Share

Kabanata 8

Anna Luisa

Pagkatapos nung araw na yun ay balik na ulit sa dati, lagi ko ng kasama pumasok sina Yuri, Catriona at ang dalawa kong pinsan. Pero madalas ay may mga senaryo akong nakikita sa isip ko, parang yung mga ginagawa ni Aera noon at hindi ko maintindihan kung bakit ginugulo ako ng mga senaryo na iyon, nakakasabay na rin ako sa pagnag-uusap sila pero kadalasan talaga ay wala akong maintindihan. Kaya nanahimik lang ako kadalasan.

Nasa kantina kami ngayon at kumakain ng tanghali, kasama ko rito sina Catriona at Yuri, at hinihintay namin sina Alonika at Julia dahil hindi ba ang klase nila.

"Ah! Catriona at Yuri, aalis muna ako magbabanyo lang." pagpapaalam ko sakanila. Kaya napatingin sila sakin.

"Sige balik ka agad ah." sabi ni Catriona sakin kaya tumango ako at tsaka tuluyang lumabas ng kantina, ilang linggo na ko dito, kaya medyo nasasanay na ko. Unti-unti ko ng nakakabisa ang mga pasikot-sikot rito. Kaya hindi na ako nahihirapang maghanap ng banyo o pumunta sa kahit saan.

Habang naglalakad ako sa pasilyo ng paaralan ay biglang may pamilyar na mukha ang nanakbo at nagkabanggaan kami kaya natumba kami parehas.

"Sorry! Miss." sabi niya at hinila ako habang nanakbo siya kaya medyo nakaladkad ako.

"Bakit mo ko hinihila?" inis na sigaw ko sakanya. Pero di niya ako pinansin at hinila niya lang ako.

Hanggang sa tumigil kami sa isang tahimik na kwarto at may tatlong bintana sa loob nito, sa pinakahuling palapag ng paaralan niya ko hinila at di ko alam kung anong tawag dito.

"At tsaka nasaan tayo?" bagot na tanong ko sakanya, di ko pa nakikita mukha niya dahil nakatalikod siya sakin at nakatanaw sa labas ng bintana.

"Pasensya na miss kung nadamay ka, may humahabol lang kasi sakin. Pwede mo na naman akong iwan di ko sinasadya na hilain ka." sabi niya ng di man lang ako nililingon.

Kaya inis akong nilapitan siya at pinaghahampas.

"Bastos ka, wala kang respeto. Nanahimik akong naglalakad sa pasilyo ng paaralan tapos bigla mo kong hihilain. Anong klaseng tao ka?" sigaw ko sakanya at pinaghahampas siya. Pero parang wala lang sakanya ang bawat paghampas ko hanggang sa malungkot siyang tumingin sa bintana, di ko pa rin nakikita mukha niya dahil nasa bintana lang talaga tingin niya.

"Alam mo bang naalala ko si Eunice sayo, ang babaeng katulad na katulad mo siya. Maligalig!" mapait na ngiting sabi niya pa. Kaya natigilan ako sa paghahampas sakanya.

"Eunice? Sino siya?" takang tanong ko sakanya, kaya napalingon siya sakin at doon ko napagtanto kung sino siya.

"Aera." gulat na sabi niya ng makita ako, at halos manlaki pa ang kanyang mga mata.

"Ethan." gulat na sabi ko rin.

"Pag-ilang kita na natin to ah, talagang ikaw pa talaga nahila ko papunta rito." umiiling na sabi niya at umupo at sumandal sa pader.

Kaya umupo rin ako sa tabi niya.

"Bakit kaya lagi tayong nagkikita?" tanong ko sakanya.

"Di ko din alam, nung una dun sa building ng condominium tapos sa Poblacion Indang at ngayon dito naman sa PUP. Grabe na to ah." natatawang sabi niya sakin kaya medyo natawa rin ako.

"Pero maiba tayo, sino yung Eunice na sinasabi mo na katulad ko ang ugali? Eh hindi mo pa nga ako nakakasama?" tanong ko sakanya kaya napalingon siya sakin.

"Ah, wag na natin siya pag-usapan. Pero oo magkaugali kayo, di pa man kita nakakasama pero sa kilos at galaw mo ay ganun na ganun siya kaya nga siguro gusto rin kita kaibiganin, kahit na ngayon lang talaga tayo nagkausap ng maayos." natatawang sabi niya sakin kaya napatango nalang ako sakanya.

"Kaibigan? Wala namang masama dun. Kung ganun lagi naman tayong nagkikita ng biglaan." sabi ko sakanya at nakita ko naman ang pagngiti niya. Kaya napangiti na rin ako. Oo kamukha niya nga si Juancho, pero magkaibang-magkaiba sila ng ugali at kilos.

