MASIGABONG palakpakan ang namayani sa loob ng podium kung saan ginaganap ang taunang Hong Kong Fashion Show. Naghilera sa runway ang mga modelo suot ang mga disenyo ng summer outfit catalogue ni Jorge Sequia, isang sikat na designer mula pa sa Valencia, Spain. Mula sa backstage ay lumabas si Jorge at nagtungo sa harap at nagpasalamat sa mga manonood at spectators. Hindi naman magkamayaw ang mga press sa pagkuha ng litrato ng lalaki. Malamang na nasa entertaiment section ito ng lahat ng pahayagan at magazine kinabukasan.
Isa si Marco sa mga audience na nasa VIP seat ng naturang show. Katabi ng binata si Valentina Alfonso na dating modelo na ngayo'y may sarili nang boutique sa New York. Bukod sa babae ay sa pangalan na lang kilala ng binata ang ibang mga kasamahan sa hanay ng VIP. Pawang mga kilalang personalidad din sa fashion industry ang mga naroroon na gustong matunghayan ang show.
Bagamat tahimik ang binata na siyang representante ng FHM Management kung saan nagmula ang mga modelong kinuha para sa show ay di ito nakaligtas sa mata ng media maging sa ilang babaeng personalidad. Bihirang-bihirang lumabas sa mga ganoong pagkakataon ang isa sa mga may-ari ng modeling agency dahil bukod na si Vladimir Marinov ang humahawak sa external affairs ng ahensiya ay si Marco ang nagpapatakbo ng emperyong iniwan ng kanyang lolo. Maraming sakop industriya ang Fuentebella Enterprise - from hotels and restaurants to cargo shipping - at mag-isang hina-handle iyon ng binata bilang Presidente.
Ilang kislap pa ng camera sa kanyang kinaroroonan nang lumingon sa kanya ang katabing si Valentina. "Ikaw lang ang kilala kong modelo na ayaw sa camera, alam mo ba iyon? Sa tagal nating magkakilala it makes me wonder why?" Nakangiti nitong pukaw sa binata. Halos mag-isang linya na ang kilay ni Marco ng bumaling sa dalaga. "See that frown in your face? Buti na lang at business man ka na ngayon. Look at all the ladies here looking at you? Hindi pa rin talaga kumukupas ang karisma ng isang Marco Fuentebella." He heaved a deep sigh.
Bago pinasok ni Marco ang mundo ng business ay isa siyang ramp model. He was scouted by a known modeling agency dahil sa murang edad na disiotso ay maganda ang hubog ng kanyang pangangatawan bukod sa angking kakisigan. Nagsimula siya sa mga local brands ng damit maging underwear hanggang sa nakilala siya internationally at naging endorser ng mga kilalang brands. Naging matunog ang pangalan niya sa mundo ng fashion at di mabilang ang mga shows na nirampahan. Sa loob ng labing limang taon ay umikot ang mundo niya sa fashion at kahit pa sikat na ay di pa rin nasanay sa atensiyon na nakukuha sa madla. Ayaw niya ng atensiyon pero dahil malaki ang pera sa pagmomodelo ay nilunok niya ang pride.
"Stop blabbering, Tine. Wala dapat ako ngayon dito but Vladimir leaves me no choice. That friend of mine will have a lot of explaining to do." He said in controlled anger. Mas lalong nadagdagan ang inis niya sa mga panakaw na kuha sa kanya ng ilang press people at kahit hindi tumingin ay alam ng binata na maraming nakatitig sa kanya na mga kababaihan. Hinawakan ni Valentina ang isang kamay niya.
Pinisil ng dalaga ang kamay niya. "Relax, honey. Matatapos na ang show so get hold of yourself. Let's just say it's a rare opportunity to see the elusive Marco Fuentebella on the crowd, okay?" Anitong bahagya pang pinalo ang braso niya. "Oh come on, smile a bit. Nagiging kaugali mo na si Stefano. Please, huwag ka nang dumagdag pa." Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya, the familiar lopsided grin. Nagtaas ng isang kilay ang babae.
