Share

CHAPTER 4

Inabot na ng gabi ang pagdiriwang ng kaarawan ni Indigo. Matagal ko ring nakasama ang nga kapatid niya na akala ko'y masusungit, ngunit nagkamali ako. Palatawa sila at makuwento. Si Violet na laging bukang-bibig ang trabaho bilang isang photographer. Si Tangerine naman na laging bukang-bibig ang lalaking crush niya at ang trabaho niya bilang event organizer.

Sa pagsapit nga ng gabi ay mayroon silang sinabit na malaking bola sa gitna ng kisame. Madilim ang paligid, tanging maliliit na ilaw lang ng bolang iyon ang umiikot sa paligid. Mayroon ring kumakantang banda sa maliit na entabldo. May mga bisitang nag-iinuman sa kabilang mesa, ang ilan naman ay sinasabayan ang indak ng musika.

🎶 Can't swim so I took a boat, to an island so remote

Only Johnny Depp has ever been to it before

Beauty in the water, angel on the beach

Ocean's daughter, I thought love was out of reach

'Till I got her, had I known it could come true

I would have wished in ninety two, for a mermaid just like you

Whoa, just like you, whoa 🎶

Nakaupo naman ako malapit sa malaking bintanang salamin. Nakaharap sa direksyon ng dagat, kitang kita ko ang malaking parola na natatanaw ko lang noon sa tuwing umaahon ako sa dagat para makita ang kalangitan. May isang barko lamang na nakadaong doon.

Kalmado pa rin ang dagat, kinakabahan ako kapag ganitong tahimik ito. Nakapangalumbaba naman ako, nasa harap ko ang pagkaing hindi ko pa nagagalaw. Cake raw ito sabi ni Indigo.

Hindi kasi ako sanay na kumain ng tatlong beses sa isang araw. Ang mga sirena ay isang beses lang kumain ng kahit anong lamang-dagat. Inaabot ng tatlumpong araw bago kami kumain uli.

Maliban na lang sa isa pa naming pagkain para manatiling malakas, ang pagkuha sa mga taong may kaluluwa ng pusong puno ng kasakiman.

''Hey, ang lalim naman ng iniisip mo.'' Umupo sa harap ko si Indigo. ''Sorry ha, iniwan kita mag-isa, sinusubukan ko kasing tawagan 'yong clown na magpe-perform.'' Nakangiwi siya nag sabihin iyon.

Hindi ko naman naintindihan ang clown na sinasabi niya. Iyong clown fish ba ang tinutukoy niya? Napanganga ako.

''Clown? May inimbitahan kang isda?'' Paniniguro ko. Napakamot ako ng baba. Maging siya'y napakunot ang noo at naningkit ang mata. Mayamaya ay bigla siyang nangiti. Napatingala siya habang sapo ang noo.

''Okay, hindi tayo nagkaintindihan hahaha.'' Tawa pa niya at muling tumingin sa akin.

''Iyong clown part, joke ko lang 'yon. At 'yong sinasabi mong isda, clown fish!'' Napabungisngis pa siya.

Sabay kaming napalingon nang tumunog ang mga kabibeng nakasabit sa may pinto. Pumasok ang isang babae na nakasuot ng pang-itaas na halos makita ang dalawang malaking nakaumbok na dibdib nito, kita rin ang kanyang tyan. Nakasuot din siya ng mahabang pang-ibaba na may kulay puti at itim na linya at sapin sa paang may matulis na nguso.

Hindi ko siya makalilimutan, nakita ko na siya noong nakaraang araw. Ang babaeng may pulang buhok. Si Peachy, may dalang hugis parisukat na kahon.

''Baby! Happy birthday!'' Sabay halik niya sa pisngi ni Indigo. Nakita ko namang pinahid niya iyon ng pamunas.

''How dare you wiped my kiss!'' Hinampas niya pa ang balikat nito.

