Share

Chapter 9

Dismissal time, gaya ng sinabi ni Rhiane, nagkita sila ni AJ sa parking lot. Gusto pa kasi sana nitong sunduin siya pero hindi siya pumayag dahil bukod sa malayo ang building nila at malaking abala ay ayaw niyang maintriga. Famous pa naman si AJ sa mga kababaihan. Baka ma stress siya lalo. 

"Hey let's go," aniya rito pagkasakay niya sa frontseat ng itim nitong audi. 

Tumango naman ito at agad na pinasibad ang sasakyan. 

"So saan ba tayo?" tanong nito sa kanya. Ibinigay niya ang address ng village nina Darryl. 

Wala pang thirty minutes ay narating na nila ang village nito. 

Pumarada ang kotse ni AJ sa isang malaking bahay. Kumikintab ang itim na gate nito at kitang kita rin ang swimming pool na nasa loob. 

Bumaba si Rhiane ng sasakyan. 

"Dito na lang ako Rhi. Hintayin na lang kita," sabi ni AJ. Nagkibit balikat siya at sinara na ang pinto.

Nakilala naman siya ng guard kaya agad din siyang pinapasok. 

"Miss Rhiane, kayo po pala," nakangiting bati ng isang kasambahay pagkabukas nito ng front door. Ngumiti siya rito.

"Si Darryl po nandito ba?" tanong niya pa. Napakamot pa ang kasambahay sa ulo. 

"Eh hindi pa po umuuwi si senyorito mula kanina eh." Agad na kumunot ang noo niya.

"Huh? Pero akala ko kinunan siya ng susi sa condo? Saan siya nag stay kaninang umaga?" 

"Eh hindi ko rin po alam Miss Rhiane. Basta kanina po sabi ni Maam Danelle padalhan daw ng damit at pagkain si Sir sa hospital." Nanlaki ang mga mata niya.

"Hospital? Bakit? Saang hospital?" 

"Sa Clarke Medical po." 

Mabilis pa sa alas kwatrong umalis doon si Rhiane. Agad siyang pumasok ng sasakyan. Nagulat naman si AJ sa pagmamadali niya.

"Sa Clarke Med bilis!" humihingal na sambit niya rito. Nagtataka man ay pinasibad na rin nito ang sasakyan. 

Hindi magkamayaw ang kaba niya habang papunta ng Clarke Med. Ano na naman bang nangyari rito? Maayos naman niya itong iniwan kagabi ah? 

Shocks hindi na ba talaga matatapos ito?!

"Hey we're here." Natigil lang siya sa pag-iisip nang magsalita si AJ. Tumingin siya sa labas at nasa Clarke Med na pala sila. 

Agad niyang binuksan ang pinto at tsaka lumabas. Sumunod din si AJ sa kanya. 

Lakad takbo ang ginawa niya papunta sa nurse station.

"Excuse me miss, may nakaadmit bang Darryl Montefalco rito?" kaagad niyang tanong sa nurse pagkarating nila. 

"I'll check it po maam." Tinanguan niya lang ang nurse tsaka iginala ang tingin sa corridor ng hospital. 

Halos lumabas na ang puso niya sa sobrang kabang nararamdaman. 

Babalingan niya na sana ulit ang nurse nang may nahagip ang mga mata niya. Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa dalawang pigura na naghihintay sa labas ng elevator.

"Kier? Shade?" Tatawagin na sana niya ito nang bigla namang bumukas ang elevator at tuluyan nang pumasok ang dalawa. 

Mabilis niyang hinila si AJ para sana harangin ang elevator ngunit huli na sila dahil sumara na ito. 

Malutong siyang napamura tsaka paulit ulit na pinindot ang elevator key ng katabing elevator. Tiningnan niya ang elevator na pinasukan ng dalawa at nakitang sa fourth floor ito hihinto kaya agad din silang pumasok ni AJ nang bumukas ang katabing elevator nito. 

Natatarantang pinindot niya ang number four at napapadyak padyak pa sa sobrang inip. Si AJ naman ay nanatiling nasa likod niya at ito na mismo ang humawak sa kamay niya. 

She was too preoccupied to even notice his hand is holding hers. 

