BUMUKAS-SARA ang malaking pinto kung saan naroroon ang bulwagan ni haring Hanzul.
Ilang araw na rin si Timothy sa mundo ng mga Acerria sa ilang araw na iyon ay lagi siyang kasa-kasama ng kanilang bagong hari na si Hanzul.
Hindi niya maunawaan ang sarili, bagamat ito ang pumaslang sa kaniyang ama ay hindi niya makuhang magalit dito ng lubusan.
Sa pagdaan ng mga araw unti-unti niyang nakikita ang tunay na ugali ng bago nilang hari. Hindi ito kasing sama ng inaakala niya, naratnan niya itong nakatayo mula sa terasa kung saan nakatunghay ang mala-asul nitong mga mata sa malawak na palibot ng kanilang kaharian.
Mula sa hinintuang banda ay namalas ni Timothy ang nakabadhang kalungkutan sa mga mata ng haring Hanzul. Hindi siya agad nakalapit dito sapagkat unti-unti siyang binalot ng kakaibang puwersa, kung saan tinangay siya ng mga alaalang nagsilambayan sa isip ni Hanzul.
Agad niyang binuksan ang pintuan ng kanyang silid, bahagya pa siyang ng napahinto ng madatnan niyang naghahalikan si Phoebi at Verra. Hindi nito agad naisarado ang pintuan, tuluyan na siyang pumasok ng kanyang silid ngunit nanatili lamang nagtutukaan ang mga ito na tila hindi alintana ang pagpasok niya. "Ehem!"malakas niya tikhim upang kahit paano ay matigil ang dalawa sa ginagawa. Kaniya ang silid na kinaroroonan ng mga ito pero kung umasta ang dalawa ay tila pag-aari ng dalawa ang kaniyang silid. Ngali-ngali niyang sakmalin ang mga ito ng mga buhay. Naiinggit ka lang kasi Timothy! Pilyong bulong ng isang bahagi ng isip niya. "Hindi ako naiinggit! Tang ina!"Inis niyang sabi na hindi na niya namalayang naibigkas na pala niya. Nagtawanan naman ang dalawa niyang k
SA mga sandaling iyon mas pinili nina Timothy ang maglakad sa dating ruta na kanilang dinadaanan--- ang kakahuyan. Sa pagkikita nilang iyon ay muli na namang nakatunghay ang bilog na buwan sa kanila, ang mapusyaw nitong sinag ay nagbibigay liwanag sa madlim na kapaligiran. Hindi katulad noong unang hinatid niya si Kendra na makulimlim at may hatid na mabining simoy ang hangin sapagkat manaka-naka ang ulan dati. Ngayon maalinsanagan ang hatid niyon sa balat nilang dalawa. Parehas lamang silang naglalakad ng tahimik, tila ine-ejoy nila ang mala-romantikong ambiance ng kapaligiran na kanilang nilalakaran. Tanging mga panggabing hayop lamang ang maririnig na huni sa bawat panig ng kakahuyan. Nang bigla na lamang napatigil sa paglalakad si Timothy. Sa pagtigil nito'y marahan niyang inabot ang kakapiranggot na distansya sa pagitan ng kamay nila ng dalaga. Napangsihap pa si
MULA sa malayo kitang-kita ni Kendra si Timothy. Nakatayo ito mula sa gilid ng baybayin, kung saan tanging ang bilog na buwan lang ang tumatanglaw sa payapang dagat sa gabing madilim. Ang magaslaw na alpas ng alon ay nakakadagdag ng misteryo sa buong paligid. Nanatili lamang nakatanaw ang dalaga sa binata, hindi niya alam kung lalapitan ang lalaki o mananatili lamang siyang nakatanaw buhat sa malayo rito. Mababanaag sa napaka-guwapong mukha nito ang kalungkutan. Ramdam niyang may malalim itong pinagdadaanan ngayon. Nag-umpisa siyang humakbang palapit kay Timothy, ngunit agad din siyang natigilan nang buhat sa malayo ay nagtama ang kanilang paningin. Tuluyan siyang nabatubalani sa titig nito mula sa mata nitong mala-asul. "Come near baby, wanna join me?"tanong nito kay Kendra. Ang tinig nito ay nagbigay ng kakaibang damdamin kay Aliyah. Hindi na niya namalayan na tu
Marahan naglakad ito sa kanyang harapan, nanlaki ang mga mata niya. Nang walang anu-ano'y may isang makapal na tela ang mabilis nitong inalis sa pagkakatakip. Isang malaking kulungan ang tumambad sa kanya. Gawa mula sa matibay na bakal, sa loob ay nakita niyang nakahandusay at walang malay si Trinity. Akma niyang hahawakan ang kulungan kung saan ito'y naroroon. Sa maikling sandaling pagmamasid niya kay Trinity, tingin niya'y hinang-hina ito sa mga oras na iyon. Biglang natigil ang akma niyang paghawak sa kulungan. " 'Wag na 'wag mong hahawakan iyan Driego, dahil ang kulungan na iyan ay gawa sa espesyal na metal para sa katulad niyo, kung saan hihigupin at hindi niyo magagamit pansamantala ang lahat ng kakayahan niyo bilang bampira. Tila magiging isang normal na nilalang ka na lamang."nakangising paalala nito kay Driego. Matagal na tinitigan ni Driego si T
