HINDI ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi. Hindi ko rin alam kung anong oras nakauwi si Lance.
Wala rin akong ideya kung saan siya nagpunta.Mahihinang katok ang aking narinig. Hindi pa ako nakakasagot binuksan na nito ang pinto at tuluyan ng pumasok.
"Gising na po mahal na prinsesa."
Sa boses pa lang nito at ang kanyang sinabi alam kong si Cindy ito.
Lumapit siya sa mga bintana at hinawi ang mga kurtina doon. Tuluyan ng pumasok
SA mansiyon lang nanatili si Lance buong araw. Hindi siya nag-ikot sa hacienda. Si Owen na isa sa pinagkakatiwalaang tauhan ang inutusan niyang maglibot muna.Galing sa pagligo sa pool nasa opisina lamang siya at abala sa iba't ibang mga papeles.Pati ako kinulong niya sa opisina. Habang abala siya sa mga sinusulat nandito lang ako sa sofa at nagbabasa ng librong kinuha ko sa bookshelf para may mapagkaabalahan.Hindi ko rin naman naintindihan kung ano ang binabasa ko dahil nakikiramdam lang ako sa paligid. Nakikiramdam sa taong kasama ko rito sa loob.
HINDI ko alam kung ano ang una kong sasabihin.Magdadahilan ba ako? Hihingi ng tawad dahil pumasok ako sa kwarto niya nang hindi nagpapaalam? Hihingi ng pasensiya dahil mas lalo pang nabasag ang picture frame? Magtatanong kung sino ang nasa picture?Pinagpapawisan na ako mula sa noo at pati sa palad."What are you doing here Sabrina?" tanong niya ulit. Mahinahon ang pagkakasabi pero parang gusto kong tumakbo.Mapanganib ang kanyang mga mata.P
MABUTI na lang at hindi pa ako tuluyang nabaliw nitong mga nagdaang araw. Sobrang seryoso na ni Lance sa palabas naming ito. Ginagampanan na niyang maigi ang pagiging responsableng boyfriend.Dumating ang Sabado, ang araw kung saan isasama niya ako sa isang public event.Unang pagkakataon ito na lumabas kaming dalawa sa hacienda na magkasama.Maraming dahilan ang kakaibang kabog ng aking dibdib. Una, sa lalaking nagmamaneho nitong sasakyan at pangalawa ang panghuhusga ng mga tao."You okay? You look tense," puna niya sa akin."Medyo kinakabahan lang," pag-amin ko."Don't be. Just be yourself. You don't have to please them
NAGAWA pang tumawag ni Lance pagdating ko ng mansiyon.Hindi ko sinagot dahil alam ko namang hindi kami makakapag-usap ng mabuti dahil nasa pageant pa siya.'Umuwi ka na pala? Hindi ka man lang nagpaalam. Kung hindi pa sinabi ni Owen sa akin hindi ko pa malalaman,' text niya pagkatapos nang hindi ko pagsagot sa tawag.'Sumama b
Hindi ako nakasagot kaagad sa tanong ni Lance kung sino si Carlo kahit alam ko kung sino ang kanyang tinutukoy.Nagtataka rin ako kung bakit bigla niyang nabanggit ang aking kababata."Kaibigan ko," sa wakas ay may salitang lumabas sa aking bibig.Halata sa kanyang mukha ang pagkabagot dahil sa tagal ng aking pagsagot."Kaibigan? Pero bakit narinig ko na parang may gusto siya sa'yo?" tanong niya ulit.Natigilan na naman ako. Saan naman ka
NAGSISISI ako sa inasta nang nasa manggahan kami. Napapanggap lang kami kaya wala akong karapatang masaktan o magalit kung may ibang babae mang lalapitan o kakaibiganin si Lance. Masyado lang talaga akong nag-assume. Sa susunod, iiwasan ko ng umasta ng ganoon na parang bata.Nagyaya kinabukasan si Lance na mag-swimming. Nagkataong matirik din ang sikat ng araw at ang tubig ay tila nag-aanyayang dapat magtampisaw doon.Pati ang mga kasambahay ay inanyayahan din niya. Pagkatapos maghanda ng aming kakainin lahat ay excited ng maligo.Hindi pa namin nababasa kahit isang daliri sa katawan nang biglang sumulpot si Brenna.
Nagpapasalamat ako dahil ilang araw na ring hindi nagpapakita si Brenna sa mansiyon.May mga pagkakataong umaalis si Lance at kina Gov ang punta. Kung ano man ang ginagawa nila doon hindi naman ako masasaktan ng sobra dahil hindi ko sila makikita.Hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.Basta masaya ako kung kasama siya pero kinakabahan din. Nakakanerbiyos. Nakakapanginig ng kalamnan.Sa ngayon ayoko munang isipin ang tungkol doon. Ang importante ay nakakapag-aral ang mga kapatid ko at hindi sila n
SIMULA noong Linggo, nasanay na si Lance na isinasama ako sa kanyang mga lakad.Tuwing naglilibot sa hacienda nasa tabi niya ako palagi.Wala naman akong ibang ginagawa bukod sa pananatili sa kanyang likod kung kinakausap ang mga trabahador.May mga pagkakataon ding nasa loob lang ako ng sasakyan habang nakatingin sa kanya sa labas. Hindi pwedeng buksan ang salaming bintana na parang itinatago niya ako dito sa loob.Kapag bumibisita dito sa rancho mas nagiging istrikto pa siya lalo't lahat ng trabahador ay mga lalaki.Nakita ko rin ng malapitan ang kanyang kabayo. Ito ang kabayong sinakyan niya noong una kaming nagkita sa palaisdaan. Maitim at makintab ang balahibo nito at nanggaling pa sa ibang bansa tulad ng iba pang inaalagaan nila.