''Aray, mapanakit ka ha. How dare you ka rin. May sabi sa'yong halikan ako sa harap ng kasama ko?'' Napanganga si Peachy at napatakip ng bibig.

''Ipagpapalit mo na nga ako sa mukha pang bisugo? Nasaan ang hustisya?'' sabi ni Peachy habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Tama bang ikumpara ako sa bisugo na pagkain naming mga sirena?'' Bulong ko.

''Hey, malapit lang ako. I can hear you. What did you say?'' Napatungo ako.

''I said, what did you say?'' Tinangka niyang hawakan ang mukha ko pero-

''Hsss!'' sabi ko sa kanya sabay pakita ng mga ngipin ko. Kaya't napaatras siya ng bahagya. Nang bigla kong maalalang hindi nga pala ako sirena ngayon kaya't hindi tatalim ang mga ngipin ko. Mas lalo tuloy akong napatungo.

''Did you see that baby?! She hissed at me!'' Napapikit ako. Hindi ko nagugustuhan ang boses niyang masakit sa tenga.

''So what? Hsss!'' Tiningnan ko si Indigo nang gayahin niya ang ginawa ko.

''Mukha kang tanga you know?'' sabi niya kay Indigo.

''Don't ruin my night young lady.'' Naningkit ang mga mata niya at seryoso ang mukhang habang kinakausap si Peachy. Napakagat ng labi ang babae at base sa mukha niya, halos maningkit ang kan'yang mga mata, may linya sa gilid nito at mukhang naiinis siya.

''Okay fine! I will go to Tita Marigold na lang!'' Tumalikod siya at padabog na naglakad palayo.

''Okay 'yong ginawa mong 'hsss'. Effective tingnan mo umalis.'' Natatawa niyang sabi. ''Anyway, halika sumama ka sa akin may ipapakita ako sa iyo.'' Tumayo na siya at hinawakan ang palapulsuhan ko. Hindi na ako nakatanggi pa nang hilahin niya ako patayo. Lumabas kami ng seafoods house niya.

''Saan tayo pupunta Indigo?'' Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa tulay na kahoy. Napatingin ako sa ibaba, tubig. Dahil sa liwanag ng mga ilaw sa poste ay nakita ko ang sarili kong repleksyon.

''Basta, siguradong magugustuhan mo ang makikita mo ngayon.'' Bigla kaming huminto, dulo na ito ng tulay at may tatlong baitang pababa. Bangka ang nasa ibaba. Kung ganoon ay sasakay kami sa bangka. Para saan?

''Halika na.'' Nagulat ako nang mapansing nakalahad ang kamay ni Indigo at nakatayo na siya sa bangka.

''Don't be scared, mahuhulog ka lang pero sasaluhin kita.'' sabi niya.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, paano nga kung mahulog ako at bigla na lang lumitaw ang buntot ko? Pero impossible, dahil noong nakaraan araw ay isinawsaw ko ang paa ko sa tubig-alat pero walang nangyari. Pss, masyado lang siguro akong nag-aalala dahil sa sinabi noong ale.

Inabot ko na ang kamay ni Indigo at sumakay sa bangka. Medyo gumewang ito pero nasuportahan niya ang likod ko. Nakakanerbiyos, nanginig pa ang binti ko.

Nang makaupo kami ay nagsimula siyang magsagwan. Nalagpasan namin ang daungan ng mga barko at parola. Bigla rin siyang tumigil sa pagsasagwan nang makarating kami sa gitna.

''Ready ka na?'' May kinuha siya sa bulsa na hugis parihaba. Umilaw iyon at itinapat sa kanyang tenga.

''Anong ginagawa mo Indigo?''

''Tinatawagan ko si Pinky para sa signal. Oh, hello Pinky! sabihan mo na sila nakapwesto na kami.'' Kumindat siya sa akin saka ibinaba ang bagay na iyon.

