Share

Kabanata 10

Maxwell

Di pa rin ako makapaniwala na kaklase ko tong babae na nakita akong wala sa sarili kanina sa gitna ng kalsada, actually accidentally ko lang siyang nakita dun. Saktong padaan ako, and eto pa gumulat sakin magkaklase pala kami at hindi ko man lang siya kilala. Paano kasi mas madalas ako tumambay sa tambayan ng tropa kaysa pumasok sa klase? Napapasa ko naman grades at exam ko kahit di ako pumasok.

Buong klase ay di ko maiwasang mapatingin kay Aera, ang ganda niya kasi. At nalaman ko sa mga kaklase na tumatalino daw itong si Aera, lagi raw kasi yun tulog dati sa klase.

Matapos ang klase ay naisipan kong pumunta na sa tambayan, mukhang nandun na si Rafael at Ethan. Oo barkada ko sila, pero iilan lang nakakaalam dahil di naman nila kami nakikita na magkakasama.

"Oh pare, akala ko ba di ka papasok?" bungad ni Rafael sakin, habang si Ethan naman ay tulala sa gilid. Kaya di ko nalang pinansin, sino na naman kaya iniisip nito?

"Ayun din ang akala ko but may nangyari kasi, I just met a girl kanina at nagulat ako ng malaman kong magkaklase kami." kwento ko sakanya at umupo sa upuan rito sa tree house na tambayan namin, nasa loob lang din to ng campus, dati-rati ay laging dinadala ni Ethan dito si Eunice kaya nagiging maingay tong tree house pero simula ng mawala si Eunice ay naging tahimik na ito.

"Nays, kaya pala ginanahan ka pa pumasok." pang-aasar niya sakin.

"Kaysa naman sayo, ni tumapak sa classroom ay di mo naman magawa. Pasalamat ka na lang at matalino ka kaya ang lakas ng loob mo di magpakita sa klase." umiiling na sabi ko sakanya.

"Ako pa ba? Alam mo bang kaninang umaga habang papasok ako dito may abno na tinawag akong boyfriend, at nagdrama sa harap ko. Nakakabanas ang bwisit." biglang kwento niya, oh mukhang first time na may sumira ng araw niya. Sino naman kaya yun?

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko sakanya.

"Psh, ganto kasi nangyari pre. Masaya akong naglalakad papasok ng campus hanggang sa may babaeng lumapit sakin at sinabing bakit ko raw siya iniwan tapos babaero daw ako, di ko alam gagawin ko kasi lahat ay nakatingin na samin habang yung kasama nung babaeng yun at tinatawanan lang ang ginagawa ng kasama niya.." sandali siyang tumigil, dahil inis na inis talaga siya. "..puro pagmumura nalang ang ginawa ko sa isip ko, kasi iniisip ko pa rin naman na babae siya kaya ayoko siyang sigawan at murahin tsaka ang ganda-ganda ng araw ko para sirain niya." dagdag niya pa.

"Oh tapos anong nangyari?" tanong ko pa sakanya.

"Ayun magpapanggap raw na kami, para di ako mapahiya sa mga tao. Dahil gusto niya lang daw makalimot at ako ang nakita niyang makakatulong sakanya." kwento niya pa.

"So ano? Pumayag ka?" tanong ko pa sakanya.

"Siyempre nung una hindi, sino ba kasi nagsabi sakanyang mag-inarte siya sa harap ko pero nung makita ko na talagang nagmamakaawa na siya para makalimot lang sa kung sino man ay pumayag na ako. Alam mo naman ako, ayokong nakakakita ng babaeng nasasaktan o sinasaktan." sagot niya sakin, opo ganun pong klase na tao si Rafael. Ayaw na ayaw niya pong nakakita ng babaeng nasasaktan at sinasaktan. Kasi para sakanya, ang babae ay minamahal at hindi sila dapat sinasaktan.

"Okay din na pumayag ka, kasi mukhang malaki ang maitutulong mo dun sa babae, pero teka nga anong pangalan nung babae?" sabi ko at tanong ko sakanya.

"Julia daw, heto nga at panay text sakin na kita raw kami mamaya." sagot niya sakin.

