Share

Kabanata 3

Die

Nanlamig ako sa sinabi ni Evander, hindi kaya ay alam na niya.

"Oo naman!" I thank myself for not stuttering. I can't hold it in anymore so I decided to leave.

"O'siya bahala na kayo aalis na ako," sabi ko kahit 'di ko alam saan ako pupunta.

Pinaliko ko yung kabayo at sa sobrang kaba ko ay nahigit ko ang tali at bigla nalang ito tumakbo. Hindi ko alam paano siya patigilin kaya napahawak ako sakaniya ng mahigpit.

"ADAAAN! PLEASE STOP!" I shouted, getting panic for my own life.

Naramdaman ko naman na sumunod sakin sila Mang Robert, Evander at Chris ngunit si Evander ang nangunguna. Umiiyak na ako sa nangyayari lalo na at papunta na sa kalsada ang kabayong sinasakyan ko, kahit na sabihin ko pa na kaunti lang ang nadaan ay baka masaktuhan pa namin iyon. Dahil sa takot ay tinawag ko na rin ang pangalan niya, ang lalaking bumabagabag sa akin araw-araw.

"Evandeeer!"

Nagulat nalang ako na nasa gilid ko na siya at sinubukan kuhain sa akin ang tali at pinigilan ang kabayo sa pagtakbo habang sobrang lapit na talaga namin sa kalsada.

"Are you okay?" agad niyang tanong sa akin nang makababa na ako sa kabayo na siya pang nag-alalay sakin.

Hindi ako sumagot sakaniya dahil ramdam ko padin ang panginginig ng aking katawan sa nangyari.

I almost die.

If he came late, I will die riding that horse.

He saved me.

I didn't think that in just split of a second, my life can be in danger. I cried harder... I don't know how to stop, it's excruciating to know that I almost died a while ago and someone that I hate saved me.

Lumapit sa amin sila Chris at Mang Robert na nag-aalala sa kalagayan ko.

"Claire! Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" ayan agad ang bungad na tanong nila sa akin ng makalapit sila.

"Next time Clarisse, if you don't know how to ride a horse. Don't do it again. You almost die because you're stupid!" sabi niya sa akin kaya agad akong nanlumo, hindi ko naman siya masisisi katangahan ko talaga 'yon.

"Kuya calm down, I think she needs rest for now. Halika Claire hatid na kita sa kwarto mo," anyaya sa akin ni Chris na agad ko naman tinanggap. Hindi ko na kaya mag-stay pa kasama si Evander sa iisang lugar, nasusuffocate talaga ako at hindi ko gusto ang nararamdaman ko pag-andiyan siya.

I don't have feelings for him, I just hate it when he stares at me coldly and the way he smiles to the others. I really feel that he hates me.

"Let me... Chris. She's my fiancee after all." Chris look at him, and then nodded.

"All right. Claire pahinga ka ah? Mamaya nalang lunch ulit!" sabi ni Chris sa akin at nginitian ko nalang siya at nagpaalam.

Agad naman ako hinila ni Evander palayo kay Chris, dahan-dahan naman siya sa paglalakad dahil siguro naisip niya na nalamog talaga ako ng sobra sa kabayo, para akong nakasakay sa roller coaster na hindi secured ang buhay ko.

"Sa susunod huwag mo nang gagawin pa ulit yon, I will tell it to your Mom," pagsasalita niya.

"Huwag! A-ayoko na siya pag-alalahanin pa," I already imagining her saying that I'm so stupid for creating a scene and I can't take that.

"Pero kami pinag-alala mo? Kung ayaw mo naman palang may nag-aalala sayo sana hindi ka gumagawa ng bagay na ikakapahamak mo," naiinis niyang sabi.

"Sinabi ko bang mag-alala ka? Bakit ba galit na galit ka? Hindi naman ikaw yung nasaktan ah? Kung makapagsalita ka akala mo kung sino ka!" naiinis kong sabi dahil kanina pa ako naririndi sa boses niya.

Alam kong tanga ako sa ginawa kong yon pero kailangan ba niya ulit-ulitin yon?

"I'm your fiancee, Clarisse!"

"You have your girlfriend! Evander!"

Natahimik siya sa sinabi ko, at ako naman ay napakurot sa sarili. Bakit ba kasi ang daldal ko?

