Share

Chapter Six

NAKAPANGALUMBABA si Phoebe sa may cashier counter ng Love and Potion kakatapos lang kasi niyang i-submit ang gawa kay Mia. Dapat ay si Magi ang kasama niya ngayon hindi ba noong isang araw lang ay naging buo na ang pasya niya para kilalanin ang lalaki sa panaginip niya?

Ang kaso naman bigla itong may natanggap na emergency call nang araw ring `yon at wala itong magawa kung hindi pansamantalang munag ipagliban ang balak nilang dalawa. Hindi naman kasi siya marunong gumamit ng internet kaya malay ba niya kung paano mag-search `don?

Kaya naman imbes na umuwi siya sa bahay na walang tao ay mas minabuti niyang daanan muna si Fiper pero eto siya ngayon tinambayan lang ang counter nito dahil may ina-assist itong customer. Sa totoo lang mas gusto  niya sanang sa pantry na lang siya manahimik pero dahil daw bisita siya dapat lang dawn a hidni siya mag-isa sa isang lugar hindi daw magandang tignan.

Nawi-weirduhan man siya sa sinabi nito ay hindi na lang niya pinanasin isa pa in the first place kaya naman siya pumunta doon para lang may makasama siya hindi ba?

“Hoy Phoebe! Wag ka ngang mag-ala Ninoy Aquino dyan malas `yan sa negosyo.” Nakapameywang na sita sa kanya ni Fiper na kakatapos lang na i-assist ang isang customer.

As usual ay sandamakmak na naman ang accessories na suot nito mula kwintas hanggang sa anklet isama pa ang isang necklace na nakapatong sa ulo nito katulad ng nauna niyang impression ay mukha talaga itong Christmas three. Ang katwiran nito sa kanya it was actually her own way para i-advertise ang sarili nitong gawa kung paano ito nagkakaroon ng ganitong confidence at wala siyang ideya.

Napailing na lang siya sa naisip. “Kailan ka pa naging chinese Fi? Nag-iba ka na an g nationality?”

Pinalo nito ang braso niya para lang tigilan niya ang pangangalumbaba pero ipinalit lang niya ang isang kamay at binalik ulit sa dati ang pwesto. Nitong mga nakalipas na araw ay kahit na hindi sabihin ay naging ka-close niya ito madalas din niya itong ka-text minsan kahit na ba ilang beses itong nagreklamo dahil wala naman siyang messengin apps na sinasabi nito.

Oo na siya na ang klase ng taong hindi masyadong ginagamit ang internet sa panahon ngayon.

Napailing na lang ito sa kanya. “Kung bored ka umuwi ka na lang at yakapin mo ang canvass mo kaysa nangungulit ka ditto.” Nabanggit na kasi niya rito na isa siyang painter.

          “Kakatapos ko lang mag-submit nakakatamad pang magpinta.”

Fiper just rolled her eyes on her saka tila may naalala. “Bored ka di ba?” Pumasok ito sa loob at mula roon ay may nilabas na mga tarot cards. “Eto turuan kita nang may pakinabang ka naman sa`kin,”

Pinagtaasan niya ito ng kilay bakit nga ba hindi na siya nagtaka na may ganoon itong klaseng cards sa loob ng shop?

“Are you sure marunong kang gumamit niyan?”

“Oo naman kahit na ba asar sa`kin ang iba kong mga customers kasi kahit isa sa mga hula ko sa kanila hindi naman nagkakatotoo,” natatawang sabi nito sa kanya.

“Scammer,” sikmat niya.

“Grabe naman Oy, for your info libre silang nagpapahula sa`kin depende na lang sa kanila kung maniniwala sila.” Inilahad nito ang mga baraha sa counter at isa-isang itinnuro ang mga tarot cards.

Hindi niya alam kung paano pero mabilis niyang name-memorize ang mga ibig sabihin ng card. It was like a second nature to her na talaga namang pinagtaka niya.

“Wow, ako nga ilang buwan kong pinagaralan `tong mga cards tapos ikaw sandali lang?” nakalabing sabi nito.

Teka bakit ba siya ang inaaway nito? Wala naman siyang ginagawang masama kaya naman hindi na lang niya pinansin ang trip nito sa buhay.

“Ewan ko sa`yo.” Pinaikot niya nag mga mata.

“Sige nga kung sino ang unang pumasok na customer diyan try to use tarot card on them.” Hamon nito kaya hindi niya maiwasang maawa sa unang biktima niya sa kanyang tarot card reading.

“Kawawang mga nilalang.” Aniya sabay pa silang napalingon sa pintuan nang marinig niya ang chime na biglang tumunod tanda na may pumasok na customer. Hula niya ay nasa disi-siete o dis-otso ang dalaga na pummasok base rin sa pagbati rito ng mga tauhan sa shop ay mukhang madalas ito roon.

          Naging mas maluwag ang ngiti nito nang makita si Fiper saka ito lumapit sa kanila.

          “Good Afternoon Miss Fiper.”

          “Long time no see hindi yata kita napansin nitong mga nakaraang araw Jean.”

          She can’t help but admire the girl’s beauty. May kaliitan ito pero napakaganda, maganda ang bukas ng mukha nito animo isang anghel idag-dag pa ang cleft chin at ang kulay morena nitong kulay. Hindi na siya magtataka kung marami itong magliligaw.

          “Finals kasi kaya naman busy ako these past few days may mga bago ba  kayo?”

          “Yes, of course.” Fiper turned in her business tone saka pinakilala. “Pero bago `yon I want you to meet Phoebe, and since you are one of our loyal customers may free treat kami para sa`yo.”

          Noon lang siya nito napansin saka nagpakilala. “Hi Miss Phoebe I’m Jean, so what’s with the treat?” It’s the first time na naranasan niyang hindi siya minamata ng isang tao sa klase ng fashion na suot niya.

          Katulad ng nakasanayan ay nakasuot na naman siya ng long sleeve,, black skinny jeans at gloves kaya hindi niya maiwasang magkaroon ng maganda impresyon para sa bagong kakilala.

          Saka niya naalala ang usapan nila ni Fiper. “I’ve just learned how to read tarot card so you will be my first customer. You can ask anything you want kung may tanong ka sa hinaharap.”

          “Actually isa ako sa mga nagoyo ni Ms. Fiper sa mga Tarot cards na `yan.” Natatawang sabi nito. “Pero wala namang masama kung papatulan ko ulit `di ba?”

          Napatikhim siya hindi niya maiwasang maasiwa dahil sa gagawin niya wala naman talaga siyang ideya pagdating sa tarot cards pero bahala na. “So… what part of your future ang gusto mong malaman?”

          Sandali itong nag-isip. “Well lahat naman ng babae curious sa lalaking magmamahal sa kanya `di ba? So I want to know who the lucky guy is?”

          Binalasa niya niya ang tarot cards saka pinapili ito ng tatlo, she felt something ito ang unang beses niyang nararamdaman ang ganito it was af she was energize alam mo `yung pakiramdam ng isang isda na mula sa isang fish tank ay muling ibinalik sa dagat?

          Her powers are working without her even noticing it napatitig sa kanya si Fiper at kumislap sa sa mata nito it was as if inaasahan na nito ang mga nangyayari.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status