Share

KABANATA 3

"Hmm.. magpapa-deliver ka ba or drive thru?" litong tanong ko. Eh kasi he asked me what I want, ’di ba?

Nangunot ang noo niya bago nag-iwas ng tingin. Mahina siyang tumawa at umiling. Tila ba musika sa aking tenga pati ang kaniyang pag-tawa.

"Damn, ang tanga," dinig kong bulong niya kaya nanlaki ang mata ko. Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas siya sa braso na ikinagulat niya.

"Sinong tanga, huh? Ako ba? Sinong tanga!" malakas na sambit ko.

Iritado siyang tumingin sa akin. "So noisy."

"Hoy, Nicholas! Huwag ko nga akong matawag-tawag na tanga riyan! Malay ko ba sa ibig mong sabihin? Pakilinaw, please!" inis na sigaw ko pa sa kaniya pero hindi na niya ako pinansin.

Nakasimangot kong sinabi sa kaniya ang address ng condo ko nang hingiin niya ito para doon niya ako i-drop. Kinulit ko pa siya tungkol sa tinanong niya pero hindi niya na ako pinansin. Panay ang tunog ng phone niya pero hindi niya ito sinasagot, siguro kasi nandito ako. Kunot na kunot din ang noo niya sa byahe namin at naiilang ako dahil pakiramdam ko ay nagagalit siya sa akin.

Bwiset, ano ba kasing meron doon sa nagtext sa kaniya at bigla siyang naging ganito?

Nagpasalamat ako nang maibaba na niya ako sa condo ko. Pagkababa ko ay bigla nalang niya pinaharurot ang sasakyan niya.

Atat na atat umuwi, ’te?

Sumalampak nalang ako sa kama ko pagkapasok sa unit ko. Nagpahinga lang ako saglit bago inayos ang mga gamit ko. Naligo na rin ako at nagbihis lang ng pantulog.

Gusto ko nang magpahinga. Habang buhay, chos.

Nilagay ko na rin sa notes ko ang mga nangyari kahapon at kanina. Nagchat ako sa gc namin na kararating ko lang bago ako natulog...

Iyon nga lang at binulabog na naman ako ng mga 'what if’s' sa utak ko. Isa talaga ’to sa problema ko tuwing gabi— ang pag-tulog. Iyong tipong kahit pagod na pagod at antok na antok na ako, hindi ko talaga magawang matulog nang maaga. Kailangan ko munang mapuyat bago ako makatulog.

Nagising ako nang magring ang phone ko. Tumingin ako sa orasan ng phone ko at nakitang sobrang aga pa! Putek, umaga na? Parang kakapikit ko pa lang, eh!

Kumalam ang tiyan ko at doon ko lamang naalalang hindi ako nakapagdinner kagabi..

"Ate Mel?"

Napahikab ako dahil medyo inaantok pa ’ko.

She just told me to go the mansion because Tita's waiting for me. She also asked their bodyguard to fetch me but I coldly told her I have my car.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Now, I’m wearing a white strapless crop top partnered with my cream cargo pants and white high-cut adidas. I also pulled my hair into a large messy bun. Black scarf ang ginamit kong panali at nagtira ng kaunting hibla ng buhok sa unahan.

Bakit ba kasi ako kaagad pinauwi nila Tita? May problema ba? Naku! Baka mamaya ipakasal nila ako sa anak ng business partner nila. Ganoon ang ibang mayayaman, ’di ba?

Pagkapasok ko sa sasakyan ko ay huminga muna ako ng malalim bago ito pinaandar. Huminto muna ako sa isang coffee shop para magbreakfast. Umorder lang ako ng tatlong garlic bread at water. I don't drink coffee. I mean... umiinom naman pero hindi lang ako mahilig.

"Good morning, Miss hope," nakangiting bati sa akin ng maid sa mansion ng mga Gabriel. Nagbow pa sila sa akin. Nginitian ko lang sila pabalik at binati rin.

Taas-noo akong naglakad papasok sa mansion. Pagkapasok ay nadatnan ko kaagad si Tita at Tito na nakaupo sa sofa at umiinom ng kape habang nanonood ng TV.

