Share

Ligaw?

Depths: 7

  Pagkagising 'ko, isang nakadukdok na Alen ang nasa gilid 'ko. I fear of getting judged, being helpless and wasn't able to protect myself.

  Pinakiramdamin 'ko ang bawat paghinga ni Alen at paggalaw, nagdadalawang isip ako kung gagalaw ba o babalik na lang sa aking pagtulog. Tiningnan 'ko ang orasan at malapit na mag-alas dies, halatang hindi na ako puwedeng pumasok pa ng ilang subject.

  Ang hindi 'ko lang maisip ay bakit nasa tabi 'ko pa rin si Alen, hindi ba't may klase din s'ya? At s'ya din ba ang nagdala sa akin dito? Ang dami nangyari kahapon at kagabi na hindi na sila nagiging malinaw sa aking isipan.

  Pilit 'kong inaalala ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay, ang tanging naaalala 'ko lang ay ang pagkawala ng malay ko sa iskinitang katabi ng kolehiyo at ang tricycle driver na muntik na akong madala sa ibang lugar.

Wala din akong naaalalang may tao nang mawalan ako ng malay o may nakakitang tumalon ako. Kahit anong pilit 'ko ay wala talaga akong maalala.

  "Ayos ka lang ba?" Napatalon ako sa tanong ni Alen, mukhang nagising din s'ya sa aking kalikutan.

  Ganito ba talaga ang itsura ng mga lalaki pag bagong gising? Imbes mga may pugad sa ulo, laway sa gilid ng labi, muta sa mata at pawis ay  may pagkaputi at gwapo pa? O sadyang naglalaro lang ang mga mata 'ko laban sa akin?

  Dahan-dahan lang akong tumango sakanya at lumingon na sa katabi 'kong pader. May kahabaan din ang nagtagal na katahimikan sa pagitan namin. Hindi 'ko alam kung paano pa magsisimula ng usapan.

  "Pasensya na sa inakto ko kahapon Istel, ayoko lang nababastos ka pero sa iyo 'ko pa pinaramdam iyon at ngayong.." alam 'ko na agad ang ibig sabihin n'ya at kung bakit hindi n'ya maituloy ang sasabihin n'ya.

  Ngayong napagtanto 'ko din ang mga nangyari kahapon ay hindi na ako dapat nagtitiwala agad-agad, lalo na kung malalim ang gabi. Hindi na ito tulad sa barrio na kaonti lang ang naninirahan at kilala na ng lahat ang ugali ng isa't isa.

  Marami pa ding masakit sa akin kumpara sa inaasahan 'ko. Kaonting galos at sugat lamang ang iniisip 'ko matatamo 'ko pero mukhang may bali pa ako ng buto. Nagbaka sakali akong pinaglihi ako sa pusa ng aking ina pero mukhang hindi.

  "Dapat ay pumasok ka at hindi na ako binantayan. Wala din namang magbabalak pumasok sa kwarto na 'to"

  "Hindi 'ko magagawang iwan ka dahil nangako akong aalagaan ka"

  "Hindi na ako bata Alen, kaya 'ko na ang sarili 'ko. Ikaw sayang ang oras mo"

  Tatapatin na kita sa nararamdaman 'ko Istel kung maaari?" Pagsusumamo ang tangi 'kong nakikita sa kanyang mga mata, hawak n'ya ang aking kamay gamit ang dalawa n'yang kamay.

  Tila nagdadasal sa isang dyosa, humihingi ng pag-asa para sa sariling kahilingan.

  "Ano ang ibig mong sabihin?" Sa totoo lang ay nagtataka na ako sa mga inaakto ni Alen nitong nakaraan.

  "Kung maaari ay mangliligaw ako, gusto 'ko lamang ipakita at iparamdam ang ilang buwan 'kong nilihim"

  "Mangliligaw? Iyong panunuyong ginagawa ng mga lalaki para makuha ang babaeng gusto nila?" Nagtataka pa din ako, bakit ako?

  "Oo, gusto 'ko lang malaman mo na matagal na akong may gusto sa iyo Istel. Tanggapin mo ang pangliligaw 'ko at patutunayan 'ko sa iyong hindi mali ang naging desisyon mo" tila ba madaming bituwin sa mga mata ni Alen na nagniningning para marinig ang aking sagot.

  "Kung ganon ay papayagan kita pero pangliligaw lamang, wala pa sa akin ang magkaroon ng relasyon" nahihiya 'kong sagot dito saka ibinagsak ang tingin sa aking kamay. I was fiddling with my other hand's fingers.

  "Maraming salamat Istel, hinding-hindi ka magsisisi. Hindi pa tayo kumakain kaya magluluto muna ako, maghintay ka na lamang dito at ihahatid 'ko"

  Akala 'ko ay simple lang ang magiging pangliligaw ni Alen sa akin, simpleng regalo, mga lakad, at pagsasabi kung gaano n'ya ako kagusto pero hindi. Sadyang pinaglilingkuran n'ya ako umaga at gabi.

  Mula sa aking pagkain mula sa pag-inom at tulog, hanggang sa aking mga gawain. 

  Sa mga araw na nakakapasok na uli ako, tinatanong na agad ako ni Alen kung ano ang magiging schedule 'ko at kung ano ang aking mga activities sa araw na iyon. Maya't maya din ang kanyang pag-usisa sa akin.

