Share

Kabanata 5

KABANATA 4

“NAPAKASAMA mo talaga, Elyne. Hindi ko alam na magagawa mo ‘yon sa kapatid mo,” hindi makapaniwalang wika ni Chariol na sinabayan pa ng tawa. 

“Tama lang ‘yon sa kan’ya,” sabi ko habang pinaglalaruan ang kalalagay pa lang na piercing sa mga labi ko. “Isa pa, hindi kami magkapatid. Wala akong kapatid na tanga at uto-uto.” Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi nang muling maalala ang nangyari kagabi. 

“Elyne, ito na ‘yong susi. Bilisan mo lang dahil baka magising si Papa,” halos pabulong na sabi ni Miana. 

Nakahalukipkip ako habang nakatitig sa kan’ya. Nakakabilib din ang isang ito. Kinuha talaga ang susi ng gate ng bahay. Hindi ko alam kung paano niya nagawa iyon gayong mahigpit itong itinatago ni Papa. Pero dahil nga magaling siya, ayokong palampasin ang masayang gabi na ito. 

“Sandali lang. Naiwan ko pala ‘yong selpon ko sa itaas,” sabi ko. “Pero buksan mo na ‘yong gate para makalabas ako kaagad.” Tumalikod na ako at muling bumalik sa kuwarto. Mabilis kong binura ang mga kolorete na nakalagay sa aking mukha at isinuot ulit ang pantulog kong damit. “Humanda ka sa ‘kin, Miana.” Isang nakakalokong ngisi ang kumawala sa mga labi ko. 

Kinuha ko ang basong nakapatong sa lamesita at lumabas ng kuwarto. Nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa akin. Itinaas ko ang baso at walang alinlangang ibinato sa ibaba ng pinto ng kuwarto nina Papa. Umalingawngaw ang ingay ng pagkabasag niyon sa sahig at nagkalat doon ang mga bubog. Napangisi ako nang bumukas ang pinto. Tama ako. Sa lakas ng ingay na nilikha ng basong iyon, magigising sila.

“Ano’ng nangyayari rito? Bakit may basag na baso?” pagalit na tanong ni Papa na halatang naistorbo sa kasarapan ng tulog. Nasa likuran niya si Mama.

Humikab ako at pinapungay ang mga mata. Nagpanggap ako na inaantok pa. “Halata ba? E, ‘di nabitiwan ko.” 

“Tigil-tigilan mo ako sa pamimilosopo mong bata ka!” Mas tumaas ang boses ni Papa. “Bakit gising ka pa? Tatakas ka na naman, ano?”

“Tatakas? Saan ako pupunta?” maang-maangan ko pa at napailing. “Naalimpungatan ako nang marinig ko na parang may nagbubukas ng gate. Baka inaakyat bahay na tayo.”

Nanlaki ang mga mata ni Papa. “Ano?” Hindi na ako hinintay makasagot at dali-daling bumaba ng hagdan. Sumunod lang kami ni Mama. 

Napahinto si Papa. Rumehistro sa mukha niya ang matinding pagkagulat nang makitang binubuksan ni Miana ang gate. 

“Miana!” Nag-igting ang panga niya. 

Napalingon si Miana at nanlaki ang mga mata. Namuti ang mukha niya sa sobrang takot. Mas lalo akong napangisi. Nasasabik akong makita na pagalitan siya ng magaling niyang ama. Mukhang magandang panoorin ang eksena na ito. 

“P-papa, m-magpapaliwanag po ako,” nauutal na sabi ni Miana at napatingin sa akin na tila humihingi ng tulong. Tumingin ako sa ibang direksyon habang nakangisi. 

Tulong? Manigas ka riyan!

“Magpapaliwanag?” bulyaw ni Papa. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Dis-oras na ng gabi! Saan ka pupunta, ha? Marunong ka na ring tumakas, bata ka!” 

Pumagitna si Mama at sinenyasan si Papa. Niyakap niya nang mahigpit si Miana at pilit na pinapatahan dahil hindi matigil sa paghikbi ang kawawang bata. 

