Share

Kabanata 3

Anna Luisa

Pagkatapos ng klase ay di ko na alam kung paano ako babalik sa tahanan na kinamulatan ko kaninang umaga.

Kasalukuyan na kaming palabas ni Catriona ng paaralan kaya di na ko nagpaligoy-ligoy pa at nagtanong na ako sakanya.

"Binibining Catriona, maari bang ihatid mo ko sa aking tahanan?" tanong ko sakanya napalingon siya sakin at nagsalubong ang kilay.

"Hala bessy pati condo mo nakalimutan mo, napapaano ka ba?" nagtatakang sabi niya sakin.

"Condo?" takang sabi ko sakanya. Kaya napasapo nalang siya noo niya at napailing.

"Ay teh, iba na tama mo. Oh siya tara na ihahatid na kita para makauwi na rin ako." umiiling na sabi niya at tsaka hinila na ako paalis sa gate ng paaralan.

Sumakay kami sa isang sasakyan na sinakyan rin namin kanina. Dyip raw ito sabi ni Catriona, napakamoderno na pala ng taon na ito. Andami ng mga gusali at mga naglalakihang sasakyan.

Naging matagal ang biyahe dahil daw sa trapiko sabi ni Catriona. Isa daw ito sa problema ng bansa ngayon ang trapiko sa mga lansangan.

Habang sa biyahe, kwinentuhan ako ng kwinentuhan ni Catriona ng lahat ng mayroon sa panahon na ito. Dahil mukha daw akong may amnesia sa katatanong ko sakanya. Tinuruan niya rin ako kung paano sumakay at ano ang sasakyan pag ako lamang mag-isa ang bibiyahe. Di rin nawala ang paningin namin sa daan upang masaulado ko ang daan pabalik at papunta sa paaralan.

At sinabi rin niya sakin na may mga conveniece store sa tapat ng condo na tinutuluyan ko raw at may mga mall naman sa makalagpas sa paaralan namin.

At sa lahat ng sinabi niya may mga ilan akong di naintindihan may ilan di namang nasaulado ko tulad ng pag-uwi ko at pagpunta sa paaralan.

Hanggang sa pumara na kami sa pamilyar na gusali. At tsaka ko naalalang dito kami galing ni Catriona bago pumasok sa paaralan.

Mukhang narito na kami sa aking tuluyan.

Hinatid niya ko hanggang sa pinto ng aking condo at ngumiti sakin.

"Di ko man alam ang nangyayari sayo? Pero bessy handa akong tulungan ka kung may di pamilyar na salita o bagay ay tanungin mo lang ako. Kaibigan mo ako eh." nakangiting sabi niya sakin.

Kaya tumango ako at ngumiti sakanya.

"Salamat Binibining Catriona, salamat sa pagsama sakin." sinserong sabi ko sakanya.

Ngumiti naman siya ng malapad at niyakap ako.

"Sige na bessy, baka di ko kayanin yang kalaliman ng mga salita mo. Tsaka bessy itawag mo sakin, masyadong pormal ang binibini." natatawang sabi niya.

Kakaibang taon talaga to. Ni binibini ay pormal na kung matatawag sa taon na to.

"Patawad, binib--bessy." nakangiting sabi ko sakanya.

"Sige na alis na ako baka hinahanap na ko nila Mommy bukas ulit daanan kita dito." nakangiting sabi niya at tuluyan ng umalis.

Ng di ko na siya matanaw ay pumasok na ko sa condo at sinarado agad ang pinto. Nilapag ko ang bag ko sa sala at tsaka nagtungo sa kusina at tiningnan kung may pagkain.

Napasimangot nalang ako ng tingnan ko ang puting malaking lalagyanan na nakakapaso ang lamig. Ano kaya tawag rito?

Pero di yun ang problema ko. Walang laman ang kasangkapan na ito. Anong  ipanglalaman ko sa kumakalam na sikmura ko?

Ng maalala ko na may sinabi sakin si Catriona na may conveniece store daw sa tapat ng gusali na ito. Kaya pumunta ako sa kwarto at binuksan ang kabinet at may nakita akong jacket raw ang tawag na may pangsaklop sa ulo mo.

Isinuot ko ito at tsaka pumunta muli sa sala at kinuha ang pitaka na nakita ko kanina nung nasa klase at nagamit ko na rin na pamasahe at pangkain sa kantina kanina.

Dinampot ko ang susi na nasa lamesa at ibinulsa ko naman ang pitaka at tsaka naglakad papunta sa pinto at binuksan ito at tsaka lumabas ng condo na ito. Natatandaan ko naman kung paano kami pumunta ni Catriona at tinandaan ko rin ang numero ng aking condo.

Wala na rin naman akong magagawa kahit gusto ko bumalik sa 1897 pero di ko alam kung paano kaya kailangan kong mamuhay sa taon na ito at aralin ang lahat ng bagay na naririto.

Sumakay ako sa elevator kung tawagin ni Catriona kanina at may babae sa loob na agad akong tinanong.

"Magandang gabi po. Saan po tayo?" tanong niya sakin.

"Ah binibini sa unang palapag nais ko sanang magtungo sa conveniece store." nakangiting sabi ko sakanya.

Nagtataka man ay ngumiti na lamang siya at nagpipindot doon pader. Ano kaya yung pinipindot niya?