"You can do more than that, Marco. Ah, pwede na nga 'yan! Ang hirap mong pangitiin." Humarap na muli ang dalaga sa kinaroroonan ng main stage. Sinasabi na ni Jorge ang kanyang congratulatory speech at future projects na dapat abangan
Tapos na ang show at kinakausap na niya si Jorge para sa future project nito nang tumunog ang cellphone niya. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa ng suot na slacks at tiningnan ang caller. Nag-excuse siya sa lalaki at lumayo para sagutin ang tawag. That's when Valentina came in with a knotted forehead. Nakatingin ito sa papalayong binata.
Hinalikan niya sa pisngi si Jorge. "Congratulations, Darling! As expected your creations are on top par. Naiinggit ako..." Tumawa ang lalaki.
"You can't hide from me, dear. Sa uri pa lang ng titig mo kay Marco alam ko na kung kanino ka naiinggit. You're easy to read, Valentina, just like him." Anitong tumingin na rin sa direksyon ni Marco. Nakatalikod ito sa kanila pero ramdam niya ang pagiiba sa awra nito. "Maybe that Poleen again was calling him. Mukhang tinamaan nga talaga ng matindi ang kaibigan natin." Napaismid ang dalaga. Diskumpiyado sa sinabi nito.
"Alright nakita ko na ang sinasabi mo and I tell you hindi siya nababagay kay Marco. She's too... ordinary I guess." Humarap siya kay Jorge at umabrisete dito. Ngumiti siya sa kanyang nobyo ng limang taon. "Bakit ba siya ang pinaguusapan natin? Maigi pa dalhin mo ako sa isang French Restaurant. You treat me tutal sinamahan kita dito sa Hong Kong kahit pa may boutique ako na kailangan ihandle sa New York." Kahit na umangal pa si Jorge ay hinila na ito ng dalaga. Along the way ay nagpaunlak pa sila Ng picture sa ilang press people.
Bago tuluyang makaalis sa podium ay sinulyapan niyang muli si Marco. Kausap pa rin siguro nito ang Poleen na nabanggit ni Jorge. She'd seen the face. Maganda siya, alright, pero sapalagay ni Valentina ay ordinary ang babae para sa katulad ni Marco. Or maybe she was over-analyzing.
"See, you're jealous of her?" Untag sa kanya ni Jorge. Nailatag na sa table nila ang inorder na pagkain. Napanguso siya.
"I'm not, okay. And why would I kung nandito naman sa harap ko yung mahal ko. You're not making any sense." Sabi na lang niya ay binalingan ang pagkain. Hindi nito nakita ang pagiling ni Jorge bagamat natuwa sa mga sinabi ng nobya.
She should stop caring for that man, sa isip niya habang nakikipagkwentuhan sa nobyo.
TUMAYO si Marco at iniwan niya ang tulog na si Poleen sa kama. Kumuha siya ng roba at isinuot bago nagpunta sa minibar ng presidential suite ng hotel kung saan siya naka check in. Nagsalin siya ng brandy sa hawak na baso at nagtungo sa veranda. Mula doon ay kitang-kita ang ganda ng siyudad ng Hong Kong kapag gabi. Hindi siya dalawin ng antok kahit pa alas dos na ng madaling araw. Napabuga siya ng hangin saka sumimsim ng alak. Agad na dumaloy ang mapait na lasa ng brandy sa lalamunan niya, giving a different kind of sensation his body needs.
Tinawagan siya ni Poleen kanina, telling him that she's in Hong Kong with her group dahil may show ito sa isa sa mga ampitheater sa bansa. Gusto nitong makipagkita sa kanya dahil ayon na rin dito ay malabo nang maisingit iyon sa schedule nito sa mga susunod na araw. Hindi man niya aminin ay nanabik siyang makita ang babae at makasama kaya agad siyang pumayag sa suhestyon nito. Ilang buwan na silang di nagkikita ng kasintahan at alam ni Marco na baka matagal ulit bago niya ito makita.
Romanian ang babae, a struggling actor, and also do some modeling stints. Their paths crossed dahil na rin sa common friends at sa mga parties na nadadaluhan before. Hindi iilang beses na nagkasalubong ang landas nilang dalawa at naging malapit. One thing he knows was If may opportunity na dumadating ay kinukuha agad nito. He somehow sees his younger self to her, ambitious, and goal-driven. They were attracted to each other, that's evident, pero hindi malinaw kay Marco kung bakit kailangan pa siyang itago nito sa publiko.