"How do you know?" mariin niyang sabi.

"I heard you talk with your girlfriend last night, hindi ko naman sinadya yon kasi-"

"Save it, I don't want to hear your explanation. I need you to shut the fuck up Clarisse." His eyes are raging fire while looking at me.

After he said that, he suddenly walks out. Leaving me trembling and fuck up for what I did.

I make him mad again.

"Are you okay now, Claire? Tulala ka ata."

Napalingon naman ako sa nagsasalitang si Chris, nung nakita niyang papunta ako sa dagat ay sinamahan na niya ako. Pinagtataka ko nga na kung anong kinatahimik ni Evander ay ang kinadaldalan naman nitong si Chris, magkaiba sila ng kuya niya kasi ayun napaka-suplado habang si Chris ay sobrang masiyahin at marunong makisama.

"Wala naman may namimiss lang akong tao," sagot ko sakaniya.

Bigla kong naisip ang mama ko, kamusta na kaya siya? panigurado ay hinahanap na niya ako. Nangilid ang aking luha sa naisip ko, miss na miss ko na siya at gusto ko na siyang makita.

"Hmmm? Sino naman, daddy mo?" He spoke.

"Okay lang yan, let's just enjoy the moment na magkakasama tayo. Sa sabado engagement party mo na, are you excited?" sabi niya sa akin.

Inilingan ko siya, totoo naman. Ayoko pa magsabado dahil sa sitwasyon namin.

"Why? Nakikita ko naman you are getting along to each other, tsaka sobra yung pag-aalala niya sa ginawa mo kanina ha." sabi niya sa akin. Tiningnan ko siya, I know that he's not serious on saying that.

"Getting along? Nagkakamali ka Chris, alam mo naman sigurong may girlfriend kuya mo diba?" sabi ko na kaniyang kinuotan ng nuo.

"Huh? How did you know? Pero ngayon hiwalay na sila, napag-usapan na nila yon ni Dad ah. Hindi pa ba niya yon binitawan? I must tell it-"

"Hoy napaka-sumbungero mo! Let your brother be happy, kahit naman ako ayoko din matuloy ang kasal." sabi ko sakaniya.

"Then why don't you tell it to your parents? Mas mahirap ikasal ng labag sa loob niyo," sabi niya sa akin.

"If I can, napakalaki ng utang namin sainyo." sabi ko ng maisip si Senyora na iniisip 'yon.

"Mapapakiusapan naman siguro, kaysa pilitin mo diba?" wika niya.

"I'm not against on you marrying my brother, I'm just concern. Mabait ka naman eh kaya okay ka na para sa akin pero kung ganiyan naman... hindi kayo magiging masaya dalawa," aniya.

Napaluha nalang ako sa sobrang frustration ko, it's not my parents. Nami-miss ko na yung totoong magulang ko, si mama. Ayoko na gusto ko na matapos ito, nafufrustrate na ako kay Evander dahil sa mga kilos niya, nape-pressure ako kay Senyora. Nagulat ako ng hinatak niya ako palapit sakaniya at niyakap ako ng mahigpit.

"It's okay Claire, cry it all out. Mahirap na tinatago 'yan," sabi niya sa akin at hinayaan ako umiyak.

"I want to give up Chris, I want to leave this paradise."

"You don't need to give up Claire, you just have to accept and face it. Kung ayaw niyo naman palang dalawa sabay niyong sabihin yan sa mga parents natin, knowing them alam kong hindi naman na nila yon pipilitin." He said cheering me up.

"Chris..."

Nagulat kami ng may nagsalita sa likod namin, pinunasan ko naman agad ang aking luha ng makita nga na si Evander ito.

"Kanina ka pa?" cool na tanong ni Chris. Umiling agad si Evander.

"No, I just want to inform you that our engagement party would be move next week, Dad wants to talk to Mr. De Marquez," sabi niya habang nakatingin sa akin.

"What? Claire may oras na kayo para sabihin sakanila," he seems so happy saying that.

"Kailangan ko na umalis Chris." sabi ko sakaniya.

Hanggang sa kaya ko, gusto ko iwasan si Evander. Alam kong galit parin siya sa akin, at tingin ko ay kung narinig pa niya ang pag-uusap namin kanina ni Chris mas lalo siyang galit ngayon.

