Share

3. Aroma of gardenias and woman's musk

Hindi lubos na kilala ni Cielo si Stefano Ezekiel Hernandez, ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. Mas matanda ito sa kanya ng walong taon sa gulang na tatlumpo't lima, mayaman at tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng mga Hernandez. Sa kasalukuyan ay ang lalaki ang tumatayong COO ng Hernandez Group of Hotels sa bansa na nagpaplanong pasukin din ang worldwide market.

Guwapo. Matangkad. Matalino. Eksperyensiyado sa buhay. Lahat ng iyon ay nasa binata na. At di minsang nakaramdam siya ng panliliit dahil dito. Napakalaki nitong tao, physically and figuratively speaking. At ano lamang ba siya kumpara dito. Isa lamang siyang struggling artist na nagkataong apo ng isa sa itinuturing na mayamang tao sa bansa.

Tila ba napakalayo ng agwat nila. Langit at lupa na pinagtagpo ng isang sitwasyong hindi umayon sa kanilang dalawa.

Ipinagkasundo silang dalawa ng matatanda para selyuhan ang matagal ng usapan. Walang problema kay Cielo iyon. Kung sa ikasasaya ng kanyang abuelo ay gagawin niya ang lahat. Pero duda siya sa binata sa totoo nitong nararamdaman bagama't hindi nagpahayag ng pagtanggi. At doon din mismo, sa harap ng matatanda, ay inilagay ni Stefano ang engagement ring sa kanyang daliri.

Isa iyong emerald ring na kapag tinamaan ng ilaw ang berdeng bato ay kumikinang ng marikit. Maganda iyon ngunit sapalagay ni Cielo ay hindi iyon nararapat sa kanyang mga daliri. Halata namang wala siyang puwang sa lalaki. Kalkulado lahat ng kilos at salita nito na para bang lahat ay isang business deal. At sa tingin ng dalaga'y may iba ng nagmamay-ari sa puso nito kaya't hindi na magawang ibaling pa ang tingin sa iba. O di kaya'y nagdesisyon huwag ng umibig muli dahil sa nakaraang sumira sa puso at tiwala nito.

Dahil kahit ano'ng pilit nitong itago sa blankong mga mata ang sarili ay kusang ipinagkakanulo ito ng mga iyon. Hula niya'y nagmahal ito ng wagas at tapat ngunit sa huli'y nasaktan ng labis. Ngayo'y tinuruan nito ang puso at sarili na maging matigas na tulad ng batong pader. Binakuran ang sarili upang huwag masaktang muli.

Pero sino ba siya para manghusga? He's not the only one who have skeletons in their closets.

"Ano sapalagay mo?" Lumabas si Cielo ng fitting room suot ang isang kahel na gown. Tama lamang ang tabas niyon at hindi revealing. And she liked the color very much. Umikot siya sa harap ng lalaki, ipinakita ang kabuuan ng gown na kanyang suot. "Bagay naman 'di ba?"

"Lahat ng gown ay babagay sa'yo, Cielo," ni hindi man lamang siya nito tinapunan ng tingin. Prente itong nakaupo sa isang mahabang couch habang nagbabasa ng isang business magazine. He's on his staple business attire, a cream coloured ensemble. "You are beautiful even without trying. Tiyak naman na maganda ka kahit ano pa ang suot mo."

"Well, I don't want to be conceited," aniya at nakaramdam ng inis sa lalaki. Tumalikod siya at pumasok muli sa fitting room. At doo'y tinanggal niya ang suot na gown at ibinalik ang dalang damit na puting tshirt at jeans. "Kaya nga kita isinama dito para hingin ang opinyon mo. Then ito lang ang---"

Wala na pala ang lalaki at may kausap na sa cellphone sa may di-kalayuan. Napahiya siya doon, lalo na ng makita niya ang itsura ng staff na nakatingin sa kanya na may halong simpatya. Naipikit niya ang mga mata bago huminga ng malalim, kinakalma ang sarili. Pagkatapos ay ngumiti siya sa babae at kinuha lahat ng gown.

Bakit nga ba niya naisip na si Stefano ang isama? Ah, there's no one available but him. Si Beatriz na siyang matalik niyang kaibigan ay may batang Makis na iniintidi bukod pa sa ito'y buntis sa pangalawang anak. Then his name popped on her mind and told herself why not. At laking tuwa niya ng sabihin nito over the phone that he's available and on his way to the boutique.

Hindi niya tuloy alam kung matutuwa siya sa ganitong setup. He's way too honest, had set the expectations beforehand. Na kahit kasal na sila ay hindi ibig sabihin na magiiba ang nakasanayan nilang pareho. Walang pakialamanan. At pinatunayan nitong she'll never be his topmost priority.

If that's the case, the for compensation for lack of affection and everything in between, she'll spend his money wisely. And she mean it kahit na nga ba may sarili siyang pera.

