KABANATA 6
“BAKIT mo ako pinapunta rito?” tanong ko. Iginala ko ang paningin ko sa buong lugar. Abandonado na ang lumang Faculty Room na nasa kasuluk-sulukan ng eskuwelahan. Hindi ko tuloy alam kung bakit dito ang napili niyang lokasyon.
Nagulat ako nang biglang inilapit ni Randolf ang ulo niya sa mukha ko. “Mahal naman. Alam mo na ang sagot nagtatanong ka pa.” Kinilabutan ako nang dumampi sa balat ko ang hininga niya. Mas lalo akong nagulat nang bigla niya akong hinila papasok sa silid at isinaradong mabuti ang pinto.
Isang malutong na mura ang namutawi sa isip ko, lalo na nang umupo siya sa isang upuan at sinenyasan akong lumapit. Nakakailang hakbang pa lang ako nang bigla akong hinila at paharap na iniupo sa kandungan niya.
“Alam mo ba na kagabi pa ako nasasabik sa ‘yo?” bulong ni Randolf suot ang isang malademonyong ngisi. Niyakap niya ako nang mahigpit. Napapikit at napalunok ako nang maramdaman ang isang matigas na bagay sa may zipper ng suot niyang itim na slacks.
Nang idilat ko ang mga mata ko, nakita ko ang matinding pananabik sa mga mata ni Randolf. Para akong nakuryente nang hinaplos niya ang batok ko. Marahan niyang itinulak ang ulo ko palapit sa kan’ya at mariin akong siniil ng nag-aalab na halik. Nanlambot ang buo kong katawan. Mapusok ang mga halik na pinakakawalan niya. Kung saan-saan napupunta ang halik hanggang sa likod ng tainga ko.
“Baka may makakita sa ‘tin,” pikit-matang wika ko pero hindi niya ako pinakinggan. Bumaba ang mga labi niya at pinaulanan ng mainit na halik ang sensitibong parte ng leeg ko.
“Randolf...”
Mas lalo akong napapikit nang paulit-ulit niyang gawin iyon. Pakiramdam ko ay may mga paru-parong kumikiliti sa buong sistema ko. Ilang saglit pa, marahas na ihinawi ni Randolf ang suot kong palda at isinunod niyang ibaba ang zipper ng suot niya. Halos dumugo ang labi ko sa pagkakakagat upang pigilang sumigaw.
“Tangina, Elyne!” pikit-matang sabi ni Randolf.
“Mahal na mahal kita, Randolf,” halos paungol na wika ko. Naramdaman kong ipinasok ni Randolf ang pagkalalaki niya at mas lalo kong hinigpitan ang pagkapit sa batok niya sa sobrang sakit. Bumaon na yata ang mga kuko ko sa balat niya.
Sa mahigit isang taon naming pagsasama, ilang beses nang may nangyari sa amin at hindi ako nagsisisi. Gano’n ko kamahal si Randolf. Siya na lang ang mayroon ako. Siya na lang ang napapasaya sa akin. Siya na lang ang nagmamahal sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung pati siya ay mawawala.
BUMABA ako sa motor ni Randolf. Hinubad ko rin ang helmet na suot ko at iniabot sa kan’ya.
“Mahal, bukas ulit?” Napailing ako nang kagatin niya ang ibabang labi niya. Gumuhit pa roon ang isang pilyong ngiti. “Binitin mo ako kanina.”
“Gago! Umuwi ka na nga,” natatawang sabi ko. Natawa rin si Randolf. Muli siyang nagsuot ng helmet at tuluyan nang umalis.
Pasado alas-tres na ng madaling araw pero heto ako, kakauwi pa lang. Nagkayayaan kasi kami ni Randolf na uminom ng alak kasama ang mga kaibigan niya. Hindi naman puwedeng hindi ako sumama. Paniguradong magtatampo siya. Mabuti na lang at natakasan ko kanina ang huklubang drayber ni Papa na si Mang Beni.
Dahan-dahan kong binuksan ang malaking gate gamit ang duplicate na itinatago ko. Akala ko, katahimikan ang sasalubong sa akin, ngunit sa pintuan pa lang ay nabungaran ko na agad sina Papa at Mama. Nakapanliit ang mga mata ni Papa at nagtatagis ang panga.
“O, ba’t gising pa kayong dalawa? Kailan pa kayo nagkaro’n ng insomnia—” Isang malakas na sampal ang pumigil sa akin sa pagsasalita. Sa sobrang lakas, tumalsik ang mukha ko at halos mabingi ang isang tainga.
“Bakit ngayon ka lang umuwi?” bulyaw ni Papa.