"Good morning," I greeted.

"Have a seat." Nilahad ni Tita ang upuan sa tapat niya. Ganito pa rin talaga, pormal. Parating akala ko tungkol sa business ang pinag-uusapan dahil masiyadong pormal. Kung hindi lang kami medyo magkamukha ni Tita, hindi mo aakalain na magkamag-anak kami..

"Thank you," pormal kong saad.

Humigop si tita sa kape niya bago nag-angat ng tingin sa akin at tumikhim. "I invited you here to inform you that we’re having a welcome party tomorrow."

Nagtaka ako. "Welcome Party? For whom?"

"For Paris," kalmadong sabi ni Tita sa ’kin.

Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. Buti pa sa pinsan ko ay nagagawa nila ito. Sa akin? Ni minsan nga hindi sila nagthrow ng birthday party para sa ’kin. Hindi na raw kasi ako bata. Pero bakit si Paris? Isang taon lang naman ang tanda ko sa kaniya! Nagsembreak lang naman, ah? Welcome party agad? Napaka-arte!

"Is that important?" kaswal na tanong ko. Sinamaan ako ng tingin ni tita.

"Ofcourse, Hope! You must invite your friends, too,"  seryosong sabi niya. Ano ba naman ’yan, bored na bored na ako rito. Wala man lang bang mas exciting na mangyayari sa buhay ko? Tss. Nakakatawa naman. Inistorbo nila ang pagtulog at pag-eenjoy ko para lang dito?

Kinausap pa nila ako na bukas daw ang welcome party. As if naman welcome siya rito. That Paris bitch. I hate her so much! Hate din siya ng mga kaibigan ko dahil sa ugali niyang napaka-arte at spoiled brat pa. Tapos puro luho pa. Well, kaaway ko na siya noon pa. Sila tita ang nag-alaga sa kaniya mula bata dahil parehong wala na ang parents niya. Lagi kaming magka-away at magka-agaw sa lahat ng bagay hanggang sa kalakihan na namin.

Umakyat muna ako sa kwarto ko. Simple lang ang style ng kwarto ko rito sa mansion ng mga Gabriel. Pinaghalong pink at purple ang theme ng kwarto ko dahil favorite color ko ang purple. May isa lang akong king size bed. Gusto ko kasi iyong malaki ang kama at kumportable akong gumalaw.

May dalawa rin akong side table na pink ang kulay. May sarili rin akong CR dito at may isa pang kwarto sa loob ng kwarto ko kung saan nandoon ang mga art materials ko at mga books and notebooks. Mahilig kasi ako magcollect ng mga notebooks kahit wala naman akong gagawin dito. Kasama na rin doon ang walk-in closet ko pero separated naman siya.

Nang maglunch na ay dinalhan lang nila ako ng pagkain. Sila tita ay umalis na, malamang para sa trabaho nila. Sobrang boring ng buhay ko kaya nakipagvideo call nalang ako kila Nicole.

["Oo, girl! Urat ako! Galit daw sa ’kin pero ang bait naman kapag kaharap ako?"] panchichismis ni Joyce sa pinsan niyang pinaplastik daw siya.

"'Yung puso mo, ’te!" Tumawa ako.

["Kaurat kasi! Ganda ganda ng mood ko!"] halatang inis na inis siya.

["Basher ngang tunay!"] sigaw ni Nicole sa kabilang linya.

"Hayaan mo na. Hindi talaga mawawalan ng basher sa buhay natin," natatawang sabi ko dahil ang panget ng itsura ni Joyce.

["Ang akin lang naman... Huwag niya sa iba sinasabi ’yung galit niya sa ’kin. Paano ko siya masasampal kung ganoon?"]

Kinabukasan ay maaga akong pumunta ulit sa mansyon ng mga Gabriel. Siyempre, nakabusangot ang mukha ko. Nadatnan kong lahat ay may kaniya-kaniyang ginagawa.

Malamang, dadating na ang special child. Este ang pinsan kong sobrang special kila tita.

Simple lang ang suot ko. Nude floral lace bodysuit na p-in-artner-an ko ng maong pants, nilagyan ko na rin ng black na belt kahit hindi naman maluwag para lang mas fit. Sandals ang suot ko na rose gold ang kulay. Ang buhok ko naman ay pinanatili kong nakaladlad.

