Anna Luisa
Pagpunta namin sa gate ng Hacienda ay saktong nandun na ang kotse nila Julia kaya agad kaming lumabas para sunduin sila. Pagbaba nila ay agad kaming nagngitian..
"Julia, pwede bang mauna ka na sa loob?" pakiusap ni Kuya sakanya kaya agad naman siyang pumayag at nauna sa loob.
Ng maiwan kami sa labas ay mahinang napatili si Alonika, at ganun nalang ako gulat namin ng biglang bumaba ang isang lalaki, sino naman ito?
"Bakit nagtitili ka diyan? Bakit di pa kayo pumapasok?" sunod-sunod na tanong nito kay Alonika.
"Ay bakit bawal ba tumili, pwede ba umuwi ka na muna sa inyo bukas ka nalang pumunta dito magpapahinga na rin kasi kami." sabi ni Alonika doon sa lalaki.
"Oo nga Clyde iho, mas mabuti pang umuwi ka muna. Bukas na lamang tayo muling magkita." nakangiting sabat ni Tita.
Anna Luisa"Handa ka na bang malaman ang dapat itama ng nakaraan sa kasalukuyan?" bungad sa akin ng matanda. Kaya tumango ako sakanya."..kung ganun oras na para magkita kayo ni Aera." saad niya kaya gulat na napatingin ako sakanya.At tsaka siya nagkumpas ng isang spell at lumabas sa harapan ko si Aera. At nakatingin siya sa akin."Ate Anna Luisa?" tawag niya sakin ng makita ako.Magsasalita na sana ako ng unahan ako ng matanda kaya di na ko nagsalita pa, baka magalit eh."At dahil narito na kayo parehas kumapit kayo sakin at dadalhin ko kayo sa sinasabi kong naging pagkakamali ng nakaraan sa kasalukuyan." sabi niya samin, kaya sabay kaming humawak ni Aera sakanya.Kaya napapikit kami ni Aera, at sa pagmulat namin ng mata ay isang pamilyar na senaryo ang nakita namin..
1910"Anna Luisa, ano bang ginagawa mo diyan?" tawag ni Charles sa asawa niya na di niya alam bakit ang tagal sa banyo. Kaya agad na lumabas si Anna Luisa."Charles, balikan natin sila Ina gusto ko ipakilala si Elizabeth sa kanila." sambit ni Anna Luisa sa kanyang asawa.Kaya ningitian siya ni Charles."Masaya ako na naisipan mong magpakita sa inyo." nakangiting sambit ni Charle kay Anna Luisa, at niyakap ito."Dahil kahit bali-baliktarin ko man ang mundo ay mga magulang ko sila. At karapatan nilang makilala ang kanilang apo." nakangiting saad ni Anna Luisa sa asawa."Tiyak kong matutuwa silang makita ang kanilang apo, na napakabibo at kulit." natatawang sambit ni Charles kaya nagtawanan nalang sila mag-asawa.Sampung taon na halos ang lumipas sim
Ako'y binibini noong isang libo’t walong daan at siyam na pu’t pito.Binibining pinakaiingatan.Binibining mahinhin sa lahat ng tawa, ang pagtawa'y dapat ay katamtaman lamang.Ang kasuotan ay baro't saya.Ngunit bakit ako'y napunta sa taong 2020. Kung saan di ko ganap na kilala ang taong ito.Hindi ito ang mundo ko, kailangan kong balikan si Juancho.Kailangan ko bumalik sa isang libo’t walong daan at siyam na pu’t pito. Kailangan kong magbalik sa madaling panahon din.Ngunit ng mapabalikwas ako sa aking higaan ako ay nagulat sa aking kasuotan.Ano't napakaikli nito?At bakit kamukhang-kamukha ko ang nagmamay-ari ng katawan na ito.At bakit narito ako?Hindi ito ang aking taon.Napatitig ako sa isang malaking letra na nakapaskil sa pader ng kama at binasa ito.
Marahan kong itinaas ang aking kamay upang mag-unat. Magtutungo nga pala kami sa hacienda ngayong araw. Ang Hacienda Bonifacio na pagmamay-ari ng aming angkan.Mayo 10 ngayong araw at nagpasya ang buong angkan ng Bonifacio na magtungo sa Hacienda Bonifacio upang ipagdasal ang kanilang kalagayan sa kulungan sa Maragondon, Cavite ang mga tiyuhin ko na sina Andres Bonifacio at Procopio Bonifacio."Anna bumangon ka na riyan at maggayak dahil aalis na tayo maya-maya lamang." sigaw ni Ina mula sa labas ng aking kwarto. Kaya bumangon ako at sumilip muna sa bintana, nakita ko roon si Juancho na nakikipagtalastasan sa mga magsasaka.Di man ganun kayaman si Juancho ngunit ang kabutihan na taglay niya ay di kailanman mapapantayan ng sino man.Ng mapagawi ang kanyang paningin sa aking pwesto ay napaiwas ako ng tingin at bumalik na sa aking kwarto at nagtungo sa harap ng salamin.
