Share

Chapter 03

That night wasn't a good night for her. Hindi siya makatulog. Marahil ay naninibago siya sa lugar. Her heightened senses doesn't let her sleep. Dahil nagigising siya kapag may dumadaang sasakyan sa harap ng hotel o kahit anumang ingay sa labas ng kwarto niya.

Wala siyang ibang nagawa kung hindi ang isipin ang nangyaring pag-uusap nila ni Peter kanina.

"Me, too!" Iyan ang naalala niyang sagot nito kanina nang sinabi niyang she was from Hell.

Tatanungin pa sana niya ito kung saan banda dahil kung nanggaling rin ito sa tahanan niya, bakit hindi niya ito nakita? Pero hindi na niya nagawang magtanong dahil pumasok na ito sa kwarto nito.

Kinabukasan ay maagang dumalaw si Maya sa kwarto niya. Bruce was off to find cleaners. Nilapag nito sa kama ang kanyang susuotin sa araw na ito. Pagkatapos niyang mag-shower at magbihis ay pumanaog sila upang mag-breakfast.

"Wow! Buffet style," komento ni Maya

"It's Peter," wika niya sa sarili nang makita ang lalaki na pumipila upang makakuha ng pagkain. Kahit madilim ang pwesto nila kagabi ay kahit papaano naaaninag naman niya ang mukha nito.

"Who?" tanong ni Maya.

"Third person from the last. I met him last night."

"Ooh, that human with good genes!" wika nito na may halong paghanga. "He's hot kahit may suot na eyeglasses. Why? What about him?"

"He asked where I came from and then when I said Hell, he also said he came from there."

Kumunot ang noo ni Maya. "Wala naman akong kilalang Peter doon."

Humalukipkip siya at tinitigang mabuti ang lalaki. "Kaya nga. Maybe Bruce knew him!"

Naramdaman siguro ni Peter na may nakatitig sa dito kaya napatingin ito sa gawi nila. Hindi na niya napigilan si Maya nang maglakad ito papunta sa direksyon ng lalaki. Sumunod siya rito.

"Why did you say you came from Hell?" tanong ni Maya rito.

Nabigla naman si Peter. Napatingin ito sa paligid. "A-Ako ba?"

"May iba pa bang nakausap rito ng kaibigan ko?" wika ni Maya na itinuro siya.

Nalipat ang tingin ni Peter sa kanya. She waved at him. "Hey!" bati niya.

Sandaling tinitigan ang mukha niya at nang maalala siya nito ay nagliwanag ang mukha nito. "Oh! Ikaw nga! The girl from last night, right? The girl from Hell?"

"The only one!" sagot niya.

"I see," wika nito. "Let me just clarify. I'm not from Hell," he quoted his fingers in the air, "literally. What I meant was I came from undesirable situation which was like Hell for me, you know, figuratively."

"Ah..." sabay silang napanganga ni Maya. Bakit ba kasi hindi niya agad naisip iyon?

Nagkibit balikat siya. "Well, it's settled then. Excuse us."

Umalis na sila sa harap nito at nagsimula na ring pumila. After their breakfast ay bumalik na uli sila sa kwarto niya.

"What are your plans?" tanong ni Maya.

Ibinagsak niya ang katawan sa kama. "Matutulog. Bumalik ka muna sa kwarto mo at magpapahinga muna ako."

"As you wish!" wika ni Maya at lumabas na sa kwarto niya.

Buong araw ng Sabado ay wala silang ginawa kundi ang magmukmok sa kwarto. Kinagabihan ay dumating si Bruce at sinabing pwede nang matirhan ang bahay nila. Nagpasya naman silang bukas na ng umaga mag-check out sa hotel at doon muna nila papalipasin ang gabi.

Nasa terasa na naman siya ng kwarto niya. Tinitingnan ang kailawan ng buong syudad. Panay rin ang tingin niya sa kabilang terasa kung nandoon ba si Peter pero wala.

Pumasok muna siya sa kwarto at nagtimpla ng gatas pagkatapos ay bumalik uli sa terasa. Pagbalik niya ay nandoon na rin si Peter sa terasa nito na nakatingin sa baba.

"Hey!" wika niya rito.

Nagulat ito at napatingin sa kanya. "You scared me!"

Tumaas ang kilay niya. "I'm not in my Hell form yet. But what are you doing?"

"Huwag mo 'kong pipigilan," wika nito na gumaralgal na ang boses. Tumingin uli ito sa baba.

"You're planning to kill yourself? Ba't ka pa nag-breakfast?"

Napatingin ito sa kanya na parang hindi makapaniwala. "What?"

Nagkibit-balikat siya. "Go on. I won't stop you. Fulfill your hidden desire. But tell me, ano ba talaga ang gusto mo?" Tiningnan niya ito sa mga mata. Natulala ito. "Sabihin mo sa 'kin."

Mapungay ang mga mata nitong kumurap. "G-Gusto kong tanggapin nila mommy at daddy kung ano 'ko." Natutop nito ang bibig. Huli na upang ma-realize nito ang sinabi sa kanya at bawiin iyon.

"So, you're gay?" tanong niya.

Huminga ito nang malalim. Wala na itong magagawa kundi ang umamin. "Y-Yes."

Lihim siyang napasimangot. Maya will be so disappointed. "And you're going to kill yourself because they did not like what you really are?"