Nakita ko rin si ate Mel na narito. Nginitian ko lang siya na sinuklian niya rin naman bago ako dumeretso sa kwarto ko para ilapag doon ang mini shoulder bag ko. Make-ups, charger, at wallet lang naman ang laman no’n. Pagkalabas ko ng kwarto ay saktong kakalabas lang din ng impakta.

"Oh... Hi, couz. Na-miss kita." Nakipagbeso siya sa akin kaya todo-iwas ako.

"Hindi kita na-miss, eh," pambabara ko sa kaniya.

Sumimangot siya.

"Aww. I have pasalubong pa naman for you." She sighed.

"Sa’yo na ’yan, hindi ko kailangan niyan."

Masisisi niyo ba ako kung bakit ako ganito sa kaniya? Punong-puno na ng inggit at selos ang katawan ko kapag siya na ang usapan.

"You’re so mean, Hope!"

Bakit biglang pumanget yata ang pangalan ko?

I only rolled my eyes and left her. Tumulong nalang ako sa pag-aayos. Maya maya pa ay dumating na ang iilang bisita. Nandito kami sa backyard namin dahil malawak dito. May mini stage pa, daming alam. Buti at hindi na enggrande ang pinagawa ni tita.

Umakyat na ako ulit para kunin ang phone ko at makipagchikahan sa mga kaibigan ko para siraan ang pinsan kong spoiled brat, char.

Pababa ako ng hagdan nang biglang magtama ang paningin namin...

Lev.

Bakit siya naririto? Invited siya? Iyong girlfriend niya kaya?

Pinanood ko ang pagbaba ng adams apple niya habang umiinom ng wine. Wala ako sa sarili habang pababa ng hagdan. May kausap siya pero nanatili ang tingin niya sa akin. Pakiramdam ko rin ay dinig ng lahat ang lakas ng pintig ng aking puso. Bahagya ring nanginginig ang mga daliri ko sa hindi malamang dahilan.

He's wearing a white button-down polo shirt. The first three buttons are opened and the sleeves are folded until his elbow partnered with black jeans and brown boots.

Shit.

Wala na, hulog na.

Hulog na hulog na.

At ang sakit ng pwet ko kasi nahulog ako sa hagdan!

Napangiwi ako habang hawak ang pwet-an ko ang paa kong natapilok pa yata.  Bakit ba kasi sila nandito? ’Di ba dapat nando’n sila sa backyard?

God, nakakahiya.

"Hindi rito ang swimming pool, miss!" Lumapit sa akin ang lalaking kausap ni Levi kanina.

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko tinanggap ang kamay niyang nakalahad at tumayo mag-isa.

"I know!" inis na sigaw ko sa kaniya.

Tumawa siya. "Eh, bakit ka lumalangoy riyan?"

Hahampasin ko sana siya kahit hindi kami close nang tumakbo siya sa likod ni Levi at parang batang nagtago. Napangiwi na naman ako nang maramdaman ang pagkirot ng puwet-an ko.

"Papa Lev, niaaway ako!" nakangusong sabi niya at nakaturo pa sa akin. Napanganga nalang ako sa inakto niya.

"Para kang bata! Sino ka ba and what are you doing here?" inis na sabi ko.

Napahiya na nga ako kanina tapos nang-asar pa siya!

Tiningnan siya ng masama ni Levi kaya umayos siya bago ako binalingan nito.

"So, that’s your way of welcoming your visitors," malamig na pahayag niya sa akin.

Umakyat ang dugo ko sa mukha dahil sa sinabi niya. Bahagya akong napaatras at napatingin sa ibaba. Umurong bigla ang tapang na ipinakita ko sa lalaking isip-bata. Nakakahiya talaga! Bakit sa harap niya pa? Bakit kasi ang gwapo ng isang ’to?

"Excuse me? You’re not my visitor. This is not my party, duh?" Lakas-loob na pahayag ko. Nag-angat ako ng tingin at tinaasan sila ng kilay.