''Tumingin ka lang sa langit okay?'' Pagkasabi niya noon ay sabay kaming tumingin sa kalangitan. Hindi nga nagtagal ay may biglang sumabog.

Nagulat ako dahil sa lakas noon pero namangha ako sa lumabas. Mga pulang maliliit na ilaw na nagkalat sa kalangitan at may hugis puso pa akong nakita. Bigla uling may pumutok, ngayon naman ay iba't ibang kulay na. Napakaganda!

''Nagustuhan mo ba Melodia? Pinaghandaan ko talaga ang fireworks display na iyan.'' Tiningnan ko siya habang nakatingin pa siya sa kalangitan.

''Oo naman, ngayon pa lang ako nakapanood ng fireworks display.'' Nakangiti kong sagot.

Ilang minuto rin ang lumipas nang matapos amg fireworks display. Magsasagwan na sana si Indigo na tila ba hinihila kami ng dagat palayo sa daungan.

''What the?!'' Sumagwan pa siya ng mas malakas pero walang nangyari. ''Rip current?'' Tanong niya. Napatingin tuloy ako sa malayo.

''Ang dagat!'' Itinuro ko ang dagat. Sa hindi kalayuan ay may malaking alon na papasalubong sa amin. Nagdidilim rin ang kalangitan na kasamang kidlat.

''Kumapit ka Indigo!'' Sigaw ko sa kanya.

Makapal na ulap ang tumakip sa kalangitan. Mayamaya ay biglang bumuhos ang ulan. Tila ba may nagagalit sa tindi ng sama ng panahon. Nailayo kami ng tubig sa may daungan at nawala ang kanina'y magandang pailaw.

''Bakit ngayon pa?!'' Halos nakapikit na si Indigo dahil sa lakas ng ulan na tumatama sa kanyang mukha. "Marunong ka bang lumangoy?'' Baling niya sa akin.

''Hindi!'' sagot ko. Hindi ako marunong lumangoy gamit ang mga binting ito sapagkat buntot ang gamit ko!

Ngunit sa tingin ko ay may sirenang nagagalit o hindi kaya naman ay naninibugho. Paano ko siya maililigtas kung nawala na ang aking mga kakayahan?

Malakas na alon naman ang humampas sa sinasakyan namin ni Indigo kung kaya't nahulog na kami ng tuluyan sa dagat.

Halos napakaraming bula ang nilikha ko ng subukan kong huminga. Nakita ko rin si Indigo na sinusubukang lumangoy palapit sa akin at pilit na inaabot ang kamay ko.

Sinubukan kong gayahin ang pag-sipa niya sa tubig para hindi tuluyang lumubog. Hanggang sa-

🎶 Let the ocean fill your lungs 

Struggle not, soon peace will come 

Taking in your final breath 

Sink down to the ocean's depths  🎶

Narinig ko ang boses ng isang sireno. Kumakanta sa malayong distansya. Kung ganoon ay nakakarinig pa rin ako sa distansyang malayo sa akin. Tiningnan ko si Indigo. Agad akong nagmadaling subukang lumangoy.

Sumipa ako kasama ang pagtaas at baba ng aking braso makalapit sa kanya upang abutin ang kanyang kamay. Nang maabot ko ito'y hinila niya na ako. Itinakip ko naman sa tenga niya ang mga kamay ko dahil malapit na ang sirenong iyon sa direksyon kung nasaan kami.

Naglangoy si Indigo pataas para makasagap kami ng hangin dahil hindi ko na rin kayang pigilan pa ang aking hininga. Sabay kaming napasinghap nang maiahon namin ang aming mga ulo pero hindi rin nagtagal nang may malaking alon ang sumalubong sa amin para magkahiwalay kaming muli't lumubog sa tubig.

Nagulat na lamang ako nang biglang may humawak sa aking palapulsuhan at likod. Kasabay noon ay nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong halikan.

▪▪▪🌸

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status