Share

Kabanata 1

Anna Luisa

Nagising ako sa isang malawak na kama. Napakalambot nito at ang sarap sa likod, at tsaka ko naalalang hindi ganto kama ko. Ng imulat ko ang mata ko ay nagulat ako sa paligid. May gantong lugar ba sa mansion sa Hacienda Bonifacio.

Kung meron bakit ngayon kolang to nakita? Bumangon ako at nag-unat ng katawan. At tsaka umupo sa kama.

"Ina, Ama, Annie nasaan kayo?" inaantok na tawag ko sakanila.

Pero bigo ako dahil ni isa kanila walang sumasagot. Nasaan kaya yung mga yun? Tumayo ako sa kama at pumunta sa isang pinto, at ng tingnan ko isa itong palikuran. Ayos tong kwartong to iba.

Pupungay akong pumasok roon at naghilamos. Hanggang sa maalala ko sila Margareth at Lawrence nasaan kaya sila?

Mukhang umuwi na pero imposible naman, diba nga ay patay na--hala oo nga pala wala na sila Tiyo. Bakit kasi kung sino pa kapwa Pilipino nila sila pa pala ang papatay sa kapwa Pilipino rin nila?

Mabait si Tiyo Andres Bonifacio sa katunayan siya ang nagbuo ng KKK, itinuring rin siyang kauna-unahang Presidente ng Pilipinas. Ngunit marami talagang hadlang sa mabuting layunin niya.

Napatitig ako sa salamin at napansin ko ang pagbagsak ng mga luha ko kahit naghilamos ako.

"Mamimiss kita, Tiyo hangad ko ang katahimikan ng iyong kaluluwa." usal ko sa salamin. At nagpunas sa tuwalyang nakasabit dito sa banyo.

Ayos talaga tong banyong to kakaiba. Napakaganda sa paningin.

Lumabas ako at tsaka binuksan ang pinto ngunit nagulat ako na napakaraming pinto rin at may isang tao pa na dumaan.

Kaya agad kong sinara ang pinto, nasaan ako? Hindi to ang mansion alam ko hindi ito yun.

Hanggang sa umulit sa utak ko ang sinabi ni Sarah sakin.

'Ate Anna Luisa mag-iingat ka, nakatakda ng maganap ang dapat maganap. Magbabalik na ang tunay na Anna Luisa rito, magbabalik na siya.'

Di kaya eto yung sinasabi ni Sarah pero sana hindi sana guni-guni ko lamang ito o kathang isip.

Nakasandal lamang ako sa pinto dahil ayokong malamang tama ang hula ko.

Hanggang sa may tumunog mula sa labas kasunod nito ay katok. Kaya wala akong nagawa kundi buksan ito.

"Hi Ms. Bonifacio narito po ang milktea galing po yan kay Sir Bonifacio na kuya niyo po." nakangiting sabi niya pero wala akong naintindihan. Kaya natulala lang ako.

"Ano ang iyong winika ginoo? Di kita maintindihan?" takang sabi ko sabi ko sakanya kaya nagsalubong ang kilay niya. Na siyang kinagulat ko.

"Ah eto po pala yung milktea.." naguguluhang sabi niya at inaabot sakin ang baso na di ko alam kung anong laman nito. Naramdaman ko ang kung anong tubig na nagmumula rito. "..sige po miss aalis na ko." pagpapaalam niya tsaka umalis.

Ng makaalis siya ay sinarado ko agad ang pinto at dali-daling inilapag sa lamesa ang milktea kung tawagin nung ginoo kanina dahil ang hapdi sa kamay ng kakaibang lamig nito.

"Ano ba klaseng inumin to?" kunot noo na tanong ko sa sarili. Iniwan ko muna yun sa lamesa sa sala at pumasok sa kwarto kung nasaan ang higaan. Ng mapatingin ako sa salamin  na pagpasok mo palang ng kwarto ay bubungad sayo.

At gulat akong napatingin sa aking kasuotan. Ang salamin na kasi na ito ay kita ang iyong buong katawan. Napatakip ako sa aking balikat at binti. Ano't ganito ang aking kasuotan? Nasaan ba kasi ako?

Inilibot ko ang tingin sa paligid may nakita akong malaking kahon na kulay itim ano ang bagay na ito? Ngayon lamang ako nakakita ng ganto. Sa tabi naman nito ay parang may parang pindutan siya kaya dinampot ko ito at pinindot ang kung ano-ano laking gulat ko sa pagbukas ng kahon na kulay itim. Kaya naihagis ang kanina'y pinipindot ko sa kung saan. At napatalon ako sa kama ng sobrang bilis.

"Nasaan ba kasi ako?" medyo naluluhang sambit ko. Ng kumalma ako ay inayos ko ang sarili ko at muling dinampot ang isang pindutan at nakita ko ang pulang pindutan at dahil gusto ko malaman kung ano ito ay pinindot ko ito at namatay ang kahon na kulay itim.

Kaya nakahinga ako ng maluwag.

Nilibot ko ang paningin sa kwarto. Maganda at malinis ito. Maayos ang lahat ng kagamitan hanggang sa mapadako ang tingin ko sa mga letrang nakadikit sa pader.

Na siyang nagpakaba sakin ng matindi. Pamilyar ang mga salita na ito hanggang sa umulit sa isip ko ang sinabi ni Sarah.

'Siya si Aera.'

