nireplyan  na nasa bahay lang siya at hindi siya nakapasok.

Let's meet. Sa burol, hihintayin kita doon mamayang 5pm.

Sinagot na lang niya ng 'okay' iyon dahil kinakabahan nanaman siya.

5pm pasado doon makakauwi ang parents niya, at alam ng mga ito na pumasok siya at 6pm ang labas niya. Agad niyang tinignan ang orasan at 1pm pa lang ng tanghali.

May oras pa siya para gumayak at sabihan si manang mira na wag sasabihin sa magulang niya na hindi siya pumasok.

Mga bandang 4pm umalis na siya sa bahay at baka ma-traffic pa siya. Nagcommute na lang siya. Habang nasa byahe iniisip niya bakit doon siya niyayang makipagkita ni Dylan. Parang panaginip lang ang lahat ng nangyayari, parang kailan lang pinagtatabuyan siya nito.

4:45 nakarating na siya sa burol at medyo mainit pa ang sikat ng araw kaya nagpunta siya sa isa sa mga kubong naroon. May mga iilang lovers na naroon, at busy sa pagkukwentuhan at harutan.

Tinext niya si Dylan at sinabing naroon na siya. No reply naman ito kaya hinayaan na lang niya. Hindi nagtagal natanaw niya ang kotse nito sa may baba at lumabas doon ang binata pero iniwas niya ang tingin, kunwari hindi niya ito nakita.

Ilang saglit pa nakalapit na ito sakanya.

Ang awkward.

"Dylan-"

"Row-"

Magkapanabay pa nilang sabi, na ikinatawa niya.

"Go ahead, " pagbibigay daan niya dito.

"About last night, Wala ng atrasan." Seryosong sabi ni Dylan na nakatingin ngayon sakanyang mga mata. Napalunok siya, wala na ngang atrasan ito.

"Yes. Hindi naman ako umaatras." Matapang niyang sabi.

"Good then, every monday, wednesday and saturday let us meet in my condo. Since bawal tayo sa mga public places at baka may maka-kita sa atin na magkasama. " Anito na nakatingin na sa malayo habang nakapamulsa.

Bakit ba nasaktan siya sa isiping ayaw nitong makita ng iba na magkasama sila? Sabagay kailangan pala nilang itago.

"Sige. Basta ime-message mo ako para alam ko. " Sagot na lang niya dito.

"Wala dapat makaalam sino man sa set up nating ito Rowy at sa pinag-usapan natin. Even tasia, naiintindihan mo? " He said in a cold, and dominant voice.

Napatango-tango siya

"Hindi kita pinilit, ikaw mismo ang sumang-ayon." Dagdag pa nito at tumingin sakanya.

"You want it right? You want me." Siguradong-Sigurado ito sa bawal salitang binitiwan nito.

"Oo. Alam ko, alam ko ding mali ito pero kung ito ang tanging paraan para lang mapansin mo handa kong gawin. " Sabi niya na nakipaglaban ng titig dito, ito ang nag-iwas at tumalikod na ito sakanya.

"I want you too.." Sabi ni Dylan na ikinalukso ng kanyang puso.

"I want you in my bed." Dagdag nito na pumutol sa pantasyang nais na niyang isipin. Ahh, oo nga pala gusto lang nito ang katawan niya. Hindi siya makasagot sa mga sinabi nito,

"Gotta go," paalam nito at naglakad na palayo sakanya. Hindi pa nag-uumpisa pero nasasaktan na siya, pero hindi siya nawawalan ng pag-asang makakamit niya ang pagmamahal na gusto niya.

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

Buti na lang nakauwi siya agad, pagdating niya sa mansion ay tinungo niya ang silid ng mga magulang dahil nakaugalian na niyang tuwing dumarating siya humahalik siya sa mga ito.

Kumatok siya at nang pinapasok siya ng jna doon pa lang niya binuksan ang pinto, nakahiga sa kama ang ama niya habang may hawak na libro ang kanyang ina naman ay nakaharap sa laptop tila may pinagkakaabala'an.

Masaya siya na kahit workaholic ang mga magulang niya hindi nawalan ng oras ang mga ito kahit noon pa man. Balang araw gusto niyang maging katulad ng mga ito, responsable at mapagmahal na mga magulang.

"Hello baby, saan ka galing?" Usisa ng ina, nilapitan niya ito at hinalikan.

"School." Sabi niya na kinakabahan, nagsumbong kaya si manang mira?

"Ayy oo nga pala." Sabi ng ina na natawa pa.

"Kumain kana at para makapagpahinga kana." Dagdag pa nito.

She was feeling guilty, hindi deserve ng magulang niya ang pagsinungalingan.

Pagkaraay nilapitan ang ama at hinalikan din ito,

"Iloveyou sweety." Sabi ng ama niya na ginantihan din niya ng "I Love You Daddy"

"Labas na po ako, nagugutom na po ako." Pagdadahilan niya gayong hindi naman talaga siya gutom.

