Share

Kabanata 2

Anna Luisa

"Oy Aera, ayos kalang ba? Kanina ka pa tulala diyan?" sulpot ni Catriona sa harap ko. Kaya nagulat ako napatakip ng bibig ko."Hala siya, ano bang natira mo bes at nagkakaganyan ka?" natatawang sabi niya pa sakin.

Di ko siya maintindihan. Ano ba ang mga sinasambit niya? Ganto ba talaga sa panahong to. Wala talaga ko maintindihan.

"Binibini, di ko alam ang iyong mga tinuran." seryosong sabi ko sakanya.

Kaya natulala siya at tinaasan ako ng kilay.

"Grabe ka mantrip bes pinanindigan mo talaga eh no." umiiling na sabi niya.

"Ngunit di ko talaga maintindihan ang iyong mga tinuran, binibinig Catriona." nakangiting sabi ko sakanya kaya lalo siyang nagtaka at kumunot ang noo sa harap ko.

Nandito na nga pala ako sa PUP na ang buong pangalan raw ay Polytechnic University of The Philippines, isa raw itong pretihisyong paaralan na maraming sangay sa ibang lugar.

Nasa loob kami ng isang malawak na kwarto kung saan naglilinyahan ang mga upuan at may malaking lamesa sa unahan, classroom ito kung tawagin ng mga mag-aaral rito.

Naalala ko ang paaralan na ito minsan itong naisalaysay ni Margareth sakin noon. Itinayo raw ito sa Sta.Mesa, Manila noong 1904. Dito kasi nag-aaral si Margareth. At ako naman ay sa aming tahanan lamang at may darating na guro sa aming tahanan para ako'y pangaralan.

Di ako makapaniwalang napakaganda ng paaralan na ito napakalawak ng damuhan roon sa ibaba nitong establiyamento.

"Bessy, sure ka bang okay kalang. Ang weird mo ngayong araw ah." kunot noo na sabi niya sakin. Di ko siya sinagot kaya umupo nalang siya tabi ko. Tumingin ako sa labas ng bintana at malalim na nag-isip.

Di pa rin kasi ako makapaniwalang narito ako sa taon na ito.

Makalipas ang ilang minuto dumating na ang unang guro na sinasabi ni Binibining Catriona sakin kanina. Tumahimik na lahat ng mag-aaral at tumingin sa guro na nasa unahan.

"Magandang araw sa inyong lahat, ang ating pag-aaralan ay ang kasaysayan ng unang pangulo na si Andres Bonifacio." panimula niya. Natahimik ako at muling sinariwa ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay at mapunta rito sa taon na ito.

Si Tiyo Andres wala na siya.

Nanatiling tahimik ang lahat ng mag-aaral. Habang ako ay iniintay ang sasabihin ng aming guro.

"Alam kong naituro na sa inyo ito ng kayo ay nasa sekondarya baitang kaya masasagot niyo ang aking mga itatanong." sabi ng aming guro samin. Napaiwas ng tingin ang iilan at ang iba'y nagkunwaring may alam. Nakikita ko kasi sa kanilang mukha na wala silang alam.

Mga di ba sila nakikinig nung sila ay nasa sekondarya. Mapalad nga sila at nandirito sila sa pretihisyong paaralan na ito. Samantalang ako ay sa aming tahanan lamang nag-aaral.

"Kailangan pinanganak at namatay si Andres Bonifacio?" tanong niya saming lahat. Nanatiling walang kibo ang mga mag-aaral, nagmistulang walang mag-aaral dahil wala sa kanilang sumubok na magsalita man lang.

Kaya nagtaas ako ng kamay at agad napangiti sakin ang guro.

Gulat namang napatingin sakin ang ilan sa mga mag-aaral.

"Totoo ba to? Sasagot si Aera ngayon sa History eh diba lagi lang siyang tulog sa klase noon."

"Hala nanaginip ba tayo?"

"Si Aera ba yan?"

Ilan lang yan sa mga narinig kong bulungan ng mga mag-aaral rito. Ngunit di ko ito pinansin, tumayo ako at ngumiti sa guro.

"Sige, Miss Aera Bonifacio? Sabihin mo sa klase ang iyong alam." nakangiting sabi niya sakin.

"Ipinanganak si Tiy--Andress Bonifacio noong Nobyembre 30, 1836." sagot ko. Kaya lalong namangha ang mga mag-aaral sakin maging si Catriona ay nanlalaki ang mga matang napatingin sa akin.

"At kailan naman siya namatay Miss Bonifacio?" tanong pang muli niya sakin.

Naramdaman ko ang lungkot sa aking puso dahil nung mismong araw ng kamatayan niya ay napadpad ako rito sa taong 2020.

"Miss Bonifacio? Naghihintay ako ng iyong sagot." tawag pang muli ng aming guro.

Kaya napatingin ako sakanya.