"I'll take everything," aniya at iminuwestra ang kinaroroonan ni Stef. "And bill it to him. Siya ang magbabayad ng lahat ng iyan." Kung susumahin ay nasa treinta mil lahat ng gowns. Ano lang ba ang treinta mil sa isang bilyonaryo tulad nito? Barya lamang iyon kay Stef.

Tumango ang sales lady. "Okay po, Miss."

Habang hinihintay ang kanyang pinamili ay muling nag-ikot si Cielo. Isa siya sa panatiko ng mga creations ni Valentina Alfonso, isang dating model na ngayo'y fashion designer na may sariling boutique sa New York.. Mabuti at naisipan nitong magtayon ng branch dito sa Pilipinas. No matter how rich her grandfather was, the shipping charge for her dresses from New York to their doorstep cost her a fortune.

Isang pulang gown ang nakatawag ng kanyang pansin. Kinuha niya iyon mula sa rack at itinapat sa katawan. Saktong-sakto iyon sa kanya, tila hinulma sa kanyang pigura hindi pa man naisusuot. The red color was as strong as the impression the gown made. Sexy and confident.

She always had the impression that she had to wear nude or light colors. Hindi siya kaputian at hindi rin naman morena talaga. She's in between the two. And as far as she's concerned, her taste of colors had been acceptable to the public's scrutinizing eyes.

But some did tell that she dressed like an old maid. Boring. Dull. Buwelta niya naman in a polite manner was it's refreshing and more natural than most of the people that tried to stand among the crowd. Kumbaga hindi pilit.

"Coming..." Narinig niya ang tinig ni Stef mula sa di-kalayuan. Mukhang tapos na nito bayaran ang mga bagay-bagay sa counter. Siya na ang bahala sa isang iyon. She had this premonition na ang hawak na gown ang magandang isuot sa mismong kaarawan ni Beatriz.

Tumalikod siya para puntahan ang lalaki nang di-sinasadyang mabunggo siya sa isang matigas na bulto. Nawalan siya ng balanse, bahagyang naging mabuway ang kanyang pagkakatindig. Ngunit sa halip na malugmok sa sahig ay pumaloob siya sa bisig ng isang lalaki.

Agad na nanuot sa kanyang ilong ang lalaking-lalaki nitong amoy. Natural at mapang-akit. Nakakahalina. At hindi lamang iyon ang sanhi ng panghihina ng kanyang mga tuhod. He's larger than life itself! At ang mapaloob sa matigas nitong mga bisig at matikas na katawan ay tila apoy na lumukob sa kanya mula ulo hanggang paa.

This was outrageous! Nasabi niya sa sarili. Handa na siyang humiwalay dito nang mapagsino niya ang estrangherong hombre na iyon.

Tall, enigmatic, and captivating. That's how she can describe the man who made her breathless at the moment. Kahit na nga ba magkasalubong ang kilay nito ay di nabawasan ang kagwapuhan bagkus ay dumagdag pa. He's simply beautiful you can't take your eyes off him. She wanted to sketch him. There's a terrible itch to draw his features in charcoal.

Tila isa itong modelong hinango sa magazine. His hair was clean cut and in the color of raven black. Kulay tsokolate ang mga mata na kung makatitig ay nakapagpapalambot ng tuhod. His nose was crooked na lalong nagbigay ng karakter sa lalaki. And his jaw were define...

At ang mga labi. They were slim and sexy. Tila hatid ng mga labing iyon ang ikapitong langit.

Then she remembered something!

At di niya napigilan ang lumabas sa mga labi. "I see you back in Tennessee..." Nagsalubong ang dalawa nitong makapal na kilay sa mga binitawan niyang salita.

Confused, he asked. "Do I know you?"

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang muling marinig ang boses ni Stef. Agad na humiwalay siya sa lalaki at humingi paumanhin. Madaling tinalunton ni Cielo ang kinaroroonan ng nobyo at ni hindi na lumingon sa estranghero.

Kung ginawa niya iyon ay makikita niyang hinatid siya nito ng tingin. Interesado? Siguro. Bakit nito sinabi? Who wouldn't be enticed with the unique aroma of gardenias and woman's musk? Sobrang natural. A breath of fresh air. At bukod doo'y nang matitigan ng husay ay napakaganda nito. Ito ang klase ng kagandahan na hindi mo pagsasawaan tingnan sa araw-araw.

"Ito na po, sir," iniabot dito ng isang staff ang isang box. Gown iyon ng pinasadya ng kapatid para sa kaarawan niyo sa makalwa.

"Salamat," and he pay for the gown via credit card. At bago umalis ay lumingon ito muli sa daang tinahak ng babae. Obviously, she's not there anymore.

But her scent and her bare face burned inside his mind. At hindi ganoong kadaling kalimutan ang mga bagay na iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status