AGAD na siyang tumayo mula sa pagkakaupo ng magsabi ng huling prof niya ngayong gabi ng dismissed. Mabilis na niyang sinamsam ang lahat ng kaniyang mga kagamitan at agad nang naglakad paalis. Ayaw niyang maabutan siya ng lalaking iyon, masama ang kutob niya. Ilang beses niyang ginamit ang kakayahan niya upang makita ang mangyayari mamaya, ngunit pumalya lamang siya. Nanakit lang ang ulo niya sa ginawa niya. Alas-onse na kaya mangilan-ngilan na ang mga estudyanteng naghihintay ng mga sundo nila. Nang makalagpas siya sa poste ng ilaw ay mabilis na siyang nagtatakbo na tulad ng mabilis na hayop pang gubat. Nagpalukso-lukso siya sa mga sanga ng puno. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla siyang natigilan mula sa ere, kitang-kita niya ang namumulang mata nito na nakatutok sa kaniya. Bigla siyang natuliro, hindi niya alam kung ano ang susunod niyang gagawin. Ang balak niyang pagtalikod dito ay hindi na niya nag
MABILIS na tinalunton ni Trinity ang daan palabas ng kanilang kaharian. Labis ang paghihimasik ng loob niya sa mga sandaling iyon. Hindi niya pinansin ang patuloy na pagtawag sa kaniya ng inang Reyna niyang si Reyla. Labis siyang nanggalaiti sa isiping doon na sila maninirahan sa Kaharian ni Haring Frimo, isa sa mga nagtataasang pinuno ng mga bampira sa kanilang mundo. Hindi niya aakalaing sa ilang taon lang ng pagkawala ng kanyang ama ay muling mag-aasawa ang ina at sa ama pa ng prinsipeng si Marcuss. Kasama niya ito sa isa mga pagsasanay para sa mga katulad niyang bampira, lagi sila nitong nagkakakopetensya sa mga bagay-bagay. Masiyado itong mayabang at akala mo kung sino ng magaling kung umasta. Kinasusuklaman niyang mapapabilang siya sa pamilya nito. Mabait ang ama nito ngunit ng malaman niyang anak nito si Marcuss ay bigla siyang naghimagsik. Ang dating magand
NAALIMPUNGATAN si Timothy dahil sa basang pamunas na inihilamos kaniya ni Aisha, ipinikit-bukas niya ang mga mata upang aninawin ang kaniyang paligid. Kahit papaano ay maayos-ayos na ang kanyang pakiramdam, hindi katulad noong nakarating siya sa mundo ng Acerria akala niya'y hindi na niya muling masisilayan ang mundong pinagmulan. Dumako ang mga mata ni Timothy ng maramdaman niya ang marahang paghaplos ng palad ni Aisha sa kanyang mukha. Bigla siyang naasiwa sa ginawa nito kaya upang tuluyan siyang mapabangon. "Hindi pa sapat ang paggaling ng iyong mga sugat mahal kong Prinsipe, kaya manatili ka lamang nakahiga kung maari."puno ng pagmamahal nitong paalala sa kanya. Si Aisha ang isa sa mga babaing umaaligid sa kanya sa mundo ng Acerria. Hindi naman niya ito maitaboy sapagkat maalalahanin at mabait naman ito. Muli siyang napapiksi ng maramdaman niya ang palad nito s
BUMUKAS-SARA ang malaking pinto kung saan naroroon ang bulwagan ni haring Hanzul. Ilang araw na rin si Timothy sa mundo ng mga Acerria sa ilang araw na iyon ay lagi siyang kasa-kasama ng kanilang bagong hari na si Hanzul. Hindi niya maunawaan ang sarili, bagamat ito ang pumaslang sa kaniyang ama ay hindi niya makuhang magalit dito ng lubusan. Sa pagdaan ng mga araw unti-unti niyang nakikita ang tunay na ugali ng bago nilang hari. Hindi ito kasing sama ng inaakala niya, naratnan niya itong nakatayo mula sa terasa kung saan nakatunghay ang mala-asul nitong mga mata sa malawak na palibot ng kanilang kaharian. Mula sa hinintuang banda ay namalas ni Timothy ang nakabadhang kalungkutan sa mga mata ng haring Hanzul. Hindi siya agad nakalapit dito sapagkat unti-unti siyang binalot ng kakaibang puwersa, kung saan tinangay siya ng mga alaalang nagsilambayan sa isip ni Hanzul.