"Aera? Aera ang kanyang ngalan?" gulat na sabi ko at tsaka pumunta sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Hindi nga ako ito, dahil ako ay may balat sa bandang likod malapit sa balikat. Kaya hindi ako to, hindi ito ang aking katawan. "Siya nga kaya ang tinutukoy ng paslit na si Sarah siya nga kaya." usal ko habang tinitingnan ang katawan na ito mula ulo hanggang paa.

At isa lang ang aking napansin at yun ay magkamukhang-magkamukha kami pero bakit? Magkamukha kami. Bakit Bonifacio rin ang tawag sakanya kanina? Kaanak ko ba siya. Kung ganun sino siya? Bakit ako narito sa taon na di ko naman alam kung anong taon ito.

Nilibot ko ang paligid at tsaka ako nakakita ng kalendaryo. Lumapit ako rito at laking gulat ko sa numerong nakasulat rito.

May 10, 2020

Anong ginagawa ko rito? Bakit ako narito? Napaupo na lang ako sa kama dahil di ko alam ang gagawin ko.

Kung ako ang nasa katawan ni Aera, nasaan si Aera? Nasaan ang kaluluwa niya. Nasa 1897 kaya siya? Maari ring wala siya roon.

Sinubukan kong sampal-sampalin ang sarili ko nagbabakasaling nanaginip lamang ako. Pero totoong nandito ako. Sa taong di ko akalaing mararating ko..

Tahimik lamang ako nag-iisip hanggang muling tumunog ang pinto at may kumatok kaya lumbas ako ng kwarto at nagtungo sa pinto upang buksan ito.

"Sino naman kaya ito?" bulong ko habang pinipihit ang bilog ng pinto. At sa pagbukas ko, bumungad sakin ang nakangiting babae.

"Aera did you miss me?" masayang sabi niya at niyakap ako.

*huk*

Nagulat ako at di ako makahinga sa higpit ng yakap niya at ng magsawa siya na ang kusang humiwalay. At nakangiting humarap sakin.

"Sino ka?" deretsong sabi ko sakanya. Kaya nagulat siya at nagtatakang napatingin sakin.

"Nababaliw ka na ba bes, anong natira mo?" natatawang sabi niya.

"Sino ka nga sabi, di kita kilala." seryosong sabi ko sakanya. Kaya mas lalo siyang gulat napatingin sakin at maya-maya pa'y tinawanan at ako at inakbayan

"Oh siya dahil ganyan ang trip mo, ako si Catriona ang iyong magandang bestfriend. Kaya please bes tama na pantitrip.." natatawang sabi niya at tsaka napatingin sa lamesa. "..wah milktea hala natutunaw na. Nawawala na yung lamig." parang baliw na sabi niya at tsaka lumapit sa lamesa at kinuha ito.

"Akin nalang to ah.." sabi niya sakin kaya tumango naman ako. Kaya gulat siyang napatingin sakin. "..seryoso ka ba diyan? Like duh! Paborito mo kaya to." takang tanong niya.

Paborito ni Aera ang inumin na yan? Mukha naman yang di masarap.

"Ah ayoko muna uminom nan sa ngayon." pagpapalusot ko na agad niyang kinagat.

Napatitig naman siya sakin.

"May iba talaga sayo bes pero di ko mahulaan, pero yae na nga dalian mo na diyan at malalate na tayo." sabi niya sakin.

"Late? Ano yun?" takang sabi ko. Kaya gulat siyang napatingin sakin.

"Iba na sapak mo bes, late lang hindi mo alam eh ikaw nga ang nagdedefine nun sa klase. Pero dahil yan ang trip mo, ang late sa tagalog ay huli. Kaya dalian mo at mahuhuli na tayo sa klase " sabi niya pa sakin. Naguguluhan man ay kumilos agad ako. Para akong baliw na naghahalungkat ng mahahabang damit sa damitan niya dahil walang mahaba ang pangbaba puro eto palda at napakaiikli hanggang sa may makita akong pantalon. Kaya iyon nalang ang kinuha ko at ang pantaas naman ay damit na may mahabang manggas.

Agad akong pumasok sa banyo at naglinis ng katawan at paglabas ko ay agad akong nagbihis. Tulad ng dati ay nagterentas lang ako. At ang pangsapin ko naman ay sapatos may nakita kasi akong sapatos sa kabinet niya gumamit rin ako ng medyas. At tsaka ko napansin ang bag na nakapatong sa isang lamesa kaya dinampot ko to di ko na nga inaalam kung ano laman nito.

At sa paglabas ko ng kwarto ko ay bumungad si Catriona sakin.

"Sigurado ka bang ayan ang susuotin mo?" gulat na sabi niya sakin. "..balot na balot ka." natatawang sabi niya. Tumango naman ako sakanya.

"Oo ayoko kasi ng maikling panbaba." sagot ko sakaniya.

"Shet, shet anong nangyayari at bigla kang naging conservative bes." gulat na tanong niya sakin.

"Conservative ano yun?" takang tanong ko sakanya kaya napasapo siya sa noo niya.

"Tigilan mo na nga yan bes, tara na at baka mahuli na tayo sa klase." sabi niya at hinila na ko palabas ng kwarto na yun. At siya na ang naglock binuksan niya ang bag na sukbit ko para siguradong narito ang susi, dahil makakalimutin daw si Aera.

Wala na kong nagawa kundi magpahila kay Catriona. Pero paano ako babalik roon mamaya? Di ko alam ang daan. Malungkot na sabi ko sa isip ko habang hinahayaan si Catriona na hilain ako.

To be continued..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status