Share

Chapter 09

First subject ni Gracie ang Math na ang Kuya Gavin niya ang nagtuturo pero hindi siya pumasok. Nagtambay siya sa library. Tanging ang tatlong librarian lang ang kasama niya. Pinili niya ang pinakamalayong sulok para hindi siya maistorbo. Every corner has an area where you can sleep. Maraming bean bags na pwedeng gawing unan kaya kumuha siya ng libro at humilata doon.

Pinag-attend niya si Maya sa klase at hindi naman ito kumontra. Hindi na rin ito nagtanong kung bakit dahil na rin siguro sa nangyaring sagutan nila kahapon. Pero hindi naman ito nagtanim ng sama ng loob sa kanya. She knew better than that.

Tiningnan niya ang relo. Wala pang isang oras kaya paniguradong hindi pa tapos ang kuya niya sa pagtuturo.

Nangangalahati na siya sa pagbabasa ng libro nang may lumapit sa kanyang kinaroroonan. Isang matangkad na lalaki na may matipunong pangangatawan. Nakikita niya ang maliit na bahagi ng tattoo nito sa likod ng tainga. Clean cut ang buhok niya na may korteng star sa likod ng ulo. Naghahanap ito ng libro sa mga shelves na nasa sleeping area.

"You're supposed to take your shoes off," hindi niya mapigilang wika nang makitang suot pa rin nito ang sapatos.

Lumingon ito sa kanya at ngumisi. "Who cares about rules?"

Nabigla siya nang makita ang mukha nito. He has dark eyes at thick lashes. His gaze can penetrate into someone's soul. Kahit sinong titingin dito ay matatakot. Umayos siya ng upo at isinandal ang likod sa pader. Tiningnan nito ang kanyang mga paa at bahagyang kumunot ang noo nito nang makitang naka-pink na medyas siya.

Nagkibit-balikat siya. "Humans do." Ibinalik niya ang tingin sa binabasang libro. 

"You're not afraid of me?" Ibinalik nito ang tingin sa shelves. He bend on one knee para makita ang mga libro na nasa baba. 

"Do I have to?" Is he some sort of a demon? Pero hindi naman niya nakikita ang mukha nito sa Impyerno. At kung isa itong demon, ito dapat ang matatakot sa kanya.

He smirked. "You must be. I am a gang leader."

"Really?" Nagliwanag ang kanyang mukha na napatingin dito. Ngumiti siya. "I've heard that one pero sa mga tv series lang. That's cool. Why would you become one?"

There was a glint of amusement in his eyes pero nawala rin iyon agad. "As you said, it's cool being one?"

Natawa siya at napailing.

Binaling ulit nito ang atensyon sa paghahanap ng libro.

"What book would you like to find? Need a hand?" wika niya.

"No." May hinila na itong isang libro. Lumingon ito sa kanya. "Here it is. But thanks for offering. I appreciate it."

Tumango siya at ngumiti. "It's fine."

"Are you a bookworm?" tanong nito.

Umiling siya. "No. It's the first time."

"There's always a first time."

"Yeah. And I happen to achieve two first times today. First time being here reading a book and first time seeing a gang leader."

He grinned. "It's also the first time that I see you here," puna nito.

"Yeah. That is because I just transferred in this school three days ago. So, I barely knew everyone."

"Really? My name is Kevin. Yours?"

"Gracie."

Tumango ito. "Nice to meet you. So, where are you from?"

"Hmmm..." Nagdadalawang-isip siya kung sasabihin dito ang totoo.

"It's okay if you don't tell me. I know it's not easy to open up to a stranger."

"No... no. It's okay. Actually, I'm from Hell," sagot niya kahit alam niyang hindi ito maniniwala. Tinignan niya nang maigi ang mukha nito pero walang bakas na pang-uuyam. Napakunot ang noo niya. Don't tell me he actually believed it!

"Wow! Home schooled?" tanong nito.

"Yes. Sort of!" Pero wala naman talaga. Knowledge just came from within.

"Interesting." Tumikhim ito. "I'll get going."

"Sure. Nice to meet you."

Tanging tango lang ang isinagot nito sa kanya at nagsimula nang naglakad paalis. Sinundan niya ito ng tingin habang palabas ng library. Hindi niya ito kaklase at mukhang mas matanda ito sa kanya ng isa o dalawang taon.

Nang masiguro niya na tapos na ang klase ng kuya niya ay nagtungo siya sa opisina nito. Every teacher has it's office kaya makakapag-usap sila nang maayos doon.

"Bakit ka absent sa klase ko, Gracie?" tanong ng kuya niya.

Nakaupo siya sa pang-isahang couch at ang mga paa ay nakapatong sa center table nito. Mas maliit ang opisina nito kaysa kay Principal Pol but that's a given.

"I don't like to."

Umupo ito sa tapat niya. "Listen! If it's about the talk we had yesterday, then I'm sorry. I don't mean to blame you."

