CHAPTER 5

Bigla na lang akong hinalikan ng mariin ng kung sino. Pagkatapos ay kumalas din siya agad. Humarap siya sa akin at tiningnan ako ng mga mata niyang hugis pusa, naniningkit at matalim. Wala siyang damit pang-itaas, may kaliskis ang kanyang balikat at may tengang palikpik.

Napatingin ako sa kanya bandang ibaba. May mahaba siyang asul na buntot. Naibuka ko ang aking bibig at napabuga nang pasukin ng tubig ang lalamunan ko.

''Nagkita rin tayo, Melodia.'' sabi niya.

''Nagustuhan mo ba ang paraan ko para magkita tayo?'' Dagdag pa niya. Napakaseryoso ng kanyang mukha at parang walang balak na ako'y paalisin.

Hanggang sa naramdaman ko na lang ang paninigas ng aking mga binti. Nagdikit sila at unti-unting humuhulas na parang binabalatan ng tubig. Pagkatapos ay may hugis na pumoporma rito.

Humuhulas rin naman ang buntot ng lalaking humalik sa akin. Ang anyo niyang sireno ay nawala na at nalipat muli sa akin. Tinititigan ko lang siya habang ang suot kong floral dress ay mas lalong humihigpit sa aking balat dahil sa pagkakabasa nito.

''I-Ikaw iyong lalaking niligtas ko!'' sabi ko sa kanya. Namumukhaan ko na siya.

''Mabuti at naaalala mo pa.'' sabi niya.

''Pero paanong-'' Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang maalala ko si Indigo. Agad akong tumalikod sa lalaki. Kailangan kong pakalmahin ang dagat kaya naman naglangoy ako upang umahon sa tubig.

Itinaas ko ang aking kamay, at huminga ng malalim. Tiningnan ko ang mga naglalakihang alon. Dama ko sa aking mukha ang mga butil ng malakas na ulan pati ang malamig na hanging tumatangay sa mahaba kong buhok.

🎶 Listen to my song, raging sea so strong,

sweet lullaby for you to calm, so now I can go home,

Sea creatures big and small, swimming all along.

Their way to you is hard for them,

your waves are there for too long then,

So listen now my raging sea,

calm now for you to see, this wonderful sight I see

I truly love the way it be.🎶

Inulit ko uli ang kanta naming mga sirena para pakalmahin ang dagat. Ang kanina'y nangangalit na mga alon ay unti-unti na ngang kumakalma. Ang mga alon ay naging parang inuugoy na duyan.

Unti-unting lumiliit hanggang sa muling pumanatag. Ang makapal na ulap naman sa kalangitan, kasama ang mga nangangalit na kidlat at kulog ay kasabay ding nawala. Muli kong nasilayan ang buwan pati mga tala.

Pinahid ko ang aking mukha at iginala ang paningin. Hinahanap si Indigo na biglang nawala.

''Indigo!'' Tawag ko sa kaniya baka sakaling marinig niya.

Sumisid akong muli baka naman ay naitangay siya ng malakas na alon kanina. At sa wakas! Hindi nga ako nagkamali. Nakita ko si Indigo, wala na siyang malay. Agad akong lumapit sa kanya, hinawakan ko siya sa kanyang palapulsuhan at hinatak. Pero may pumipigil kaya't hindi ko siya mahila.

Tiningan ko kung ano iyong pumipigil sa kaniya't nakita ko nga ang nakapulupot sa kaliwang paa niya. Mahaba at makapal na halamang dagat. Pinahaba ko agad ang aking mga kuko para maputol ko iyon.

Nagmadali akong hilahin siya pagkatapos. Sa paglangoy ko paitaas ay nakita ko naman ang lalaking iniligtas ko noon. Unti-unti na siyang pumapailalim, walang kahit na anong saplot at walang malay.

Napakagat ako sa aking labi. Hindi na ako nag-dalawang isip pang balikan din siya. Hinawakan ko naman siya sa kaliwang palapulsuhan. Muli ay nakikita ko na ang amoy ng kanilang mga puso. Parehong kulay asul na dyamente at bahag-hari ang nasa paligid ko ngayon habang naglalangoy paitaas.

Isinampa ko silang dalawa sa basang semento ng daungan malapit sa malaking parola. Narinig ko ang pag-ubo ng lalaking niligtas ko. Gumalaw siya para punasan ang bibig na may tubig na lumabas. Pagkatapos ay para niyang hinahabol ang pag-hinga. Binalingan ko si Indigo na wala pa ring malay.

''Indigo!'' Tinapik ko ang pisngi niya pero hindi siya nagigising. Anong gagawin ko?

''Indigo, gising! Ligtas ka na, narito na tayo sa Atargatis.'' Muli ko siyang tinapik. Gagawin ko ba uli? Paano kung maging sireno rin siya.

