Share

Kabanata 6

Anna Luisa

Pagkababa ko ng kotse ni Kuya ay namangha ako dahil sa ibang postura ng hacienda, hindi na ito mukhang makaluma at napalitan na rin ang mga desinyo. Naglakad ako papasok dahil nandun na si Kuya, namangha ako sa dami ng mga bulaklak at halaman na naririto.

Kaya di ko maiwasang lumapit sa mga isa sa mga bulaklak, at ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang sampaguita na mabango ang halimuyak nito.

Hinawakan ko ito at pinagmasdan. Napakabango talaga nito, meron kasi sa aming tahanan at sa hacienda nito noon, buti naman na hanggang ngayon meron pa.

Kumuha ako ng isa yung may tangkay at inilagay sa tenga ko, at napangiti ako dahil si Juancho ang naglalagay nito sa aking tenga, at pakiramdam ko ay ako na ang pinakamagandang babae..

Nagpaikot-ikot ako sa paligid at ngumiti ng sobrang tamis dahil naramdaman ko na naman ang kagandahan na naramdaman ko noon..

"Aera, kailan ka pa nawili sa mga bulaklak?" biglang sulpot ni Kuya kaya bahagya akong nagulat.

Napalingon naman ako kay Kuya at nakita kong nasa labas lahat ng kamag-anak namin. May ilang pamilyar ang mukha dahil na rin sa iisang lahi kami.

May nakita akong kamukha ng mga pinsan ko na narito sa Hacienda.

Hanggang sa may nanakbo palapit sakin at niyakap ako..

"Aera, we miss you." sabay na sabi ng dalawa habang nakayakap sakin, napakunot naman ang noo ko. Sino naman tong mga to? Sino sila. Si Kuya lang kilala ko.

"Yana at Kiel, ako ang Mommy pwede bang ako muna lumapit sa anak ko inunahan niyo ko." nakangusong sabi nung isang babae na katabi ni Kuya Azrael. Mommy? Ano yun?

"Ang ganda mo sa bulaklak na yan, Aera." sabi nung babae na yumakap sakin bale babae at lalaki sila na nanakbo para yakapin ako.

"Binobola mo na naman pinsan natin." sabi naman nung lalaki.

Nanatili naman akong natahimik, dahil ko sila ganun maintindihan.

Umalis sila sa harap ko at tsaka lumapit yung Mommy ko daw? Ano ba kasi yung Mommy. Kaya kinuha ko sa bulsa ko yung cellphone at mabilis na tinext si Catriona, mabilis naman siya nagreply at sinabi niya, Nanay o Ina raw ang ibig sabihin nun.

Siya ang Ina ni Aera.

Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit. At tsaka ko narinig ang paghikbi niya.

"Ang tagal kitang di nakita, di ka na nagpaparamdam kay Mommy." parang nagtatampong sabi niya sakin.

Paano ako magpaparamdam? Eh hindi ko nga po kayo kilala.

Lumapit naman si Kuya Azrael dahil di talaga ako nagsasalita pa nanatili akong tahimik, dahil di ko alam sasabihin ko.

"Mommy, pagod si Aera sa biyahe. Pagpahingahin mo na natin siya." sabi ni Kuya. Kaya tumango naman yung Mommy ni Aera at hinalikan ako sa noo at hinawakan sa kamay para pumasok na sa loob ng Mansyon. Ibang-iba ang itsura nito nung makapasok ako, maraming naalis at maraming nadagdag nakakamangha dahil kahit matagal na itong nakatayo ay nanatili pa rin itong buhay at lalong pinaganda ng mga sumunod  na Henerasyon.

Pinaupo kami sa sala at naghanda naman ang mga kasambahay ng maiinom at makakain namin. Nakwento nila Mommy na kahapon pa sila dito, upang sumalubong kina Yana at Kiel. At malapit lang daw sa Hacienda na ito ang tirahan namin nila Kuya.

At doon raw kami tutuloy mamaya. At di raw muna ako papasok sa lunes upang makapagsama-sama kaming pamilya, kasama ang kakauwi lang na mga pinsan ko raw na sina Yana at Kiel..

At mamaya raw ay darating sina Alonika at Julia na pinsan ko rin daw, masyado daw kasing malaki ang sumunod na Henerasyon ng Bonifacio.