"Luh! ’Di tayo visitor?" singit ng bata. "Hala! My mom will scold me because she taught me not to go to any parties when I wasn't invited! Let’s go home, Lev!"

He’s so annoying. Parang bata talaga! Hindi naman siya cute! Napairap ako sa inasta niya. Mapaglaro ang mga ngiti niya at unang tingin palang ay halatang maingay na.

"Baliw ka ba, ha, bata?" I stepped forward and tried to pull him closer hut he immediately hid himself behind Levi.

"Hindi ako baliw, ah! Baka ikaw?" Sumama ang mukha ko pero dinugtungan niya ang sasabihin niya. "Baliw na baliw kay boss Levi mapagmahal!"

"Shut up, Cedric," eryosong sabi ni Levi sa kaniya.

"Ano na namang ginawa ko? Totoo naman! Ikaw kasi, boss, ba’t mo naman tinitigan? Nailang tuloy at nahulog sa’yo--- sa hagdan pala hehe! Sige sibat na ’ko!" biglang sabi niya nang akmang hahablutin ni Levi ang kuwelyo niya tska mabilis na umalis.

Pinindot-pindot ko ng mahina ang ilong ko gamit ang dalawang hintuturo ko dahil kinakabahan ako. Ganiyan ang palagi kong ginagawa kapag kinakabahan ako. Palinga-linga rin ako kung saan.

Ano bang gagawin ko? Ang awkward! Dati, lagi naman ako may naiisip na topic kapag lumalandi ako! Tapos sa kaniya-- jusko. Tinanggalan na yata niya ako ng dila.

"Uhmm.." Tumaas ang kilay niya sa akin. Ano ba ’yan! Hindi man lang ba siya na-a-awkward-an?

"I have a girlfriend, young lady," deretsong aniya at napakurap naman ako.

C-in-a-reer masyado ang pagtawag ng young lady, ah?

j"I know." Iniwasan ko ang tingin niya. He put his wine glass on the table beside us without taking his gaze off of me. Napaatras ako ng bahagya dahil doon.

Sobrang lapit ng mukha niya kaya namoy ko ang hininga niyang pinaghalong mint at wine.

"W-what..." hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil lalo pa siyang lumapit. It made my knees tremble. Naramdaman ko ring nagpipigil pala ako ng hininga. Pakiramdam ko, kaunti nalang ay matutumba na ako.

"How did you know?" mahinang tanong niya na halos hininga nalang niya ang maririnig.

"J-jinx told m-me..." nahihirapan at utal-utal na ani ko.

Ano bang trip niya at bakit ganito siya kalapit sa akin?

"What are you planning?" Napalitan na ng galit ang mga mata niya at nag-iigting ang kaniyang panga.

Kumunot ang noo ko at humugot ng malalim na hininga bago siya lakas loob na tinulak ngunit inubos niya yata ang lakas ko dahil gumalaw lang ang balikat niya. Umayos ako ng tayo at tiningnan siya.

"Ano bang sinasabi mo?" nagtatakang tanong ko.

Tumingin siya sa kanan niya. Sarkastikong umangat ang labi niya at muli akong tiningnan.

"Don’t play innocent, young lady," Malalim ang boses na saad niya.

"Ano bang sinasabi mo, ha? Anong don'l’t play innocent? I don’t get it!" naiinis nang sabi ko.

Bakit ba hindi nalang niya ako deretsahin? Pa-suspense pa!

Lumayo siya ng kaunti at bumalik sa pwesto niya kanina. Nagsalin siya ng wine at deretso iyong ininom.

"Hoy! Ba’t ba ang dami mo pang paligoy-ligoy riyan?" tinapik ko pa ang balikat niya.

Kunot na kunot ang noo niyang nakatingin sa akin. Luh, ang gwapo pa rin? Parang anumang oras ay kakainin niya ako sa tingin niya.

Kakainin? Bet.

"I gotta go." ’Yun lang ang sinabi niya at bago pa ako makapagsalita ay nilayasan na niya ako.

Napabuntong-hininga nalang ako. Ano pa bang gagawin ko rito?

"Grabe, couz. Talagang sinadya mo pang mahulog sa hagdan para mapansin ka ng gwapong yun, ha?" napairap na naman ako sa kawalan. Tanga ba siya?