Buti nga sa ‘yo!

“Lumayas ka riyan, Erlinda! Huwag mong kampihan ‘yang anak mo!” sigaw ni Papa kay Mama. 

Mas lalong umiyak si Miana at nakita ko ang panginginig ng katawan niya. Biglang siyang napatingin sa akin habang umaagos ang luha sa mga mata. Humalukipkip ako at ngumisi para asarin siya. Matagal ko na kasing sinasabi na ayoko sa kan’ya. Ayokong maging kapatid siya. Ayokong dumidikit siya sa akin. Iyan tuloy ang napala niya.

“Simula ngayon, hindi ka na lalabas ng bahay! Hindi ka na rin puwedeng humawak ng computer o ano mang gadgets! Pagkatapos ng klase mo, uuwi ka kaagad at wala kang ibang gagawin kundi mag-aral!” pinal na sabi ni Papa, saka kami tinalikuran. 

“Papa!” Mas lalong bumuhos ang luha ni Miana. 

Napatingin sa akin si Mama. May isinenyas siyang hindi ko maintindihan. Inirapan ko lang siya. Inilingan niya ako bago naglakad papasok ng bahay kasama si Miana na seryosong nakatingin sa akin. 

NARAMDAMAN kong nag-vibrate ang selpon ko sa bulsa ng suot kong palda. Tiningnan ko kung sino ang nagpadala ng mensahe. Si Randolf. 

Pupunta ka ba rito o ako ang pupunta sa room ninyo? Mamili ka. 

“Pota naman!” bulalas ko na ikinagulat ni Chariol na nasa tabi ko.

“Anyare?” tanong niya at hinithit ang hawak na black bat. Walang guro kaya malaya naming ginagawa ang mga gusto naming gawin.

Huminga ako nang malalim at napailing. “Nagtatampo si Randolf, e. Hindi lang ako nakasipot kagabi.” 

Nagtatampo siya dahil pinaghintay ko raw siya sa wala. Nakalimutan kong sabihin kay Randolf ang mga nangyari kaya hindi ko nagawang tumakas. Isa pa, wala rin akong ganang maghanap ng panibagong bar na magpapasok ng menor de edad na kagaya namin. 

Pagkatapos pa niyon, sa bahay nina Randolf ako matutulog. Ganoon lagi ang ginagawa namin at alam ko na ang gusto niyang mangyari. Kung anu-anong kabastusan ang ituturo sa akin. Medyo bastos si Randolf at may kalikutang taglay ang mga kamay. Hindi nahihiya kahit nasa pampublikong lugar kami. Basta ginusto niya, kailangang sundin. Pero kahit na ganoon, mahal na mahal ko siya at ayokong mawala siya sa akin. Kaya naman madalas ay napagbibigyan ko. 

“Kaya naman pala. E, ‘di pagbigyan mo na,” nakangising sabi ni Chariol. Binugahan pa ako ng usok sa mukha. 

Pesteng babae na ‘to. Amoy tsokolate ang  hininga.

Umiling ako. “Ano pa nga ba?” 

“Tangina. Umaatikabong bakbakan na naman ‘yan!” Napahagalpak sa pagtawa si Chariol na animo ay wala nang bukas. “Kung kailangan ninyo ng taga-video, nandito lang ako. Libre lang serbisyo ko.”

“Ulol!” 

Ibinato ko sa kan’ya ang notebook na hawak ko. Natawa na lang ako nang tumama iyon sa mukha ni Chariol. Isang malutong na mura ang kumawala mula sa bibig niya. Nagmadali akong lumabas para dumiretso sa lumang Faculty Room. Sinabi kanina ni Randolf sa akin kung saan kami magkikita. 

Nang makarating ako, nakita ko si Randolf na nakasandal sa may pader ng lumang gusali nang mag-isa. Para bang may hinihintay talaga. Isang malawak na ngisi ang kumurba sa mga labi niya nang makita ako. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status