Share

Chapter 05

Hindi naman pinalaking spoiled si Gracie ng mga magulang niya pero kung halos ubusin na niya ang mga displays ng mga department stores ng mall na ito, siya na yata ang pinaka-spoiled sa mundo.

Halos magkandaugaga si Bruce sa pagbitbit ng mga paperbags na may lamang mga damit, sapatos, at iba pang makamundong gamit. Nakadalawang balik na ito dahil inilagay nito sa van ang unang set ng mga pinamili niya.

Binilhan rin niya ito at si Maya ng mga gamit kaya hindi makareklamo ang mga kaibigan niya.

"Saan tayo?" wika ni Maya nang makitang tumigil na siya sa pagbili ng mga gamit.

Sandali siyang nag-isip. "Hmn, I've always wanted to try the arcade kaya doon tayo."

Bumalik ulit si Bruce sa parking lot upang ilagay sa van ang mga paper bags. Pero hindi naman problema dito ang paghahanap sa kanila dahil na rin sa heightened senses nito. He can also sense danger and come to rescue if something happens to her.

Nang marating na nila ang arcade ay inilibot niya ang paningin. Kakaunti lang ang mga tao kaya nakahinga siya nang maluwag.

"So, ang kailangan lang nating gawin ay i-shoot ang bola nang mabilisan?" tanong niya kay Maya. Nakikita naman niya ang mga bahay na ito noong nando'n pa siya sa Hell pero naiiba kapag siya na mismo ang maglalaro.

Tumango si Maya. Ang mga mata nito'y nakatutok sa ring. Halatang determinado ito.

"Go, Gracie! Kaya mong talunin ang oras na iyan."

She heaved a sigh and inserted the coin. Nagsimula nang magbawas ng oras pero hanggang sa matapos ay wala pa rin siyang nasu-shoot na bola.

"What if we call Uncle Gabriel and make him slow time?" wika ko. Uncle Gabriel is an angel and the brother of his father.

Umiling si Maya. "No cheating!"

"Damn!" Nagsimula na siyang mainis. Panay rin ang hulog ni Maya ng coin. Hindi na siya nakatiis at buong lakas niyang ibinato ang bola sa ring nito.

Napaawang ang mga labi niya nang mabali ito. "Oh, no!" sambit niya.

"Umalis na tayo dito, Gracie!" bulong ni Maya na halatang natataranta na.

Tumango siya at napalunok. "Mabuti nga kung iyan ang gagawin natin. Halika na!"

Pero bago pa sila makabuo ng isang hakbang ay hinarangan na sila ng gwardiya. Awtomatikong pumagitna sa kanila si Maya at pilit na hinahatak siya sa likuran nito.

"Anong kailangan mo?" tanong ni Maya.

Tiningnan ng gwardiya ang nabaling ring. "Ma'am, mukhang kailangan n'yo pong magpaliwanag kung ano ang nangyari diyan."

"Kasalanan ninyo iyan, eh! Marupok ang bagay na iyan... hindi matibay. Tapos kung masira, isisisi ninyo sa amin?" sabi ni Maya.

She tugged the sleeve of her shirt and said, "Tama na iyan, Maya. Bayaran na lang natin."

"Eh, ma'am! Matibay naman po iyang ring na iyan. May regular inspection po kaming ginagawa at kaka-check lang namin kahapon. Maaari bang imbitahan ko kayo sa opisina namin nang makapagpaliwanag po kayo?" tugon ng gwardiya.

"Kung matibay, bakit nasira?" tanong ni Maya.

Bumuka ang bibig ng gwardiya na halatang handang magbigay ng dahilan pero napakamot na lang ito sa batok. "H-Hindi ko rin p-po alam!"

"Iyon naman pala. Labas na tayo dito, Gracie!" wika ni Maya at hinatak na siya palabas.

Pero matigas ang gwardiya at hinarangan silang muli. "Ma'am, kung hindi kayo makipagtulungan, mapipilitan akong tumawag ng police."

"Anong problema dito?" tanong ni Bruce na biglang dumating. Nasa likuran ito ng gwardiya.

Agad namang nagpaliwanag ang gwardiya kung ano ang nangyari.

"Hmn... paalisin mo na sila. Ako na ang makipag-usap sa inyo. I'm their lawyer." Binigay nito ang isang business card na hindi niya alam kung kailan at saan ginawa.

"Ah!" Napangisi ang gwardiya. "Mabuti naman po. Tara po sa opisina namin."

"Oh," sambit niya nang tinitingnan na lamang nila palayo si Bruce at ang gwardiya.

Kinabukasan ay maaga sila sa sa skwelahan. Nang makaupo sa desk niya ay agad niyang iniunan ang braso na nakapatong sa mesa at ipinikit ang mga mata. Hindi na rin siya ginulo ni Maya dahil abala rin ito sa bagong cellphone nito na binili nila kahapon.

Hindi niya namalayang dumating na pala si David hanggang sa may huminga ito nang malalim. Binuka niya ang mga mata at ibinaling ang mukha sa direksyon nito.