"Can we talk?" Evander asked.

"Sige Kuya balik na ako sa mansion ah? Claire ingat! 'yung sabi ko sayo." He said before he left me with his brother.

Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, hindi ko naman din alam ang sasabihin ko sakaniya. Nagkatitigan kami ngunit iniwas niya agad at lumingon sa dagat.

"Claire," simula niya. Nagtaasan naman ang balahibo ko hindi ko alam bakit para akong nanlamig sa pagtawag niya sa totoong pangalan ko.

"I'm sorry for my actions and attitude towards to you," he said while staring at me.

"Anong nakain mo?" I laughed.

"Wala, I'm serious Claire." he said and I heavily sigh before I answer, he convinced me that he's serious so maybe he's just... truly sorry for what he's doing.

"Sorry din tsaka sa pakikinig sa pag-uusap niyo ng girlfriend mo-"

"Forget it, walang mangyayaring aalis Claire. If you have plans, I won't let you."

"Why suddenly change Evander? Asan na yung dating Evander? Labas mo!" sabi ko sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko ngayon.

"I want us to start again Claire," sabi niya sa akin.

Bumalik kami ng sabay pabalik sa mansion parehong tahimik, tanging mga insekto at huni ng ibon ang naririnig sa buong paligid. Para akong nabunutan ng tinik sa isipin na wala ng magsusungit sa akin araw-araw.

"Clarisse! I heard the news, okay ka lang ba?" ayan agad ang binungad sa akin ni Senyora, hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa pagiging concern niya o hindi kasi parte lang ito ng pag-arte niya.

"I... I'm fine," I spoke.

"I'm glad you're fine," she suddenly stares to the man behind my back.

"O'sige na hija, you look tired. Rest... because later I will call you for lunch," nginitian ko nalang siya at tumango tsaka umalis na narinig ko naman ang pagsunod sa akin ni Evander.

"Hatid ko lang po siya sa kwarto niya," sabi ni Evander ngunit di ko nalang pinansin.

Hanggang saan ang sinasabi mo Evander Achilles?

"I'll see you in lunch Claire, sleep well." He said and before he goes, we smiled at each other, I consider that would be the start of something new.

When I closed the door, I heard my phone rings, nakita ko na si Clarisse ito. Ang totoong Clarisse.

"Hello?" panimula ko.

"Claire, I'm going home next week."

"P-po? Anong araw po 'yon?" tanong ko.

"Basta, before my father go there. I want you to stay out immediately." She said while sobbing. I was about to spoke but she said something that make me realize that she's drunk.

"I made a big mistake Claire, dapat hindi na ako sumama sakaniya. He's cheating on me Claire! I hate him!"

"Paano po 'yon? Magpapakasal nalang po ba kayo kay Evander?" sabi ko.

Natahimik ang kabilang linya marahil ay nag-iisip.

"Yes, Claire."

Bigla akong nanlumo sa sinabi niya, kung si Evander naman ang pipiliin niya kawawa parin siya. May girlfriend si Evander at magmumukha lang kawawa si Clarisse sakaniya.

"Gusto kong ikwento mo lahat ng nangyari sa mansion Claire, lalo na kay Evander gusto ko siya makilala bago humarap sakaniya," sabi niya sa akin.

"Baka po magalit ang pamilya nila sainyo dahil sa akin."

"I'm going to explain my side Claire ako na bahala. What I promised to you will become true, and after that I want you to get out of my sight and don't let me see you again... are we clear?" I felt my knees tremble, so I sat on the bed feeling guilty and bad for myself.

"O-opo alam ko naman po 'yon at nami-miss ko na po talaga ng sobra ang mama ko." sabi ko sakaniya.

"You can go to your Mom, basta huwag ka lang magpapahuli sa kanila at huwag kang tatanga-tanga."

"I will," between my sobs.

Pinagkwento niya ako tungkol sa mga nangyari sa Mansion, kinwento ko naman lahat maliban sa pagkahulog ko sa kabayo at ang pangyayari kanina, baka sabihan niya pa ako ng tanga at bobo ay hindi ko na kayang tanggapin pa.