Hindi naman ako ganun ka-desperada para magpakahulog sa hagdan para lang mapansin nila ako! Kaya ko namang gumawa ng paraan para pansinin nila ako nang hindi nasasaktan ang puwet ko!

"Anong pakialam mo?"

Inirapan nalang niya ako at pakembot-kembot na umalis. Nairita din ako sa tunog ng heels niya na alam kong sinadya niyang lakasan. Mabali sana ’yan.

Ay oo nga pala! Nakalimutan ko nang makipagchikahan kila Nicole. Badtrip kasing hagdanan ’yan, hindi tumitingin sa dadaan!

Ilang araw ang dumaan at nakauwi na rin sila Nicole. May dalawang araw pa bago bumalik ulit sa klase kaya pagkauwi nila ay nagyaya kaagad sila ng inom.

Malakas ang sound system na sumalubong sa akin pagkapasok ko ng bar. Nandito na raw sila at kami nalang ni Althea ang wala. Nagsuot lang ako ng orange crop top at high waisted maong shorts tapos black boots.

"Asan na si Thea?" tanong ko pagkarating. Inabutan kaagad ako ni Joyce ng isang baso ng Bacardi. "Kalma, kakarating ko lang."

"Letseng ’yun! Kanina pa raw siya otw. Nakarating ka na’t lahat, wala pa rin," sabi ni Cristel.

Natawa naman ako. Na-scam na naman sila ng 'otw' na ’yan.

"Baka naman kasi on the water ang ibig-sabihin ni tanga?" natatawang sabi ko sabay tungga sa baso. Napangiwi pa ako nang maramdaman ang pag-guhit nito sa lalamunan ko.

"Hanap lang ako ng papabells!" sabi ni Nicole at hinatak si Cristel paalis. Nagkanda-tapon-tapon pa ang laman ng bote ni Cristel.

Nanatili lang muna kami sa table nila Denise at Joyce. Nakakailang shot na ako nang dumating si Althea. Agad siyang ginisa ng dalawa pero tinawanan niya lang sila at deretsong ininom ang inabot sa kaniya ni Denise. Kwentuhan lang kami nang kwentuhan habang umiinom.

Maya maya pa ay nakaramdam na ako ng hilo sa dami kong naiinom. Bwiset na Joyce ’yan! Sunod-sunod ang pag-abot sa akin ng baso. Hindi ko lang natatanggihan dahil nalilibang ako sa kuwentuhan namin.

Tumayo ako at agad umikot ang aking paningin dala ng pagkahilo.

"Gagi, p’re, nalindol." Pinakiramdaman ko pa kung lumilindol ba talaga.

"Tanga, shenglot ka lang!" nagtawanan sila Joyce.

"Oh." Inabutan ako ulit ni Joyce ng baso kaya deretso kong nilagok iyon.

"Dance floor!" yaya ko at hinatak silang tatlo pero nagpaiwan si Althea. Nagpunta kami sa dancefloor.

Natawa pa ako nang makita kong nagpapagalingang magtwerk si Nicole at Joyce. Mukha silang tanga, swear!

Naramdaman kong may sumasayaw sa likod kkkaya nilingon ko siya. Wow, heaven!

"Hi! I'm Eric."

May sinabi siya pero hindi ko siya marinig kaya lumapit ako.

"What!" sigaw ko.

"I‹m Eric! Ikaw?"

"Gwyneth! Call me Gwy!" sigaw ko pabalik. The next thing I knew ay nakikipag-makeout na ako sa kaniya. Sa kalagitnaan ng ginagawa namin ay may demonyong humatak ng buhok ko.

"Gaga ka! Mamaya ka na lumandi. Passed out na si Denise!" Aray! Letseng Nicole ’to! Nakitang nag-eenjoy ako tapos hahatakin buhok ko!

Lalo yata akong nahilo dahil sa paghatak niya sa akin at idagdag mo pa ang iba’t-ibang kulay ng ilaw sa loob ng bar.

Sakit sa ulo!

"Pre kashi. Ang hirap hirap na, gushto ko nalang mataposh toh.."

