Share

CHAINED (Tagalog)
CHAINED (Tagalog)
Author: Blu Berry

PROLOGUE

SA isang probinsiya gaya ng San Felipe, mga piling tao lang ang nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng magandang buhay.

Iilan sa mga piling taong ito kung hindi galing sa pamilya ng mga haciendero ay nagmula naman sa angkan ng mga pulitiko.

Ang karaniwang mamamayan ang mga tagapagsilbi o mas kilala bilang mga utosan o katulong. Tinitingala ang mga mayayaman dito, ginto ang kanilang oras at langit kung sila'y pangarapin.

Sa kanila lamang nakalaan ang hustisya, minsan maging ang edukasyon.

Kaming mga itinuring na mahihirap tumatanda na lang, nananatili pa ring tagapagsilbi.

Iyon ang pilit kung binabago na buhay ng mga kapatid ko. Naniniwala ako na kahit mahirap may karapatan pa rin kaming umangat sa buhay. Hindi man maging kasing yaman nila pero kahit kaunting pag-angat lang sa buhay ay ayos na sa akin.

Hindi ko alintana ang mga lait at panghahamak ng ibang tao, mapag-aral ko lang ang aking mga kapatid. Kung kailangan kung gumapang sa putik ay gagawin ko para maibigay lang sa kanila ang dati na ring ipinagkait sa akin, ang makapagtapos ng pag-aaral.

Nakasanayan ko ng gumising ng madaling araw para magtrabaho.

Alas-kuwatro pa lang at medyo madilim pa ang paligid. Lumabas na ako ng bahay at nagsimulang maglakad papunta sa pinakamalapit na hacienda, ang Hacienda Catalina.

Pag-aari ito ng isa sa pinakamayamang pamilya ng San Felipe, ang mga Natividad at dahil sa lawak ng kanilang lupain halos isang bayan ang pagmamay-ari nila, ang bayan ng San Jose.

Makapangyarihan din ang angkan na ito dahil isang membro ng kanilang pamilya ay minsang naging gobernador ng, si Ernesto Natividad. Ngunit hindi ito nakatapos sa kanyang termino dahil sa trahedyang nangyari sa kanilang pamilya na ikinamatay nito at ng kanyang asawa.

Mula sa araw na iyon ay naglahong bigla ang impluwensiya ng pamilyang Natividad. Napilitang mangibang bansa ang nag-iisang anak ng gobernador at simula noon hindi na ito ulit nakita pa.

May ibang parte ng kanilang mga lupa ang napabayaan. May ilang nakuha na ng bangko pero may ilan ding negosyo na hanggang ngayon ay pinagtatiyagaan ng ibang mga tauhan para mapakinabangan, isa na rito ang mga palaisdaan na hanggang ngayon ay kumikita pa rin.

Doon ako pumupunta araw-araw. Palihim akong dumadaan sa mga sirang bakod para makakuha ng mga isda at ibinibenta ito sa labas ng bayan kung saan walang magtatanong at magtataka kung saan galing ang mga iyon.

Hindi rin naman siguro ako matatawag na magnanakaw kagaya ng paratang sa 'kin ng mga tao. Nagpapaalam ako sa isa sa mga tagabantay ng palaisdaan na si Mang Tasyo. Matanda na siya pero pinili pa ring magtrabaho dahil sa kahirapan. Noong una kung tinangkang kumuha ng isda ay muntik na niya akong mabaril. Nakiusap ako sa kanya na kahit noong araw na iyon lang niya ako pagbigyan dahil may sakit ang bunso kong kapatid na si Kikoy. Siguro dahil sa matinding awa ay hindi lang sa araw na iyon niya ako pinagbigyan, pati na rin sa mga sumunod pang araw at hanggang ngayon ay malaya akong nakakakuha ng mga isda.

Mag aalas-kuwatro y media na ng marating ko ang aking sekretong daanan papunta sa palaisdaan. Mula sa maliit na daan na tinatahak ay unti-unti ko ng nakikita ang mataas na bubong ng mansiyon ng mga Natividad. Simbolo ng kanilang makapangyarihang angkan mula pa sa panahon ng mga kastila. Pero kung titingnan ngayon, halata na ang kalumaan nito. Bakas ang kalungkutan sa lugar dahil na rin siguro sa dating may ari na biglang nawalan ng pangalan.