Matapos ang tawag ay minabuti kong mag-ayos at napagpasyahan makipagkita sa totoo kong nanay. Lumabas muli ako at nakita ko naman na ang mga katulong lang ang nasa labas, panigurado ay si Senyora ay nasa loob ng kaniyang silid at ang dalawa siguro ay nasa labas ng mansion. Pumunta ako sa kusina para maghanda ng pagkain, dadalhan ko ng pagkain ang aking ina panigurado ay nami-miss na niya ang luto ko.

"Clarisse?" tawag sa akin ng isang katulong dito.

"Anong ginagawa mo diyan?" sabi niya sa akin.

"Maghahanda lang po ng pagkain, ibibigay ko sa mama ko," sabi ko sakaniya at naintindihan naman niya agad ang aking tinutukoy at umalis na.

Nagluto ako ng adobo tsaka nagsaing na rin, kumuha ako ng tupperware nila at ng matapos ay nilagay ko na. Nagulat nalang ako ng may magsalita sa likod ko.

"Para saan yan Claire?" si Evander.

"A-ah p-para satin! Kasi gusto ko ako na yung magluto para sa atin." palusot ko.

"Bakit bihis na bihis ka ata? Where are you going?" tanong niya.

"Bakit ka ba puro tanong? Hayaan mo na nga lang ako gawin yung gusto ko!" sabi ko sakaniya at nang matapos ko ilagay lahat sa tupperware ay kumuha naman ako ng paper bag at duon nilagay.

Nagmartsa ako paalis sa harap niya ngunit hinuli niya ang braso ko.

"I want to know Claire, where are you going?" he seems serious about it.

"Sa kaibigan ko." palusot ko sakaniya.

"Can I go with you?" tanong niya na agad kong inilingan.

"No! I... I mean you can't... because we're all girls there and well," Even I can't continue on what I'm saying he nodded and maybe he realized what am I pointing.

"Ihahatid nalang kita Claire, no buts for now." sabi niya at hinila ako papunta sa garahe.

"Hindi mo na kailangan, magtatricycle nalang ako!" sabi ko.

"Tricycle? You have your Mansion Claire and you are still riding that?" tanong niya sa akin.

"Pake mo ba? Gusto ko road trip sa maingay eh. Bitawan mo nga ako," mahinahon kong sabi at baka marinig kami ni Senyora at mahuli ako.

He didn't listen to me. He made me go in to his car and lock it immediately with the remote on his hands. Hindi niya ako pinakinggan at pinilit talaga sa kaniyang gusto at ni-lock agad ito para hindi ako makatakas. Nag-isip naman ako kung saan niya ako pwede ibaba malapit sa kulungan.

"I don't know where the hell are you going, give me the directions Claire."

"Ayan sabi kasi sa'yo sa tricycle ako sasakay." He didn't reply but he looks so pissed while he moves the stirring wheel.

"Dumiretso ka lang tapos kanan ka." Tinuro ko ang lugar papunta sa park malapit iyon sa kulungan kaya doon nalang ako magpapababa.

Nang makarating kami ay agad kong tinanggal ang seatbelt ngunit hindi niya parin binubuksan ang pinto.

"Where's your friends?" tanong niya sa akin.

"On the way na sila Evander huwag mo na silang antayin pa. Tanggalin mo na yung lock," sabi ko sakaniya.

He heavily sighs before he opens his side door and open the door for me, I silently thank him for doing it.

"Sige na, Salamat sa paghatid," sabi ko na kaniyang tinanguan lang. Nagtaka naman ako na hindi parin siya umaalis.

"Bakit hindi ka pa umalis?" tanong ko.

"Maglakad ka na papunta sa mga kaibigan mo, pagnaka-alis ka na aalis narin ako," sabi niya sa akin.

"Okay, Ingat."

Tinanguan niya lang ako, at ako naman ay tumalikod na papasok sa park, iikutin ko nalang. Nang makita ko na siyang paalis ay lumihis narin ako at pumunta na sa mama ko.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
jen_26jen
Ang gulo ng kwento. Di naman sila kambal kaya paano kung babalik ang tutuong malditang clarisse tapos ano, si naman tanga si Evander para payag na sa engagement iba mukha na ng fiance niya. Siyempre iisipin na niloko sila.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status