Share

CHAPTER 8

Ilang araw ang lumipas, masayang namamasyal ang sila Brie at Lanche sa benguet. Hindi nila napansin na habang natagal ay lalo silang nahuhulog sa isa't-isa.

Nag stay sila sa benguet ng ilang linggo pa. Pauwi na sila ng Manila ng puno ng masayang ala-ala. Balik sa normal ang lahat ng makabalik sila. Maagang umalis si Lanche. Ngayon lamang niya napagtanto na isa itong Piloto. Captain siya ng airlines. Kaya naman lalo siyang naging proud dito. Habang si Meshua naman ay isang First Officer at malapit na mag senior officer.

Dahil tapos na ang weekend,naghanda na siya para pumasok. Kailangan niyang pumasok kahit kinausap na ni Lanche ang mga prof at dean ng school nila. Marami pa siyang itsi-tsismis kay Chillet. 

Nang makarating sila sa parking lot ay sobrang daming student na nakakalat sa labas kaya naman nahihiya siyang lumabas ng kotse. Hindi na niya pinalabas pa si Mang Kanor para buksan ang pinto ng kotse. Lakas loob siyang lumabas ng pagtinginan siya ng mga student. Masamang tingin at bulong-bulungan ang bumungad sa kaniya. Pikit-mata siyang naglakad papasok ngunit hindi pa siya nakakalagpas ay nagsalita na ang isang student.

"Ano kayang gayuma ang pinainom niya kay Mr. Claveria?"

"Napakayaman ni Mr. Claveria! Ang yummy pa! Tapos sa isang hampas-lupa siya magpapakasal?!"

"Well, walang-wala naman siya kay Miss. Lauren No, sexy, mayaman at Maganda!"

Ilan langiyan sa mga salitang narinig niya.Hindi niya alam kung paano kumalat iyon. Pero ang alam niya ay isa lamang itong sikreto.

"B-beshy!" napalingon siya kay Chillet. Hinila niya si Chillet para magpaliwanag.Si Chillet lang ang makakasagot ng lahat.

"Beshy sorry na, H-hindi ko naman kasi akalain na kakalat yung pinost ko eh." 

Halos lumabas ang kaluluwa niya sa sinabi ng kaibigan. Kaya pala nalaman ng mga student na kinasal siya kay Lanche. Dahil sa post ni Chillet.Kaya ngayon ay isa itong malaking problema.Hindi niya alam ang gagawin niya, sigurado ay kalat na ito sa loob at labas ng paraalan. Sobrang laking problema na kakaharapin niya ngayon.Siguradong magagalit si Lanche kapag nalaman ito.

Hindi niya alam kung paano pa niya haharapin ang mga taong mapang husga.Sa sobrang kahihiyan na nagawa niya, hindi na niya alam kung titigil nalang ba siya sa pag aaral para lang takasan ang problemang ipinasok niya.

Pumasok siya sa school habang malakas na pinag uusapan siya ng mga tao. Pinilit niyang isara ang tainga niya at ang professor lang ang pakinggan niya.

Natapos ang klase nila, paglabas na paglabas niya ng room ay puro panlalait na ang narinig niya. 

"Beshy. Sorry talaga." sabi niya.

"Okay lang besh. Wag mo na isipin okay lang ako." sagot naman niya at ngumiti sa kaibigan.

Nakarating sila sa parking na puro siya ang topic ng mga ito. Hindi niya inaasahan na makakasalubong niya si Klea. Nagulat na lamang siya ng ibuhos sa kaniya ang isang basong kape na mainit init pa galing starbucks.Halos mapa sigaw siya ngunit nanatili siyang kalmado.

"Bagay sayo yan, masiyado kang assumera!" tinawanan lamang siya nito habang nakatingin sa kaniya.

Akmang aalis na siya ng hawak  siya nito.

"GET OFF HER." 

Napatigil ang lahat ng marinig ang boses na yon galing sa likod. Dahan-dahan silang lumingon.

"M-mr. C-claveria?" Nauutal na sambit ni Klea.

Lumapit ito at tinapik ng malakas ang kamay ni Klea sa uniform ni Brie. Bago niya hinila si Brie papunta sa kaniya.

"What is your problem to my wife?" seryosong tanong nito.

Nanatiling tahimik ang lahat. Ramdam mo ang galit sa tono ng pananalita ng lalaki.

"WHAT YOUR PROBLEM TO MY WIFE?!" sigaw nito na mas lalong ikinanginig ni Klea.

"D-dine, T-tama na okay lang ako--"

Nagulat sila ng makita si Lanche na lumapit sa isang babae na may hawak na kape.

"Miss can I buy your Coffee?" sabi nito tumango naman ang babae na halata ang kilig ng kausapin siya ni Lanche.

Iniabot ni Lanche ang isang cup na kape kay Klea.

"Pour it on your shirt or I pour it to your face? Choose." seryosong sabi nito habang nakaabot ang isang cup ng coffee kay Klea. Dali-dali namang kinuha ng dalaga ang kape at ibinuhos sa uniform niya.