"Ang bait mo talaga pre jusq, kaso tamad ka nga lang pumasok sa klase." pang-aasar ko sakanya. Kaya sinamaan niya ako ng tingin at inaabala na ang sarili sa kakareply dun sa Julia habang ako naman ay sinandal ang sarili sa sofa at iniisip si Aera, grabe kasi talaga ganda niya kahit sino ay maattract sakanya. Napakabait pa.

Matapos naming tumambay ay naisipan naming sabay-sabay na lumabas ng campus, nauna na si Ethan dahil may kikitain daw siya habang si Rafael ay nagpachaperon sakin, baka daw kasi may gawin yung Julia sakanya.

Psh, baka nga siya may gawin dun.

Pagdating namin sa labas ng gate ay nakita namin ang dalawang babae, at sinundan ko lang si Rafael na lumapit sa dalawang yun.

"Julia, nandito na ko. Doon tayo sa banda roon mag-usap." yaya ni Rafael dun sa Julia, mukhang may seryoso silang pag-uusap. Pumayag naman si Julia at nagpunta na sila sa medyo malayo samin pero tanaw namin ng kasama ni Julia.

"Hi.." panimula ko sakanya kaya napalingon siya sakin."..kaano-ano mo si Julia?" tanong ko sakanya.

"Hello, ah magkapatid kami. Kailangan kong bantayan yan dahil galing yan sa masakit na break up." sagot niya sakin. Maganda siya at cute kaso medyo pandak pero okay siya lalo na pag nakangiti.

"Ah ganun pala, by the way ako si Maxwell Sarmiento and you are?" nakangiting pagpapakilala ko sakanya.

"Hmm..ako si Alonika Bonifacio. Nice to meet you!" nakangiting sabi niya sakin.

"Nice to meet you too, bago lang ba kayo dito?" sabi ko sakanya.

"Ah, oo halos kalilipat lang namin dito. Ikaw?" sabi niya naman sakin.

"Ah matagal na ko dito, medyo tamad lang ako pumasok ng klase, at mula pagkabata ay narito na ako." sagot ko sakanya.

Tumango nalang siya at pumaibabaw na ang katahimikan sa pagitan namin, ang awkward kaya first time ko makipag-usap ng ganto. Di ko alam pero kinakabahan ako, ang tagal kasi ni Rafael gusto ko ng umuwi.

Hanggang sa tumunog ang phone ko..

At ng tingnan ko tumatawag si Aira ang kapatid ko. Bakit kaya napatawag to?

"Kuya." bungad niya sakin.

"Oh, Aira bakit napatawag ka?" tanong ko sakanya.

"Bili mo ko milktea please." sabi niya sakin kaya napasapo nalang ako, yun lang talaga tinawag niya pa. Pwede namang itext nalang kahit kailan talaga tong batang to?

"Oo na, ikaw talagang bata ka. Ilan bibilhin ko?" tanong ko sakanya.

"Yiee salamat kuya, dalawa lang kuya nandito kasi si Angge magsleepover kami." sagot niya sakin. Lagi nalang sila nagsleepover sa bahay. Bestfriend niya kasi si Angge kaya ayun laging nasa bahay ko. At okay naman sa parents ko dahil malapit ang pamilya namin at pamilya nila Angge samin.

"Sige na ibaba ko na to, pauwi na rin si Kuya. Wag kayong magkakalat diyan ah, maawa kayo sa yaya natin." sabi ko at bilin ko sakanya at tsaka tuluyang binababa ang tawag. At tsaka binulsa ang phone ko.

"Kapatid mo?" tanong niya sakin.

"Ah oo, napakakulit nga eh." sagot ko sakanya.

"Okay lang yan ganyan din si Julia eh pero support pa din ako." natatawang sabi niya samin.

Marami pa kaming napagkwentuhan hanggang sa natapos sa pag-uusap si Julia at Rafael at tsaka kami nagdecide na umuwi na ni Rafael. Nalaman ko kay Rafael na susunduin niya bukas si Julia..

Mukhang eto na simula ng matino mong lovelife pre, paano kasi wala siyang panahon sa usapang lovelife na yan, ayaw niya raw kasi makasakit ng babae.

Kaya nakakagulat na napapayag siya ng babaeng, nagdrama lang sa harap niya..

To be continued..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status