''Kung hindi ko gagawin iyon ay baka huli na.'' Bulong ko.

Napapikit ako. Nakapagdesisyon na ako. Nilapit ko ang aking mukha sa kanya-

''Sira ka ba.'' Nahinto tuloy ako pagkatapos ay tiningnan ang nagsalita.

''Kung hahalikan mo siya, gagawin mo lang din siyang sireno gaya ng ginawa mo sa akin.'' Seryosong sabi ng lalaki na ngayon ay nakaupo na.

''Wala na akong pagpipilian pa! Hindi ka dapat mamatay, ang katulad niyong-''

''Tama na!'' sabi niya kaya hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Bahagya siyang tumayo at lumapit kay Indigo. Pagkatapos ay inilapat niya ang palad sa may dibdib nito habang nakaunat ang mga braso. Nagsimula na nga siyang diinan ang pagtulak sa dibdib ni Indigo.

Ilang minuto rin niya iyong ginawa. Muntikan na akong mawalan ng pag-asa nang umubo siya at inilabas ang maraming tubig na nainom niya. Napangiti ako.

''Tago! bilisan mo! Patuyuin mo na ang buntot mo para magkapaa ka uli," sabi ng lalaki.

''Pero hindi-''

''Hindi mo ba alam ang kapangyarihan mong painitin ang mga bagay?'' sabi niya uli kaya hindi ko na naman naituloy ang sasabihin ko. Tinitigan ko siya na sumisenyas na umalis ako't magtago. Agad ko siyang sinunod nang maalala kong nasa anyong sirena pa ako. Baka makita ako ni Indigo at matakot siya.

Nagtago ako sa may parola nang masiguro kong walang tao. Sinilip ko naman sila, bumagon na si Indigo na nakahawak sa kaniyang ulo.

Sumampa ako sa daungan, gumapang din para mai-angat ko ang aking buntot. Sumandal ako sa mainit na pader ng parola. Itinapat ko ang aking mga palad sa aking butot at inisip ang sinabi ng lalaki tungkol sa kakayahan naming magpainit ng mga bagay.

Nanlaki ang mata ko nang bigla itong umusok. Humuhulas na muli ang aking butot, pagkatapos ay naging mga paa na. Lahat ng mga pagkakakilanlan ko bilang sirena ay wala na.

''Pare, nakita mo ba iyong kasama kong babae?'' Narinig kong tanong ni Indigo. Tumayo na ako lumabas sa pinagtataguan ko.

''Indigo!'' Tawag ko sa kaniya. Lumingon ang dalawa. Tumayo si Indigo at sinalubong ako.

''Melodia!'' Kasabay noon ang pagyakap niya sa akin. Halos buhatin niya ako sa higpit ng yakap niya ay hindi ako nakahinga agad. Hanggang dibdib lang naman niya ako kung kaya't nagawa niya akong mabuhat.

''May masakit ba sa iyo? Okay ka lang ba? Gusto mo pumunta tayo sa doktor?'' Mga tanong niya habang yakap ako. Umiiling lang ako, imbis na ako dapat ang nag-aalala sa kaniya ay ako pa ang iniisp niya.

''Ehem!'' Kumalas siya sa pagkakayakap at sabay naming tiningan ang lalaking kunwari ay umubo.

''Pwede bang mamaya na iyang lambingan niyo? Kumusta naman ako rito, nilalamig na ako pati si manoy!'' sabi niya pagkatapos ay niyakap ang sarili.

Hinubad ni Indigo ang polo shirt niya pagkatapos ay inabot niya sa lalaking hindi ko pa alam ang pangalan. Itinapis niya ang damit sa may beywang niya at muling tumingin sa akin... nang matalim.

Inakay na ako ni Indigo, babalik na kami sa restaurant niya para magpakita sa pamilya niya at ipaalam na buhay kami. Sa paglalakad namin ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang anino ng isang nilalang.

Alam kong sa amin siya nakatingin kahit na hindi ko nakikita ang kaniyang mukha dahil sa madilim na paligid, ang hood ng kaniyang kasuotan naman ang madali kong natandaan.

''Hijo! Nagmadali talaga akong magpunta nang malaman kong nasa dagat ka pa ng biglang umulan at magwala ang dagat!'' Nakayakap sa kanya ang isang lalaking nakaputing kasuotan.

Halata na medyo matanda na siya dahil sa kulubot ng kaniyang noo at sa gilid ng kaniyang mata. Magkasing-tangkad lang din sila ni Indigo. Hindi ko maipagkakaila, nakuha niya ang matangis na ilong ng ama.

''Dad, akala ko ba busy ka sa clinic mo?'' Kumalas sa pagkakayakap ang matandang lalaki.

''Hindi naman iyon mahalaga mas mahalaga ka anak.'' Tapik nito sa balikat ni Indigo sabay baling ng kaniyang tingin sa akin. Napayuko ako.