Masakit pero pinilit kong ngumisi at tumingin nang diretso sa mga mata niya. “Kung iisa-isahin ko ang dahilan, bukas pa ‘ko matatapos,” pabalang na sagot ko.
“Talaga bang inuubos mo ang pasensya ko?”
“Kung sesermunan mo na naman ako nang pagkahaba-haba, puwede bang bukas na lang? Inaantok na ‘ko.”
Ikinuyom ni Papa ang kanang kamao niya, ngunit hindi nagtagal, isang brown envelope ang kinuha niya sa bulsa at inihagis ang laman niyon sa mukha ko.
“Napakabastos mo talagang bata ka!”
Dinampot ko ang ilang litratong nagkalat sa semento. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makitang ako ang nasa litrato. Kasama si Randolf. May nakapanood sa ginawa naming kababalaghan sa lumang gusali.
“Saan n’yo nakuha ‘to?”
“Pinasundan ka namin!” gigil na sabi ni Papa.
“Pati sa eskuwelahan? Grabe!” sarkastikong sabi ko. “Gan’yan n’yo pala ako kamahal, ano?”
“Wala ka talagang hiya! Sa eskuwelahan mo pa naisip gawin ang kababuyan na ‘yan!”
Walang ibang ginawa si Mama kundi umiyak, sumenyas, at awatin ang magaling niyang asawa na animo ay walang balak na tumigil.
“Paano kung mabuntis ka ng hayop na lalaking ‘yon, ha? Pananagutan ka ba niya?”
Hindi ako umimik. Kung sakaling mangyari man iyon, pananagutan naman siguro ako ni Randolf. Siguro.
“Ano’ng gusto mo? Magaya rin sa Mama mo? Mabuntis nang maaga?”
Napataas ang isang kilay ko. “Magaya? Huwag mo akong itulad sa kan’ya dahil hindi ako magpapabuntis sa isang lalaki at lilipat na naman sa isang lalaki para magbuntis ulit—” Isa na namang malutong na sampal ang nagpatahimik sa akin. Halos hindi ko na nga maramdaman ang sakit. Siguro, manhid na ang katawan ko. Manhid na manhid na ako.
“Kung sabihin ko kaya sa ‘yo kung ano ang totoo? Masasabi mo pa kaya ‘yan?”
“E, ‘di sabihin mo,” hamon ko.
Pareho kaming nagulat nang biglang lumuhod si Mama at niyakap ang isang binti ni Papa. Walang hinto ang pagpatak ng luha niya mula sa mga mata.
“Tumayo ka riyan, Erlinda! Hinahamon ako nitong sutil mong anak!” bulyaw ni Papa kay Mama na ipinagdaop pa ang kamay upang magmakaawa.
Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Ano ba ang sasabihin ni Papa? Bakit halos magmakaawa pa si Mama para pigilan siya? At bakit ganito katindi ang kabang nararamdaman ko?
Muli akong binalingan ni Papa suot ang masamang tingin. “Manang-mana ka talaga sa bastardo mong ama!”
“Bastardo? Tingnan mo nga naman kung sino ang nagsasalita. Mas malala ka pa nga, e!”
Nanlaki ang mga mata ni Papa at inambaan ulit ako ng isang sampal, ngunit mas mabilis pa sa alas-kuwatro na pinigilan ni Mama ang kamay niya.
“Lumayas ka sa pamamahay na ‘to!” sigaw ni Papa habang namumula ang buong mukha.
“Talagang lalayas ako!” sagot ko. Dali-daling akong pumanta sa kuwarto at kumuha ng isang malaking backpack. Pagalit na inilagay ko ang mga damit at mahahalagang bagay roon. Hindi ko napansin na nakasunod na pala sa akin si Mama at lahat ng damit na inilalagay ko sa bag ay ibinabalik ulit sa aparador.
“Tumigil ka nga!” singhal ko.
Nag-angat ng tingin si Mama nang magkadaop ang mga kamay. Hindi pa rin siya humihinto sa pag-iyak. Hindi ko siya matingnan sa mga mata dahil parang tinutusok ng milyun-milyong karayom ang puso ko. Bakit ba sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak, sumasakit ang dibdib ko? Hindi ba’t wala akong pakialam sa kan’ya?
Mas binilisan ko pa ang pag-eempake pero sa pagkakataong ito ay nangingilid na ang luha sa mga mata ko. “Wala siyang kuwentang ama. Hindi ko alam kung bakit pinagtatyagaan mo ang gan’yang klaseng lalaki!” Hindi ko na napigilang bumagsak ang mga luha at unti-unti niyon binasa ang puting sapin sa kama. “Sabagay, pareho naman kayong walang kuwentang magulang. Bagay lang talaga na magsama kayo.”