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating kami sa unang palapag. At lumabas agad ako ng elevator at nagpaalam pa sa babaeng naghatid sakin.

Ng makalabas ako sa elevator ay napakamot ako sa ulo ko dahil di ko alam kung saan banda ang sinasabing conveniece store na sinasabi ni Catriona na bilihan ng pagkain.

Kaya naisipan kong magtanong-tanong sa mga taong narito sa unang palapag bago ako lumabas ng gusali na ito.

"Maaari ba akong magtanong sa iyo?" tanong ko don sa babaeng nakaupo sa sofa dito sa unang palapag.

Kaya napalingon siya sakin at ngumiti.

"Ikaw pala yan Miss Aera. Ano ang iyong itatanong?" nakangiting sabi niya sakin.

Kilala niya ako? Ay si Aera pala.

"Paano po pumunta sa conveniece store?" tanong ko sakanya.

"Ah yun ba, paglabas mo rito ay tumawid ka dahil sa tapat ng gusali na ito ay conveniece store. Hindi mo ba alam kung saan yun Aera?" nakangiti at may halong pagtataka na sabi niya.

"Nalimutan kolang po. Salamat po muli sa inyong pagsagot." nakangiting sabi ko.

"Oh siya umalis ka na. Mag-iingat ka Miss Aera." nakangiting sabi kaya tumango ako at ngumiti sakanya at tsaka tuluyang lumabas ng gusali.

Sa paglabas ko tiningnan ko ang katapat ng gusali. At may nabasa akong malaking karatula.

Conveniece Store

Mukhang ayan yung sinasabi ni Catriona. Tulad ng sabi ng babaeng nakausap ko ay tumawid ako at agad naman akong pumasok sa conveniece store.

Pagpasok ko sa loob napansin ko ang kakaunting tao. Binati pa ko ng guard na siyang ningitian ko naman.

Nilibot ko ang mga paninda nila at dinampot ang mga pwede kong kainin. Marami-rami rin akong nabili.

Tinuruan din ako ni Catriona na pagpapasok daw ako conveniece store ay sa counter raw ako pipila upang magbayad ng aking pinamili.

Kaya pumila ako at inilapag sa harap ng nagbebenta ang mga bibilhin ko. Binuklat ko naman ang pitaka ko at di na ko nagulat sa dami nitong laman mukhang mayaman si Aera.

Dinampot ko ang asul na papel na may nakasulat na 1000 at iniabot sa nagtutuos ng aking pinamili.

"Magkano po itong lahat?" tanong ko sakanya.

"Ah Ma'am, 998 po lahat." nakangiting sabi niya. Kaya inabot ko na sakanya ang hawak kong pera.

Nakangiti naman niyang inabot ang pinamili ko na nasa supot na. At tsaka nag-abot ng dalawang pisong barya. Sukli ko raw ito.

Pagkatapos nun ay lumabas na ko ng conveniece store at agad tumawid pabalik sa gusali kung nasaan ang tinutuluyan ko.

Ng nasa loob na ko ng gusali ay di sinasadyang may nabangga ako.

Kaya napaupo ako sa sahig buti na nga lang at hawak ko ang supot ng pinamili ko.

"Sorry miss nasaktan ka ba?" sabi nung nakabangga sakin di ko pa nakikita mukha niya dahil nakatungo ako at iniinda ang nanakit na parte ng katawan ko dahil sa pagbagsak ko sa sahig. Inabot niya ang kamay niya para maitayo ako.

Ng makatayo ako ay di ko na napagmasdan ang kanyang mukha.

"J-juancho?" gulat na sabi ko.

"Ah sorry miss, sino si Juancho? Ethan ang aking pangalan." nakangiting sabi niya.

"Hindi ikaw si Juancho?" sabi ko pa sakanya.

Kaya tumango siya at bahagyang natawa.

"Pero may kilala akong Juancho pero matagal ng patay yun." biglang seryosong sabi niya sakin.

Pero bakit magkamukha sila?

"Again, Miss sorry sa nangyari ah. Nice to meet you. Btw what's your name?" nakangiting sabi niya pero wala akong naintindihan sa sinabi niya.

"Ha?" naguguluhang sabi ko. "Patawad ginoo, ngunit di ko maintindihan ang iyong mga tinuran." medyo nahihiyang sabi ko.

Natawa naman siya sakin.

"Ang pormal mo naman masyado, ang sabi ko ay anong pangalan mo?" natatawang sabi niya.

"Ah ako si Ann---Aera Bonifacio ang aking ngalan." muntik ko pang masabi ang Anna Luisa eh hindi naman yun pangalan ko rito sa taong ito.

"Kinagagalak kitang makilala Aera." nakangiting sabi pa niya.

Magsasalita pa sana ako ng maramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura.

"Patawad ginoo, kailangan ko ng mauna sapagkat maghahanda pa ako ng aking pagkain." sabi ko at dali-daling umalis narinig ko pa ang pagtawag niya pero di ko na siya nilingon pa.

Pagdating ko sa condo ko ay nilapag ko muna ang supot na dala ko at tsaka umupo ako sa mahabang upuan na malambot at sumandal rito at sinariwa ang nangyari kanina.

Bakit kaya kamukhang-kamukha ng ginoong yun si Juancho?

To be continued..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status