Anna LuisaNagising ako sa isang malawak na kama. Napakalambot nito at ang sarap sa likod, at tsaka ko naalalang hindi ganto kama ko. Ng imulat ko ang mata ko ay nagulat ako sa paligid. May gantong lugar ba sa mansion sa Hacienda Bonifacio.Kung meron bakit ngayon kolang to nakita? Bumangon ako at nag-unat ng katawan. At tsaka umupo sa kama."Ina, Ama, Annie nasaan kayo?" inaantok na tawag ko sakanila.Pero bigo ako dahil ni isa kanila walang sumasagot. Nasaan kaya yung mga yun? Tumayo ako sa kama at pumunta sa isang pinto, at ng tingnan ko isa itong palikuran. Ayos tong kwartong to iba.Pupungay akong pumasok roon at naghilamos. Hanggang sa maalala ko sila Margareth at Lawrence nasaan kaya sila?Mukhang umuwi na pero imposible naman, diba nga ay patay na--hala oo nga pala wala na sila Tiyo. Bakit kasi kung sino pa kapwa Pilipino nila sila
Anna Luisa"Oy Aera, ayos kalang ba? Kanina ka pa tulala diyan?" sulpot ni Catriona sa harap ko. Kaya nagulat ako napatakip ng bibig ko."Hala siya, ano bang natira mo bes at nagkakaganyan ka?" natatawang sabi niya pa sakin.Di ko siya maintindihan. Ano ba ang mga sinasambit niya? Ganto ba talaga sa panahong to. Wala talaga ko maintindihan."Binibini, di ko alam ang iyong mga tinuran." seryosong sabi ko sakanya.Kaya natulala siya at tinaasan ako ng kilay."Grabe ka mantrip bes pinanindigan mo talaga eh no." umiiling na sabi niya."Ngunit di ko talaga maintindihan ang iyong mga tinuran, binibinig Catriona." nakangiting sabi ko sakanya kaya lalo siyang nagtaka at kumunot ang noo sa harap ko.Nandito na nga pala ako sa PUP na ang buong pangalan raw ay Polytec
Anna LuisaPagkatapos ng klase ay di ko na alam kung paano ako babalik sa tahanan na kinamulatan ko kaninang umaga.Kasalukuyan na kaming palabas ni Catriona ng paaralan kaya di na ko nagpaligoy-ligoy pa at nagtanong na ako sakanya."Binibining Catriona, maari bang ihatid mo ko sa aking tahanan?" tanong ko sakanya napalingon siya sakin at nagsalubong ang kilay."Hala bessy pati condo mo nakalimutan mo, napapaano ka ba?" nagtatakang sabi niya sakin."Condo?" takang sabi ko sakanya. Kaya napasapo nalang siya noo niya at napailing."Ay teh, iba na tama mo. Oh siya tara na ihahatid na kita para makauwi na rin ako." umiiling na sabi niya at tsaka hinila na ako paalis sa gate ng paaralan.Sumakay kami sa isang sasakyan na sinakyan rin namin kanina. Dyip raw ito sabi ni Catriona,
Anna LuisaPanibagong araw na naman para sakin ang makipagsalaparan sa panahon na ito. Ilang linggo na rin ang nakakalipas simula ng mapadpad ako rito. At wala pa rin akong nakukuhang kasagutan kung bakit ako naririto?Namimiss ko na sina Ina at Ama maging si Annie at mga kaibigan ko sa taong 1897.Nakakalungkot lang na wala akong magawa para bumalik sa aming taon. Ilang linggo na rin na naging matunog ang aking ngalan sa aming paaralan dahil nagtataka sila sa mga kinikilos ko na di ko naman daw ginagawa.At sa klase naman ay lagi akong nakakasagot sa klase at tuwing may pagsusulit ay halos walang mali sa aking mga sagot. Kaya lalong nagugulat ang mga kamag-aral namin lalo na si Catriona.Bumangon ako sa kama at pumunta sa sala upang maghanda ng aking kakainin. Hanggang sa may kumatok.Mukhang si Catriona na yan. Sinabi niya kasi na pupunta siya rito