Nang tumunog ang elevator ay agad silang lumabas. Nagpalinga linga sa kanan at kaliwa ng corridors para lang mahanap ang dalawa. Luckily, hindi pa nakakalayo ang mga ito. 

Tinakbo nila ang distansya ng dalawa at nakita nila itong huminto sa isang kwarto. Lalapitan na sana niya ang mga ito nang higitin siya pabalik ni AJ.

"Ano ba?!" kunot noong daing niya rito. 

Tiningnan ni AJ sina Shade na kaalukuyang papasok na ng kwarto bago siya nito hinila sa isang sulok. 

"Ano ba! Let me go! Kailangan kong puntahan si Darryl!" 

"Tss. How sure are you na si Montijo nga ang nandoon?" Kumunot ang noo ni Rhiane.

"What do you mean?" Bumuntong hininga si AJ tsaka siya tiningnang mabuti.

"Listen Rhi. Remember noong hinatid kita?" tanong nito at bahagyang napatigil na tila naghihintay ng sagot niya. Nagtatakang tumango si Rhianr. 

"After that sinamahan ko si Ember dito. Binisita namin si Gail , 'yong bagong sorority president? She's Ember's friend kaya binisita niya ito. Before the fratwar, napabalitang muntik nang gahasain si Gailr at nasaksak siya ng isa sa mga miyembro ng frat na nakalaban nina Montefalco. Rhiane, si Gail ang nasa kwarto 'yon. That's her room." Mas lalong kumunot ang noo ni Rhiane. 

"Why are you telling me this?" Matalim niyang tiningnan si AJ. 

"Cause maybe you're right. Darryl is there at nagbabantay sa pinakmamahal niyang presidente. I'm just giving you a heads up." Nagbabantang sagot nito.

Hindi niya alam kung bakit ganoon pero bigla na naman siyang kinabahan at hindi lang 'yon, tila may maliliit na karayom ang paunti unting tumutusok sa dibdib niya. 

"Why don't we see them Rhi?" tila nanghahamong sambit ni AJ. Napalunok siya. Bakit tila gusto niyang umatras? Bakit parang pakiramdam niya ayaw na niyang ituloy? 

Nag-aalangang tumingin siya kay AJ. Tinawanan siya nito. 

"Scared? Scared of the

truth?" Hindi siya nakapagsalita. Cause it's true. Takot siyang makumpirma ang sinabi nito sa kanya. 

"Let's see them now Rhiane," sabi ulit nito sa malamig na boses. Tiningnan niya ito pero seryosong nakatingin lang din ito sa kanya at tila naghihintay ng susunod niyang galaw. 

Huminga siya nang malalim bago tumalikod at naglakad papunta sa kwartong pinasukan nina Kier kanina. Nakasunod din si AJ sa kanya. 

Habang papalapit at mas lalong lumalala ang kaba niya. Hanggang sa nakatayo na sila sa harap ng pinto nito. Humugot siya nang malalim na hininga tsaka kumatok ng tatlong beses. Ilang minuto pa ay bumukas na rin ito. 

Bumungad sa kanila ang isang babaeng may katamtamang tangkad lang. Itim na itim ang straight at mahaba nitong buhok. Maputi rin ito pero hindi kasing puti ni Rhiane. She was wearing a floral maxi dress and a peach doll shoes. 

Rhiane's pretty sure na mas bata ito sa kanya. 

"Hello po. Sino po sila? Sorority member ka po ba?" tanong nito sa malamyos na tinig. 

Tinitigan niya itong mabuti. 

"I'm not a sorority member. I'm Rhiane Ferguson. Dumalaw lang ako in behalf of the school." Napalunok siya. She doesn't want to involve his dad or the school here. Pero baka hindi siya nito papasukin. 

"Ahh. Nako! Salamat po. Pasok po kayo. Nandito si Ate Gail sa loob," masayang sambit nito. Bahagya siyang natigilan. So it's indeed Gail’s room. 

Naramdaman niya ang pag tapik ni AJ. Nilingon niya ito pero ngumiti lang ito sa kanya bago ituro ang loob ng kwarto. Bumuga siya ng hininga bago tumulak sa loob. 