"Namatay po siya noong Mayo 10, 1897." sagot ko sa guro. Kaya napangiti siya ng malaki. At nakita ko ang pagmangha sa mga mukha ng aking mga kamag-aral.

Diba nila alam ang bagay na iyon, nakarating sila ng kolehiyo ng di nila nalalaman yun? O di kaya di lamang sila nakikinig nung mga panahong itinuturo ito sa kanila.

Uupo na sana ako ng muli akong tawagin ng aming guro.

"Dahil ikaw lamang Miss Bonifacio ang naglakas loob na sumagot may isa pa kong tanong sa iyo na pag nasagot mo ay di mo na kailangan magsagot ng pagsusulit sa unang pagsusulit sa unang markahan." nakangiting sabi niya.

"Hala dapat ako nalang yung sumagot."

"Tangek paano ka sasagot eh di mo nga alam kung kailan pinanganak at namatay eh."

Narinig kong bulungan muli ng mga kamag-aral ko.

Tumango ako bilang pagpayag sa nais ng guro. Mas maganda sigurong di muna ako mapasama sa unang pagsusulit dahil di ko naman alam ang lalabas roon.

"Sino si Andres Bonifacio?" walang paligoy-ligoy na tanong nga aming guro.

"Gagi ang hirap nan."

"Masagot kaya niya."

"Putspa yung tanong pangmalupitan."

Muling bulungan ng aking mga kamag-aral.

Nakangiti akong humarap sa lahat at nakita ko naman na nag-aabang ng aking magiging sagot ang aming guro.

Kilala ko si Tiyo dahil madalas siyang isalaysay nina Ina at Ama samin ni Annie.

"Si Andres Bonifacio ay isang Pilipinong makabayan at rebolusyonaryo na binansagan na "Ama ng Kagitingan" siya ang nagtatag lumaon naging Supremo ng Kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at nagpasimula ng Himagsikang Pilipino.." saglit akong tumigil at nakita kong lahat sila ay nasa akin ang atensyon. Kaya muli akong nagpatuloy "..kinikilala rin siya ng ilang mga dalubhasa sa kanya bilang unang Pangulo ng Pilipinas, subalit hindi siya opisyal na kinilala." pagtatapos ko at nagbigay galang pa sa kanilang lahat dahil yumuko ako at tsaka ngumiti sakanilang lahat.

At ng maupo ako ay narinig ko ang palakpakan ng mga kamag-aral. Bahagya akong nakaramdam ng matinding hiya dahil doon pero napangiti rin ako kinalaunan.

Nagkataon lang talaga na alam ko ang nangyayari sa Tiyo Andres ko.

"Mahusay Miss Bonifacio, di ko akalaing makakasagot ka sa klase ngayon tulad ng sabi ko kanina ay di ka magsasagot sa pagsusulit sa susunod na araw. Awtomatikong pasado ka." nakangiting sabi niya sakin napatungo naman ako sa labis na kahihiyan naramdaman ko naman ang panunukso ni Catriona sa gilid ko.

"Saan mo nakuha yun bessy? Bigla ka atang tumalino." natatawang bulong niya sakin.

So hindi matalino si Aera kung ganun. Pero bakit naman siya ganun? Wala sa mga Bonifacio ang hindi matalino. Dahil lahat kami ay matalino. Di naman ganun katalino ngunit may utak lahat ang aming lahi.

Di ko sinagot si Catriona dahil muli nf nagturo ang aming guro sa unahan, pinakinggan ko lahat ng sinasabi niya at itinatatak ko sa aking isip. Nalaman ko rin sakanya na makikita sa lumang sampupisong barya ang mukha ng aking Tiyo Andres.

Kahit nasa 1897 ako ay alam kong mailalagay sa kasaysayan ng Pilipinas ang aking Tiyo. Labis nga akong humahanga sa kanila ni Tiyo Procopio dahil sa pinaglalaban nila ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya.

Ng matapos ang klase ay nag-aya si Catriona na kumain kami sa kantina raw nitong paaralan.

At siya ang maraming binili. Maraming pagkain ang di pamilyar sakin kaya tinikman ko at masasabi kong masarap ito lalo na ang pansit na ipinatikim sa akin ni Catriona.

Matapos naming kumain ay bumalik na kami sa silid-aralan para sa susunod naming klase. Na pinabatid lamang sakin ni Catriona dahil di ko nga alam ito.

Buti na nga lamang at di na niya na ko tinanong ng tinanong ang lagi na lamang niyang sinasabi ay "naweweirduhan daw siya sakin" na hindi ko naman maintindihan.

Ano ba ibig sabihin ng weirdo na sinasabi ni Catriona? Kakaiba talaga ang panahong ito ang daming ibang salita na di ko kailanman narinig sa taong 1897 kung saan ako nanggaling.

Kayanin ko kayang mabuhay rito? Ganung di ko alam kung paano ako babalik sa aking taon.

To be continued..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status