Tahimik ang umaga na sinamahan pa ng medyo makapal na mga ambon. Walang Mang Tasyo na sumalubong sa akin ngayon. Baka nilalamig at hindi pa bumabangon. Ito ang unang beses na hindi kami nagkita rito.

Nagpatuloy ako sa pagkuha ng mga isda gamit ang net na may hawakang kawayan at nilalagay ito sa timbang dala. Maya-maya pa'y may naririnig ako. Kung hindi ako nagkakamali ay mga yabag ito ng tumatakbong kabayo at papunta ito sa aking kinaroroonan.

Bigla akong kinabahan dahil alam kong hindi si Mang Tasyo 'yon. Hindi na nito kayang mangabayo dahil may edad na.

Kahit hindi pa sapat ang mga nahuli, tumakbo na ako paalis sa lugar na iyon. Ngunit sadyang mas mabilis ang takbo ng kabayo dahil sa isang iglap lang ay nasa likuran ko na ito at kung sino man ang nakasakay nito'y tiyak nakita na ako.

"Tigil!" sigaw ng lalaking nakasampa sa kabayo.

Pero wala akong balak tumigil at itinuloy lang ang pagtakbo.

Isang putok ng baril sa ere ang kusang nagpatigil sa akin. Dahil sa nanginginig na kamay ay nabitawan ko ang timba na hawak kaya tumilapon ang iilang mga tilapiyang aking nahuli.

Bumaba ang lalaki mula sa sinasakyang kabayo base sa tunog ng kanyang suot na bota.

"Sino ka at anong ginagawa mo sa lupain ko?" diretsong tanong niya sa akin.

Hindi pa rin ako makagalaw at hindi makasagot. Ni hindi ko nga magawang umikot at tumingin sa kanya dahil sa takot.

"Ano? Wala kang balak magsalita?" tanong ulit nito at ikinasa ang baril na hawak niya. Kahit nakatalikod ako ay alam kong sa akin nakatutok 'yon.

Nanginginig ang aking tuhod. Hindi ko alam kong normal pa ba ang tibok ng aking puso. Nanunuyo ang lalamunan dahil sa matinding kaba. Ang dami-daming pumasok sa aking isipan . Anumang oras kung gugustuhin niya'y pwede niya akong barilin. Lihim akong nagdasal na sana ay hindi niya iyon maisip..

Sa kabila ng malamig na paligid ay ga-butil pa rin ang pawis na namumuo sa aking noo.

"Bakit 'di ka humarap sa 'kin?" anang lalaki na nawawalan na ng pasensiya.

"Harap!" ma-awtoridad na sigaw nito.

Halos mapatalon pa ako sa gulat at unti unting pumihit paharap sa kanya.

Unti unti kong inangat ang mata sa kanyang mukha. May katangkaran siya kaya kailangan pang tingalain upang matingnan siyang maigi.

Na sana hindi ko na ginawa.

Iyon na siguro ang pinakanakakatakot at pinakamalungkot na mga matang nakita ko. Madilim din ang kanyang mukha na nakatingin sa akin.

Pero kahit hindi mababakasan ng kahit na anong kabaitan ang mukha niya'y hindi pa rin nababawasan ang kanyang kakisigan.

Unti-unti niyang ibinaba ang nakatutok sa 'king shotgun.

Kasabay ng pagbaba ng baril ay ang pagpakawala ko rin sa kanina pa pinipigil na hininga.

Maraming tanong ang nag-uunahan sa aking isip.

Paano na ngayon na may nakahuli sa akin na nagnanakaw ng mga isda? Makakaya ko kaya itong lusutan? Madadala kaya ang lalaking ito sa aking pakiusap at pagmamakaawa gaya ni Mang Tasyo? Hindi ko pa naman kilala ang gwapo at istriktong lalaki na kaharap ngayon.

Mga Comments (11)
goodnovel comment avatar
Shaina Sane Mercede Mapait
nice story
goodnovel comment avatar
Crisha joyce Abalos
ganda!!!!!!......🫨🫨🫨
goodnovel comment avatar
Sophia Martinez
......... nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status