  "Istel?" gumising ako sa boses ni Alen, nakangiti s'ya sa akin habang hinihintay ang susunod 'kong gagawin.

  Makulimlim at may kaunting ambon, sa mga nakaraang araw na dumaan naranasan 'kong maging maingat sa mga taong lumalapit sa akin. At sa mga araw na mas nauunang matapos ang klase 'ko kaysa kay Alen, sumasabay ako nang uwi kay Jane o kaya'y dumeretsho na ako nang pasok sa cafe kahit alam 'kong hindi pa tapos ang shift ni Leil.

  "Kamusta ang tulog mo?" 

  "Ayos naman, ang sayo?"

  "Ikaw ang panaginip 'ko" nakangiting sagot sa akin ni Alen, wala akong nagawa kundi mamula at tumingin sa aking mga kamay.

  "Tara na, tapos na din akong maghanda ng almusal" inabot n'ya ang aking kamay ay ginayang tumayo. Maingat s'ya sa aking tila mababasag ako sa isang maling galaw.

  "Sinabi 'ko naman sayo, hindi mo kailangang maghanda o magluto ng almusal sa akin dahil kaya 'ko naman iyon" ibinusangot 'ko lang ang saking mukha para mapigil ang nararamdamang ngiti.

  "Huwag mo ngang gawin 'yan. Mas lalo akong ..." hindi 'ko na narinig ang huling sinabi n'ya, tanging ngiti n'ya lamang ang ipinakita sa akin nang humarap s'ya.

  Masasabi 'kong simula nang mangligaw sa akin si Alen ay mas naging madali ang aking umaga at mga araw. Hindi 'ko na kailangang pilitin ang sariling bumangon nang maaga at maghanda nang pagkain para sa mga kasama 'ko. 

  Sa tuwing paggising 'ko ay walang ginawa si Alen kundi palundagin ang puso 'ko sa bawat ginagawa n'ya. He's a softie. He's sweet, gentle, loving and caring. Hindi na ako magtataka kung sa mga susunod na araw ay sasagutin 'ko sya. 

  "Papasok ka ba ngayon sa cafe?" 

  "Palagi naman, bakit mo na naman ba natanong?"

  "May sideline na inalok sa akin, malaki din ang makukuhang pera. Iniisip 'kong pagkinuha 'ko iyon hindi mo na din kailangang pumasok pa sa cafe na 'yon"

  "Napag-usapan na natin 'to, ipunin mo ang pera mo at mag-iipon ako ng para sa akin. Hindi tayo mag-asawa para maghati na agad sa pera" sa sinabi n'yang iyon ay totoong napabusangot na ako.

  Ayokong iasa n'ya sa akin ang mundo n'ya dahil mahaba pa ang panahon at hindi pa kami sigurado sa mga maaaring mangyari. Ayoko ding magmukhang pineperahan 'ko lamang s'ya. 

  Sa nagtagal na mga buwan, natuto na akong masanay sa mga kaugalian dito at sa mga salita. Hindi na din ngayon bago sa akin ang hindi magbigay ng tiwala sa iba at ang lahat ng bagay dito'y may bayad. 

  Mahirap ngang talaga kung ituturing ang buhay dito. Lahat kailangan ng bayad. Kailangan ding malakas ang loob mo.

  Nagpatuloy ang pagtatalo namin tungkol sa sideline na iyon at ang pagpasok 'ko sa cafe. Hindi din naman nagtagal ay pumayag na s'yang pumasok pa dina ko sa cafe pero sa tuwing lalabas kami ay s'ya ang sasagot nang lahat.

  "Hindi ba't parang hindi naman tama 'yon? May kinikita namang akong pera at may ipon"

  "Kahit na, malaki ang puwede 'kong maging sahod sa trabaho na 'yun, ipunin mo na lang ang pera mo at ako na ang gagastos sa magiging lakad natin"

  "Iyan din ang sinabi 'ko sayo! Mas mainam talagang ako na ang magbayad ng akin"

  "Hindi ako papayag d'yan, tutal ako ang lalaki hayaan mo akong gumastos satin"

  "Nangliligaw ka pa lang Alen!"

  Nagulat na lamang ako nang hatakin n'ya ako sa isang yakap, naramdaman 'kong humigpit iyon bago s'ya magsali sa aking tenga.

  "Alam 'ko, kaya hayaan mo akong magpasikat sayo"

  "Ano bang pinagsasabi mo?!"

  "Hayaan mo kako akong magpakitang gilas sayo, hinding-hindi ka magsisisi sa oras na sagutin mo ako"

  Pagkatapos ng kaunting sagutan, mabilis dumaan ang gabi. Ginawa namin ang mga nakasanayan, gigisingin n'ya akong handa na ang almusal, sabay papasok at magtatanungan sa mga activities.

  The usual day I must say, ganoon din katulad ng mga nakaraan pero ngayon mag-isa na naman akong pupunta sa cafe. Mukha kaseng mapapatagal pa sina Jane.

  Hindi tulad dating kampante ako, ngayon ay alerto na ako. Isang iskinita na lang ang ililiko 'ko para makadating sa cafe ng may maramdaman akong sumusunod sa akin.

  Hindi 'ko magawang lumingon o magpasikot-sikot dahil na hindi 'ko din kabisado ang mga daan. Kaya minabuti 'kong dumeretsho na agad sa cafe, nilakad takbo 'ko na ito.

  "Stella!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status