"Ba’t umiiyak na ’yan?" turo ni Nicole kay Althea na umiiyak habang nakasubsob ang mukha sa table.

"Napuwing lang veh," sarkastikong sabi ni Joyce.

"Tanga, ’di siya napuwing! Alam mo naman. Lasing na ’yan kaya nagdadrama." Tumawa pa si Cristel. Halatang hilo na rin siya.

Inabutan ako ni Joyce ng isang baso kaya ininom ko na. Biglang umikot ang sikmura ko at anytime, alam kong magsusuka ako!

Dali-dali akong tumakbo papuntang cr at wala na akong pakialam kung madumi ang sahig. Lumuhod ako para makasuka sa bowl. Nakailang suka ako bago ako tuluyang tumayo at nagpunas ng tissue. Pagkalabas ko ay muntik pa akong matumba pero napahawak ako sa dingding.

Pabalik na ako sa table namin nang may tumawag sa akin. Nanlalabo ang paningin ko kaya hindi ko siya masyadong makita pero pamilyar ang boses niya.

"Wasted ka na, ’tol!" sabi niya at tinapik ng mahina ang pisngi ko.

Si Aaron pala.

"Send water," sabi ko.

Tumawa siya bago umalis para kumuha ng water. Ugh, I need to sober up. Bumalik din siya kaagad at binigay sa akin yung tubig. Buti at hindi ako nakaramdam ng pagsusuka nang inumin ko ang tubig.

"Iuuwi na kita, Gwy," sabi niya at inakay ako pero napahinto ako nang may maalala.

"Wait! Sila Nics pala, hahanapin ako no’n!" sabi ko.

"I’ll just text them. Wala ka bang naiwang gamit sa table niyo?" tanong niya at napaisip naman ako. Wala naman akong dalang kahit ano bukod sa phone ko at wallet ko.

"Where’s my phone?" mahinang usal ko at hinanap sa bulsa ko pero wala ito. Nakapa ko ang wallet ko pero wala ang phone ko. Nanakawan pa yata ako!

"Tsk. Bumili ka na lang ng bago," sabi niya at tumawa.

Binatukan ko siya. "Importante ’yung laman nun, A!"

Napakamot siya sa ulo. "Eh, anong gagawin ko? ’Yan inom pa kasi. Ba’t pa kasi nagdadala--"

"Look, I don’t need your damn lecture right now. I need my phone, ugh!" Tumakbo na ako para maka-balik sa table. Muntik pa akong madapa pero inalalayan ako ni Aaron na nakasunod pala sa akin.

"Hinatid na ni Althea si Denise pero babalik daw siya--" napatigil si Joyce.

"Where’s my phone?" I asked.

"Eh? Ewan ko sa ’yo. Saan mo ba nilagay?"

"Idk either!"

Napahanap din siya. Grabe, ’di ba siya marunong malasing? Mapungay na ang mga mata niya kaya alam kong may tama na rin siya pero nasa katinuan pa rin naman siya.

"Wala, gaga ka!" sabi niya at mukhang nahilo dahil sa paghahanap. "Baka naisuksok mo sa dibdib mo!"

"Tanga, walang pagsusuksukan!" Tumawa siya pero hindi ko naman naintindihan ang sinabi ko. Focus ako masyado sa paghahanap ng phone. Bwiset!

Pinagpapawisan na ako nang biglang magsalita si Aaron na umiinom na pala ngayon.

"Contact-in ko lang." Napatigil ako sa sinabi niya at sinabunutan ko siya.

"Alam mo yung utak mo dapat binebenta na ’yan para naman may kwenta!" sigaw ko sa kaniya.

"Aray! Aray! Masakit, Gwy!" binitawan ko siya. "Wow, ah? Ikaw nga hindi mo naisip eh!"

Oo nga, ’no? Bumungisngis si Joyce sa aming dalawa. May kakaiba sa ngiti niya, ah? Binibigyan yata kami nito ng malisya, eh!

"Nagriring pero walang sumasagot," sabi ni Aaron. Napapadyak ako sa inis. Nagpaalam nalang kami kay Joyce. Gusto ko nang magpahinga eh, inaantok na ’ko.