''Ah, Dad si Melodia my special friend. And Melodia, this is my dad, isa siyang veterinarian.'' Pagpapakilala niya sa akin.

''K-Kumusta po.'' Nahihiya kong sabi.

''Hindi ko akalaing may kaibigan kang mas gaganda pa kaysa kay Velvet. Remember when you said that Velvet was the most beautiful girl here in town?'' Nakangiting sabi ng matanda. Hindi naman sumagot si Indigo sa sinabi ng kan'yang tatay. Ngumuso lang siya at napakamot sa batok.

''Kumusta Melodia, nice meeting you and... nice name. Parang Melody in english.'' Natatawa niyang sabi.

''Dad, joke ba iyon? Kasi hindi nakakatawa.'' Sabat ni Indigo pagkatapos ay inakbayan ako.

''At dad, wala akong sinabi na si Velvet ang pinakamaganda noon.'' Pareho silang natawa sa kanilang usapang hindi ko maintindihan.

Bigla namang sumagi sa isip ko ang lalaki kanina na ngayon ay tumutuloy sa bunkhouse na tinitirhan ko.

Maghahating-gabi na nang sabay kaming makabalik ni Indigo sa bunkhouse para tingnan ang lalaki. Pagbukas ko ng pinto ay madilim na paligid ang sumalubong sa amin. At isang malakas na ingay ang bumubulahaw sa loob ng bahay. Parang tunog ng isang barko.

''Barko ba iyon?'' Napakunoot ako ng noo nang tanungin ko ang aking kasama.

''Hindi, hilik lang iyon.'' Kinapa ni Indigo ang switch ng ilaw. Narinig ko ang pagtunog nito kasabay nang pagliwanag ng paligid.

Natutulog na pala ang lalaki sa itaas ng kama ko. Pero bahagya siyang gumalaw nang iurong ko ang upuan kung saan inilagay ni Indigo ang bag na puno ng lumang damit ni Indigo.

''Ahoy!'' Bati niya saka bumangon.

''Sorry nakatulog ako, napagod lang talaga ako.'' sabi niya habang pupungas-pungas ng mata.

''Ayos lang pare, siya nga pala may dala kaming mga damit na pwede mong magamit.''

''Nag-abala pa kayo pero, salamat.'' sabi niya sabay talon pababa mula sa taas ng kama. Nakatapis na siya ng kumot ngayon, binuksan niya ang bag at humugot ng damit at mga pang-ibaba.

''Punta lang ako sa banyo.'' Pagpapaalam niya. Humihikab pa siya habang naglalakad. Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya lumalabas kaya naman kinatok na ni Indigo ang pinto.

''Pare, ayos ka lang ba r'yan?'' Idinikit ni Indigo ang tenga sa pinto.

''Ayos lang, pero pwede bang pakitawag si Melodia?'' sabi niya. Nagtaka tuloy ako kung bakit niya ako kailangan. Napatingin rin si Indigi sa akin. Labis siyang nagtataka base sa ekspresyon niyang nakataas ang isang kilay.

''Wait, bakit si Melodia ang kailangan mo? Pwede naman ako?'' sabi uli ni Indigo na ngayon ay nakasandal na sa pader.

''Eh kasi Indigo, nakasabay ko siya sa barko noong papunta ako rito sa Atargatis, noong bago mo ako makita. Kaya naman naging kaibigan ko na rin siya.'' Pagpapalusot ko. Sana ay maniwala siya, hindi pa naman ako magaling umarte.

''Ganoon ba? Pero... hay sige na nga.'' Napakamot siya ng ulo pagkatapos ay kinatok uli ang pinto ng banyo.

''Pare, siguraduhin mong wala kang gagawing masama sa kanya ha? Magbabantay ako rito.'' Tiningan niya ako pagkatapos ay umalis na sa may pinto.

Humakbang na ako palapit sa banyo. Hinawakan ko ang doorknob. Pinihit ko ito at hindi nakalock. Agad akong pumasok sa loob. Naipit pa ang dulo ng damit ko kaya kinailangan kong hilahin ito.

Nanlaki ang mata ko nang sa pagpasok ko ay makita ko ang lalaki na nakahiga sa bathtub na halos umapaw ang tubig dahil sa... naging sireno uli siya!

''Akala ko ay wala na ang pagiging sireno ko dahil naibalik ko na sa iyo ang buntot mo! Hinalikan na kita kanina. Ang sabi ni Sachiel ay kailangan lang kitang halikan para maibalik sa iyo ang buntot mo! Iyon pala...'' nahinto siya sa pagsasalita.

''Si Sachiel ang anghel ng karagatan, nakita mo siya?'' Para akong nakakakita ng puso sa paligid nang marinig ang pangalan ni Sachiel.

''Oo, at mas lalo lang gumulo ang sitwasyon ngayon!''

▪▪▪🌸

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status