Hinawakan ni Mama ang isang kamay ko at pinisil-pisil iyon na parang minamasahe. Kakaibang ginhawa ang naramdaman ko nang mga sandaling iyon. Para bang pinapalis niya ang lahat ng hinanakit ko sa puso. Pero hindi puwede. Kaagad kong binawi iyon at tiningnan siya nang seryoso. “Alam mo? Sana pinatay mo na lang ako noong bata pa ako. E, ‘di sana hindi ko naranasan ang bangungot na buhay na ito.”
Gamit ang likod ng kamay, pinalis ko ang luha ko at tuluyang lumabas ng bahay. Hindi pa man ako nakakalayo, muling bumagsak ang maiinit na likido mula sa aking mata. Gusto kong lumayo sa kanila. Gusto kong tumakas. Gusto kong magtago. Gusto ko na lang maglaho. Pero bakit parang binibiyak ang puso ko?
Bakit nasasaktan ako? Bakit?
Tumakbo ako palayo. Sana sa pagtakbo kong iyon, unti-unti ko silang makalimutan. Manhid na ang puso ko. Suko na ang katawan ko. Pagod na ang isip ko. Ayoko nang mabuhay.
KABANATA 7“ANO ba, Elyne? Sumagot ka naman, o!” Narinig ko ang pinaghalong kaba, takot, at pagkataranta sa nanginginig na boses ni Roan sa kabilang linya. “Everlyne, pakiusap, sumagot ka! Huwag mong gawin ‘yan!”Hindi ako nagsalita, ngunit mariin kong kinagat ang ibabang labi ko upang pigilang humikbi. Napagtagumpayan ko naman iyon pero nangilid ang luha sa mga mata ko.Roan, alam ko na kapag nabasa mo ‘to, wala na ako. Baka ginawa ko na ‘yong matagal kong pinaplano. Ayoko na. Suko na ako. Oo, duwag ako. Oo, mahina ako. Nakakasawa kasing lumaban kung wala rin namang kabuluhan ‘yong pinaglalaban ko. Nakakasawang mabuhay kung wala rin namang kuwenta ang buhay ko. Gusto ko nang pumikit at huwag nang d
KABANATA 8HINDI ko lubos maisip na magagawa nila sa akin iyon. Pinagkatiwalaan ko silang dalawa pero palihim pala nila akong ginagago. Hindi ko matanggap na matagal na silang nagkabalikan. Hindi ko matanggap na matagal na nila akong niloloko!“Mga hayop kayo!” malakas na sigaw ko at unti-unting napaupo. Nahihirapan na akong huminga. Kaya pala nanlalamig na si Randolf sa akin dahil may bago nang pinag-iinitan.Tangina.Iyong mahigit isang taon na relasyon namin, tinapos lang ni Randolf sa anim na salita. “Ayoko na. Hindi na kita mahal.” Ganoon lang kadali sa kan’ya na sabihin ang mga iyon. Marami akong gustong itanong, ngunit ayaw lumabas ng boses ko. Bigla akong napipi.
KABANATA 9HUMITHIT ako sa sigarilyong hawak ko at itinapon iyon sa kung saan nang makita si Roan na papalapit sa akin. Mahigit dalawang linggo na nang mangyari iyon. Hindi ko na ulit nakita ang pagmumukha ni Chariol at Randolf. Balita ko, lumipat na sila ng eskuwelahan at magkasama sila roon. Mabuti nga iyon dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanilang dalawa kapag nakita ko ulit silang magkasama. Mga manloloko.Sabi nga ni Roan, tutulungan niya ako basta tulungan ko rin daw ang sarili ko. Nangako akong susubukan ko nang ayusin ang magulo kong buhay. Susubukan ko nang tanggalin ang lahat ng bisyo ko. Pero hindi pala madali lalo na kung nakasanayan na. Hinahanap-hanap ng sistema ko ang alak at sigarilyo kaya naman pinagbigyan ko muna ang sarili ko.Isang
KABANATA 10MAHIGIT isang linggo nang hindi umuuwi si Miana simula nang magkaharap kami sa parke. Nag-alala na sina Mama at Papa. Sinubukan siyang hanapin ng mga ito, ngunit hindi alam kung saan magsisimula. Hindi namin siya matawagan. Pati sa eskuwelahan ay hindi na rin siya pumapasok. Hindi na nga natutulog si Papa. Halos araw-araw na hinahanap si Miana. Humingi na rin kami ng tulong sa mga pulis.“Hindi pa rin ba tumatawag si Miana?” tanong ni Papa na bakas ang matinding pag-aalala sa mukha. Isang malungkot na iling ang naging tugon ni Mama. “Nasa’n na kaya siya? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya umuuwi?”Lumabas ako ng bahay. Naisip kong maglakad-lakad muna. Sa totoo lang, dapat wala akong pakialam sa problema nila. Labas na ako roon. Pero kahit ano ang pangongontra ng isip ko, sa puso ko ay hindi ko maiwasang mag-alala. Kung nasaan man ngayon si Miana, sana ay ligtas siya. At malakas ang kut