"Aera, naniniwala ka ba sa tadhana?" biglang tanong niya kaya napatingin ako sakanya.

"Tadhana? Oo naman. Diba ang tadhana raw ay kung sinong lalaking para satin at nakatakda nating makasama, sila yung mga di mo akalaing nakatakda pala para sayo." sagot ko sakanya.

"Sa tingin mo tadhana kaya ang may dahilan kaya patuloy tayong pinagtatagpo?" tanong niya sakin kaya napaisip ako, oo nga noh, anong dahilan ng tadhana para paulit-ulit kaming magkita. Ganung napakalaki ng mundo.

"Siguro nakatadhana tayong magkita talaga." tanging sagot ko nalang sakanya, nagulat ako ng maramdaman ko ang paghiga niya sa balikat ko. Kaya napatingin ako sakanya.

"Aera, pwede bang matulog muna ako saglit. Napagod ako manakbo eh." tanong niya sakin kaya napatango naman ako mukha naman kasing pagod na pagod siya, sino ba kasi tinatakbuhan nito?

Hanggang sa maalala kong naghihintay pala sila Catriona at Yuri sa akin sa kantina, kaya naisipan kong itext nalang sila na mauna na sila sa klase at sabihan nalang sika Alonika at Julia na mamaya na kami magkita pagkatapos ng klase, ganung iisa lang naman inuuwian namin.

Di ko namalayang nakatulog na din ako. At pagkagising ko ay madilim na, mukhang inabot na kami ng gabi.

At pagtingin ko sa katabi ko ay nakangiti siya sakin at mulat na ang mata.

"Grabe ka naman matulog, puyat kaba?" tanong niya sakin.

"Hindi kaya, tara na baka masaraduhan tayo." depensa ko sakanya at tsaka tumayo na at inaayos ang sarili, at ganun din siya.

"Mabuti pa nga, hatid na kita sa condo mo?" nakangiting sabi at tanong niya sakin.

Bahagya akong nag-isip muna tsaka pumayag, delikado na rin kasi na umuwi ako mag-isa ang sabi nila Catriona sakin ay maraming adik diyan sa kanto at mga kriminal kaya kailangan raw ay di ako magpapaabot ng anong oras sa kalsada pero dahil kay Ethan ay inabot ako ng gantong oras. Kaya tamang magpahatid na rin ako sakanya.

"Sige hatid mo na ko, medyo madilim na rin at delikado na para sa tulad ko ang mag-isa sa kalsada." sabi ko sakanya kaya napangiti siya sakin. At sabay kaming lumabas ng rooftop, oo rooftop daw ang tawag dito sabi ni Ethan sakin.

Paglabas namin ng campus ay wala na halos estudyante, mabuti nalang ay may sariling sasakyan tong si Ethan kaya di na namin kailangang magcommute, ang alam ko may sasakyan rin si Aera. Pero ayoko gamitin dahil di ako alam paano gamitin yun.

"Bakit nga pala nagcocommute wala ka bang sasakyan na sarili?" tanong niya sakin habang nagmamaneho siya.

"Meron, pero di kasi ako marunong kaya nandoon lang siya sa parking lot ng Condominium." sagot ko sakanya.

"Ah ganun pala, gusto mo turuan kita. Para di ka na sasakay sa mga dyip, delikado kasi yun para sa tulad mong babae." sabi niya sakin kaya napalingon ako sakanya.

Wala namang masama kung aaralin ko ang pagmamaneho ganung walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ako sa taon ko.

Siguro ay kailangan ko na rin sanayin at aralin lahat ng meron sa taon na ito. Upang di ako maging kakatawanan.

"Nandito na tayo, Aera." sabi niya kaya napalingon ako sa labas, nandito na nga kami. Kaya ningitian ko siya at bumaba na, sumilip ako sa bintana niya at tsaka nagsalita.

"Salamat sa paghatid, Ethan. At pumapayag ako sa suhestiyon mong turuan akong magmaneho." sabi ko sakanya.

"Kailan naman kita tuturuan?" tanong niya sakin.

"Tuwing Sabado para walang klase, sige na papasok na ko sa loob. Hinihintay na ko ng mga pinsan ko. Ingat ka sa biyahe." nakangiting sabi ko sakanya at ningitian niya din ako pabalik kaya umalis na ako sa pagsilip at sinara niya naman ang bintana niya at tsaka siya tuluyang umalis.

At tsaka ako nakangiting pumasok ng building at sumakay sa elevator para umuwi na sa condo. Ano kayang ginagawa nina Alonika at Julia ngayon sa condo?

To be continued..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status