"A-anong ginawa mo kay Timonthy Merlous?"hysterical na sigaw ni Verra. Hindi ito makagalaw dahil sa mga natamong sugat. Nakita niyang ipinasok nito si Timothy sa kulungan. Bigla rin itong lumabas upang tuluyang kumalat ang dilim sa buong silid dahil sa pagsasara nito ng pinto ay ang pagkawala naman ng apoy sa sisidlan. Magmula ng magbukas ang daanan sa kakahuyan ay bigla na lamang nagkagulo. Bigla ay sumiklab ang digmaan sa kanilang mundo, tila may hindi nakikitang puwersa ang nagbukas. Nagkasagupan ang magkabilang lahi, nagkasakitan ang lahat hanggang sa humantong ang kamatayan sa bawat isa. Gustong manghina ni Verra dahil sa mabilis na pagkaubos ng mga kasamahan. Tila hindi na mauubos-ubos ang mga zombie, lalong dumarami ang mga ito. Lalong siyang nagdalamhati na maski ang nobyo na si Phoebi ay napatay ng mga ito. Wala na ang dating kapayapaan na pinalaganap at mini
Nang muli siyang umapak sa lupa ay muli na niyang iminulat ang mga mata, nanggilalas siya sa namumalatan--- sapagkat tumigil ang lahat. Umapaw sa tuwa ang puso niya, ngunit hindi rin nagtagal... agad na siyang nagpatuloy. "Kapit lang Tita, malapit na tayo!"anas niya rito ngunit nanatili lamang itong nakapikit at hindi na umiimik. Mabilis ang ginawa niyang pagtalon, hanggang sa higupin na sila ng tubig pailalim papunta sa mundo ng Acceria. BIGLA ang pagsagap ng sariwang hangin ni Kendra, mula sa kinaroroonan. Kitang-kita niya ang wasak na lupain, naagaw ang pansin niya sa paglalaban ng dalawang nilalang. Nagmadali siyang umahon, kasabay ang pagtapak ng kanyang mga paa sa lupa ay ang pagsulyap ni Timothy sa kanyang kinaroroonan. Kaya upang hindi nito nasangga ang pagtama ng puwersadong atake ni Hanzul. Sumadsad ito sa lupa, naghumiyaw ito dahil sa m
NANATILI lamang nakatutok ang tingin ni Timothy sa ilog kung saan naroroon dati ang daan papunta sa mundo ng Acerria. Tuluyang natuyo ang ilog kung saan umaagos ang talon, sa pagkatuyot nito'y tuluyang na ding nagsara ang lagusan. Ilang Taon na rin ang lumipas ngunit tila kahapon lamang naganap ang lahat. Akala ni Timothy at Kendra ay iyon na ang huling tagpo na makakasama nila ang isa't-isa. Ramdam nila ang kawalan ng pag-asa sa mga panahon na iyon. Inilibot ni Timothy ang tingin, tuluyan ng bumalik sa dati ang ganda ng mundo ng mga mortal. Ngunit sa kasawiang palad... hindi katulad ng naunang digmaan sa pagitan ng kanilang lahi at maging ng mga Zowol ang mundo ng Acerria ay tuluyang nawasak. Kasabay ng pagkasawak ay ang pagkawala ng kanyang ina na si Trinity. Naging maliwanag sa kanya ang lahat ng ito'y mawala. Tila napaghandaan na nito ang pag
MAGAALAS-NUEBE na ng gabi, ilang minuto na lang ay matatapos na ang klase ni Zain. Maiksi niyang tinapuan ang suot na relo. Manaka-naka'y itinapik-tapik niya sa lamesa ang hawak na ballpen. Pinasadaan niya ng tingin ang mga estudyanteng kasalukuyang sumasagot sa pagsusulit na isinagawa niya. Maya-maya'y biglang nakaramdam ng kakaiba sa paligid ang binata. Bigla'y pinagpawisan siya ng malapot. Maski ang hininga niya'y nahigit niya, bigla nalang tumigil sa paggalawan ang lahat ng nasa paligid ng binata. Tuluyan nilukuban ng kakaibang enerhiya ang buong silid. Nanatili siyang nakatingin sa nilalang na nasa kanyang harapan. katawang tao, ngunit halos maabot na nito ang kisame sa sobrang taas nito. Ang katawan nito'y tila napapalibutan ng ginto. Pilitt inaaninag ni Zain ang mukha nito ngunit nanatiling wala siyang maaninag. Bigla'y tila naringgan niyang umusal ito ng mga salita. "Nalalapit na ang tak