Share

Kabanata 4

Anna Luisa

Panibagong araw na naman para sakin ang makipagsalaparan sa panahon na ito. Ilang linggo na rin ang nakakalipas simula ng mapadpad ako rito. At wala pa rin akong nakukuhang kasagutan kung bakit ako naririto?

Namimiss ko na sina Ina at Ama maging si Annie at mga kaibigan ko sa taong 1897.

Nakakalungkot lang na wala akong magawa para bumalik sa aming taon. Ilang linggo na rin na naging matunog ang aking ngalan sa aming paaralan dahil nagtataka sila sa mga kinikilos ko na di ko naman daw ginagawa.

At sa klase naman ay lagi akong nakakasagot sa klase at tuwing may pagsusulit ay halos walang mali sa aking mga sagot. Kaya lalong nagugulat ang mga kamag-aral namin  lalo na si Catriona.

Bumangon ako sa kama at pumunta sa sala upang maghanda ng aking kakainin. Hanggang sa may kumatok.

Mukhang si Catriona na yan. Sinabi niya kasi na pupunta siya rito para tumambay raw at makipagkwentuhan sakin.

Kaya tumayo ako at nagtungo sa pinto.Sabado ngayon kaya narito ako sa condo ngayon. Hindi ko na rin nakita si Ginoong Ethan nung pagkatapos ng nangyari.

Pagbukas ko ng pinto ay hindi si Catriona ang nasa labas. Sino naman kaya ito? Ng makita niya ako ay mabilis niya kong hinagkan.

Kaya gulat akong natulala nalang.

"Namiss kita Aera, namiss kita." sambit niya. Natahimik ako at di man lang nakagalaw sa pagkakayakap niya.

"Sino ka?" sa wakas ay naiusal ko.

Kaya gulat siyang napakalas sa yakap ah takang napatingin sakin.

"Nakalimutan mo na agad ako Aera, di lang ako nagparamdam sayo. Nakalimutan mo na agad ako." parang nagtatampo na sabi niya.

"Paumanhin Ginoo, ngunit di kita kilala." kunot noo na sabi ko sakanya.

Kaya bahagya siyang natawa.

"Ang lakas mo mantrip, oh siya dahil ayan ang trip mo. Ako si Yuri ang boyfriend mo." nakangiting sabi niya.

Boyfriend? May boyfriend si Aera?

Oo alam ko na ibig sabihin nun nasabi na sakin ni Catriona naniniwala kasi siyang baka nagkaamnesia lang ako.

"B-boyfriend kita?" di makapaniwalang sabi ko sakanya.

"Oy nagbibiro lang ako haha. Ex-boyfriend mo na ako, dahil naghiwalay tayo last year." nakangiting sabi niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya at ayun nagkusa na siyang pumasok sa dorm. At umupo sa upuan na mahaba.

Isasarado ko na sana ang pinto ng sumulpot si Catriona na may dala-dalang supot.

"Hi bessy." masayang sabi niya. At nagdere-deretso papasok sa condo ko.

Gulat naman siya ng makita si Yuri sa sala. At agad itong dinamba.

"Oy Yuri, di mo naman sinabi na nagbalik ka na." inis na sabi ni Catriona sakanya. Kaya tinawanan lamang siya ni Yuri.

"Surprise sana kaso mukhang di nasurprise si Aera, pasabi nga kung nagkaamnesia iyang bestfriend mo at di na ko kilala." umiiling na sabi ni Yuri kay Catriona.

"Ah, Oo ilang linggo na iyang ganyan kaya ayan panay ako turo sakanya. Para kasing biglang hindi niya alam lahat ng bagay rito sa mundo." natatawang sabi ni Catriona.

Ayos tong mga to. Kung pag-usapan ako ay parang wala ako sa tabi nila. Sinarado ko ang pinto at lumapit sakanila at umupo.

"Alam mo ba yang si Aera, biglang tumalino. Aba perfect lahat ng exams." di makapaniwalang kwento ni Catriona kay Yuri.

"Inaral ko lang naman ang mga aralin kaya pumasa ako." paliwanag ko sakanila.

"Shet, di ka ganyan dati. Ikaw pa nga nagsasabi samin na wag mag-aral at okay lang na mababa ang resulta ng exam. Nakakagulat to, may sakit ba tong bestfriend mo Catriona?" di makapaniwalang sabi ni Yuri.