"Ate may bisita ka po." Dinig niyang sabi nito habang papalapit sila ni AJ. 

Nang tuluyan na silang makalapit ay kitang kita niya ang panlalaki ng mga mata nina Shade at Kier na nakatayo sa bandang bintana ng kwarto. 

She shifted her glance to the hospital bed itself. Nakaupo at nakangiting- na agad din nawala- si Gail, may dextrose ang kaliwang kamay. Ang kanan naman ay nakapatong sa unang nasa hita nito pero hindi lang 'yon. Dahil nakapatong din sa kamay nito ang kamay ng taong kanina pa niya hinahanap. 

Sitting on the edge of the bed is Darryl, looking good and feeling alright. Tila okay na okay ito habang siya ay halos himatayin na sa pag-aalala. Naikuyom niya ang dalawang kamay. AJ warned her and she already has visualized in her mind what could be inside the room pero mas masakit pala talaga pag kaharap mo nang makumpirma. Sampal ng katotohanan. 

She has never been this furious her entire life, pero sa nakita niya ngayon pakiramdam niya sasabog na siya sa sobrang galit. Those tiny needles crept into her chest even more. Sakit at galit, what a great combination indeed. 

"Rhiane." Si Jake ang nagsalita. Automatikong tinanggal naman ni Gaile ang kamay ni Darryl. 

Bumuntong hininga ang lalaki at tumayo. Lumapit ito sa kanya pero agad ding natigilan nang makitang hindi lang siya ang nandoon kundi pati si AJ. Umigting ang panga ni Darryl pagkakita sa binata. Napansin ito ni Rhiane kaya agad siyang tumikhim. Bumaling siya kay Gail.

"Get well soon miss Gail ," peke siyang ngumiti tsaka bumaling kay Darryl. 

"I need to talk to you. Can we talk outside?" malamig niyang sabi rito. Hindi niya nga alam paano niya napanatiling kalmado ang boses niya gayong kinakabahan siya at nanggagatog ang mga tuhod. 

Tinitigan siya nitong mabuti bago tumango at naunang maglakad palabas. Agad din silang sumunod ni AJ. 

Pagkalabas ay nagpunta sila sa pinakadulong bahagi ng corridor kung saan wala nang halos makakakit sa kanila. 

Matalim ang tingin ni Darryl sa kanilang dalawa. 

"Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong nito. Inisang hakbang niya ito at sinampal nang pagkalakas lakas. 

Malutong itong napamura at matalim na tumingin sa kanya. 

"What the fuck is your problem?!" galit na sigaw nito. Tumaas ang kilay niya at mapaklang tumawa. 

"Wow. Ikaw pa ang galit?! Ikaw pa talaga galit?! What the fuck Darryl?! Habang ako halos mabaliw sa kakakontak at kahahanap sa'yo, nandito ka lang pala?! Ano nakikipagharutan diyan sa puta mo?!" 

"Gaole is not my whore. She will never be." Kalmado ngunit may diing sabi nito. She laughed sarcastically.

"Yeah right. Not your whore? A bitch then?" panunuya niya pa. Nagtagis ang bagang nito at tuluyan ng lumapit sa kanya.

Agad na lumapit si AJ at nakipagtagisan ng tingin nang mahigpit nitong hawakan ang palapulsuhan niya. 

It hurts like hell.

Pakiramdam niya mababali na ang kamay niya sa higpit ng hawak nito. 

She didn't mind it though, sa halip ay nakipagtagisan din siya ng tingin dito. Ramdam na ramdam na rin niya ang mahigpit na hawak ni AJ sa kabilang braso niya at tila gustong gusto nitong patulan na si Darryl pero pinigilan niya ito.

"Watch your mouth Ferguson. 'Yan ba ang natutunan mo sa pagsama sama sa Cruz na 'yon?!" mariing sabi nito. Matalim siyang tumingin dito.

"AJ has nothing to do with this. Stop bringing other people's name here! Ginago mo ako Darryl! You're fucking that whore behind my back! Kaya ka ba ako iniiwasan ha?! Kaya ba?!"

"I said she is not my whore!" Mas humigpit ang hawak nito sa kanya. Halos umiyak na siya sa sobrang sakit. 