Kahiya-hiya bang maugnay sa pangalan niya?
"What's bothering you?" He felt Poleen from behind, her soft body pinned against his as she hugged him. Afterward ay ipinatong ng dalaga ang baba sa kanyang balikat. "Care to tell me. Maybe I can help..." Sumimsim siya ulit ng alak sa baso pagkatapos ay Hinawakan ng malayang kamay ni Marco ang kamay ng dalaga.
"Pakasalan mo ako, Poleen. Be my wife and live with me in the Philippines." He stated while looking to the skies. Pinisil niya ang kamay nito, hiling sa isip na sana'y pumayag ang dalaga sa kanyang gusto.
Naroon siya sa punto ng kanyang buhay na nais na niyang lumagay sa tahimik. Wala nang amor sa kanya ang kabi-kabilang parties at mga babae na dati'y parang bisyo niya. Ang nakababata niyang kapatid na si Beatriz ay may sarili na ring buhay. Her sister was tying the knot with his husband, Rafael Avila, for the second time around. Hindi siya makapaniwala na ang dating mundo niya ay ngayon ay may sarili ng pamilya. Halos umikot ang mundo niya kay Beatriz at kung paano makakaraos sa kinasasadlakang hirap na nakalimutan niya ang sarili. At kahit pa nalaman niya na sa kanya ipinamana ang kumpanyang itinatag ng kanyang Lolo Gerardo Fuentebella bago ito namatay ay hindi siya tumigil magsumikap. He quit modeling and focus on how to make the Fuentebella Conglomerate the one it is today. All the hard work paid off. Narating na niya ang tugatog ng tagumpay at patuloy pa rin sa pagangat.
Yet he felt shallow inside. Siguro dahil nakikita niyang masaya na ang kanyang kapatid kay Rafael kahit sobrang tinarantado nito noong una ang kapatid. Sobrang blooming ngayon ni Beatriz at kahit itanggi niya ay alam niya ang dahilan. Nagmahal ito at kahit pa ang daming pasakit ang naranasan kay Rafael ay mas pinili nitong mahalin pa rin ang lalaki. Her eyes were like mirrors of emotions and whenever Rafael's around, it was beaming of happiness. Marco was not dense. Ramdam niya iyon and somehow he wanted that kind of feeling. Warm, satisfying, and unending feeling.
And Poleen was with him for two years. Pinakamatagal na sa lahat ng nakarelasiyon niya. But sa tuwina'y kapag inuungkat niya ang paksa ay umiiwas ang dalaga tulad na lang ngayon. Kumalas ito sa hawak niya at dinig niya ang buntong hininga nito.
"Napag-usapan na natin ito di ba? I thought I made myself clear," she sounded tired. "Hindi kita pwedeng pakasalan, Marco. Hindi pa sa ngayon. Hayaan mo muna akong matupad ang mga pangarap ko."
Inubos ni Marco ang natitirang laman ng baso. Napapagod na rin siya sa sitwasyon. "You can always do whatever you want even if you're married to me, Poleen. Hindi kita pipigilan. All I wanted was this...us...together." humarap siya dito at tumingin diretso sa mga mata nito. Mga asul na mga mata na ng mga oras na iyon ay may bakas ng lungkot. "Was that too much to ask?"
"No, it's not." Anitong hinawakan ang kanyang braso. Her eyes pleading. "I'd love to be your wife but I need you to wait for me a little longer. That's all I'm asking, Marco. Kailangan ko lang itong gawin mag-isa. I-I promise we'll get married, okay. Please wait for me." Niyakap siya nitong muli, this time her body was shaking. Poleen was silently crying.
Marco sighed in resignation. Kinintilan niya ng halik ang tuktok ng ulo ng dalaga. Kapag ganoon na ang sitwasyon at umiiyak na si Poleen ay titigil na siya. "Stop crying, okay. I'll wait then even if it takes forever just stop crying." Alo niya dito, hinaplos niya ang ulo nito like consoling a child.
Tumingala ito, her eyes misty. "Are you sure? Iintayin mo ako?" Tumango siya. Ngumiti ito bago suminghot. "Ah, I hate you when you make me cry but I love you nonetheless."