Ganun na ba katamad mag-aral si Aera noon, aba wala sa mga Bonifacio ang tamad sa pag-aaral. Mapalad nga siya at nag-aaral siya sa paaralang pinapasukan rin nila Margaret noon di katulad ko na sa bahay lang nag-aaral.

"Mukha nga, pero teka nga Yuri? Ano't ang aga mo bumalik?" tanong ni Catriona sakanya.

"Ah ayoko sa States eh, mas gusto ko rito kasama kayong dalawa kahit may past kami nitong si Aera, don't get me wrong ah. Wala na sakin yun." nakangiting sabi ni Yuri.

"So dito ka na mag-aaral?" masayang sabi ni Catriona sakanya.

"Oo dito na." sagot ni Yuri sakanya.

Nagpatuloy lamang sila sa pagkwekwentuhan hanggang sa may marinig kaming tumutunog na nagmumula sa bag na nakalapag sa lamesa. Yung bag na ginagamit ko papasok sa paaralan.

"Tumutunog yata cellphone mo Aera?" sabi nila sakin. Kaya tumayo ako at hinalungkat ang bag.

Alam ko na rin ang cellphone dahil pinaliwanag na to ni Catriona sakin nung nakaraang linggo. Aksidente kasing tumunog ito sa aking bag.

At ayun Kuya pala ni Aera ang tumatawag. Kaya sinagot ko dahil mahalaga raw ang tawag na iyon. Siya pa nga pinasagot ko eh bago niya inabot sakin. Tatawa pa nga siya sakin kasi di ako marunong gumamit.

Wala naman kasi nito sa 1897.

Kinuha ko ito sa bag at pinindot ang berdeng pindutan na tinuro sakin ni Catriona para masagot ang tawag.

"Aera, umuwi ka bukas sa Hacienda Bonifacio. Uuwi raw sina Yana at Kiel para makita tayong lahat." sabi ni Kuya. Yana at Kiel sino naman sila?

Hacienda Bonifacio? So ibig sabihin buhay pa ito. At nanatiling nakatayo.

"Paumanhin Kuya, di ko alam papunta roon pwede bang sayo ako sumabay." sagot ko sakanya.

"No problem sis, sunduin kita diyan mamayang madaling araw para maaga tayong makarating sa hacienda." sagot ni Kuya at maya-maya lang ay nagpaalam na dahil may gagawin pa raw siya.

Hacienda Bonifacio? Ganun pa rin kaya itsura mo.

Bumalik ako kina Catriona at Yuri na nag-uusap at nagkwekwentuhan pa rin. At tsaka ako nakinig sa usapan nila hanggang sa..

"Diba may naiikwento ka sakin noon Aera, yung tungkol kay Juancho at kay Anna Luisa?" biglang sabi ni Catriona kaya natahimik ako. At natulala.

Juancho, ang ginoong sobrang mahal ko. Ibig sabihin kilala ako ni Aera?

"Di ko na maalala paumanhin, ano ba iyon?" tanong ko sakanya.

"Ang sabi mo ay itinakwil ng mga magulang at buong angkan niya ito noon dahil sa pakikipagrelasyon sa isang mababang uri, at ito raw ay si Juancho. At dahil roon ay nagpakamatay si Anna Luisa." kwento niya sakin.

Nagpakamatay ako? Bakit? At itinakwil ako nila Ina at Ama.

"Bakit raw ng magpakamatay si Anna Luisa?" sabat na tanong ni Yuri.

Ako sana magtatanong kaso naisip ko na baka magtaka si Catriona dahil si Aera nga raw nagkwento sakanya.

"Ang kwento ni Aera sakin ay dahil nung oras na itinakwil raw ng buong angkan ng Bonifacio si Anna Luisa ay nagkaroon ng asawa si Juancho at may anak na raw ito. Sinubukang bumalik ni Anna Luisa sa pamilya niya ngunit di siya tinanggap ng mga ito kaya nagpakamatay raw ito sa ilog at nagpakalunod." kwento pa ni Catriona.

Natahimik ako at lalong di nakapagsalita. Di ako makapaniwala sa naririnig ko. Nagpakamatay ako at nagpakalunod ng dahil kay Juancho at sa pagtakwil ng pamilya ko sakin.

Namutla ako at parang biglang di ko maramdaman ang paligid hanggang sa mawalan ako ng malay.

"Aera." rinig ko pang sambit nila. At tsaka tuluyang nagdilim ang paningin ko.

To be continued..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status