Nagpatuloy sila sa pagkwekwentuhan habang ako ay nanatiling tahimik hanggang tumabi si Yana sakin, oo kilala ko na silang lahat, dahil narinig ko sa pagtawag nila kanina sa isa't isa.

"Ate Aera, kamusta na po kayo? Sa paaralan niyo po?" tanong niya sakin.

"Ayos naman binibini, matataas ang aking mga pagsusulit nitong mga nakaraang linggo." sagot ko sakanya, napanganga naman siya dahil mukhang alam niya ring mahina sa pag-aaral si Aera.

"Hala ka totoo, Ate?" gulat na sabi ni Yana kaya tumango ako. Napalakpak naman siya at napangiti ng malapad sakin. "Pero Ate, sa tagal nating di nagkita kayo pa ba ni Yuri?" biglang tanong niya medyo nagulat naman ako at agad nakabawi.

"A-ah matagal na kaming wala." sagot ko base sa sinabi ni Yuri at Catriona sakin.

"Hala totoo? Sayang kayo, mahigit dalawang taon din relasyon niyo sabagay. Desisyon niyo naman siguro." nanghihinayang na sabi niya. Base sa itsura at reaksyon niya mukhang gusto niya si Yuri at Aera sa isa't isa.

"Okay lang sa tingin ko naman ay nababaling na pagtingin ni Yuri sa iba, sa tingin ko ay nakalimot na rin naman siya." sabi ko naman sakanya.

Tumango naman siya. Madami siyang kwinento, minsan natatawa ako, minsan naman ay di ko siya maintindihan.

Makalipas ang ilang oras ay may narinig kaming busina ng sasakyan sa  labas kaya napatayo kaming lahat.

"Sila Alonika na yata iyan." sabi ni Mommy kaya tumango si Kuya, nalaman ko kay Kuya na si Daddy raw ay may ginagawa kaya mamaya na raw ito pupunta rito sa Hacienda.

Ano kaya itsura niya?

Di na ako sumama palabas dahil parang pagod na pagod ang katawan ko, napakalayo kasi ng biyahe.

Maya-maya narinig ko na ang matinis na boses nila na nagmumula sa labas. At ng makapasok sila, niyakap muna nila si Yana at Kiel at tsaka ako naman nakita nila at nagsilundagan sa sofa at niyakap ako.

Napakunot naman noo ko, base sa mga kinilos nila sa tingin ko sila sina Alonika at Julia, naikwento sakin ni Yana na maligalig ito at walang humpay sa kaiingay.

"Myghad, we miss you Aera anong chika?" sabi ni Alonika sakin, oo alam ko na siya si Alonika dahil naikwento rin ni Yana ang itsura nila sakin.

"Oops..salamat shopee, free shipping." natatawang sabi ni Julia.

Lalo naman akong napakunot ng noo,  dahil di ko maintindihan mga winiwika at sinasambit nila.

"Di ka pa rin talaga nagbabago, Julia abnormal ka pa rin." natatawang sabi ni Yana sakanya.

"Ay sinabi mo pa sis, nakakarindi na nga yan sa bahay eh kung di ko lang kapatid yan, baka nasapak ko yan." naiiling na sabi ni Alonika, kaya ningusuan siya ni Julia.

Umupo nalang ako at hinayaan silang mag-asaran habang ang mga kamag-anak namin ay natatawang pinapanood sila.

Masaya pala ang bagong henerasyon ng Bonifacio, walang Sarah na grabe manitig at may kapangyarihan yata yung batang yun. Nagkatotoo kasi yung mga sinabi niya.

Nasaan na kaya yun si Aera? Nasa 1897 kaya siya?

Nasa ganun akong pag-iiisip ng biglang..

"Oh Ethan, naparito ka?" nakangiting sabi nung Nanay ni Yana at Kiel.

Kaya napalingon ako at laking gulat ko ng makita siya at pamilyar siya sakin. Kaya natulala nalang ako.

"Oy Aera nandito ka pala." sabi niya na nagpahinto ng mundo ko. Ilang linggo ko siyang nakita tapos dito ko siya makikita, anong klaseng biro ito?

To be continued..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status