"Yes. And don't stop me!"

"I won't. I can't interfere with human lives. But I'll tell you, you won't go to Hell just because you are gay. You're going to Hell because suicide is a grave sin." Inisang inom na lamang niya ang gatas dahil malamig na ito. "Good night!" wika niya at pumasok na uli sa kwarto niya.

Kinabukasan ng umaga ay agad silang nag-check out sa hotel at tinungo ang bahay nila.

The walls were clean and newly-painted. Pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanila ang living room na may kompletong kagamitan. Sa unang palapag ng bahay ay matatagpuan ang kitchen at dining room habang sa ikalawang palapag naman ay may apat na kwarto na may isa-isang banyo.

"May ini-hire ako na taga-luto at taga-linis. Kaya huwag kayong magtaka kung may ibang tao rito bukod sa atin," wika ni Bruce.

"Sige," sagot ni Maya. Binalingan siya nito. "Gracie, anong nangyari? Bakit halos mag-isang linya iyang kilay mo?"

Bumuntong-hininga siya. "I'm just wondering if Peter killed himself."

"What? The hot Peter? Why? What happened?"

"He's gay and his parents did not like it."

Napasimangot si Maya. "Figures. Well, I'll just see him in Hell."

Lunes ng umaga at naghahanda na sila papunta sa Riverdale International School. Nasa van na sila habang siya ay nagbabasa ng school manual. Hindi required ang uniform doon. Tiningnan niya ang sarili. She wore a red chekered na itinali na parang laso sa may bandang pusod habang suot niya ang high-waisted skinny jeans at pulang sneakers. Maya wore a dress na sobrang hapit sa katawan. She liked being sexy.

Okay lang rin kahit anong kulay o haba ng buhok basta ba neat lang tingnan. Nalaman rin niyang hindi kahit sino ang makakapasok sa skwelahang iyon. Tanging anak ng mga mayayamang negosyante at pulitiko lamang. No wonder why her brother went to that kind of school. He loved money and sin.

Ilang minuto lang ang ibinyahe nila at nakita na nila ang mahaba at malaking gate ng skwelahan. Nakaukit sa kulay ginto ang pangalan nito habang may limang gwardiya ang nakabantay sa harapan o labas ng gate. May mga gwardiya ring nasa loob.

Bumaba na sila dahil hindi pwede ang mga sasakyan sa loob ng skwelahan.

"Ingatan mo si Gracie, Maya!" bilin ni Bruce.

"Huwag kang mag-alala," sagot ni Maya. She tapped Bruce's shoulder.

Ngumiti siya sa mga ito. "Thanks, guys!"

The guards opened the gate for them. At hindi niya mapigilang humanga sa tanawin.

"This is huge!" wika niya na sinang-ayunan naman ni Maya.

The massive field is all green because of the well-trimmed bermudas. There are at least 6 school buildings, one for each grade level and each of them has 7 storeys.

Dumiretso sila sa principal's office na natukoy nila gamit ang school manual kanina dahil may naka-attach rin itong school map.

"Welcome!" magiliw na bati ng principal sa kanila. He was in his mid-50's at tila si Charlie Chaplin na may moustache. He also wore the same hat. He was a bit chubby pero hindi naman ganoon kalaki ang tiyan. He turned to the woman in early 30's in the separate table. Nakapusod ang buhok nito at may suot na makapal na  eyeglasses. "Bing, tawagin mo nga si Mr. Gavin."

Agad namang tumalima ang babae. Nagkatinginan sila ni Maya. So, nandito nga talaga ang kuya niya.

"Sorry, that was my assistant. Maupo muna kayo habang hinihintay natin ang magiging homeroom teacher ninyo."

Iginiya sila nito sa gitnang bahagi ng opisina. May mga couch doon at center table. Naupo ang principal sa tapat nila.

"So, ano ba ang masasabi ninyo tungkol sa paaralan? May hindi ba kayo nagustuhang tanawin?"

Nagkibit-balikat siya habang si Maya ang sumagot. "Okay lang po. Maganda nga, eh!"

"Mabuti naman at nagustuhan ninyo. Magsabi lang kayo kung may gusto kayong ipadagdag o ipabago at gagawin namin agad."

"Money works well here, huh?" wika niya.

"Aba'y oo naman. Wala nang mas maganda pang bagay bukod sa pera," sagot ng principal pagkatapos ay malakas na tumawa.

"You're right!" tugon niya kahit hindi siya sang-ayon dito. Wala siyang magagawa kung iyan na ang nakaukit sa isip ng tao.

Napatingin silang tatlo nang bumukas ang pinto. Bumalik ang assistant ng principal pero hindi ang kuya niya ang kasama nito.

Isang lalaki na may magagandang mata, makapal na kilay at pilik-mata, matangos ang ilong at pinkish ang maninipis na mga labi. Bumagay sa mukha nito ang wavy at hanggang balikat na buhok. He was a bit muscular. Nasa harapang bulsa nito ang mga kamay at ngumunguya ito ng chewing gum.

"Great DNA," rinig niyang komento ni Maya na nakatitig rin sa lalaki.

"You're right!" buong-puso niyang sang-ayon dito habang tumatango.

Palipat-lipat ang tingin nito sa kanila na parang inaalala kung saan sila nito nakita.

"Mr. Gavin has a class, Principal Pol. He sent David!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status