Hinalikan niya muli ito sa ulo. Napapikit ang dalaga. "Likewise, Poleen. Anyway before I forgot Beatriz will celebrate her birthday the day after tomorrow. Hindi pa kita napapakilala sa kapatid ko and I'd like to grab the opportunity." Aniya, his eyes caught hers. "Masquerade ang theme ng party. Wear your best dress for that night."
"S-Sure, I'll be there." Ngumiti siya saka ginagap ang kamay nito. Hinila niya ang dalaga pabalik sa kwarto pero tumigil ito halfway. He looked back with a knotted forehead. Tila nahihiya pa ang dalaga nang umangat ang tingin nito sa kanya. "Ahm, Marco...I love you."
"Likewise, Poleen. Now let's get some sleep before I drop you to your hotel." Tumango ito at nagpahila sa kanya. Hindi nakita ni Marco ang dumaang lungkot sa mga mata ng dalaga. It was not the answer she'd been dying to hear.
NAGISING si Poleen bandang alas kwatro nang madaling araw. She yawned then look at Marco who's sleeping peacefully beside her. Hindi niya napigilang di haplusin ang pisngi nito. She grazed her fingertips on his week-old stubbles perhaps. Mas lalo nakadagdag sa karakter nito iyon maging ang ilang guhit sa mukha. The more she stared at him, the more she realizes that Marco was like the vintage wine. The added years have been good to him. Hanggang ngayon, di pa rin makapaniwala ang dalaga na nasa harap pa rin niya si Marco.
Huling pagkikita nila ay noong nasa New York ang binata at nagkataong may show sila sa Broadway and that was 5 months ago. Na-miss niya ang binata kaya ng malaman niya sa isang kaibigan na nasa Hong Kong ang huli ay labis siyang natuwa. Kaya nga nagawa niya itong kontakin at hayun sila at magkasama sa hotel room nito.
Mahal niya ang binata. Walang duda roon kaya nga nagpupumilit ang dalaga na makilala siya sa mundo ng teatro ay para pumantay man lang ang estado nilang dalawa. Marco was a self-made billionaire kahit pa pinamanahan ito ng yumaong lolo nito ng kumpanya. He had successfully pass through the test of time and already experiencing the fruit of his hard work. Alam niyang deserve ng binata iyon at deserve din nito ng nobya na maipagmamalaki and she wanted to be that one. Tulad ng sinabi niya kanina, she wanted to be his wife but she must first achieve her dreams. All she wanted was for Marco to be proud of her.
"Can't sleep?" Natigil siya sa pagaanalisa ng mukha nito ng marinig ang antok nitong boses. His half open brown eyes met hers. "Do you want anything?" Ngumiti siya.
"I love you." She felt his hugged tighten. A soft kiss was planted on her forehead.
"Likewise, Poleen. Now, sleep." Mas lalo siyang sumiksik sa katawan nito. Muling nakatulog ang binata at naiiwan siyang nagkukutkot and damdamin. His reply was same as before. Likewise. Never 'I love you'.
She bit her lower lip and stared at the sleeping Marco once more. She's on the verge of crying while uttering this. "Can I hear you say 'I-I love you' even once?"