"Wow! He look so fresh!" sambit niya sa sarili. Hindi maikakaila na may hitsura talaga ng lalaki. Kaya siguro kinakapitan ni Trixie. His brown eyes are darker when it's not hit by sunlight. Seryosong nakatutok ito sa cellphone nito. Halos magkaabot ang dalawang makakapal na kilay.

"Thanks," wika nito na hindi man lang napatingin sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya at agad siyang napaupo nang maayos. "You heard it?"

The corner of his lips moves upward. Ipinatong nito ang cellphone sa mesa at hinarap siya. "It isn't that hard to hear. Magkatabi lang tayo."

Napangiwi siya. "Sorry... but it's true," wika niya na bahagyang napahiya.

Nagkibit-balikat ito. "I know that from the start." Tinitigan nito nang mabuti ang mukha niya kaya nag-iwas siya nang tingin. Naiilang siya. "By the way, are you sure you're okay?"

Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"

"On Friday night, hindi ba grabe ang damage sa katawan mo?"

"I'm immortal. My body can heal," wika niya.

Tinignan siya nito na parang may dalawang ulo pagkuwa'y ay nagkibit-balikat ito. "If you say so."

"You're not believing, are you?" Hindi niya alam kung bakit siya disappointed. Pero gusto niyang makilala nito ang tunay niyang pagkatao. But at least he didn't laugh. Iyang na lang ang pakunswelo niya sa sarili na hindi siya tinrato nito na parang baliw.

Kinalikot muli nito ang cellphone at may ipinakita sa kanya. She read the big and bold letter at the top of the screen.

"Drunk driver dead after hitting a student with his car. Student still not found. But what does that have to do with me?" tanong niya.

He scrolled down at nandoon ang mga pictures kung saan siya nasagasaan noong Biyernes ng gabi.

Nanlaki ang mga mata niya. Paniguradong hindi naman ito pinatay ni Bruce. Mahigpit na ipinagbabawal sa kanila ang pagpatay ng isang tao.

"We didn't kill him," wika niya.

"I know! Pinapakita ko lang sa iyo dahil kung balak mong magsampa ng kaso, ipapaalam ko sa iyo na patay na ang taong iyon. He got what he deserved."

Huminga siya nang malali. "I never wish ill for anyone. I won't press charges even if he is still alive. You see, wala namang nangyaring masama sa akin. The worst case that will happen to me is to cease to exist. Neither in heaven nor hell. And why were you there? That was a secluded area at napakalayo pa sa school na ito."

Sa halip na sagutin nito ang tanong niya ay tiningnan nito ang likuran niya pati na rin ang ilalim ng desk. "You don't have things for school?"

Umiling siya at napangiti. "I don't need those. Hindi ako—kami ni Maya, hindi kami magtatagal rito. Pagkatapos kong mahanap ang kuya ko ay babalik na kaming tatlo."

"So, why don't you let the police find your missing brother?"

"Nahanap ko na siya pero hindi pa niya gustong umuwi sa amin. Nag-aalala na rin sina mommy at daddy."

"Saan kayo galing?" tanong nito.

She pursed her lips and look at him with squinted eyes. Bahagya niyang inilapit ang mukha niya sa mukha nito. "You're not going to believe me again."

He grinned and didn't move away himself from her. "Try me."

Wala siyang nagawa kundi ang ilayo na lamang ang mukha niya rito. People better not ask about her dahil hindi niya magawang magsinungaling. Sasabihin pa rin niya ang totoo.

Frustrated, she propped her head down her desk. "We're from Hell!"

Nainis siya nang marinig niya ang pagngisi nito. Umupo siya nang tuwid. She was about to snap at him nang may inilapag ito sa harap niya.

Napairap siya. "Again?" Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang ballpen at papel. "I don't know about these things, David. You better keep it. Naiwala ko iyong binigay mo kahapon."

"Every student has a locker. Nandoon sa likurang bahagi ng classroom natin. You just need to put your own combination of password sa isa sa mga bakanteng locker. Ilagay mo lang doon ang mga gamit mo if you don't like bags."

Nilingon niya ang tinutukoy nito. "Thanks but you don't need to do this!"

"I feel the need to do it. For consecutive years, ang block na ito ang palaging number one sa lahat ng section. I don't want to taint it."

Napangiwi siya. "So that's the reason why you're doing it all. Don't worry, we'll leave in no time at hindi na kami ang dahilan kung bakit—"

"Hey, it's not that!" putol nito sa kanya.

"Hey, guys!" Naagaw ni Maya ang atensyon nilang dalawa. "Trixie is approaching."

Hindi na siya muling nagsalita pa rito. Unti-unti na ring dumadami ang mga estudyante hanggang sa pumatak na ang alas otso ng umaga.

Nagulat siya nang may kasama ang kuya niyang pumasok sa room. The boy was so familiar. Mukhang nakita na niya ito dati. Her brother brought a stick and tapped it thrice on the whiteboard.

"Class! You have another classmate!"

Napasinghap siya at napangiti nang malawak nang humarap na ito sa kanila. Napatayo siya sabay sabing, "Peter!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status