KABANATA 11“PATAY na si Miana Devera.”Nilagok ko ang huling bote ng alak at tiningnan ang mga tao sa paligid na masayang sumasayaw sa gitna. Narito ako ngayon sa isang bar. Lasing na lasing na ako sa dami ng nainom kong alak. Gusto kong makalimot nang panandalian. Gusto kong takasan ang katotohanang patay na ang kapatid ko. Wala na si Miana. Pero mas lalong sumakit ang ulo ko, hindi dahil sa maingay na musikang naririnig ko o ng alak na ininom ko, kundi dahil naghalo-halo na ang mga iniisip ko at pakiramdam ko, sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit.Inisang lagok ko ang alak bago ko inginudngod ang mukha ko sa lamesa. “Tanginang buhay ‘to.”Lahat kami ay hindi makapaniwala sa balitang iyon. Namanhid ang buong katawan ko nang marinig ang sinabi ng pulis. Para akong nabingi.“Paanong patay na ang anak ko? Patay na si Miana? Hindi ‘yan totoo! Hindi pa siya pa
KABANATA 12UMIHIP ang malakas na hangin nang huminto ako sa harap ng isang pribadong kapilya kung saan inilagak ang mga labi ni Miana. Ayoko sanang pumunta dahil hindi ko gustong makita ang kalagayan niya. Pero parang may tumutulak sa akin para pumunta rito.Nanigas ang buong katawan ko nang matanaw ang puting kabaong ni Miana. Parang nanghina ang mga tuhod ko. Pati ang mga paa ko ay hindi ko maihakbang. Para bang ang lahat ng lakas na mayroon ako, sa isang iglap ay bigla na lang nawala.Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung makakaya kong silipin ang bangkay ni Miana. Natatakot akong lumapit. Hindi ko alam kung makakaya ko bang silipin man lang siya. Natatakot akong makita mismo ng dalawang mata ko na wala siya.Huminga ako nang malalim at sandaling pumikit upang palakasin ang loob ko. Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko papasok sa loob ng kapilya. Napili kong umupo sa dulo kung saan
KABANATA 13NAGMADALI akong bumaba ng hagdan nang marinig ang malakas na boses ni Papa.“Tigilan mo ako, Erlinda! Tatamaan ka sa ‘kin!” Halos hindi na makatayo nang tuwid si Papa sa sobrang kalasingan. Pulang-pula na ang mukha niya at halos hindi na maidilat ang mga mata. Pero patuloy pa rin siya sa pagtungga ng alak at paghithit sa hawak na sigarilyo.Naningkit ang mata ko nang mas lumapit si Mama kay Papa at ipinakita ang loob ng isang itim at maliit na bag na walang laman. Pamilyar sa akin ang bag na iyon.“Pinagbibintangan mo ba ako, ha?” sigaw ni Papa. “Hindi ako ang kumuha ng pera riyan!”Ibinaba ko ang tingin nang umigting ang panga niya sa galit. Nakakatakot. Parang wala sa sarili. Parang sinaniban ng demonyo. Parang handa niyang saktan si Mama ano mang oras.Maraming isinenyas si Mama na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung saan niy
KABANATA 14MAS lalong lumala si Papa. Pati ang titulo ng bahay naming ay hinahanap at balak isangla. Hindi lang iyon. May natuksalan si Mama pero patuloy niya itong itinatanggi.Naabutan ko si Mama na nasa likod ng bahay at naglalaba. Napansin kong nakatulala siya sa hawak na puting polo ni Papa. Para bang iniinspeksyon iyon ng mga mata niya. Pinagmasdan ko lang siya. Mayamaya pa, napansin kong bigla na lang siya naluha.Lumapit ako kay Mama at walang habas na inagaw ang hawak niya. Nagulat siya at sinubukang agawin ang damit, ngunit nagmatigas ako at pilit iyong inalayo. Nanuot sa ilong ko ang pambabaeng pabango na nakakapit sa polo. Napansin ko rin ang ilang bahid ng pulang lipstick doon. “Hindi naman ganito ang amoy ng pabango mo, ‘di ba, ‘Ma? Hindi ka rin naman nagli-lipstick.”Mataman akong tinitigan ni Mama.“Isa lang ang ibig sabihin nito.” Napalunok