Tumango ang kanyang mga magulang tsaka na siya lumabas.

Hindi siya sanay magsinungaling sa mga magulang niya o sa mga taong nasa paligid niya, pero hindi niya alam bakit nagagawa niya ito ngayon.

Nakokonsensya siya.

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

DYLAN

"Talaga bang lilipat kana sa condo?" Usisa ng kanyang ina nang maabutan siya sakanyang silid na nag iimpake ng iilang mga damit niya.

"Yes mama, mas okay na ito. Dahil kung nandito ako hindi ko maipapangakong hindi kami mag aaway ni papa. " Sabi niya sa ina na bakas sa mukha ang kalungkutan.

"Ma naman huwag ka ng malungkot para namang ang layo layo ng lilipatan ko." Natatawa niyang sabi sa ina na ngayon ay nakaupo na sa dulo ng kanyang kama.

"I'm sad kasi mamimiss ko ang bunso ko. Nasa malayo na nga si Lucas pati ba naman ikaw. "Anito na tila nangongonsensya pa.

"Ma, we both know that this is the right thing to do." He said while packing.

"Yeah, yeah.. basta mag iingat ka lagi. And please lang huwag ka ng magpupunta sa mga bar and driving while drunk." Abiso nito sakanya na ikinatango na lang niya, ilang saglit pa nagpaalam na ang ina na lalabas na ng kanyang silid.

Nahilamos niya ng palad ang mukha dahil naisip niyang hindi lang ang pag-iwas sa ama ang dahilan ng pag alis niya sa mansion. Kundi dahil sa deal nila ni Rowy.

Ano ba itong pinapasok ko? But i badly want her.. her body.

Iyong halik kasi sa burol ang daming ginising sa katawan niya, hindi lang iyon mali man pero parang ginagamit niya si Rowy para makaganti kay Alexa. Dahil kung sakaling malaman ni Alexa ang mamagitan sakanila ni Rowy baka sakaling masaktan ito at iyon ang gusto niya.

Selfish na kung Selfish pero ewan hindi niya mapigilan ang sarili na gumawa ng mga bagay na hindi maganda.

Sadyang rebelde na talaga ang utak niya dahil hindi na niya iniisip kung ano ang tama at kung sino ang mga masasaktan.

Ganoon ba ang nagagawa ng pag-ibig? Ganun ba talaga?

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

**********

ROWY

"Kanina ka pa walang kibo ha?" Napatingin siya kay tasia na nakatingin din sakanya. Nakapangulambaba siya sakanyang desk habang nagmumuni-muni.

"Eh? Kelan pa ba ako naging madaldal katulad mo?" Sabi niya kay tasia.

"Hello girls, hello baby rowy. " Sabay silang napatingin sa dumating, si Alec na may gusto din sakanya.

"Oh anong kailangan mo?" Masungit na sita ni tasia sa lalaki.

"Huwag kang mag alala hindi ikaw, kundi si Rowy." Balik-sabi ni alec sa kanyang kaibigan na ikinatawa niya.

"Ano ba iyon? " Usisa niya sa chinitong manliligaw niya.

"Gusto sana kitang i-invite for lunch." Ngiting-ngiti ito na nagpalitaw sa mga biloy nito sa pisngi.

"Kung inaaya mo si Rowy dapat kasama akk dahil hindi naman yan sasama na wala ako. " Ngiting-tagumpay si Tasia.

Napakamot sa ulo ang pobreng binata.

"Kung sasama natin si tasia, sasama ka ba Rowy?" Pagkaraay sabi nito.

"Oo." Nakangiti niyang pahayag. Wala namang masamang pahintulutan ang simpleng paanyaya nito hindi ba?

"See?" Ismid na turan ni Tasia kay alec na napapailing habang nakakatitig kay Tasia. Kung sanang si Tasia ang nagustuhan ni alec bagay na bagay ang mga ito, 'yong tilang aso't pusa at napaka kyot tignan kapag nag aaway.

"Rowy aalis na ako, mamaya ha?" Paalam ni alec.

"Oo umalis kana nga." Iritang sabi ni tasia dito.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko." Masungit na na sagot ni Alec.

"Kahit na. Basta alis!" Taboy pa nito sa lalaki. Nang makaalis ito ay tinapik niya sa balikat si tasia.

"Grabe ka naman sakanya." Aniya na natatawa.

"Naiirita ako sa Alec na iyo. Huwag mong sasagutin iyon kundi ang magiging anak niyo magmumukhang chanak na walang mga mata! "Parang batang sabi nito with action pa. Napahalakhak siya sa mga tinuran nito, hinding hindi niya sasagutin si Alec dahil may nagmamay-ari na ng puso niya, at si Dylan lang 'yon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status