Share

Chapter Seven

NAPILI ni Jean ang card na lovers at agad naman iyong kinuha ni Phoebe. Hindi niya alam kung bakit pero may isang scene agad na pumasok sa isip niya.

“Once you became a licensed Architect. “ nakita niya ang pagkagulat sa mukha into dahil wala naman itong sinasabi tungkol sa sarili nito. “Makikilala mo ang lalaking para sa`yo actually nasa tabi mo na siya for the whole time. Silently loving you from afar, waiting for you to achieve all your dreams because as far as he knows you are his dream. Don’t take him for granted dahil baka mawala pa siya sa`yo.”

          Natahimik ito sa sinabi niya hula niya ay na-realize nito ang lalaking tinutukoy niya.

          “I really don’t know if what you said is true pero kung totoo man I’ll take your advice,” Bumalik ang ngiti sa mukha nito. “It’s really nice to meet you Ms. Phoebe anyway I will excuse myself bibilihin ko lang `yung pinunta ko and I still have class pa kase.”

          Tumango lang siya but then may kung anong bosessiyang biglang narinig sa tenga niya she suddenly get rid of her gloves saka ito pinigilan sa braso.

          Napasinghap siya sa pagragasa ng mga pangitain sa isip niya then he saw  that man finally it seems na alam na niya kung kanino ito nakakonekta sa buhay niya. Mukhang tama talaga ang sinabi sa kanya ni Magi na ang lalaking `yon ay may koneksyon sa buhay niya kahit hindi man niya aminin.

          Dahan-dahan niya itong binitawan. “Jean, balaan mo ang kuya mo.” Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya dahil sa pangalawang pagkakataon ay may nalaman siyang impormasyon na hindi naman nito sinasabi sa kanya. “Mag-iingat siya especially kung pupunta siya malapit sa dagat something bad will happen to him.”

Wala sa sariling tumango lang ito bakas pa rin sa mga mata nito ang hindi pagkapaniwala dahil sa sinabi niya. Kung siya siguro ang sasabihan ng ganoon ng siang estranghera baka nainis pa siya lalo na at bigla na lang itong nagsabi ng isang babala nang wala siyang malamang dahilan.

Pero kahit na ganon hinihiling niya n asana kahit na papaano ay makumbinsi niya ito. Na maniwala ito dahil kung hindi buhay ng kapatid nito ang magiging kapalit kung hindi ito makikinig sa kanya.

She can feel her heart thump with nervousness hindi llang iilang beses na nagbigay siya ng babala sa mga tao kapag nakakakita siya ng pangitain pero hindi lahat ay nakikinig siya.

Hindi nga ba at iilang beses na nasabihan siya pero `ni minsan ay walang naniwala o suumunod sa kanya. Pagkatapos kapag nagkakatotoo naman ang pangitain niya ay madalas na siya pa ang sinisisi ng mga ito.

Iyon ang natatandaan niya noong bata siya kaya nga nang mapunta sa Lolo Tatay niya ang ancestral house ng mga magulang nito sa Antipolo ay doon na lang sila nanirahan ng tahimik.

Kaya nga noong bata siya sumpa kung ituring niya ang kakayahan pero ngayon bente kwatro na siya kailangan niyang mamuhay sa katotohanan na ito ang kapangyarihang taglay niya and it won’t go away no matter what she do.

Naputol lang ang titig nito sa kanya nang mapapitlag nang marinig ang boses ni Fiper at inabot nito ang isang paper bag. Bantulot man ay binayaran nito ang binili pero napansin pa niya ang pagsulyap nito sa gawi niya bago ito sumakay sa isang kotse na kita niya sa glass mirror ng shop.

          Hindi niya maiwasang mapaisip it was like a fate’s plan but then hindi siya sigurado kung pakikinggan nga ni Jean ang babala niya.

          “`Uy ano ba yang iniisip mo at tulala ka?” nakakunot noong tanong sa kanya ni Fiper.

          “Wala naman.” Sagot niya kahit na ba sa loob niya ay hindi niya akalain na magkakaroon siya ng ganitong pagkakataon.

Sa ngayon ay hindi pa rin siya komportable na sabihin kay Fiper kung ano ang meron siya.

Sa totoo lang kahit na kay Magi ay hinid pa rin niya nasasabi ang tungkol sa kapangyarihan niya maliban lang siguro sa  mmga panaginip niya but then slowly she’s trying her best para makawala sa isang kahon kung saan niya ikinulong ang sarili noon.

Minsan hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit nga ba niya ito ginagawa pero pakiramdam niya may dahilan ang lahat kahit na ba hindi talaga siya sigurado kung ano `yon.

PAGKAPASOK niya ng bahay ay ganon na lang ang gulat niya nanag makakita siya ng bulto na nakahiga sa may sala set. Hindi na siya magtataka dahil iisang tao lang naman ang may hawak ng isa pa niyang susi sa bahay.

Si Magi lang naman `yon nairita na rin kasi siya sa tawag nito sa kanya sa labas kaya binigay niya ang extrang susi niya sa bahay. Isa pa alam niyang mapagkakatiwalaan niya ito ang ipinagtataka lang niya ay bakit anong ginagawa nito doon?

Nang makalapit ay nakita niya ang mabining paghinga nito tanda ng pagkatulog, kita rin niya ang pagkahapo sa mukha nito. Napailing na lang siya dito, ilang araw itong biglang nag-MIA tapos nagpakita ngayon ay pagod na pagod pa.

Hindi niya maiwasang ma-guilty na kung tuutuusin ay iyon dapat ang maramdaman dahil ito ang biglang nangiwan sa kanya sa ere.

Pero ano nga bang karapatan niyang magreklamo ngayong nakikita niyang pagod na pagod ito?

Napabuntong-hininga na lang siya saka umakyat sa kwarto niya para kumuha ng ipangku-kumot niya dito.

Wala siyagn ideya kung anong ginawa nitong sobrang nakakapagod samantalang kung tutuusin ay isa lang naman itong kindergarten teacher.

Hindi niya maiwasang tanungin ang sarili niya, ano nga ba ang alam niya kay Magi bukod sa isang teacher ito? Wala na.

Ah tama nakatira ito tatlong bahay mula sa kanya, kung sa pagkakaalala niya ay na-curious lang ito sa bahay niya dahil na rin sa naririnig nitong sabi-sabai na hunted house nga daw itong bahay niya.

Sabagay kahit siya rin naman ay hindi iyon ikakaila dahil ilang taon din niyang napabayaan ang bahay.

Hanggang ngayon nga ay iniisip pa niya kung paano nga ba niya maiaayos ang garden ng Lolo niya kaso wala pa siyang mahanap na hardinero para mag ayos non.

Huminga siya ng malalim siguro nga it’s high time na subukan naman hindi lang ang sarili niya ang inaatupag niya.

Iyon ang nasa isip niya nang tuluyan siyang makababa ng sala para lang mabitawan niya hawak sa nakita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status