Sasagot na sana siya at babalewalain na ito but the next thing she knew she is already free from Darryl's grip at kinikwelyuhan na ito ni AJ. 

Nanlaki ang mga mata niya at paghihiwalayin na sana ang mga ito nang dumating sina Jake kasama ang ibang mga fratmen. Maging si Gail ay nandoon din.

"Tama na 'yan!" Pumagitna si Jake sa dalawa. Agad namang hinawakan ni Rhiane si AJ.

"Nakakadiri ka Montefalco. Bakla ka ba at nanakit ka ng babae?" kalmado ngunit mariing sambit ni AJ. Agad na nandilim ang mukha ni Darryl at akmang susugurin ito pero napigilan din naman agad nina Shade. 

"Tsk sinabing tama na! Cruz pwede bang 'wag ka nang makialam? It's a fucking couple's fight!" Jake snapped. Tumawa si AJ.

"Tss. Really? Pwede ka pa lang kasuhan ng harassment, Montefalco? Sinasaktan mo ang girlfriend mo?" balik nito kay Darryl. Agad na hinawakan nina Shade ang kaibigan dahil mukhang susugod na naman ito. 

"Pwede ba pare, pinapalala mo lang eh!" Jake paused and then turned to her.

"Rhi pwede bang sa ibang oras na lang kayo mag-usap? Everything's really a mess right now. Please lang Rhi." Pagak siyang tumawa. 

"Hindi ngayon? Kailan Jake?" Mapanghamong tiningnan niya si Jake. Hindi ito sumagot kaya bumaling siya kay Darryl, hindi alintana ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata.

"You know what? Hindi kita maintindihan! We we're okay. Then you got busy. Nagtampo ako, oo! But when I was ready to talk to you tsaka ko lang malalamang may kalantari kang iba?! I didn't mind that at first, kasi hindi naman ako ang taong mahilig mag conclude and you know that Darryl. Nadala ako ng emosyon kaya pinalipas ko ang isang araw. I was about to fix our mess pero nagkaganyan ka naman! You don't even tell me what the fuck is going on with you! Darryl, I'm your girlfriend!" 

Tuluyan nang tinabunan ng hikbi ang mga sinabi niya. She looked at him at kitang kita niya ang pagtagis ng bagang nito. He laughed at he sarcastically.

"How funny of you to use that against me. You're mad cause I didn't tell anything? You're mad cause I am with Gail?! What the fuck! I tried reaching out to you! Pero palagi mo akong dine deadma! Didn't Martina tell you that?! Ganoon ba kataas ang pride mo at sa simpleng tampuhan hindi ka na makikipag-usap? Ang liit na bagay noon Rhi! Galit ka kasi iniiwasan kita? Bakit hindi Rhiane?! When all you say is how you are dissapointed with me for running the frat?"

"I never said that!"

"You never said, but that's how you feel. Nakakapagod din Rhi. Nakakapagod. I have so many problems right now. At ang taong inaasahan kong makikinig ay wala kasi in the first place hindi niya naman ako supportado. All I need is your support! My bastard of a father looks at me like I'm some dissapointment because I am a fraternity leader. He dislikes that fact that he even attempted to pass the company to his bastard son! Walang nagawa si Mommy. She doesn't want to dissapoint my father so she support him even though that means neglecting her own son! Ikaw lang ang kinakapitan ko Rhi! Pero wala ka rin! You don't know what I've been through!" Hingal na hingal ito matapos magsalita. 

The whole corridor was silent. Mga hikbi na lang yata ni Rhiane ang naririnig. 

"Ngayon sinisisi mo ako. Sinisisi mo si Gail when all this time she was the one who was there for me. Tanong mo kaya muna sa sarili mo kung anong nagawa mo? Marami akong problema, Rhiane. So kung wala kang matinong sasabihin sa akin just leave me alone and let me be." Hinawi nito ang kamay ni Shade bago tuluyang tumalikod at umalis. 

Naiwan siyang humihikbi. Ang nararamdaman niyang maliliit na karayom ay tila nag-evolve. Mas masakit. Mas mahapdi. Mas nakakamatay. She broke down and AJ is there to catch her. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status