BAHAGYANG yumuko si Arman habang maiging pinagaaralan ang gagawing pagtira sa bola. The hole was probably a meter or two away and he has all the intentions to shoot the ball to that by all means. He made a few little swings before launching that swift attack that made the ball roll in such speed. Arman straightens his spine as he watched the ball target it's destination. He's most certain that it will fall right to it. Playing golf was something the Salvosa business tycoon mastered thru the years. A way to kill time and to think. At hindi siya binigo ng sariling kakayanan kahit kailan. Hindi pa naglilipat ang segundo ay narating na ng bola ang destinasyon. It slid smoothly at the hole just like anything else in his world. All was perfectly executed and accor
ANG five star hotel kung saan ginaganap ang kaarawan ni Beatriz ay dinagsa ng mga pili at kilalang tao sa lipunan. Masquerade ang tema ng party. Kasalukuyang tumutugtog ang isang waltz at ilang magkapareha na ang sumasayaw sa gitna. Ang may kaarawan ay busy sa pag-entertain ng mga bisita kasama ng dalawang taong gulang na anak pati ng asawang si Rafaele. Halata sa suot nitong customize emerald empire gown ang may kalakihan nitong tiyan. Nagkakasayahan ang lahat. Naka-pwesto si Marco sa isa sa mga high round table sa likuran ng hall. Makisig at simpatiko ito sa suot na midnight blue na tuxedo. Nagmamasid. Kumuha ito ng isang kopita ng alak sa dumaang waiter. May mga ilang kababaihan na nagpapakita ng interes pero hindi nito pinansin. Tila mala
"GUSTO ko 'yang gown mo," nagtaas-baba ang kilay ni Beatriz sa suot ni Cielo. Sumimsim ito ng fresh orange juice sa hawak na baso. "Damn, Girl! You're sexy! Red definitely suits you. Mabuti at sinunod mo ang gusto ko." Ramdam ng dalaga ang pagiinit ng mukha bago sumimsim ng red wine para itago ang hiya. Kakatapos lang siyang ipakilala ng kaibigan sa lahat ata ng mga bisita at ngayo'y namamahinga. An old but romantic song filled the air this time. Ilang couples ang pumunta sa gitna para sumayaw."T-Thanks to you. This is the le
IT'S been three days since the birthday party of Beatriz pero hindi pa rin mapalagay ang loob ni Cielo. She's at the gazebo of their garden with her sketchpad and pencil by her side that sunny morning. Still in her jammies and doodling. Not in the mood to paint. Beatriz called earlier, ginisa siya dahil bigla siyang nawala sa party nito. Humingi na lang siya ng tawad. She can't possibly elaborate every details that happened that night. Maaring matuwa ang kaibigan pero ang maugnay sa pangalan ng kapatid nito ay isa pang bagay.
BUMABA si Cielo ng taxi nang marating ang isang kilalang Italian restaurant. She wears a cream ruffled sleeve sheath dress that reaches just above her knees and a pair of white kitten heels to match with. Uniformed female personnel asked is she has reservations. She politely informed that she's with Stefano Hernandez. Recognizing the name, she was ushered to the farthest table that's partly not crowded. Wala pa sa kalagitnaan ay nakita na niya si Stefano. He's quite a looker in his casual white shirt and dark pants. Nakasuot pa ito ng shades which is quite off to the ambiance of the restaurant. Nakatingin ang binata sa labas at tila malalim ang iniisip. Ang table na pinili nito ay malapit sa floor to ceiling glass window at tanaw sa labas ang
There was a primal look in Marco's eyes the way he raked her body. The look of a man who's ready to kill. To kill her, literally, devour her with overwhelming lust and desire combined. That made her stomach flutter with excitement. Cielo watched his every distinct move. He knew exactly how he wanted this to play out. And how hypocrite she was to deny this man for so long. Oo, tama ito. Mas lalo mong tinitikis ay mas lalong lumalakas ang tawag ng atraksiyon nila para sa isa't isa. How does he reduced her to become slave to his touch, to his kisses, to everything about him without her knowing?
"COFFEE for your thought..." Isang tasa ng black coffee ang nakapatong ngayon sa kanyang harapan. No sugar and creamer. Pure black the way he liked it. Marco looked up to see Vladimir's carefree face. Inayos muna nito ang lapel ng suot na blazer bago naupo sa katabi niyang director's chair. "Masyadong malalim ata ang iniisip mo. Very unusual.""I thought so," pagsang-ayon niya. "By the way, where's Stefano? He should be here."
“WHERE is Stefano?” Cielo inquired hurriedly to the bouncer while catching her breath from running. Minadali niya ang pagbiyahe mula sa mansiyon papunta sa club ng makatanggap ng tawag mula sa numero ni Stefano. She heard the loud music from the background pero dinig niya nang sabihin nitong he needed help. He’s at this famous bar at hindi na makakapag-drive dahil sa kalasingan. “I am his fiancé.” Mabuti at kilala nito ang binata at ito na mismo ang sumama sa kanya sa loob. Buhay na buhay pa rin ang loob ng club kahit na ala-una na ng madaling araw. Lights are blinding the moment she stepped in at dinala siya ng bouncer