Agad niyang binuksan ang pintuan ng kanyang silid, bahagya pa siyang ng napahinto ng madatnan niyang naghahalikan si Phoebi at Verra. Hindi nito agad naisarado ang pintuan, tuluyan na siyang pumasok ng kanyang silid ngunit nanatili lamang nagtutukaan ang mga ito na tila hindi alintana ang pagpasok niya. "Ehem!"malakas niya tikhim upang kahit paano ay matigil ang dalawa sa ginagawa. Kaniya ang silid na kinaroroonan ng mga ito pero kung umasta ang dalawa ay tila pag-aari ng dalawa ang kaniyang silid. Ngali-ngali niyang sakmalin ang mga ito ng mga buhay. Naiinggit ka lang kasi Timothy! Pilyong bulong ng isang bahagi ng isip niya. "Hindi ako naiinggit! Tang ina!"Inis niyang sabi na hindi na niya namalayang naibigkas na pala niya. Nagtawanan naman ang dalawa niyang k
SA mga sandaling iyon mas pinili nina Timothy ang maglakad sa dating ruta na kanilang dinadaanan--- ang kakahuyan. Sa pagkikita nilang iyon ay muli na namang nakatunghay ang bilog na buwan sa kanila, ang mapusyaw nitong sinag ay nagbibigay liwanag sa madlim na kapaligiran. Hindi katulad noong unang hinatid niya si Kendra na makulimlim at may hatid na mabining simoy ang hangin sapagkat manaka-naka ang ulan dati. Ngayon maalinsanagan ang hatid niyon sa balat nilang dalawa. Parehas lamang silang naglalakad ng tahimik, tila ine-ejoy nila ang mala-romantikong ambiance ng kapaligiran na kanilang nilalakaran. Tanging mga panggabing hayop lamang ang maririnig na huni sa bawat panig ng kakahuyan. Nang bigla na lamang napatigil sa paglalakad si Timothy. Sa pagtigil nito'y marahan niyang inabot ang kakapiranggot na distansya sa pagitan ng kamay nila ng dalaga. Napangsihap pa si
MULA sa malayo kitang-kita ni Kendra si Timothy. Nakatayo ito mula sa gilid ng baybayin, kung saan tanging ang bilog na buwan lang ang tumatanglaw sa payapang dagat sa gabing madilim. Ang magaslaw na alpas ng alon ay nakakadagdag ng misteryo sa buong paligid. Nanatili lamang nakatanaw ang dalaga sa binata, hindi niya alam kung lalapitan ang lalaki o mananatili lamang siyang nakatanaw buhat sa malayo rito. Mababanaag sa napaka-guwapong mukha nito ang kalungkutan. Ramdam niyang may malalim itong pinagdadaanan ngayon. Nag-umpisa siyang humakbang palapit kay Timothy, ngunit agad din siyang natigilan nang buhat sa malayo ay nagtama ang kanilang paningin. Tuluyan siyang nabatubalani sa titig nito mula sa mata nitong mala-asul. "Come near baby, wanna join me?"tanong nito kay Kendra. Ang tinig nito ay nagbigay ng kakaibang damdamin kay Aliyah. Hindi na niya namalayan na tu
Marahan naglakad ito sa kanyang harapan, nanlaki ang mga mata niya. Nang walang anu-ano'y may isang makapal na tela ang mabilis nitong inalis sa pagkakatakip. Isang malaking kulungan ang tumambad sa kanya. Gawa mula sa matibay na bakal, sa loob ay nakita niyang nakahandusay at walang malay si Trinity. Akma niyang hahawakan ang kulungan kung saan ito'y naroroon. Sa maikling sandaling pagmamasid niya kay Trinity, tingin niya'y hinang-hina ito sa mga oras na iyon. Biglang natigil ang akma niyang paghawak sa kulungan. " 'Wag na 'wag mong hahawakan iyan Driego, dahil ang kulungan na iyan ay gawa sa espesyal na metal para sa katulad niyo, kung saan hihigupin at hindi niyo magagamit pansamantala ang lahat ng kakayahan niyo bilang bampira. Tila magiging isang normal na nilalang ka na lamang."nakangising paalala nito kay Driego. Matagal na tinitigan ni Driego si T