"I understand and I hope you'll understand too if I'll knock you here, right now, at pipilitin kitang umuwi na."

"Gracie—"

"Kuya Gavin, there's no point in staying here. We're different from them. Ano ba kasing rason kung bakit hindi ka mapilit na umuwi? Hinihintay mo pa ba na si Dad na mismo ang pupunta dito?"

"Look—"

"Because if that's the case, uuwi na lang ako." Nagsimulang tumulo ang luha niya. "I won't bother you here kasi hindi ka naman nakikinig. Hindi mo ako pinapakinggan at wala kang balak gawin iyon." Nang maalala niya ang mga pangyayari bago niya natunton ito, hindi niya mapigilang masaktan. "Kuya, marami akong pinagdaanan makita ka lang dito—"

"I want to experience love, okay?" sigaw nito.

Natigilan siya sa narinig. Ibinuka niya ang bibig pero wala siyang mahanap na salita. Hinahabol niya ang paghinga dahil na rin sa napakahabang salita niya kanina.

"I want to experience real love, Gracie. Dahil alam kong darating ang panahon na ipagkasundo lang tayo ni Dad sa mga anak ng taong nakipag-deal sa kanya. Bago mangyari iyon, gusto ko munang maramdaman kung paano gustuhin ang isang tao na hindi pinipilit," paliwanag nito.

Katahimikan ang sumunod. His eyes are sincere and almost begging.

"I've struggled a lot to learn Math at kahit manipulated ang papers ko rito, totoo naman lahat ng mga itinuturo ko."

Naudlot ang kanyang balak na pag-iyak. Pinunasan niya ang luha sa pisngi at tumango. Ngumiti siya. "I see. Kung sana sinabi mo iyan kay Dad, for sure mauunawaan ka noon at hindi ka pipilitin pang umuwi." Tumayo siya at inayos ang damit. "I guess, I'll tell Bruce and Maya that we're going home."

Gavin spread his arms. Tinawid naman niya ang pagitan nila at pumatong sa center table. He's tall kaya naman kahit pumatong siya ay hanggang tainga lang siya nito. Niyakap niya ito nang mahigpit.

"Thank you, my Gracie!" bulong nito.

Hindi siya sumagot at hinagod lang niya ang likod nito. Her kuya is really a hopeless romantic one. At wala siyang karapatan na pilitin pa itong umuwi ngayong alam na niya ang dahilan kung bakit ito nandito.

Natigil ang yakapan nila nang bumukas ang pinto ng opisina. Iniluwa niyon ang isang babae na gulat na gulat na nakatingin sa kanila. Pamilyar ang mukha nito at nasisiguro niyang isa ito sa mga kaklase niya perk hindi niya alam ang pangalan.

"Diane!" wika ng kuya niya.

"M-Mamaya na lang po, Sir Gavin," wika nito na agad isinara ang pinto. 

Nagkibit-balikat siya. Nagtungo siya sa mini-fridge nito at kumuha ng isang piraso ng macaroon.

"Does she have business with you?" tanong niya.

"I don't know."

"Una na ako!" wika niya at nagtungo na sa pinto.

"Let me know if you'll change your mind. I don't mind being with you here if you want to experience more in this world."

She smiled and waved at him. Tuluyan na siyang lumabas. Nag-vibrate ang cellphone niya sa bulsa kaya kinuha niya ito.

May tumatawag. Si Maya na agad niyang sinagot.

"Gracie, where are you?" tanong nito.

"Why? Kalalabas ko lang sa opisina ni Kuya. May pag-uusapan tayo."

"Bago iyan, may sasabihin muna ako sa iyo. Importante. Nasa room ako. Halika dito."

"Okay. I'm on my way!"

Lakad-takbo ang ginawa niya. Sa tono pa lang ng boses ni Maya, emergency ang nangyari. Hindi na niya pinakialaman at binigyang-pansin ang mga mata ng ibang estudyante na nakatingin sa kanya nang mapadaan siya sa hallway.

Nang marating ang room ay walang tao doon maliban kay Maya na palakad-lakad sa harap ng classroom.

"Hey," tawag-pansin niya rito.

Tila nakahinga ito nang maluwag nang makita siya. Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat. "Are you okay?"

Ngumiti siya at tumango. "I'm fine. Kuya Gavin and I talked about it at alam ko na ang rason kung bakit hindi pa niya gustong umuwi. Kaya mamayang gabi ang uuwi na tayo."

"I'm afraid that we won't be able to do that, Gracie."

Nagsalubong ang kilay niya. "Why?"

"Trixie's dead at hindi ko pa alam ang detalye kung paano siya namatay. And everyone believes that it's because of you. Some believe that you actually killed her. At hindi tayo pwedeng umalis without clearing your name on this case. I'm sure, ikaw talaga ang ididiin nila kapag nawala tayong parang bula pagkatapos ng nangyari kay Trixie."

Natigilan siya. Para siyang binagsakan ng langit sa narinig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status