Sa byahe ay patuloy ko pa rin tinatawagan ang phone ko pero wala talagang sumasagot. Tss, ka-badtrip! Importante sa akin ’yun!

May nadaanan kaming lugawan kaya hininto niya ang sasakyan at umorder ng dalawa. Nagpangalumbaba lang ako habang hinihintay ang lugaw. Nahihilo pa rin ako kaya kailangan ko talaga ng mainit ngayon. Mainit na sabaw, okay?

"Bakit ka pala nandoon? Who’s with you?" tanong ko kay Aaron na kino-contact pa rin ang phone ko.

"Mga pinsan ko sa side ni mama." Tumango lang ako sa kaniya. Bakit kaya hindi niya sinama sila Jinx?

Maingat niyang inabot sa akin ang lugaw. Tahimik lang kaming kumakain. Hindi naman kasi maingay na tao si Aaron. Maloko rin pero hindi kasing ingay ng bunganga nina Jinx, Zeus, Luis, Kyle at Kurt. Sa buong squad namin ay si Aaron at Adrian talaga ang behave.

Hinatid na ako ni Aaron sa condo. Bumalik na rin naman ako sa katinuan matapos kumain ng lugaw. Inayos niya ang kama ko. Hinalikan muna niya ako sa noo bago umalis. D-in-ouble check niya pa nga ang pinto kung naka-lock. Hindi kaagad ako nakatulog.

Bigla na lang akong natawa habang nakatulala. What am I doing with my life? I thought I was healed and already got out from the dark. I’m on the verge of losing my self again.

Ni hindi ko alam kung anong problema ko. I don’t feel anything but emptiness. Pero hindi ko maipagkakaila na kahit malungkot sa gitna ng dilim, nagagawa ako nitong pakalmahin.

Shhh... It’s okay, self. You’ll get through this. You’ll get better.

Naalala ko rin na parati akong tinatanong ng mga kaklase ko kung bakit ang hilig kong mag-inom. May iba’t ibang paraan kasi tayo kung paano dadalhin ang ating problema. May gustong mapag-isa, may gustong magpakasaya kasama ang mga kaibigan para malibang, may mag-aadik, may tinutuon na lang sa pag-aaral, may nagkekwento, at kung ano-ano pa.

Ako? Tumatakas at pinipilit maging masaya. Lagi kong sinasabi na nakawala na ako sa hawla, na masaya ako, na wala akong problema. Pero ang totoo... sinusubukan ko lang kumawala. At alak ang nakikita kong makakatulong sa akin.

Hindi masarap ang pakiramdam na nahihilo. Hindi rin masarap ang lasa ng alak pero... Masarap ang pakiramdam na malasing kapag may problema. Lalo na’t nalalasahan mo ang pait, hindi lang ng alak kundi pati na rin ng buhay.

Kapag lasing ka, lumalakas ang loob mo na gumawa ng kalokohan. Masarap malasing lalo na kapag may mga kaibigan solid kasama. Doon mo kasi malalabas ang problema... minsan ang tunay pang ikaw.

Siguro para sa iba, ang weird namin kasi marami namang puwedeng bagay na pagtuunan ng pansin para makatakas sa problema. Pero hindi kasi nila naiintindihan. Gaya ng sabi ko, may kaniya-kaniya tayong dahilan kung bakit natin ginagawa ang mga bagay.

Habang nakatulala sa kisame ay pumasok muli sa isip ko ang mga sinabi at ginawang kilos ni Levi.

Hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya. Feeling niya ba ay may plano akong agawin siya sa girlfriend niya? Hell, no! Mang-aagaw lang ako ng jowa ng iba kapag hindi na kumkislap ang mga bituin.

Napansin kong tahimik siya at hindi approachable. He’s so damn mysterious. Dahil doon ay mas lalo akong nagiging interesado sa buong pagkatao niya. Sa pananahimik niya ay mas nagugustuhan kong malaman pa ang nga bagay na hindi niya magawang ipakita sa iba. Levi, ikaw yata ang kauna-unahang libro na nahirapan akong basahin.

I silently prayed before closing my eyes...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status