"Then say sorry to her."

Walang nagawa si Klea kaya nag sorry siya kay Brie. Hinila niya naman ang asawa papasok sa kotse. Sa sobrang kahihiyan, hindi niya natiis pa ang pamamahiya nito kay Klea.

"Bakit mo ginawa yon?" tanong niya.

"Because she bullied you."

Huminga siya ng malalim bago ulit magsalita.

"Hinayaan mo na lang sana. Para wala nang gulo." sabi ni Brie.

Nanatili silang tahimik habang pauwi sa mansion. Dali-dali siyang pinagbihis ni Lanche. 

After nilang kumain ay maaga silang natulog. Magkahiwalay pa rin sila ng kwarto hanggang ngayon.Kahit na kasal na siya  Inasikaso na rin ni Meshua ang lahat  Kaya isa na 

siyang Claveria.

Maaga siyang bumangon.Ang totoo, hindi siya nakatulog kakaisip sa ginawa ni Lanche. Sobra siyang na touch sa ginawa ng lalaki sa kaniya.Kung paano siya ipinagtanggol nito.

Hinayaan niya lamang na umagos ang tubig mula sa shower sa katawan niya. Kailangan niyang pumasok ngayon. Kahit na panibagong problema na naman ang kakaharapin niya. Paniguradong panibago na namang topic ang pauusapan ng mga tsismosa.

Naabutan niyang nagaasikaso sila manang sa kusina. Kaya naman pinatigil niya ito.

"Manang, ako na po ang magluluto. Sige na po.Kaya ko na ito." sabi niya at ngumiti dito.

Masaya siyang nagluto ng adobo.Ito kasi ang especialty niya sa bahay nila kapag sumasahod siya ng malaki.

Muli niyang naalala na pupunta pala siya ngayong araw sa bahay nila. Kaya naman mas lalo siyang na excite. After maluto ng adobo ay pinagising na niya si Lanche.

Hindi pa siya nakakapasok sa kwarto nito. Alam niya kasing bawal pumasok. May buzzer lang sa labas na mag papa alarm kay Lanche para hindi na ito pumasok pa.

Ilang minuto siyang hnaghintay pero hindi pa nababa si Lanche kaya naman nauna na siyang kumain at pumasok.

Nagcommute na lang siya dahil wala si Mang Kanor. Hinibigyan naman siya ni Lanche ng allowance. Pero hindi niya pa nagagastos ang nasa bank account niyang pera na idineposit ni Lanche.

Yung huling sahod niya sa shop yon ang pinanggagastos niya para sa pagaaral niya.

Ipinadala niya rin dito ang natitira niya pang pera.Nakatipid naman siya sa pamasahe dahil hatid sundo siya ni Mang Kanor.

Papasok na siya ng school. Hinahanda niya na ang sarili sa maaring tumapon sa damit niya o sa mga bunganga ng tsismosa.Huminga siyamuna bago umapak sa gate ng school. Pagpasok niya ang daming student na ang nakakalat sa gate pa lang. Nakayuko siyang naglakad para hindi pansinin ang mga students, pero laking gulat niya ng ni isang pang iinsulto o panglalait siyang narinig. Kaya napilitan siyang tumingin-tingin sa mga students. Tahimik lamang ang mga ito ng dumaan siya. Kaya naman nakakapanibago. Naglakad-lakad pa siya,nakita niyang makakasalubong niya si Klea kaya lumihis siya ng daan.Ayaw niya ng gulo. Paniguradong galit din ito sa kaniya at aawayin na naman siya.

"Anong nangyari sa earth? Feel ko nasa mars tayo sa sobrang tahimik nung dumaan ako eh."

Bumungad sa kaniya ang kaibigang si Chillet.Ganon rin siya.Kaya naman sobra silang nagtaka.

"Hoy ikaw! Halika!"sigaw ni Chillet sa isang babae kaya lumapit ito.

"Anong nangyari dito? Bakit hindi nila inaapi si Beshy ko?" tanong nito sa babae.

"Hindi ko po alam eh, narinig ko lang na dumating si Meshua dito kahapon at kinausap ang mga bully." 

Napalaki ang mata ni Brie sa narinig niya.

"Seryoso?! Kyaaah! Si baby Meshua?!"  kinikilig na tanong ni Chillet.

"Oo kinausap niya kahapon after niyong umuwi." 

Ngayon ay alam na niya kung bakit ganon ang pakikitungo sa kaniya ng mga student ngayon.Dahil kay Meshua. At alam niyang kagagawan iyon ni Lanche.

"Hoy Beshy! Saan ka pupunta?" tanong ni Chillet ng akmang aalis si Brie.

"Pupuntahan ko si Meshua." sabi nito.

"Gaga! Hayaan mo na mabuti nga at naisip ni Baby Meshua iyon eh!" sabi ng kaibigan habang kinkilig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status